Share

CHAPTER 5: The stollen kisses

Author: Nuebetres
last update Last Updated: 2022-04-11 14:53:32

Naalimpungatan si Aula dahil pakiwari niya may mga matang nakamasid sa kanya. Nilinga niya ang paligid at hindi pamilyar na silid ang nakita niya.

Nasaan ba siya? Anong nangyari sa kanya? Ang mga katanungang iyon hindi niya masagot parang ang tagal niyang nawala sa karimlan, ilang oras ba siyang nakatulog?

Pakiramdam niya medyo nahihilo pa siya.

Naalala na niya ang nangyari sa kanya, nilinisan lang naman niya ang condo unit ng impakto na si Nicolo.

Natanggal na ang benda sa kanyang braso at naigagalaw na niya iyon ng maayos, maging ang kanyang mga binti hindi na siya gumamit ng saklay. At alam niyang okay na siya.

May tatlong linggo na siya sa condo unit ng lalaki at bilang kabayaran na rin sa tulong nito kaya naisipan niyang mag linis-linis ng todo sa kusina, banyo at sa salas!

Hindi niya malinis-linis ang kwarto ng lalaki dahil naka lock iyon. Aba isang linggo na din itong wala sa condo nito! Baka nga inaamag na 'yon!

So back to the story, ayon na nga pagkatapos niyang maglinis kaagad siyang naligo na malamang napasma siya at nilagnat! Katakot-takot ang nangyari sa kanya ng araw na 'yon ang akala niya talagang na tuluyan na siya bakit ba at lagi na lang siyang mapapahamak.

"Mabuti naman at nagising ka na."

Napakislot siya at ganoon na lang ang tili niya sa kung saan sa pintuan may nagsalita!

Si Nicolangot!

Nakahalukipkip ito sa hamba ng pinto.

Ang presko nitong tignan at ang gwapo, mukhang bagong paligo.

Kunot na kunot ang noo nito sa inasta niya!

Nginitian niya ito na agad naman nag-iwas ng tingin. Bakit? Pangit ba siya kaya ganun na lang ito kung makaiwas!?

Sa tingin naman niya maganda ang lahi niya kahit purita siya!

"Maka tili ka diyan, parang wala ka dito sa hospital." sukat sa sinabi nito ni linga-linga niya ang paligid maging sa kisame tiningala niya hospital ba talaga ito.

Ang ganda naman naman ng kwarto ng hospital na ito. anang isip niya.

Wala rin kasing nakakabit na dextrose sa mga kamay niya kaya.

"Ikaw naman kasi kagigising lang 'nung tao ganyan agad ibubungad mo! Muntik na ulit akong mamatay sa ginawa mo!" nagngangalit na sabi niya.

"Really? Paulita? Ako na nga ang tumulong sayo ikaw pa ang galit!?

"Hey! Don't ever call me by my full name! Poorita na nga 'yong tao, kailangang kompletuhin mo pa ang pangalan ko?"

Huminga ito ng malalim at napa-ikot ito ng mga mata.

"Nasaan ba talaga ako!?" galit-galit na wika niya.

"Private hospital ito baka ngayon ka lang nakakita ng ganitong kagandang silid ng isang hospital." malamang nababasa nito ang iniisip niya kaya nasabi nito iyon. Nakasimangot siya sa sinabi nito.

“Hoy! Probinsyana ako pero hindi ako ignorante!” nagngangalit na sabi niya.

Napabuga lang ito ng hangin sa sinabi niya.

Pero ang totoo ngayon lang talaga siya nakakita ng ganoong kagandang hospital. Samantalang sa bayan nila hindi ganun kaya nga napunta siya ng Manila para magpagamot nang maayos.

Bumalikwas siya mula sa kanyang pagka kahiga. "I-Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?"

"Malamang, sino sa tingin mo ang nagdala sayo dito?" galit na sabi nito.

Tinignan niya ito ng masama sabay irap dito.

"Nakakapagtaka lang kasi sa isang tulad mo, tsaka ba't ba nagagalit ka diyan ei, nagtatanong lang naman 'yong tao." parunggit niya dito.

"Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa mo? Did I tell you to clean my condo, may taga linis ako doon remember?" nasa ganoong ayos pa rin ito hindi pa rin umaalis sa hamba ng pinto.

