LILURA ÁSVALDR ODESSA
HABANG PINA-PALIWANAG SA AKIN ni Manang Celsi lahat ng rules sa bahay nag papalit naman ako ng damit ko bilang katulong. Sinabi nito lahat ng rules na siyang nakabisado ko agad. “Nakikinig ka ba hija?” Tanong nito. “Opo, kabisado ko na ang rules ng mansion at ng mga may-ari..” sagot ko at sumunod ako dito, dahil dadalhin ako nito sa itaas upang ituro ang mga kwarto ng amo namin at mga bawal pasukin dito. “Siguro naman kilala mo ang pamilya na ito? Kilala sila sa pagiging pulitiko mula pa sa mga ka-lolohan nila..” wika nito. “Hindi ko sila kilala, wala naman akong panahon para gawin ‘yun. Saka pare-pareho lang mga pulitiko sa mata ko, kailangan nila ng boto ng mga tao pero kapag nailuk-lok na sila nakakalimutan na nila ang tungkulin nila..” sagot ko at namulsa ako. Lumingon naman ito sa akin na nanlalaki ang mata. “Hindi mo dapat iparinig ‘yan sa nga Maximlliano! Sigurado ako na mapapagalitan ka..” may gigil sa boses nila. “Isa mababait ang pamilya na ito!” Depensa nito. Ngumisi naman ako at agad ko itong inalis. “Ayoko pa rin sa kanila..” sagot ko. “Pera lang nila kailangan ko dahil may binubuhay ako..” sagot dito ng hindi ito ginagalang. Umiling ito at itinuro sa akin ang kwarto ng mag asawa at ng nag iisang anak na babae ng magiging amo ko. Nalaman ko din na hindi gaano natutulog dito ang anak na panganay ng mga Maximilliano na si Ma’am Viatrix. Matapos ako nito ilibot agad naman akong nag simula sa trabaho ko ang mag laba ng damit ng mga amo. Nasa likod ako habang nakatitig ako sa washing machine, nang maramdaman ko na may parating. Paglingon ko saktong nandito ang anak na babae ng mag asawa, si Miss Viatrix, sumandal ito sa pinto at nag salita. “Yang mukha mo? Pamilyar sa sakin ang mukha na ‘yan parang nakita ko na ang mga mukha na ‘yan pinag kaiba lang ay ang mata mo..” maka hulugan nitong wika. Tumingin ako dito ng malamig at ngumisi, “Marami naman mag kakamukha sa mundong ito Ma’am..” sagot ko na lang. Napansin ko na bumunot ito ng cellphone at tinapat sa mukha ko. “Ano ka ni Levana Lambrix?” Tanong nito. Tinitigan ko ng sandali ang mukha sa cellphone nito bago mag salita. “Hindi ko kilala ang tinutukoy niyo Ma’am..” sagot ko at nang tumigil na sa pag ikot ang washing, ay kinuha ko na ang mga damit at binanlawan ko na ito. Tinaas ko ang manggas ng suot ko at ganun din ang pang ibaba ko at nag paa ako upang mas mabilis akong matapos. “Well kahit kamukha mo siya, i hate her naman..” sagot nito ngunit hindi ko ito nilingon dahil busy ako sa pag banlaw ng mahigpit. “Pero kung makaka sira sa masaya nilang pamilya ang tungkol sayo? Masaya akong ipaalam sa kanya na may kamukha siya..” wika nito. Kaya tumayo na ako at nilingon ko ito. “Huwag mo ako idamay sa kahit anong isyu mo sa taong tinutukoy mo. Dahil maaaring binabayaran ako ng pamilya mo pero may isang bagay ka hindi alam sa akin..” wika ko dito at pagbabago ko. “Kaya kong wasakin din buhay mo..” huling wika ko at nag punta naman ako sa isang side upang doon idrayer ang mga damit bago isampay. Hindi sila gumagamit ng kahit anong fabric conditioner dahil sa perfume na