LOGINDahil sa utang na loob, pinakasalan ni Bella ang makapangyarihan ngunit disabled na CEO na si Sebastian Zobel. Pero sa mismong araw ng pagbabalik ni Sebastian mula sa abroad, isang estrangherong naka-maskara ang kumuha sa kanyang dangal sa isang madilim na silid sa hotel. Sa halip na malasakit, akusasyon ng pagtataksil at divorce agreement ang sumalubong sa kanya. Pinalayas si Bella nang walang kahit na anong dala. Habang nagtatago, nanganak si Bella sa gitna ng kawalan. Pagkagising niya, tatlong sanggol ang nasa tabi niya. Ang hindi niya alam, ang ika-apat niyang anak ay kinuha at iniwan sa pintuan ni Sebastian bilang nag-iisang tagapagmana nito. Anim na taon ang nakalipas ay nagbabalik si Bella kasama ang kanyang tatlong henyong anak para sa isang layunin: ang pirma ni Sebastian sa divorce papers. Ngunit sa muling pagkikita nila, isang katotohanan ang yayanig sa kanila—ang lalaki na sumira sa buhay ni Bella ay ang asawa palang ni minsan ay hindi niya nakita. Habang pilit na umiiwas si Bella, ang kanyang apat na maliliit na anak naman ang gagawa ng gulo para resbakan ang kanilang Mommy. "Scumbag Daddy, hindi pa kami tapos sa'yo!"
View More“Maniwala ka sa akin! Pananagutan kita at gagawin kitang pinakamasaya at pinaka-respetadong babae sa buong mundo!”
Paulit-ulit na umaalingawngaw sa pandinig ni Bella ang pangakong iyon. Umiling siya nang paulit-ulit habang pilit na kumakawala. “Hindi… hindi… ahh!” Biglang umulos nang malakas ang lalaki. Isang matinding sakit ang dumaloy sa katawan ni Bella. Sumigaw siya nang malakas at nagtangkang itulak ito, pero hindi na niya kinaya. Nawalan siya ng malay dahil sa hapdi. Nang magising siya kinabukasan, wala na ang lalaki sa tabi niya. Pero nanatili pa rin ang amoy at mga bakas ng nangyari kagabi. Mga nakakuyom na tissue at magulong damit na nakakalat sa sahig ang nagpapatunay sa kasalanang naganap. Kagat-kagat ni Bella ang labi habang mahigpit na hawak ang isang kumot na nakatakip sa hubad nyang katawan. Malabo na ang paningin niya dahil sa walang tigil na pagtulo ng luha. May asawa na siya, at pumunta lang naman siya sa airport para sunduin ito. Pero bago pa man sila magkita, nawala na ang pagkababae niya! Paano na siya haharap sa mga tao? Paano niya haharapin ang asawa niya? Kapag sinabi niyang pumunta siya para sunduin ito, tapos bigla siyang hinila ng estranghero na nakasuot ng face mask sa isang hotel dahil sa gulo sa airport, at nangyari ang hindi dapat mangyari… maniniwala kaya ito? Tatanggapin pa rin ba siya? Magpapatuloy pa ba ang pagsasama nila? Hindi na napigilan ni Bella ang sarili at tuluyan nang bumuhos ang iyak niya. Hindi niya alam kung ano ang naging kasalanan niya sa past life para ganito siya paglaruan ng tadhana. Lumaki siyang walang pagmamahal mula sa mga magulang, at naging magulo ang buhay niya. Gusto sana niyang baguhin ang kapalaran niya sa pamamagitan ng pag-aaral, at sa wakas ay nakapasa siya sa dream university niya. Pero pinilit siya ng mga adoptive parents niya na magpakasal. Ang dapat na bride ay ang kapatid niyang si Adriana, pero dahil disabled ang groom ay siya ang ginawang kapalit. Hindi matiis ng mga magulang niya na makitang maghirap ang sariling anak, pero hindi rin nila matanggihan ang malaking dowry kaya ginamit nila ang utang