Oo tama nga ito may ipinagkakatiwala si Nicolo na taga linis ng condo nito iyong hindi tsismosa at kapag talaga needy na ito iyong as in pinamimitakan na ng tarantula ang kwarto na saka lang maisip ang magpalinis.

Ayaw ba nito na malinis ang condo nito? Na hindi na nito kailangan mag-hired ng tagalinis?

"Hindi mo ba alam ang ginawa mong babae ka? Sa ginawa mong iyon isinugod ulit kita sa Hospital!" sermon ulit nito.

Nagagalit ba talaga ito dahil sa ginawa niya o hindi naman kaya nag-aalala lang ito sa kanya?

"Nag-aalala ka siguro no?" tudyo niya sabay tingin dito. Nag tama ang kanilang mga mata at lumarawan sa mukha nito ang pagkabigla pero saglit lang.

"Ako nag-aalala?" sabay duro sa sarili nito.

"Yhup!"

"Okay ka lang?"

"Sure, ball! Okay na okay ako!"

"In your dreams! Kaya ko lang naman sinasabi ang mga 'yan sayo dahil ayokong may mabulok na bangkay sa condo ko! Imbes na nagpapagamot ka para makauwi ka na sa inyo. Pero ano ang ginawa mo dinagdagan mo ulit!"

"Aba'y, malay ko ba na lalagnatin ako pagkatapos kong maglinis! Isa lang ang ibig sabihin niyan Nicolo..."

"Ano?"

"Malamang masama talaga ang impact ng pagkaka-disgrasya ko!"

"Are you crazy? Ano naman ang kinalaman sa pagkaka-disgrasya mo sa pagka-lagnat mo? And knowing na pinwersa mo ang sarili mo sa paglilinis ng condo ko."

Mukhang siya ang matatalo sa argumento nilang dalawa. Tumahimik na lamang siya at muling humiga sapo ang ulo.

Maya’t maya lumapit si Nicolo sa telepono at dumial doon. Tinawagan nito ang doktor upang ipasuri siyang muli.

Makalipas lang ng isang minuto may dumating ng doktor.

“Hi, sweetie! How are you feeling?” malambing na tanong ng doktor na unang sumuri sa kanya noon ng dinala siya ni Nicolo mula sa kanyang pagkaka-disgrasya. Matangkad ito na gaya ni Nicolo at nasa 50’s na ito.

Gwapo sana ang nasabing doktor iyon nga lang baliko o silais ito. Pero hindi napaghahalataan dahil sa kilos at pananamit nito maliban lang kung magsalita na ito.

“A, e, maliban sa medyo kumikirot lang ang ulo ko ay iyon lang ang nararamdaman ko.”

“Okay, let me check your temperature again.” sabi nito at inilagay nito ang thermometer check sa kanyang kiliki.

Medyo nakiliti siya ng hinugot na nito iyon kung kaya’t napahagikhik siya ng kaunti.

“Ikaw ah, kanina ka pang humahagikhik kahit nung tulog ka basta mag lagay ako nito sa kilikili mo.” nangingiti na wika ng doktor.

“Huh? Talaga po?”

“Mismo! Baka nga ibang sundot sa kiliki mo ang napanaginipan mo ‘nung time na ‘yon.” pilyong wika ng doktor.

“Uncle, Rei!” sabi ni Nicolo sa doktor. Oo nga pala kapatid nga pala ng yumaong ina ni Nicolo ang doktor.

“Hep! Pamangkin huwag mo nga akong matawag na uncle sa susunod na punta mo dito ihahanapan na talaga kita ng ibang doktor.” sabi nito na nakapamewang at muling sinuri siya ng doktor gamit ang stethoscope. Mas gusto daw nito tinatawag na tita.

Ang uncle lang kasi ni Nicolo ang mapagkakatiwalaan ng binata sa exklusibong hospital na iyon na kailanman hindi malaman ng mga media, ang ganap sa buhay ni Nicolo kapag may emergency.

“Okay fine. Pwede na ba siyang i-discharge? Bumaba na ba ang lagnat niya?”

“OMG! Positive! Buntis ka, ‘neng!” sabi ng doktor at napahawak pa ito sa bunganga na gulat na gulat.

“Uncle!” si Nicolo ulit.

