MasukAno ka ngayon, Elise? Kaya pala ayaw mo kaming papasukin dito… para ikaw lang ang makapagkuwento kay Daddy?Tahimik siyang tinitigan habang sinasabi iyon sa isip niya. Hindi ito nakatingin sa kanya. Nakahawak lamang ito sa braso ni Felix, na tila inaalo siya.Halatang nanlumo ito. Marahil ay hindi nito inaasahan na sila ang papanigan ni Daddy Li. LIhim siyang napangisiPero aminado siya sa isang bagay... swerte si Elise. Palagi nitong kasama si Governor Felix. Palagi itong may kakampi.Pero ngayon… Hindi ito mananalo sa kanya.Hindi niya napigilang ngumiti. Sakto namang napatingin si Elise sa kanya.Nagtagpo muli ang kanilang mga mata. Isang tahimik na digmaan ang namagitan sa kanila.“Give me my phone, Tessa,” putol ni Daddy sa katahimikan.Agad ibinigay ng nurse ang telepono. Nag-dial ito ng numero at inilapit sa tenga.“Atty.,” malamig nitong sabi, “palabasin mo ang apo kong si Noah sa kulungan. At ihatid siya sa mansion ngayon din. Maghihintay ako.”“Lolo!?” pigil ni Elise.Nguni
CYNTHIA POV:“Ma… ano na ang gagawin natin? Nakulong si Noah…”Halos maiyak na sabi ni Marise habang mabilis silang umaakyat sa hagdanan papunta sa palapag kung saan naroon ang silid ni Daddy Li.Mahigpit na hinawakan ni Marise ang braso niya.“Sshh… huwag kang maingay!” mariin kong bulong. “Hindi tayo dapat magpahalata na may alam tayo sa nangyari kay Noah. At tandaan mo, huwag kang magsasalita sa harap ni Daddy. Ako lang ang kakausap!”Pabulong pero may diin niyang sabi kay Marise. Mahina itong tumango. Kita sa mga mata nito ang matinding takot.Pero siya? Hindi ako pwedeng matakot. Kailangan niyang maging matatag. Hindi pwedeng manatili si Noah sa kulungan.Pagdating nila sa harap ng pintuan ng silid ni Daddy, saglit siyang huminga nang malalim bago kumatok ng dalawang beses.Ilang segundo lang ang lumipas nang bumukas ang pinto, ngunit maliit lang ang awang. Sapat lang para makita ng nurse ang mga mukha nila.Halatang ayaw pa sila papasukin.“Ano po ang kailangan ninyo, Ma’am Cynt
ELISE POV:Tahimik niyang pinanood si Noah habang inilalabas ito ng mga pulis. Mahigpit ang pagkakahawak sa mga braso nito habang pilit itong nagpupumiglas.“Bitawan n’yo ako!” sigaw niya, puno ng galit at desperasyon.Ang bawat sigaw ay tila tumatama sa kanyang dibdib. Masakit, hindi niya maitatanggi iyon. Kahit papaano, kadugo pa rin nila ito. Pero padami nang padami ang pagtataksil at panlilinlang.Napapikit siya sandali. Hindi na puwedeng palagi na lang siyang magbubulag-bulagan sa mga ginagawa ng pamilya nina Tita Cynthia. Ilang beses na silang sinaktan. Ilang beses na silang niloko.Parang bawat galaw ng mga ito ay may nakatagong plano laban sa kanila. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya maintindihan. Ano ba ang kasalanan nila? Ano ba ang ginawa nila para umabot sa ganitong punto?Isang mabigat na buntong-hininga ang kusang lumabas sa kanyang bibig.“Let’s go, sweetheart,” marahang sabi ni Felix mula sa kanyang tabi. Ang boses nito ay kalmado ngunit puno ng pag-aalala. “Kailan
“Bitawan n’yo ako!” sigaw ni Noah habang hinihila siya palabas ng opisina ng mga pulis.Nagpupumiglas siya ngunit mahigpit ang hawak ng dalawang pulis sa kanyang mga braso. Sa tabi niya ay si Celine na halos mapunit na ang damit sa kakapiglas.“Hindi! Hindi pwede! Wala kaming ginawa!” umiiyak na sigaw ng dalaga.Ni sa hinagap ay hindi nila akalaing mahuhuli sila nang ganoon kabilis. Akala nila ay ligtas na sila nang umalis ang mga pulis kanina. Mukhang minaliit nila ang kakayahan ni Elise.Habang inilalabas sila mula sa opisina, lalo pang bumigat ang pakiramdam ni Noah nang makita ang lahat ng tao sa shop na nakatingin sa kanila.Ang mga empleyado at mga customer. Lahat ay napahinto sa ginagawa at nakamasid sa eksenang nagaganap. Kasama na roon ang kanilang mga katrabaho.“Celine… sabi ko na nga ba ikaw ang nagpupuslit ng mga pekeng sapatos!” malakas na sabi ng isa sa mga saleslady. “Matagal na akong may duda sa’yo!”Napayuko lamang si Celine. Nanginginig ang kanyang mga balikat haba
Samantala…Matapos kausapin ng mga pulis ang bawat isa sa kanila ay umalis na rin ang mga ito. Nakahinga nang maluwag si Noah. Halos lahat ay natakot sa nangyari. Maging ang mga kasamahan niyang alam niyang walang kasalanan ay kinabahan din. Siyempre, sino ba naman ang hindi matatakot kapag pulis ang kaharap?Maya-maya ay lumapit si Celine sa kanya. Nakangiti na ito ngayon, hindi tulad kanina na halos hindi maipinta ang mukha sa takot.“What did I say?” sabi niya sa dalaga. “Sabi ko naman sa’yo, wala iyon.”“Oo nga,” sagot ni Celine. “Salamat, Noah. Akala ko katapusan ko na.”“Basta huwag ka lang aamin kung sakaling tanungin tayo ulit. Magsasawa rin ang mga iyon kapag wala silang makuhang ebidensya.”Ngumisi si Celine.“Pero bilib ako sa’yo, ilang customers na ang bumalik dito at nagreklamo na peke ang nabili nila. Paano mo nagawa iyon? Paano mo napuslit ang mga pekeng sapatos dito sa loob?”Napangisi si Celine, tila proud na proud sa sarili.“Simple lang. Dinadala ng boyfriend ko ang
“Kahapon nga balak kong bisitahin si Daddy sa kwarto niya,” inis na sabi ni Cynthia habang nakahalikipkip. “Pero pinigilan ako ng mahaderang nurse niya. Sabi raw ni Elise, bawal daw siyang bisitahin. Baka raw kung ano ang mabanggit namin at sumama ang loob ni dad.” May halong pangungutya ang tono nito.Napangisi si Marise, tila natutuwa sa balitang iyon. “Mukhang wala pang alam ang matanda,” aniya. “Pilit pang tinatago ni Elise ang problema.”Napangisi rin si Cynthia, saka marahang umiling. “Sa palagay ko, tinatago pa niya iyon kay Dad para hindi siya mapagalitan. Pero kapag nalaman iyon ng matanda… katapusan na niya!” Humagalpak ng tawa si Marise at Cynthia.“Wala na ang pagha-hari-harian niya dito sa bahay,” dagdag ni Marise, malamig ang boses.Sandaling natahimik ang dalawa, ngunit halatang pareho silang may iniisip na plano. Pagkaraan ay lumapit si Marise kay Noah at bahagyang yumuko upang magtapat ng lihim.“Kapag nangyari iyon,” mahina ngunit matalim niyang sabi, “doon tayo papa






