INICIAR SESIÓN"Hmp bahala ka dyan!" Inis na sabi niya pero ang totoo ay nakokonsensya din siya. Bakit kasi hindi niya matago ang kanyang inis? Pwede naman siyang magkunyaring hindi nagagalit. Masyado siyang transparent sa kanyang nararamdaman.Hindi nagtagal ay nakita niya si Felix na lumabas ng bahay at nakabihis na ito ng pantalon at puting t-shirt. Para itong binata at hindi gobernador.“Dad, saan ka pupunta?” tawag ni Elijah.“Ah, something came up. Ipagpatuloy n’yo lang dyan,” sabi nito saka mabilis na sumulyap sa kanya.“Sige, Dad, ingat ka. Balik ka agad ha, hihintayin ka namin.”“’Wag n’yo na ako hintayin, gagabihin ako.”“Ganun ba. Sige.”Muling bumalik ang kasiyahan ang mga ito nang hindi man lang napansin ang pag-iwasan nila ni Felix. Naroon lang siya, kunot-noo habang pinagmamasdan si Felix na papalayo. Hindi man niya gustuhin, napapailing siya sa sariling reaksyon."Bakit ba ako ganito?"Kanina lang, inis na inis siya, pero ngayong bigla itong umalis, may kumurot namang hindi niya main
"Iha, bakit di ka sumama sa kanila maligo? Hayaan mo na ako dito. Nag-eenjoy akong makitang masaya kayo." sabio ng kanayang lolo."Dito lang ako, Lo. Alam mo namang hindi ako sanay maligo sa pool. Babantayan ko na lang po kayo dito.""Bakit mo ako babantayan? Madaming nakabantay sa atin na mga bodyguards sa buong bahay. Hindi mo kailangan gawin 'yan.""Hmp, ayaw mo ba akong kasama dito?" kunyaring drama nya"Hahaha… hindi naman sa gano'n, apo. Mag-enjoy ka din katulad ng anak mo at mga kaibigan nila.""Nag-eenjoy naman ako dito.""O s'ya, hindi na ako makipagpilitan sa'yo kung ayaw mo. Masahihin mo na lang ang paa ko kung ayaw mong maligo kasama nila.""Hahaha… sige, lolo..." Mabilis siyang tumugon sa utos ng abuelo. Palagi itong naglalambing sa kanya na magpamasahe. Magaling daw kasi ang kamay niya, magaan at nakaka-relax.Inumpisahan niyang masahihin si lolo sa mga paa nito. Para itong boss na painom-inom pa ng juice habang nagre-relax.Napatingin siya sa pool, ang ingay ng mga iton
Pagkatapos nilang kumain ay muli siyang tumulong para maglinis ng lamesa. “Hayaan mo na kami dito, Ma’am Elise. Inaagawan mo na kami ng trabaho. Baka masermunan pa kami ni Gov,” biro ni Manang Lydia. “’Oo nga naman, Ma. Tara na sa taas nang makapagpalit ka na ng swimsuit,” pilit ni Paulette. “Naku sabi ko naman ayaw ko ng mga ganito!” sagot niya, halatang naiilang. “Bakit sa China ang swimsuit ka naman?” kontra ni Paulette. “Sa bahay natin ’yun… saka parehas tayong babae lahat. Dito nakakahiya.” “Wag ka na mahiya, Tita. If you have it, flaunt it,” nakangiting sabi ni Bhel. “Saka bata ka pa naman. Parang magkakapatid lang kayo ni Paulette.” “Eh ayaw kong maligo.” “Stop it, Ma. Makisama ka na lang dito, nakakahiya naman sa kanila.” Natahimik siya. Wala na siyang naisagot. Sumunod na lang siya at umakyat sa kwarto nila. “Here, Tita, I have another swimsuit. Bagay ’to sa’yo,” sabi ni Bhell habang inaabot ang pulang two-piece. “Naku, iha, hindi na ako bagay diyan. Pang-model lang
Nang matapos na ang kanilang pagluto ay tinulungan niya na rin mag-ayos ng lamesa si Manang Lydia. May iba pa namang katulong doon pero nag-insist siya na tutulong. Sa garden sila nag-set up ng lamesa dahil basa ang mga ito sa pag-swimming.“Ang saya pala dito, parang may party palagi.” natatawang sabi niya.“Kay dito na lang kayo tumira, Tita. I don’t mind, and I’m sure Dad won’t mind too.” biro ni Elijah.Namula siya sa biro nito. Pero saan nga ba si Felix? Nag-uumpisa na silang mag-lunch ay wala pa ito. Nahihiya naman siyang magtanong kay Elijah kung uuwi ang daddy nito sa lunch.Habang kumakain ay nagulat siya nang may nagsalita sa kanyang likuran.“Am I late for lunch?”Biglang naningas ang kanyang katawan. Naramdaman niyang sobrang lapit ni Elijah sa likod niya. Gusto niya itong lingunin pero pinigilan niya.“No, Dad, you're just on time. Umupo ka na.”“Bakit andito na naman ang mga asungot?” iritang sabi nito sabay isa-isang tingin sa mga kaibigan ni Elijah.“Tito, hindi ka pa
Naramdaman niya agad ang biglang pagbigat ng dibdib. Parang may malamig na hangin na dumaan sa pagitan nila ni Felix. Kahapon lang, ramdam na ramdam niya ang pag-aalala at pag-aalagang ipinapakita nito… pero ngayon? Parang isa lang siyang bisita sa bahay.Hindi niya namalayang napabuntong-hininga siya. Hindi naman siguro siya dapat masaktan. Siya naman ang tumanggi, ’di ba? Kaya ano bang inaasahan niyang trato mula kay Felix? Na ngingitian pa rin siya nito? Lalapitan? Tatanungin kung kumusta ang tulog niya?“Ma? Are you okay?” tanong ni Paulette, napakunot ang noo habang tinitingnan siya.“A-ah, oo… inaantok pa ata ako, sandali at magtitimpla lang ako ng kape.” pilit niyang ngiti.“Wag ka na tumayo tita, papahatiran na lang kita ng kape dito.” sabi ni Elijah“Okay lang, iho. Gusto ko din kasi ang lakad-lakad.” aniya at tumayo, gusto niya munang lumayo para hindi mapansin ng mga ito na may dinaramdam siya.Pagdating sa kusina ay nakita niya si manang Lydia na naghahanda para sa lunch.
"W-wag ka nga magbiro ng ganyan Felix!" nahihiyang sabi niya.“K-kung… kung sakali, papayagan mo ba akong liligawan ka, Elise?”Doon na siya natahimik. Hindi na ito pahaging lang. Diretsahan na siyang tinanong ni Felix. Ano ang isasagot niya? Alangan namang OO… paano naman si Paulette? At kung HINDI naman, paano naman siya? Ang hirap ng sitwasyon niya!“M-magkarelasyon ang mga anak natin, Felix. Hindi maganda na liligawan mo ako. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao?” mahina niyang sabi.Sandaling tumahimik si Felix. “K-kung ganun… basted ako?”Hindi siya nakasagot.“Sorry... pasensya ka na sa akin. Masyado ata akong mabilis. Pero naiintindihan ko, Elise. It’s just that ngayon na lang ulit ako nagka-interes sa isang babae pagkatapos mawala ang asawa ko. Pero mukhang tama ka… hindi nga pwede.”Gusto niyang bawiin ang kanyang sinabi, gusto niyang sabihin na pwede naman nilang itago ang kanilang relasyon na hindi malalaman ni Paulette at ni Lolo Li… pero hindi niya alam kung paano sasa







