FAZER LOGINTwelve million pesos. Iyon ang halaga ng utang ng pamilya ni Calessia Zerdan, at ang presyong nagdala sa kanya sa poder ng CEO na si Marc Landon Belmonte. Sa ilalim ng isang personal service contract, kailangan niyang sundin ang bawat utos ng lalaking kilala sa pagiging walang awa. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, nagiging mas mapanganib ang relasyon nila, lalo nang magsimulang mabura ang linya ng kontrata at pag-ibig. Hanggang may bumalik mula sa nakaraan, dala ang katotohanang kayang sumira sa lahat. Mapipilitan si Calessia na pumili… kalayaan, o ang lalaking una pa lang, hindi niya dapat minahal.
Ver maisNgayon ko mas naintindihan kung bakit minsan mas ligtas ang manahimik kaysa magtanong.
Nakatayo ako sa loob ng opisina na puro salamin. Ito ang pinakataas na palapag ng Belmonte Holdings. Magkadaop ang mga kamay sa harap ko, tuwid ang pagkakatayo kahit parang may mabigat na dumidiin sa dibdib ko. Humugot ako ng malalim na hininga, habang tanaw ang lungsod sa ibaba, maganda, ngunit malayo, hindi ko abot. Sa kabilang panig ng mesa, nakaupo si Marc Landon Belmonte. Hindi siya galit. At alam kong mas nakakatakot iyon. Tahimik niyang sinuyod ng tingin ang folder sa kamay niya, kalmadong-kalmado, galaw na sanay magwasak ng mga kumpanya, isang salita niya lang. Suot niya ang maitim na suit. Matigas ang panga, may matang malamig, sapat para maramdaman kong wala akong maitatago sa kanya. “So,” sabi niya sa wakas, isinara ang folder. “You’re the Zerdan girl.” Itinaas ko ang mukha. “My name is Calessia.” “I know.” Saglit niyang sinipat ang mukha ko, sinusuri, tinatantiya. Humigpit ang kuyom ng mga daliri ko hanggang bumaon ang mga kuko sa palad ko. “Your father owes my company twelve million pesos,” patuloy ni Marc. “Halaga na hindi niya kayang bayaran.” Lumunok ako, pero hindi kumurap. “Alam ko, kaya ako nandito sa harap mo.” “Good.” Sumandal siya. "Handa kang gawin lahat?" Bumalot ang katahimikan sa silid. ‘Yong klaseng katahimikan na nagpapalabas ng mga lihim na ayaw mong aminin. Huminga ako nang malalim. “I’ll work,” sabi ko. “Kahit anong position. Kahit saang department. I’ll pay it back.” Isang tipid na ngiti ang sumilay sa labi niya. Ngiting alam kong hindi mabuti, may nakatago sa likod. “You misunderstand, Miss Zerdan.” Hinugot niya ang isang papel mula sa folder at dahan-dahang itinulak, saktong abot ng tingin ko. “I’m not offering you a job in my company.” Bumaba ang tingin ko sa papel. "Personal Service Contract." Parang napatid ang tibok ng puso ko, habang binabasa ang salita. “You’ll live in my estate,” kalmado niyang sabi. “On call ka sa lahat ng oras. Gagawin mo ang anumang iutos sa’yo. Kapalit nito, mapi-freeze ang utang ng pamilya mo. Walang interes.” Dahan-dahan akong tumingala. “You’re buying me.” Ngumisi siya. Malamig, walang saya sa mata. “No,” sabi niya, mababa ang boses. “You’re the guarantee for their debt, Calessia." Nanigas ang panga ko. “And if I refuse?” Tumayo si Marc, matikas ang tindig, matangkad, umikot siya sa mesa hanggang huminto sa harap ko. Sobrang lapit. Parang nadadaganan ako ng presensya niya, kontrolado, pero mapanganib. “Then your father loses everything by the end of the week.” Muling bumalot ang katahimikan. Tinitigan kong muli ang kontrata, na ngayon ay nanlalabo ang mga letra. Kumokontra ang pride ko. Huwag pumirma, pero mas malakas ang bulong ng takot. Para sa pamilya ko. Pinulot ko ang ballpen. Tumitig sa mata niya. “May isa akong kondisyon,” mahina kong sabi. Tinaasan niya ako ng kilay. “You’re not in a position to negotiate.” “I won’t sleep with you.” Nanahimik siya. Pagkatapos, nakakagulat na tumawa. Mahina pero matalas. “If I wanted your body,” dahan-dahan siyang yumuyuko, dumadampi ang bibig niya sa tainga ko, “I wouldn’t need a contract.” Napasinghap ako. Gumapang ang kakaibang lamig sa katawan ko. Pero hindi ko magawang umatras. “I want your obedience,” dugtong niya. “Sign.” Nanginig ang kamay ko. Napapikit saglit, at saka pumirma ako. Tumayo siya ng tuwid. “Welcome to Belmonte, Miss Zerdan.” Gano’n lang. Kinuha niya ang papel. Bumalik siya sa mesa, umupo, at hindi na ako muling tiningnan. Umalis ako ng kusa, at walang lingon na lumabas. Lutang. Hawak niya ang kontratang may pirma ko—ang kontrata na magdidikta ng takbo ng buhay ko.MARC“Get out!” sigaw ko.Pinaalis ko ang lahat ng bisita.Hindi lang basta pinaalis.Pinataboy ko silang lahat sa mga tauhan ko.