DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME

DIVORCING THE BILLIONAIRE WHO NEVER LOVED ME

last updateLast Updated : 2026-01-11
By:  dyowanabiUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
17Chapters
119views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nang dahil sa isang car accident na kinasasangkutan ni Mayumi Santillan at ng first love ng kanyang asawa na si Xavier Valerio ay nawala ang kanyang anak sa kanyang sinapupunan. Hindi pa alam ni Xavier ang tungkol sa kanyang pinagbubuntis dahil palagi itong nakatutok sa first love nitong si Ysabel Cotez. Oo, isang kasunduan lang kung bakit sila kinasal ni Xavier. Sa limang taong pagsasama nila ay hindi man lang siya nito nakuhang mahalin. She knows that Xavier doesn’t love her at hindi na niya kayang tumagal pa sa piling nito. “Xavier... I want a divorce!” “WHAT???” Sandaling natigilan si Xavier. Iniisip kung tama ang kanyang narinig. “You heard me, Xavier. I want a divorce.” “Mayumi, what game are you trying to play now?” “I’m serious!” “Xavier, pinapalaya na kita na makasama si Ysabel nang tuluyan. Nakikipag-usap na ako sa abogado. Andito ako sa ospital room sa itaas. Pumunta ka dito at pag-usapan natin ang tungkol sa diborsyo.” Pero bago pa siya makapagsalita ay pinutol siya ni Xavier. “Wala akong oras!” mabilis nitong sabi saka pinatay ang telepono. Nakatitig lang siya sa kanyang telepono. Bakit may pakiramdam siyang umiiwas si Xavier sa usaping diborsyo? Could it be… NO!… wala siyang pakialam sa akin. Hindi niya ako mahal at hindi kailanman mamahalin…

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

“Sir Xavier, delikado pa ang lugar ng aksidente. Hindi po kayo puwedeng pumasok! Nakipag-ugnayan na po kami sa rescue team. Darating na ang ambulansya anumang sandali.”

“Sir Xavier…”

“Umalis kayo sa harapan ko! Kapag may nangyari sa kanya dahil sa pagkaantala, sisiguraduhin kong mananagot kayong lahat!”

*****

Sa gitna ng nag-uumapaw na ingay, isang galit na sigaw ang dahan-dahang gumigising kay Mayumi Santillan mula sa kawalan ng malay dulot ng car accident na kanyang kinasasangkutan.

Pinilit niyang imulat ang mga mata at nakita ang isang pamilyar na pigura na tumatakbo palapit sa kanya, para itong diyos na bumababa mula sa kalangitan. Napuno ng luha ang kanyang mga mata dahil sa galak.

Naipit siya sa nakataob na sasakyan, hindi niya alam kung ilang minuto o oras na siyang naroon.

Akala niya ay hindi na darating si Xavier. Bago ang aksidente, nagkaroon sila ng pagtatalo. May plano sana silang magkita sa kumpanya noong gabing iyon, pero biglang kinansela iyon ni Xavier matapos makatanggap ng tawag sa telepono kinaumagahan, at simula noon ay hindi na nito sinasagot ang lahat ng tawag niya.

Nang mangyari ang aksidente, ginamit niya ang huling natitirang baterya ng kanyang cellphone upang ipaalam kay Xavier ang nangyari sa kanya. Inakala niya, gaya ng dati, na babalewalain na naman nito ang message niya… but he is here now, ready to save him.

“Hang on, baby. Daddy is here…” sabi niya habang hinihimas ang umbok sa kanyang tiyan.

Napatingin siya sa dugong patuloy na umaagos sa mga binti niya. She is scared, of course, pero konting panahon na lang ay mare-rescue na siya.

Nahihilo na siya sa pagkawala ng maraming dugo sa kanyang katawan, pero konting minuto na lang ang hihintayin niya.

Gusto niyang sumigaw at tawagin ang pangalan ni Xavier, pero natuyot na ang kanyang lalamunan kaya’t walang tunog na lumalabas.Pero hindi na iyon mahalaga, ang importante ay natagpuan na siya ni Xavier.

Marahan niyang inangat ang braso at pilit na kumaway…

Ngunit sa kanyang pagkabigla ay nilampasan siya ni Xavier. Ni hindi man lang ito huminto at nagpatuloy sa paglalakad.