kanilang ginagamit. Narinig ko na lang ang tunog ng stiletto na papasok sa loob ng mansyon kaya alam ko na mag isa na ako sa likod ulit. MATAPOS KO SA GAWAIN sa likod sinabihan ako ni Manang na samahan ko siya upang mamalengke. Sumunod naman ako at nag bihis lang ako ng short na hanggang tuhod na itim at t-shirt na itim din. Naka tsinelas lang ako dahil dito naman ako komportable. “Yan na suot mo?” Tanong ni Manang, tumango ako at hindi nag salita. “Eh kung ganun tara na at nag hihintay si Donya Aurelia sa sasakyan..” utos nito kaya sumunod na ako dito. “Sa tabi ka ng driver umupo samahan ko si Donya sa likod..” utos niya kaya tumango na lang ako at nag tungo ako sa tabi ng driver. Pag bukas ko pumasok na ako at nag suot ng set belt. “Hindi ka talaga gaano nag sasalita, ano? Teka ano ba itatawag ko sayo, hija?” Tanong ni Donya Aurelia sa akin. “Lura na lang ho..” sagot ko at yumuko ako, nang umandar na ang sasakyan ay agad naman akong umayos ng upo. Nag uusap lang sila ni Manang hanggang marinig ko ang pangalan ng taong pinag uusapan nila. “Naku ewan ko ba d’yan sa kapatid ng asawa ko. Gusto na naman tumakbo bilang senate president na naman, sabi ko nga mag retired na dahil matanda na siya. Kaso wala gusto pa rin umupo sa pwesto..” narinig kong wika ni Donya Aurelia. “Eh matulungin naman po si Sir Arthuro, kaya okay lang ‘yan para mas lalo marami itong matulungan..” wika ng ni Manang. Ngumusi ako ang palihim at tumingin sa labas ng bintana. Kailangan ko mabasa ang kinuha ko sa OoTA na info, nabasa ko doon ang pangalang Arthuro pero hindi ito buo dahil hindi ko pa nababasa ng buo. Ang problema ko na lang paano ko siya masusundan kung naka tali ako sa mansion? HABANG NAMIMILI KAMI may nakita akong palapit na babae ngunit hindi ko mamukhaan ito hanggang. Mabilis akong umiwas at nag tungo sa isang side dahil iyon ang asawa ng ama ko. Hindi ko nagawang marinig ang usapan dahil tuluyan na akong nag tungo sa kabilang self ng mga pagkain. Hihintayin ko na lang na hanapin nila ako bago ako mag pakita. Hindi naman ako umaasa na habang buhay hindi kami magkikita ng original family ng ama ko. Pero hindi pa ngayon, dahil marami pa akong mission na kailangan tapusin. Nagulat ako nag mag ring ang phone ko kaya agad kong kinuha ito at sinagot ko ito. “Napatawag ka, Kohen?” Bungad ko dito. “Ipost-pone muna ang trabaho na binigay ko, pero pag aralan mo parin sa weekend pumunta ka dito gusto ka maka usap ni Mr. Hadisson..” utos nito. “Okay sige..” sagot ko dito at binaba ko na ang tawag nito saktong nakita ko na dumaan na ang iniwasan ko kanina. Kaya lumabas na ako sa pinag tataguan ko. “Saan ka ba nanggaling? Bigla ka nawala sa likod ni Donya!” Sermon ni Manang sakin. “May nakita lang po ako kaya sinundan ko..” pag dadahilan ko. “Tara na..” utos nito kaya sumunod ako ulit. “Naku ‘yan talaga Heleth mapag hinala sa asawa, iniisip ba naman niya na mag loloko o may anak sa ibang babae ang asawa niya? Kung meron nasaan na? Diba wala?” Kwento ni Donya Aurelia kay Manang. “Kung meron man donya, hindi nakaka pag taka gwapo parin si Sir Oswald hindi nagbabago ang katawan