Dahil sa sinabi ng doktor napabulanghit si Aula ng tawa.

“P-Paano ako mabubuntis e, hindi…pa nga ako nakakahalik ng bisugo!” dipensa niya sa kabila ng tawa na halos magtubig na ang mga mata niya.

“Segurado ka ‘neng? Hindi ka pa nabinyagan nitong pamangkin ko?” sabi nitong pumalantik pa ang isang daliri.

“Uncle, will you stop interrogating her? Okay na ba? Marami pa akong gagawin.” iritadong sabi ni Nicolo.

“Ikaw naman pamangkin hindi ka na mabiro! Buti pa itong si Aula tinatawanan lang mga sinasabi ko and I really like her! The last time na nagdala ka ng babae dito was when you both got stuck during sex! I think dalawang buwan na ang nakaraan. Mabuti naman at na tantanan mo na ang supladang ‘yon.”

Si Aula hindi malaman ang ibig pakahulugan ng huling sinabi ng doktor at si Nicolo napa-pailing na lamang.

Maya’t-maya discharge na nga si Aula. Dinalhan din siya ni Nicolo ng pamalit na damit at naligo na din siya doon bago nila tinungo ang parking lot sa baba ng building ng hospital.

Pero bago sila makalabas may mga media' ng umaaligid sa paligid pero mabuti na lang at nakapaghanda si Nicolo sa pagdi-disguise at hindi napansin ng mga media ang actor hanggang sa nakauwi na ang dalawa sa condo ni Nicolo.

**********

Pagkatapos makalabas ng hospital si Aula mula kahapon ay kaagad siyang nakabawi ng lakas. Sasabihin na niya sa binata na makakabalik na siya ng Tarlac kinabukasan. At malamang name-miss na din siya ng mga magulang niya.

Sayang nga lang at hindi niya na prank ang mga ito.

Paano kaya kung hindi siya tumawag sa kanila?

Malamang pinaghahanap na siya ng mga ito at kalat na kalat na ang larawan niya sa bayan nila na nagsasabing "Missing! Aula Maglaya" tutulong marahil ang kapitan nilang si Rusco Diosdado sa paghahanap sa kanya.

O di naman kaya mamimigay ng pabuya ang nanay niya para lang madalihin ang paghahanap sa kanya!

Weh? May pera nga ba talaga ang nanay niya para sa pabuya? Malamang wala, ni pang print nga ng papel impossible din na paggastusan siya sa kuripot ba naman ng nanay niya!

Napa-hagikhik tuloy siya sa isiping iyon. Kung ano-ano tuloy iniisip ng utak niya.

"Mukhang hindi lang yata ang katawan mo ang napuruhan huwag mong sabihing pati utak mo may diperensya na," sabad ni Nicolo mula sa kung saan lumitaw ito. Mukhang kadarating lang nito mula sa trabaho.

Kasalukuyan din kasi siyang nasa sala at muling nanonood ng K-drama.

Sinimangutan niya ito. Ano ang ibig sabihin nito sa kanya baliw!?

"Paki mo? Tumawa ka ding mag-isa." sabi niya at pinaikot ang mga mata.

"Ayoko lang na may pakalat-kalat na—"

"Na ano baliw!?"

"Mabuti naman at alam mo." sabi nito at tuluyang tinungo ang kwarto nito.

Sukat sa sinabi nitong iyon nag-alburuto ang bumbunan niya!

"Hoy, demonyo! Impakto!"

"Huwag kang sumigaw baka sabihin nila na may baliw talaga na pakalat-kalat sa condo ko." balik sigaw din nito mula sa loob ng kwarto nito.

Aba't sumusobra na talaga ang lalaking iyon ah! Tumayo siya at tinungo ang kwarto nito. Pinag-babayo niya ang pintuan gamit ang kanyang kamay at nang hindi pa siya nakuntento pati ang braso niya ginamit niya.

"Lumabas ka dyan magtutuos tayo! Labas!"

Binuksan naman nito ang pinto ng pabigla dahilan para mawalan siya ng balanse. Napasubsob siya sa matipunong dibdib nito at wala itong pang itaas na damit!

Sa pag-angat niya nagtama ang kanilang mga mata nagkatitigan at ni isa sa kanila walang nagsalita.