na loob nya para pilitin siyang magpakasal. Mula sa pag-asikaso ng withdrawal niya sa school hanggang sa engagement at kasal, walang nagtanong sa opinyon niya. Walang nag-isip kung gusto ba niya. Basta na lang silang nagdesisyon at tuluyang sinira ang pangarap at kinabukasan niya. Umiyak siya at nagreklamo, pero sa huli, sumuko rin siya sa realidad. Sabi nga nila, ang kasal daw ay parang panibagong buhay. Ang makaalis sa pamilyang iyon ay isa nang biyaya. Kaya nung naikasal na siya, pinangako niyang magiging mabuting asawa siya. Sa loob ng dalawang taon, nasa abroad si Sebastian para magpagamot sa binti. Naiwan siya sa walang laman na bahay, nagpakabait at walang ibang iniisip. Yung kasal na ito ang ipinagpalit niya sa edukasyon at future niya—ito na ang bagong buhay niya at pinahahalagahan niya ito nang lubos. Pero ngayon… sa mismong araw na babalik si Sebastian ay nangyari ito. Ano na ang gagawin niya? Ring ring ring… Biglang tumunog ang cellphone niya. Ang tumatawag ay ang katulong mula sa bahay. “Ma’am, hinahanap ka na po ni Boss. Umuwi na raw po kayo.” Napalundag ang puso ni Bella sa kaba. “Nandito na ba siya?” “Opo, dumating po si Boss at nung nakitang wala kayo, umalis din agad. Bago siya umalis, sabi niya umuwi raw kayo para pumirma ng papers. Gusto niya na raw pong makipag-divorce.” Parang sumabog ang utak ni Bella. Gusto ni Sebastian na mag-divorce? Alam niyang hindi masaya si Sebastian sa kasal na ito. Absent ito nung araw ng kasal nila at simula noon ay hindi na nagpakita. Dalawang taon na silang kasal pero hindi pa sila nagkikita nang personal, kahit itsura ng isa’t isa ay hindi nila alam. Pero sa loob ng dalawang taon na ’yon, naging mabuti ito sa kanya. Hindi siya nito pinagkaitan ng anuman, at kapag may sakit siya ay inuutusan nito ang mga maid na alagaan siyang mabuti. Kahit libu-libong milya ang layo nila, ramdam niya ang malasakit nito. Akala niya ayaw lang ni Sebastian sa arranged marriage, hindi sa kanya. Naniwala siyang basta magpakabait lang siyang asawa ay magiging gaya rin sila ng ibang mag asawa na nagmamahalan. Pero hindi niya inaasahan ito… “Ma’am, huwag po masyadong malungkot. Binigyan kayo ni Boss ng villa, dalawang luxury car, at maraming pera.” Excited na sabi ng katulong, pero paano hindi malulungkot si Bella? Parang gumuho na ang mundo niya. Sira na ang buhay niya. Pero anong karapatan niyang tumanggi sa divorce? Wala na siyang dangal. Hindi na siya karapat-dapat sa asawa niya. Suminghot si Bella at paos na sumagot. “Naiintindihan ko. Uuwi na ako para pumirma.” Pagkatapos ibaba ang tawag ay tiniis niya ang sakit ng katawan para nagbihis at maglakad ng paika ika palabas ng hotel. Pagkaalis na pagkaalis niya, dose-dosenang itim na luxury cars ang biglang dumating. Isang grupo ng mga bodyguards ang sabay-sabay na bumaba at pinalibutan ang paligid. Magalang na binuksan ng assistant ang pinto, at lumabas si Sebastian. Suot ang mamahaling sapatos, bespoke suit, at limited-edition na relo—isang perpektong imahe ng tagumpay. Matikas at may awtoridad, ang aura niya ay sapat na para kilabutan ang sinumang tumingin sa kanya. Hindi niya pinansin ang mga taong nakatingin at diretso siyang naglakad papunta sa hotel room. Kagabi, nalason siya sa kinain at may mga humahabol sa kanyang