at mukha.” sagot ni Manang. “Kaso nakaka inis ‘yun manang, may anak sa ibang babae?” Sagot naman ni Donya Aurelia. “Ay oo nga, kung meron man? Siguro nilandi si Sir..” napa tigil ako dahil doon at umiling ako para mawala ang namumuong inis sa katawan ko. Lumayo ako ng konti sa kanila. “Huwag kang lumayo! Halika dito..” sita na naman sakin. Tsk. “Susunod po ako nakikita ko naman kayo..” sagot ko at nag lakad lang ako. “Oo nga pala hija, sino pala ang ama mo? Dahil walang tatay na naka lagay sa info mo..” tanong ni Donya Aurelia. “Walang asawa ang mama ko, anak ako sa pagkakamali. Tarantado kasi yung lalaki may asawa na nag hahanap ng ibang babae pag naka buo kung tratuhin basura..” hindi ko na napigilan na mag salita ng hindi maganda. Naiinis na ako talaga, napa tigil naman ang dalawang ginang at hindi na sila nag salita pa. Mas maganda ito kesa mang gigil ako lalo. NATAPOS ANG PAMIMILI NAMIN NG TAHIMIK hindi na ulit nag salita o nag usap ang amo ko at si Manang. Nang oras na ng hapunan, mas ginusto ko kumain sa likod ng bahay nila sa gilid ng pool dahil ayokong nakikisama sa ibang tao. Dahil kapag nalaman nila kung sino at anong klase akong anak, lalayo din sila sakin at pandidirihan ako nila. “Bakit ka dito kumakain Lura?” Tanong ni Don. Ernest sa akin na kina lingon ko. “Mas gusto ko po dito..” magalang kong sagot. Umupo ito sa harapan ko at nag salita. “Naikwento sa akin ng asawa ko ang sinagot mo sa kanya kanina.. totoo ba?” Tanong nito. Mahinahon lang ang pag kakatanong nito pero wala akong pakialam sa mga ‘yun. “It doesn't matter, Don Ernest kung ano ba talaga. Mas mabuti huwag niyo tanungin ang tungkol sa buhay ko, nandito ako para mag trabaho at hindi gawin na maging close kayo o kahit ano pa na pwede ninyong itawag. Binabayaran niyo ako para sa trabaho. Hanggang doon na lang sana..” matapang kong sagot dito at tumayo na ako. Yumuko at iniwan ko na ito, matapos ko mahugasan ang pinagkainan ko pumasok ako silid ko. “Humihingi ako ng pau—-” hindi ko pinatapos si Manang ng mag salita ako. “Wala ho akong pakialam sa kahit anong paumanhin na gusto niyong sabihin. Uulitin ko binabayaran ako para mag trabaho lang hindi para maging kaibigan kayo..” malamig kong sagot dito at tiningnan ko ito ng malamig. Gulat na gulat ito at kahit alam ko na pwede siyang masaktan sa sinabi ko ay ginawa ko parin. Tulad ng sabi ko wala akong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao.THIRD PERSON POV “Hindi ito totoo!! Hindi! Hindi!!” Malakas n ma sigaw ni Llewela at pinag sisira nito ang papel, habang si Lilura naman ay tumigil sa paglalakad at humawak ito sa malaking debris ng semento upang kumuha muna ng lakas. “Minsan, ang mga mata natin ang totoong taksil sa atin. Dahil nakikita na natin ang katotohanan, pero mas pinili nitong nagbubulag-bulagan dahil may gusto ang isip natin na sagot..” maka hulugan na wika ni Lilura. “Kunin niyo si Lilura..” utos ni Flame at agad itong nag lakad patungo sa harapan upang salubungin si Lilura. “Masusunod po..” nag takbuhan agad ang mga kaibigan ni Lilura. Nang makuha nila si Lilura sumugod si Llewela kay Flame ngunit agad itong tinutukan ng baril sa mukha. “Lahat ng information na binigay ko ay tugma at tama. Problema mo na kung paano mo yan aalamin, bago ka manisi at itutok ang baril sa isang tao alamin mo muna ang lahat.” Mahabang paliwanag ni Flame. Gumihit ang takot sa mukha ni Furiae dahil sa klase ng tingin