“Have you lost your mind, Marc?!”Sigaw ni Lola habang napahawak siya sa dibdib.Todo-alalay naman si Monica sa kanya, acting as though she was already her granddaughter-in-law.Nagtangis ang bagang ko habang dinuduro ko si Monica.“This was your plan all along, wasn't it?”Hindi siya makatingin sa akin nang maayos. Hindi rin siya makasagot.“You acted like you were angry at me because of what I did to my wife, but all you really wanted was to become Mrs. Belmonte.”Hinawakan niya ang kamay ko. Pumatak ang mga luha niya habang paulit-ulit na umiiling.“No... That wasn't my plan—”“Marc! Don't blame Monica. She didn't do anything wrong. She's only been taking care of you.”“That's her job.” Dinuro-duro ko siya.“Marc, enough!”Suminghal na naman si Lola. Agad siyang napahawak sa dibdib habang mahigpit pa ring nakahawak ang isa niyang kamay sa baston.“Monica
MARC“Calessia…” Akmang hahawakan ko siya, pero kaagad na naman siyang umatras.“Stay out of my life, Marc.” Madiin ang boses niya. Matalim din ang mga matang hindi ko na yata kayang salubungin.“Paano kung ayaw ko?”“Then I will hate you for the rest of my life.”Pagkasabi niyon, tumalikod na siya at tuluyan niya akong iniwan.Mapait na lang akong napangiti habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko.Hindi ko na siya pinigilan kahit parang nadudurog ang puso ko.Pinanood ko na lang siyang halos lakad-takbo habang papalayo sa runway.Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.“Give Calessia the documents and the money. Make sure she has everything she needs.”“Yes, sir.”“Then follow them. Wherever they go.”“Understood.”Ibinaba ko ang tawag.Kung pipilitin ko siyang manatili...Tiyak na ikukumpara na naman niya ako kay Armando.Hindi ko siya ikukulong.Tahimik ko na lang siyang babantayan.Sa ngayon...Iyon lang ang kaya kong gawin.Maya maya, tumunog ulit
MARC“Calessia…”Hindi siya gumalaw. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin na parang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.Maya-maya, unti-unting kumunot ang noo niya.“What did you just say?”Halos hindi ko marinig ang boses niya.Saglit akong napapikit bago humakbang palapit.“She’s gone, Calessia... And it’s all because of me.”Pero mas lalo pang dumami ang kunot sa noo niya.“Tama na, Marc—”“No, Calessia... Hayaan mo lang akong magsalita.”“Para saan pa, Marc? Tapos na, nangyari na ang lahat at hindi na mababago ’yon.”Mapait akong napangiti at napahagod sa buhok ko.“Alam ko! Pero gusto kong aminin kung gaano ako kagago.”Unti-unting nawala ang kunot sa noo niya at napalitan iyon ng ekspresyong hindi ko maipaliwanag.“I liked the fact that she kept chasing me... until I suddenly pushed her away.”Bumigat lalo ang paghinga ko. Hindi dahil nalulungkot ako sa pagkawala ni Cara Rose, kundi dahil gusto kong sumigaw siya, magwala, at sisihin ako sa mga nangyari.Pero hindi na siya
MARC“Marc?”Napatingala ako.Na-miss ko iyon.Ang boses niya...'Yong paraan kung paano niya bigkasin ang pangalan ko.Pero wala na ang lambing do'n.Parang bumalik kami sa unang araw na nagkita kami.“We need to talk.”Kumislap ang mga mata ko at ilang beses akong tumango.Agad akong sumenyas sa mga tauhan ko na umalis muna.Humawak naman si Mama sa kamay ni Calessia bago tumingin sa nurse.“Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin.”Napatingin sa akin ang nurse, hinihingi ang permiso ko.Bahagya lang akong tumango at agad niyang itinulak palabas ng cabin ang wheelchair ni Mama.Kami na lang ni Calessia ang naiwan.Kaya lang, hindi ko alam kung sisimulan ko na bang magsalita. Kaya lang hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula.Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.Muli siyang umupo.Humakbang naman ako palapit, pero nanatili akong nakatayo.Hinintay ko na lang na siya ang unang magsalita.Para kahit paano, magkaroon ako ng lakas ng loob.Lumipas ang ilang minuto.Tahim


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
avaliaçõesMais