kalaban sa negosyo. Sa gitna ng gulo, nagawa niyang makuha ang dangal ng isang babae. Pagkatapos noon, dahil natatakot siyang madamay ang babae sa mga humahabol sa kanya ay nauna siyang umalis at bumalik lang ngayong ligtas na ang lahat. Dahil doon ay hindi niya nakita ang mukha nito dahil madilim pa nung umalis sya. Pero sapat na ang pinagsaluhan nila para hindi niya makalimutan ang babae. Unang beses yon ng babae. Nangako siya kagabi na pananagutan niya ito at gagawin itong pinakamasaya sa mundo. Si Sebastian ay isang lalaking may isang salita. Bago pa makarating sa hotel room ay tumakbo ang assistant niyang si Dominic para sumabay sa kanyang paglalakad. “Boss, may tawag galing sa bahay. Umuwi na si Ma'am, pero… mukhang may kasama siyang ibang lalaki kagabi. Sobrang obvious ng mga marka sa katawan niya. Ayon sa housekeeper, marami na raw lalaking nakasama si Madam sa nakaraang dalawang taon at madalas siyang hindi umuuwi… Bukod pa roon, kapag lasing daw ay ang daldal niya. Minsan sa bar, sinabi niyang ikaw daw ay pilay na hindi karapat-dapat sa kanya—na ang magpakasal sa’yo ay parang…” “Parang ano?” “…parang parusa sa kanya ng tadhana.” “Heh!” Naningkit ang mga mata ni Sebastian. Sobrang lamig ng ekspresyon niya. Napangisi nang malamig si Sebastian. Ang asawang iyon ay ipinilit lang sa kanya ng pamilya Zobel dalawang taon na ang nakakaraan para kontrolin ang kapangyarihan at awtoridad nya sa negosyo. Hindi niya pa ito nakikita kahit kailan. Ngayong stable na ang lahat at hawak na niya ang kontrol, ang unang gagawin niya ay makipag-divorce. Hindi sa wala siyang puso, pero wala naman talaga silang ugnayan. Ang divorce ay para rin sa ikabubuti nito. Bilang kabayaran sa dalawang taon, binigyan niya ito ng mansyon, sasakyan, at cheque na nagkakahalaga ng isang bilyong dolyar. Pero hindi niya akalain na ganitong klase palang babae ito! Kung ganoon, hindi ito karapat-dapat sa kahit anong kabayaran. “I-cancel ang dating divorce agreement. Gumawa ng bago! Dahil sa pagtataksil niya, dapat siyang umalis nang walang kahit na anong makukuha!” “Opo!” Dumating si Sebastian sa pintuan ng hotel, pinigilan ang galit, inayos ang damit, at itinulak ang pinto. Gusto niyang salubungin ang babae sa pinakamaganda at pinaka-decent na anyo niya. Pero walang tao sa loob. Umalis na ba ito? Hinalughog ni Sebastian ang buong kwarto pero hindi niya makita. Kumunot ang noo niya. “Ipakalat ang balita. Kahit ano pa ang gawin, hanapin siya!” Hahanapin niya ito para tuparin ang pangako niya! Gagawin niya itong pinakamasaya at pinaka-respetadong babae sa buong mundo!"Kahit na disabled si Sebastian gaya ng asawa mo ay sobrang daming pwedeng ikwento tungkol sa kanya na aabutin ka ng tatlong araw at tatlong gabi. Ganito kasi yan—kahit kailan hindi pa siya nagpapakita sa business world, at hindi man lang alam ng mga outsiders kung ano ang itsura niya, Pero isa siya sa mga bachelor na nasa rich list na agad, at kapag may kalamidad ay nagdo-donate siya ng isang milyong piso! Pero privileged individual siya at wala siyang masyadong interaction sa ating mga ordinaryong tao kaya wag kang matakot porket nakakarinig ka ng balita tungkol sa kanya. Hindi naman natin siya kinakalaban, at hindi niya tayo kilala, kaya wag kang matakot." Mas lalong gustong maiyak ni Bella. Paanong hindi siya nito makikilala? Asawa kaya siya nito! At siya ang asawa na nagtaksil dito na naging dahilan para magalit ito nang husto. Hindi lang siya nagkaroon ng relasyon dito, kundi talagang ginalit niya ito nang todo! "Hindi ko na ito kaya..." Natakot si Bella na mapansin ni Mica