Napa-hipnotismo siya.

Hanggang sa palapit na nang palapit ang mukha ni Nicolo sa kanya in slow motion.

At nang maglapat ng tuluyan ang mga labi nila sa isa't isa wala sa sarili na napapikit ng mga mata si Aula.

Wala sa sariling nakipag-sukatan si Aula ng halik kay Nicolo.

Samantala sumikdo naman ang init sa katawan ni Nicolo at dahan-dahang inilakbay nito ang mga kamay sa dalaga.

Dahil sa ginawang iyon ni Nicolo biglang napamulat ng mga mata si Aula at mariing itinulak si Nicolo at sinampal ito sa mukha!

"B-Bastos ka!" duro ni Aula kay Nicolo ng mahimasmasan ito.

Nagulat si Nicolo sa sinabing iyon ni Aula at hawak-hawak nito ang nasaktang mukha.

"What? Ako pa ngayon ang bastos? Halata naman ginusto mo din. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nasampal! Palalampasin ko ang ginawa mong ito ngayon. My goodness!” reklamo ni Nicolo.

Namula ang pisngi niya sa sinabi nito. "A-Aba kulang pa ‘yan sa ginawa mo! I-Ibalik mo ang first kiss ko. Magnanakaw ka!"mangiyak-iyak na wika niya at pinaghahampas si Nicolo sa mga braso nito at todo ilag naman ito. Wala na talaga siyang pakialam kahit artista ito.

"Stop it Aula! Masugatan mo pa ang puhunan ko." reklamo ni Nicolo.

Tumigil naman si Aula at napasalampak na lang sa sahig sa sobrang inis. At pinag-tatadyak ang sahig na parang batang inagawan ng laruan.

“Paano na iyan mamalasin na ang magiging nobyo ko dahil wala na ang pinakaiingat-ingatan kong especial kiss para sa kanya! Naka-halik na ako ng bisugo!"

"Anong bisugo?” tanong ni Nicolo at mukhang hindi maganda ang pagdinig nito iyon.

“Ewan ko sayo!” sabi niya at tumayo para lisanin na lang ang kwarto ni Nicolo. Pero bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto ay nagsalita na muli ito.

“Sigurado ka first kiss mo ‘yon?" hindi makapaniwala na tanong ni Nicolo.

Muli siyang napalingon dito. Mukhang pagtatawan lang siya nito kung aamin siya.

“Well, para sabihin ko sayo hindi ka marunong humalik para nga lang akong humahalik ng pader kanina sa tigas ng labi mo.” sabi niya sabay naglakad papalayo kay Nicolo.

Napaawang ang mga labi ni Nicolo sa sinabing iyon ni Aula. Sa buong buhay niya wala pang nakapag sabi niyon sa kanya. At lahat ng babae gusto siyang halikan at matikman!

Bago pa man nakakalayo nang tuluyan si Aula ay nahila kaagad siya ni Nicolo at walang salitang sinakop ang mga labi ni Aula!

Nakadilat lang ang mga mata ni Aula sa kabiglaan, hanggang sa tuluyan nang pumikit ang kanyang mga mata at makipagsabayan sa halik Nicolo.

Pakiramdam ni Aula para itong nawawala sa katinuan dahil masuyo ang paghalik nito sa kanya. Bagama’t iyon ang unang karanasan ni Aula dahil ilag siya sa mga lalaki pero nang si Nicolo na ang nangahas para siyang isang marshmallow sa sobrang lambot at walang lakas para manlaban!

“Ngayon lang ako naka halik ng tuyong-tuyong labi sa buong buhay ko.” nangingiting wika ni Nicolo.

Binuksan ni Aula ang mga mata sa sinabing iyon ni Nicolo. Pagkapahiya at pagkainis ang nararamdaman siya sa mga sandaling iyon.

Kinagat niya ang sariling labi sa sobrang inis. “Insultuhin mo na ako basta walang halika na nangyari!”

“Don’t you dare deny it to yourself, Aula.”

“Nek, nek mo wala!”

“Meron.” umit nito.

“Ah, basta wala, wala ,wala!” sabi niya at nagtatakbo na tinungo ang kanyang silid at pabagsak na humiga sa kama. At naririnig pa ni Aula ang mga halakhak ni Nicolo!

