LILURA ÁSVALDR ODESSA
SA ISANG LINGGO ko na nag trabaho sa pamilya ng mga Maximilliano doon ko nalaman na lahat sila ay luminya rin sa pulitiko. Nag paalam ako na aalis ako dahil pupunta ako sa mama ko at sa hideout namin. Gustuhin ko man mag dala ng motor sa mansion hindi ko ginawa dahil baka mag taka pa sila. Kung sasabihin ko naman na pinahiram lang sa akin hindi ko alam kung papayag sila. Habang nasa daan ako patungo sa hideout sinabi ko naman na gabi na ako makakarating. Dahil nanatili muna ako sa hospital. Napansin ko ang kumpulan ng mga tao sa isang tabi. Hanggang itabi ko ang motor ko dito at doon ko nakita ang isang duguang tao na hindi ko matuloy kung lalaki. “Tinapon daw ‘yan dito mukhang sangkot sa bawal na gamot..” wika ng isang lalaki naka tayo lang. Nawala ako sa focus ng tunog ang earpiece ko, “Dumeretso ka sa bar kung saan ka nagpunta ng nakaraan. Bilisan mo!” Utos ni Kohen sa akin. Hindi na ako kumibo at agad kong binalik ang motor ko at mabilis akong nag tungo sa bar kung saan pag mamayari ito ni Sir Val. Hindi nagtagal nakarating na ako at bumaba ako sa motor ko at inalis ko ang helmet ko, inayos ko ang mask ko at hood kong suot bilang assassin. “Anong status?” Tanong ko at sinuot ko ang contact lenses ko na nilagyan ng chipset kung saan makikita ko ang info na ipapakita sa akin ni Kohen. “Siya si Alore, tapusin mo siya dahil tatlong anak niyang babae binenta niya sa mga Chinese Mafia..” wika nito at nakita ko ang tinutukoy nito gamit ang contact lenses na gamit ko. “Status ng anak?”tanong ko dito, iniba ko ang boses ko gamit ang binigay sa amin ni Mr. Hadisson na voice changer. “Lahat patay na, binaboy..” mahinang sagot nito. Hindi na ako umimik at nawala na ang info sa suot ko na contact lenses at naging normal na nakikita ko. Pumasok ako sa loob gamit ang back door. Agad kong nakita ang target ko, marami napapatingin sa gawin ko at kusa din silang tumatabi mas lalo ng ilabas ko double blade short katana ko at pinaikot ko ito sa kamay dalawang kamay ko. Hanggang may humarang sa akin at wala ko itong pakundangan tinanggalan ng ulo. Nang sumirit ang napakaraming dugo at bumagsak ang dalawang lalaki na tingin ko ay bodyguard at nag lakad ako muli. Kita ko ang takot sa mata ni Alore. “Siguro naman alam mo ano ginawa mo diba? Binenta mo ang mga anak mong babae pero wala kang ginawa ng mawalan din sila ng buhay. Kaya bakit kita bubuhayin?” Tanong ko dito. “Anong nangyayay——” hindi ko pinatapos si Sir Val ng tumakbo ang target ko. Ngunit mas mabilis akong kumilos, binato ko ang kanata ko sa likod nito, tumama ito sa batok nito. “What the?! Tumawag na kayo ng pulis! Tumigil ka sino ka para pu—-”hindi ko pinatapos si Sir Val ng hawakan ko ng mahigpit ang kadena na naka kabit sa hawakan ng katana ko. Nilingon ko ito at tiningnan ko ng napaka lamig, this time hindi ko suot ang dark black kong contact lens, dahil asul ang kulay ng mata ko ngayon. Hinatak ko pa lalo ang katana ko na naging dahilan ng tilian ng mga tao dahil kumawala ang napakaraming pulang likido. “Tapos na ako dito..” wika ko at naglalakad na ako palabas ng bar na ito, ni walang humarang sa akin, dahil sa takot at gulat na gumuhit sa kanilang mga mukha. “Kahit kailan ka talaga! Ngayon maingay kana!” Sermon ni Kohen, sumampa ako sa motor ko at pinaandar ko na ito, mabilis akong lumisan. “Mamaya ko na ako awayin..” sagot ko at nakita ko pa sa kabilang side ang pagdating ng parak. “Garapalan ang kilos mo! Pag pinag patuloy mo ‘yan?! Madidisiplina ka talaga.” Wika nito. “Sana inutos mo sa iba..” sagot ko at pinatayan ko ito ng tawag at mabilis akong nag tungo sa OoTA. RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO Hindi ko alam ang gagawin ko sa nakita ko unang beses ko naka kita ng ganun ka brutal kung p*matay ng tao. “Sir. Kailangan po namin na makuha ang panig niyo..” wika ng pulis. “Ako na nagsasalita boss,” wika ng kaibigan ko na si Nevan lumayo sila at nag usap. “Mukhang babae ‘yung pumatay kanina, para siyang babae talaga dahil may boobie siya..” wika ni Summer nilingon ko ito. “Babae? Hindi ko napansin na babae siya..” tanong ko dito. “Oo babae siya pare, halata sa katawan nito may katangkaran din at asul ang mata nito..” napa lingon naman ako kay Nevan ng mag salita ito. “Posible na isa ‘yan sa mga assassin ng kilalang mafia sa bansang ito. Ang mga Lavistre at Valencia. Kilala talaga sila na maraming tauhan na nagkakalat lang..” wika ni Officer Rey. Narinig ko na ang pangalan ng pamilya na ‘yun kilala sila sa buong bansa miski sa labas ng bansa. Sa dami nilang ari-arian at sa yaman din nila. “Kaya mag iingat kayo, kung may ginagawa kayong ilegal? Itago niyo ng husto dahil kung tama tayo ng hinala na tauhan ‘yan ng mafia lord na si Flame Lavistre? Mata niyo lang siguro ang walang latay..” paalala nito at umalis na agad ito kasama ang bangkay. Kilala ang napatay na lalaki, bilang babaero kahit may asawa lagi itong may ka-table. “Nakakatakot isang babae? Assassin? Bihasa pumat*y!” Wika ni Nevan. Bumuntong hininga ako at umiling. “Yung blue eyes niya? Parang pamilyar ang mga mata na ‘yun..” wika ko. Napa lingon ito sa akin na may gulat sa mukha nito. “Napansin mo pala? Klase ng electric blue eyes.. sa pamilya lang na ‘yun ngunit impossible dahil hindi naman sila ganun na klase ng tao.” Sagot nito. Sangayon ako pero paano kung sila nga? “Alam niyo umuwi na tayo at mag pahinga..” aya ni Nevan kaya naman tumayo na ako. “Mag taxi kana lang Summer, wala ako sa mood para ihatid ka..” utos ko sa ex ko at tinalikuran ko na ito agad. LILURA ÁSVALDR ODESSA PAG PASOK KO PA LANG NAPANSIN KO NA ANG IBANG ASSASSIN nandito. Binalik ko ang contact lenses ko na dark black sa aking mata upang takpan ang pagka asul nito. Pumasok ako at saktong nandito ang magkapatid. Pumuwesto ako sa likod kung saan madilim dahil ayoko nakikita ako ng ibang kasamahan ko. Nakita ko pumasok si Mr. Hadisson. “Kailan ba namin makikita ang totoo naming boss?” Tanong ni Knight, napa tingin ako dito. Isa siya sa mga maasahan ko kapag kailangan ko na talaga. Ibig sabihin hindi pa nila nakikita ang pinaka boss namin? Bakit nakita ko na ito? Oo kahit hindi pa ang mukha ngunit ang nakita ko na kahit madilim hindi ko lang alam ang pangalan nito. “Hindi pa sa ngayon kailangan muna niyang ayusin lahat ng dapat ayusin..” sagot ni Mr. Hadisson ako naman ay nakatingin lang. “Wala ka balak mag salita?” Tanong ni Kohen. Nilingon ko ito. “Para ano? Lumingon sila? Ano pa ang purpose at nagtago ako dito?” Tanong ko naman pabalik dito na kina tawa nito. “Hay naku.” Yun na lang ang naisagot niya at umalis na ito. “May bago bang pag babanta?” Tanong ni Kohen kay Mr. Hadisson. “Sa ngayon wala pero sooner or later darating ng kalaban. We can handle it.” Sagot nito kay Kohen. Sa pag kakatanda ko si Kohen ang diretso na kaya kumausap sa mga kapatid ng amo namin. Ngunit wala naman kaming nakukuha na kahit anong information sa klase ng mga kapatid ng amo namin mula kay Kohen. Hindi ko alam kung hindi ba niya sinasabi o hindi rin niya alam. “Sa ngayon ito ang diretso ninyong gagawin, Kohen gusto ko hatiin mo ang assassin mo yung apat na babae, si Lilith, Ásvaldr, Ashen Veil at si Furiae pagsamahin mo sila..” utos nito na kina ikot ng mata ko. “Sino si Ásvaldr?” Tanong ng panganay siya si Ashen Veil. Nag lakad na ako patungo sa pinto binuksan