Eksaktong alas-siyete ng gabi, dumating ang grupo sa Harbor Hotel. Ito ang pinakamatanda, pinaka-distinctive, at pinakamahal na hotel sa Manila, isa sa mga property ng Zobel Group. Maraming celebrities, leaders, at foreign envoys ang kumakain dito kapag bumibisita sa Manila. Agad silang naging center of attention. Kahit naka-mask silang lahat ay hindi maikakaila ang ganda nila. Lalo na si Bella. Natural ang ganda at dahil pinalaki sa bundok, maputi at makinis ang balat niya at may kakaibang aura. Kulang ang salitang maganda para i-describe siya. Agaw-pansin din ang tatlong bata: isang little gentleman, isang sporty prince, at isang fashion darling. Hindi napigilan ng mga waiter na purihin sila. Pagdating sa top floor ay may staff na naghatid sa kanila sa private room. Pagkasara pa lang ng pinto ay tinanggal agad ng mga bata ang masks nila at tumingin sa floor-to-ceiling windows. "Wow, ang ganda!" Sinabihan sila ni Bella na mag-mask sa labas dahi
"Bilis, sabihin niyo, hindi ba ang ganda ni godmother?" Sabay-sabay na sumigaw ang tatlong bata. "Maganda!" "Hahaha, sabihin niyo naman, hindi ba ang cute ni godmother?” "Cute!" "Dyosa ba si godmother?" "Dyosa si godmother!" "Hahahaha." Halos mabuhat na ang bubong sa lakas ng tawa ni Mica. Hindi naman mapigilang mapatawa ni Bella. Ngayong araw, nung malaman nito na nanganak pala sya at mag-isang pinalaki ang mga bata sa loob ng limang taon ay iyak nang iyak si Mica. Kahit dalaga pa si Mica, alam niyang hindi biro ang magpalaki ng anak lalo na para sa isang single mother. Naawa si Mica sa kanya. At habang naaawa ay hindi din nito mapigilang sobrang ma-in love sa mga bata. Kaya nung makatanggap siya ng tawag mula kay Theodore kanina habang kausap ito ay nagpaalam si Mica kung pwedeng itong dumiretso sa tinutuluyan nila para makita ang mga bata. Binuksan ni Bella ang pinto at pumasok sa kwarto. Pagkakita pa lang sa kanya ng tatlong bata ay agad silang tu
Samantala, wala namang pakialam si Bella sa iniisip nito. Ang mahalaga ay naibalik niya ang pera at gumaan ang loob niya. Sinulyapan niya si River na nakahiga sa hospital bed at iniabot ang kamay nito. Agad na hinawakan ni Sebastian ang pulso niya at nanggagalaiting nagtanong. "Anong ginagawa mo?!" Nagulat si Bella sa bagsik ng boses nito. "Gusto ko lang... gusto ko lang kunin ang pulso niya." Tiningnan siya ni Sebastian nang may madilim na mukha at puno ng galit. Bahagyang umubo si Doctor Bentley para pagaanin ang tensyon. "Maraming salamat sa pag-aalala, Miss Bella." Matagal siyang tinitigan ni Sebastian bago binitawan ang kamay niya. Inis na inis si Bella. Kung hindi lang dahil sa pag-aalala sa bata, hindi na siya mag-aabala! Para itong asong nangangagat sa nagpakain sakanya—hindi marunong kumilala ng mabuting loob! Nagmuramura si Bella sa loob-loob niya, pero maingat pa rin niyang kinuha ang pulso ni River. "Maayos na ang lagay niya sa ngayon. Kapag nagising siy


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.