Seryoso si Nicolo pa ba ang naririnig niyang tumatawa?

Nakakahiya ka Aula! Anang isip niya.

Tumayo siya at tinungo ang salamin at pinakatitigan ang kanyang mga labi.

Hindi ba talaga siya nanaginip? Naghalikan nga ba talaga sila ni Nicolo kanina?

Pakiramdam niya ang kanyang sarili bukod sa okay naman ang katawan niya pero hindi ang mabilis na pag rigodon ng puso niya. Para siyang mahihimatay! Gusto na naman yata niyang magpatingin sa doktor.

Samantala si Nicolo hindi pa rin maalis-alis ang pagkakangiti sa mga labi niya at parang nararamdaman pa niya ang mga labi ng dalaga. Sweet and very passionate.

Biniro lang niya si Aula kanina na tuyong-tuyo ang mga labi nito pero ang totoo sobrang lambot iyon.

Hindi niya maipa-hiwatig sa kanyang sarili ang kasiyahan that how lucky he was na siya ang unang nakahalik kay Aula.

Alam niya sa kanyang sarili na mahahalikan pa niya muli ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire   CHAPTER 28: The past and present

    Hila-hila ni Aula ang maleta ni Nicolo palabas mula sa studio building na kinaroroonan nito.Nauna na siyang lumabas at tapos na ang trabaho niya at makakapag pahinga na din siya sa wakas!Alas tres kasing natapos ang ginawang pictorial nito. Napakarami nitong inindorsong product. Talaga namang bentang-benta ang mukha nito.Mayroong gumawa pa ito kanina ng commercial. Kung kayat lahat ng damit niyang pinagpawisan nito ay nasa maleta.Kahit mauna na raw siyang uuwi at may pupuntahan pa daw ang damuhong si Nicolo.Halos balot na balot nang mahabang sombrero ang ulo niya. Para walang paparrazzi ang makakita sa kanya.Grabe talaga ang nangyaring iskandalo sa buhay niya.Tatlong araw na ang nakalilipas pero dinudumog pa rin siya ng mga reporter.Ganun pala ang pakiramdam ng pinagpipyestahan. Ang buong akala niya masaya hindi pala.Hindi na yata siya bibigyan ng katahimikan ng mga mosang na 'yon."Nasaan na ba 'yong sasakyan ni manong Lito?" aniya sa kanyang sarili.Ang isa sa mga problema

  • LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire   CHAPTER 27: Cherub Costales 5

    Galit na naibato ni Cherub ang kanyang cellphone dahil sa gigil at inis. Tinawagan kasi niya si Nicolo at babae ang sumagot!Nakausap pa niya ito kaninang umaga na nandoon umano ito sa hospital at dinalaw ang mama nito. Tapos nang tawagan niya ngayong gabi biglang ganun ang maaktuhan niya!?"What's that noise?" kapagkuwan tanong ni Tyron na kadarating lang mula sa kusina at kasalukuyan naman siyang nasa living room."I think he's cheating on me!""Who?""Who do you think is my boyfriend!?" singhal niya dito."Relax, I don't think Nicolo will do that."Galit niya itong tinignan. "Really? Tinawagan ko siya at babae ang sumagot ano sa tingin mo...ang...ang ginawa sakin ni Nicolo kung bakit...kung bakit babae ang sumagot sa tawag ko!?" garalgal ang tinig na sabi niya na pinipigilan huwag maiyak.Nilapitan siya ni Tyron at umupo sa kanyang tabi."Do you want me to call him?""Alas otso na nila ng gabi 'dun! Tinawagan ko siya, Tyron! Babae...babae ang sumagot at malamang...!" sabi niyang ma

  • LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire   CHAPTER 26: Cherub Costales 4