ko ito at nag salita ako. “Kaya ko mag isa sa mission ko, hindi niyo ako kailangan isama sa hindi ko kilala..” wika ko at lumabas na ako ng silid na ‘yun dumeretso na lang ako sa labas upang umalis na. Hindi ko plano mag hintay. Lahat ng binanggit nilang pangalan kanina ay mga assassin name lang ito. Tulad ko Lilura Ásvaldr ang buo kong pangalan sa tatlong nabanggit naman ay hindi ko alam kung ano ang buo nilang pangalan. KOHEN EVERETTE ROYCE “Hindi parin ba alam ng iba ang tungkol sa kanya mas lalo sila?” Tanong ni Mr. Hadisson sa akin. Bumuntong hininga ako at tumango, sumabay na ako sa sasakyan ni Mr. Hadisson dahil wala akong extrang sasakyan. “Tingin ko wala talaga siyang planong ipaalam sa iba ang tungkol sa kanya.” Sagot ko na lang. “Kung ganun wala tayong karapatan mangialam, kahit si Boss hindi rin niya gusto mangialam. Mag hintay na lang tayo..” sagot ni Mr. Hadisson. Napa tango na lang ako at hindi na uminik pa. Dahil tama ito wala kaming karapatan mag salita dahil kapag ginawa namin ‘yun lalong lalayo ang loob ni Lilura sa amin. Alam niya paano kami iiwasan kahit iwan kami nito wala siyang pakialam. Bahala na ang tadhana na mag sabi ng totoo at naglabas nito, dahil lalabas din naman talaga ito sa tamang oras at panahon.THIRD PERSON POV “Hindi ito totoo!! Hindi! Hindi!!” Malakas n ma sigaw ni Llewela at pinag sisira nito ang papel, habang si Lilura naman ay tumigil sa paglalakad at humawak ito sa malaking debris ng semento upang kumuha muna ng lakas. “Minsan, ang mga mata natin ang totoong taksil sa atin. Dahil nakikita na natin ang katotohanan, pero mas pinili nitong nagbubulag-bulagan dahil may gusto ang isip natin na sagot..” maka hulugan na wika ni Lilura. “Kunin niyo si Lilura..” utos ni Flame at agad itong nag lakad patungo sa harapan upang salubungin si Lilura. “Masusunod po..” nag takbuhan agad ang mga kaibigan ni Lilura. Nang makuha nila si Lilura sumugod si Llewela kay Flame ngunit agad itong tinutukan ng baril sa mukha. “Lahat ng information na binigay ko ay tugma at tama. Problema mo na kung paano mo yan aalamin, bago ka manisi at itutok ang baril sa isang tao alamin mo muna ang lahat.” Mahabang paliwanag ni Flame. Gumihit ang takot sa mukha ni Furiae dahil sa klase ng tingin
THIRD PERSON POV “Bakit kasama ang mommy Levana?” Tanong ng ama ni Levana na ng nasa sasakyan sila patungo sa lumang gusali na malayo sa kabihasnan. “Dahil kailangan ni Mommy malaman lahat ng ginawa mo..” sagot ng panganay na anak ni Oswald at Heleth Lambrix. Agad gumuhit ang takot sa mga mata ni Oswald na maaaring malaman na ng kanyang asawa ang pagtataksil na kanyang ginawa. May 20 years na mahigit ang nakaraan. “Anak mapag uusapan naman ito, huwag lang ganito!” Awat at pakiusap ni Oswald sa kanyang anak. “Ano ba nangyayari sainyo?” Pag tatakang tanong ni Heleth sa kanyang mag ama. “Dad, matagal na kita binigyan ng pagkakataon para mag sabi sa amin ng katotohanan. This time huwag ka naman maging unfair!” Sagot ng dalagang si Levana. “Anak pakiusap labas dito ang mommy mo! Alam mo naman kung gaano ko pinaghirapan ang makilala ang ——” hindi ito natapos sa pag sasalita ng itigil ni Levana ang sasakyan sa isang lumang gusali. Lumingon ito sa kanyang ama na matalim ang pag