Naguluhan siya, napagkamalan ba ni Xavier na ibang tao siya? Hindi niya kasi minamaneho ang kotseng pag-aari ng pamilyang Valerio sa araw na iyon. Ginamit iyon ng hipag niya. Ang kotseng dala niya ay regalo ng kanyang ina. Bihira niya iyong gamitin kaya normal lang na hindi ito nakilala ni Xavier.

Wala na siyang oras para mag-isip ng kung ano-ano. She tried calling his name to get his attention… pero wala.

At dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo sa kanyang binti, naubos na ang kanyang lakas. Maging ang pagsasalita ay hindi na niya magawa.

Hindi siya narinig ni Xavier. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa marating ang puting kotse na naging sanhi ng aksidente.

Bago pa man siya makapag-react, binuksan nito ang pinto at kinarga ang isang nanginginig na babae.

Ang babae ay nakasuot ng mahabang coat, payat at sopistikada, may nakakabighaning ganda na agad na makukuha ang atensyon ninuman.

Nang makita niya ang mukha nito, pakiramdam niya ay nahulog sya sa isang nagyeyelong bangin.

The girl is no other than Xavier’s first love… Ysabel Cortez!

Bigla niyang naalala kung paano biglang lumiko ang kotseng sakay nito kanina. Hinahabol siya na parang baliw. Ni hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makaiwas. Ang kotse nito ay nasa gilid ng kalsada, samantalang ang sa kanya ay nakataob. Pero bakit parang ito pa ang mukhang kawawa?

At ang sarili niyang asawa ay yakap-yakap ang ibang babae, samantalang siya ay halos nag-aagaw-buhay na!

Hindi nya lubos maisip kung bakit biglang umuwi ng bansa si Ysabel, ang alam niya ay nasa abroad ang dalaga. At bakit tila nagkataon naman na si Ysabel pa ang bumangga sa sasakyan niya?

Iwinaksi niya ang mga naisip. Ang mahalaga ngayon ay ma-rescue siya at ang kanyang anak.

Habang pilit niyang kinakatok ang bintana, napansin ng isa sa mga bodyguard ni Xavier ang paggalaw sa loob ng sasakyan niya. Mukhang nakilala nito ang kotseng gamit niya. Muli siyang sumigaw, pero wala pa ring boses na lumalabas sa bibig niya.

“Sir, may tao pa po sa loob ng sasakyang iyon!” narinig niyang sigaw ng bodyguard ni Xavier.

*****

Napalingon si Xavier Luis Valerio sa kotse na itinuro ng kanyang bodyguard. Ang babaeng nasa loob ay puno ng dugo at patuloy pa sa pagdurugo. Pero sa kabila ng dugong bumabalot sa mukha nito ay tila pamilyar ang babae sa kanya.

Natigilan siya, akmang lalapitan ang kabilang kotse, nang biglang umungol sa sakit ang babaeng hawak-hawak niya… si Ysabel Cortez.

Bigla siyang nataranta. “Nasugatan si Ysabel! Dalhin natin siya sa ospital!” sigaw niya sa kanyang mga bodyguard.

“Pero, sir… paano ang babae sa kabilang kotse?”

Hindi na nito tinuloy ang sasabihin dahil sa takot sa kanyang mga titig. Wala itong nagawa kundi sumunod sa utos nya.

“Sige po, sir… tara na po sa ospital…” sambit nito.

****

Walang habas na tumutulo ang mga luha ni Mayumi. Wala siyang nagawa kundi panoorin si Xavier na sinulyapan lang siya bago muling naglakad pabalik sa kotse nito at buhat-buhat si Ysabel.

“Xavier! Iligtas mo ako! Iligtas mo ang anak natin!…” Inubos niya ang buong lakas sa pagsigaw, pero hindi pa rin iyon sapat. Walang kahit sinong pumansin sa kanya. Mabilis na umarangkada ang sasakyan ni Xavier, karga si Ysabel sa loob.

Wala na siyang nagawa kundi panoorin habang unti-unting naglalaho ang kotse papunta sa malayo. Pilit niyang nilalabanan ang pag-pikit ng mga mata kahit pa matinding sakit at kirot na ang nararamdaman sa buo niyang katawan.

Nang hindi na niya nakayanan, dumilim ang lahat sa paligid at muli siyang nawalan ng malay.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

reviews

CellieA
CellieA
another story na aabangan... congrats Ms. A...
2026-01-12 10:57:49
0
1
17 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status