    Maka-ilang araw pa ang lumipas ay may dumating na bisita sina Cherub at Nicolo sa mismong bahay ng fiance."Babe, he will accompany you here while I'm away," sabi ni Nicolo."Hi, Cheruby!" Tyron greeted her and waved his right hand to her.She waved him back. Matatawa sana siya sa tawag nito sa kanya pero huwag na baka lumaki pa ulo nito na natawa siya sa sinabi nito.Ipinagkatiwala siya ni Nicolo kay Tyron, ang pinsan ni Nicolo na nakilala na din niya sa Pilipinas 'nung sila'y nagbakasyon ng fiancee noong nagdaang taon.Uuwi kasing Pilipinas si Nicolo dahil na admit sa ospital ang ina nito. Nagkaroon lang daw ng konting emergency at kailangan siya ng ina nito. She wanted to join him pero marami pa siyang sasalihang fashion week sa mga susunod."Don't worry you can trust him," assured Nicolo."Yeah, and I won't bite, rawr!" sabi ni Tyron na ikinatawa niya.Magkaibang-magkaiba ang dalawa. Si Tyron ay napaka-joyful nitong tao. Samantalang ang kanyang fiance ay palaging seryoso at napaka

  • LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire   CHAPTER 25: Cherub Costales 3

    Hindi makapaniwala si Cherub na ang matalik niyang kaibigan ay isa sa itinuturong mastermind sa kamuntikan na niyang ikina-pahamak.Nakakulong na din ang lalaking muntik nang gumahasa sa kanya."G-Gigi, why did you do that?" halos bulong na sabi na lang niya sa kaibigan.Pinuntahan niya ito sa prisento dahil ipinahuli ito ni Nicolo. She was caught off guard at umamin umano ito sa nagawa.Talagang hindi siya makapaniwala nang puntahan niya ito at bumulaga sa kanya si Gigi na nakaupo sa lamesa at nakaposas ang mga kamay."You made me do it!" galit na wika nito. Naging mabagsik ang mga mata nito na dati rati hindi pa niya nakita ang ganoong mga mata nito."W-what I have done wrong ?" bumikig ang lalamunan na tanong niya."Because I hate you!"Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bunganga nito."But I love you,""Stop pretending bitch! You're an angel in disguise. Show me your demon side!"Umiling-iling siya."Gigi alam mo ang tunay na ako at kailanman hindi kita pinakitaan ng masa

  • LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire   CHAPTER 24: Cherub Costales 2

    Pagmulat ng mga mata ni Cherub ay isang hindi pamilyar na silid ang nabungaran niya. Nasaan ako at anong nangyari sakin? Bumangon siya at pilit inaalala ang nangyari. Sinapo niya ang kanyang ulo dahil masakit iyon.Unti-unting naging malinaw sa kanya ang lahat. Nasa house party siya kagabi at may...tumangay sa kanyang lalaki!Muling bumangon ang takot sa kanyang dibdib!Did she raped? Pinakiramdaman niya ang sarili maliban sa sakit ng ulo niya wala naman na siyang maramdaman na kakaiba.Napasinghap siya ng makita ang katawan sa ilalim ng puting kumot na tanging underwear lang ang suot niya!Nasaan ang mga damit niya?Unti-unting naglaglagan ang mga luha sa kanyang pisngi.Hindi niya alam ang pakiramdam ng nagalaw na pero sa nakikita niya sa anyo niya ngayon para na ring nalapastanganan ang katawan niya!Sinulyapan niya ang orasan sa kalapit na mesa alas onse na ng umaga. Kinuha niya ang kumot na pangtabing sa kanyang sarili.Marahil ang salarin ay nasa loob lang ng bahay.Pero nang

  • LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire   CHAPTER 23: Cherub Costales 1

    "Good evening, mom!" bati ni Cherub sa ina nang makita ito siya sa dining table at hinalikan ito sa pisngi.Umupo siya kaharap nito.It was seven in the evening when she came home after launching her new business in New york. She was also a model and ambassador of a well known fashion brand. "Did you hear the news?" "Hear what?""That news!" galit na wika ng ina sa kanya habang kumakain ito ng steak.Yeah, how could she not know that?"So what do you want me to do?""Of course, go back to the Philippines and win his heart again!"She was sitting on her bed when she came inside her room."Mom...""What!?""You know, I can't.""And why not!?""You know the reason why I can't go there.""Tignan mo ang balitang iyan. Hindi ka pa rin ba kikilos?" "How could I do that? Alam niyong galit na galit sa akin 'yong tao.""Pwes, gumawa ka ng paraan. Umuwi ka sa susunod na linggo at ipapakuha kaagad kita ng ticket pauwi ng Pilipinas.""Mom!"Pinanlakihan siya nito ng mga mata."That Bernales is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status