LILURA ÁSVALDR ODESSA Kung kanina matapang pa ako, ngayon hindi na dahil sa batang dina-dala ko. Nagugutom na ako halos isang araw na ako na hindi kumakain. Kaya pakiramdam ko hinang-hina na ako at nauuhaw pa ako. Masakit din ang katawan ko at mga sugat ko. “Anak.. kapit ka lang kay mommy ha? Huwag ka muna bumitaw pakiusap..” bulong kong pag kausap sa anak ko. Dumating na ang araw kung saan hindi ko alam paano ko ipapaliwanag dahil wala akong ideya sa nangyari sa Russia. Hindi ko alam sino ang pwede ituro. Kasalanan ko ito hindi ko inalam anong nangyari noon, ngunit malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang taong nag aabang sa target ko ng gabi na ‘yun. Sigurado ako na meron pa, dahil ang bala nila nang galing sa mataas na parte sa harapan. Ibig sabihin nasa harap ito naka pwesto, nang gawin ko ang trabaho ko sumabay na ito, para sa akin ang sisi.. Naikuyom ko ang kamao ng napagtanto ko ang ginawa ng taong ‘yun. Wala din akong ideya sa mga taong nakapalibot sa mga kaibiga
THIRD PERSON POV MALAMIG NA TUBIG ANG gumising kay Lilura, umubo ito dahil sa tubig na nainom nito. Nang imulat nito ang kanyang mata doon niya nakita ang mukha ni Llewela. “Sa tagal ng panahon na hinahanap ko ang taong pumatay sa kaibigan ko at kay tito? Kasama ko lang pala all along ?” Tanong ng dalaga sa kanyang kapatid. Ngumisi si Lilura at nag salita. “Hindi ka ba nag hanap pa ng mga ebidensya kung talagang pinatay ko ang kaibigan mo?” Matapang na tanong ni Lilura. Nang aambahan ng sampal ni Llewela ang kapatid tumigil ito at nag salita. “Papahirapan kita hanggang ikaw mismo ang sumuko!” Pagbabanta nito. “Papayagan kita, pero huwag mong idamay ang bata sa t’yan ko..” pakiusap ni Lilura. Tumawa lang ang dalagang si Llewel at hinawakan ang baba ni Lilura at inangat patingala sa kanya. “Nakakaawa ka naman, Miss Lilura Ásvaldr Odessa. Tingin mo maniniwala ako sa’yo? Marami na akong pinatay na tao at nagmamakaawa sakin tulad mo buntis din, pero sa huli nag sisinungaling din
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nagising ako ng madaling at una kong tiningnan ang orasan sa tabi ko, nakita ko na 4;14 na ng madaling araw. “Ma.. kain ka po muna para may laman ang t’yan mo..” kalabit ko sa mama ko ngunit napa tigil ako ng napaka lamig ng balat ni mama. Agad kong binuksan ang lampshade at doon ko nakita na anak pikit si mama at natutulog. “Ma..” tawag ko dito at pinag masdan ko ang buong katawan ni mama pababa. Napansin ko na hindi na ito humihinga. “Ma.. gising kana po..” tawag ko muli dito, naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko at ang pangingilid ng luha ko. “Ma! Gising na po!” Tawag ko muli dito habang ang luha ko ay tumutulo na. “Ma naman.. gising na po, sabi ko po diba kakain po kayo pag alas kwatro na..” tawag ko dito at pinunasan ko ang luha ko at buong mukha ko. Panay ang yugyog ko kay mama ngunit hindi pa rin ito kumikibo o nagigising. Napa yuko at umiyak lang ako. “Sinamahan mo lang ako kumain sa huling pagkakataon. Kahit alam ko naman na ang lahat, masaki
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nasa labas kami ni mama habang nag papaaraw kami dahil kailangan niya ito kahit papaano. Tinigil ko ang wheelchair at umupo ako sa may bato habang naka tanaw sa asul na dagat. “Mama, lagi po tandaan na mahal na mahal kita..” wika ko at hinawakan ko ang kamay ni mama. Napaka payat na nito, ni hindi ko na makikala ang mama ko. Naka suot na rin ito ng bonnet sa ulo dahil wala na rin buhok si Mama. Nagising ako sa pag iisip ng hawakan nito ang mukha ko. “Anak. Lagi mo tatandaan kahit mawala si mama mahal na mahal kita. Ang mundo anak napaka walang puso kaya kailangan mo kayanin..” ngumiti ito pero tipid na. Tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng mama ko. “Kakayanin ko po kahit ano pa ‘yan..” sagot ko dito. “Ang mga kaibigan mo.. si Flame napaka bait niya anak gusto ko siya bilang kaibigan mo, napakabuti ng puso niya nagawa ka niya protektahan sa lahat..” wika ni mama na kina gulat ko. “Paano niyo po siya nakilala?” Tanong ko dito, tumingin lang ito sa ma