THIRD PERSON POV “Bakit kasama ang mommy Levana?” Tanong ng ama ni Levana na ng nasa sasakyan sila patungo sa lumang gusali na malayo sa kabihasnan. “Dahil kailangan ni Mommy malaman lahat ng ginawa mo..” sagot ng panganay na anak ni Oswald at Heleth Lambrix. Agad gumuhit ang takot sa mga mata ni Oswald na maaaring malaman na ng kanyang asawa ang pagtataksil na kanyang ginawa. May 20 years na mahigit ang nakaraan. “Anak mapag uusapan naman ito, huwag lang ganito!” Awat at pakiusap ni Oswald sa kanyang anak. “Ano ba nangyayari sainyo?” Pag tatakang tanong ni Heleth sa kanyang mag ama. “Dad, matagal na kita binigyan ng pagkakataon para mag sabi sa amin ng katotohanan. This time huwag ka naman maging unfair!” Sagot ng dalagang si Levana. “Anak pakiusap labas dito ang mommy mo! Alam mo naman kung gaano ko pinaghirapan ang makilala ang ——” hindi ito natapos sa pag sasalita ng itigil ni Levana ang sasakyan sa isang lumang gusali. Lumingon ito sa kanyang ama na matalim ang pag
LILURA ÁSVALDR ODESSA Kung kanina matapang pa ako, ngayon hindi na dahil sa batang dina-dala ko. Nagugutom na ako halos isang araw na ako na hindi kumakain. Kaya pakiramdam ko hinang-hina na ako at nauuhaw pa ako. Masakit din ang katawan ko at mga sugat ko. “Anak.. kapit ka lang kay mommy ha? Huwag ka muna bumitaw pakiusap..” bulong kong pag kausap sa anak ko. Dumating na ang araw kung saan hindi ko alam paano ko ipapaliwanag dahil wala akong ideya sa nangyari sa Russia. Hindi ko alam sino ang pwede ituro. Kasalanan ko ito hindi ko inalam anong nangyari noon, ngunit malakas ang kutob ko na hindi lang ako ang taong nag aabang sa target ko ng gabi na ‘yun. Sigurado ako na meron pa, dahil ang bala nila nang galing sa mataas na parte sa harapan. Ibig sabihin nasa harap ito naka pwesto, nang gawin ko ang trabaho ko sumabay na ito, para sa akin ang sisi.. Naikuyom ko ang kamao ng napagtanto ko ang ginawa ng taong ‘yun. Wala din akong ideya sa mga taong nakapalibot sa mga kaibiga
THIRD PERSON POV MALAMIG NA TUBIG ANG gumising kay Lilura, umubo ito dahil sa tubig na nainom nito. Nang imulat nito ang kanyang mata doon niya nakita ang mukha ni Llewela. “Sa tagal ng panahon na hinahanap ko ang taong pumatay sa kaibigan ko at kay tito? Kasama ko lang pala all along ?” Tanong ng dalaga sa kanyang kapatid. Ngumisi si Lilura at nag salita. “Hindi ka ba nag hanap pa ng mga ebidensya kung talagang pinatay ko ang kaibigan mo?” Matapang na tanong ni Lilura. Nang aambahan ng sampal ni Llewela ang kapatid tumigil ito at nag salita. “Papahirapan kita hanggang ikaw mismo ang sumuko!” Pagbabanta nito. “Papayagan kita, pero huwag mong idamay ang bata sa t’yan ko..” pakiusap ni Lilura. Tumawa lang ang dalagang si Llewel at hinawakan ang baba ni Lilura at inangat patingala sa kanya. “Nakakaawa ka naman, Miss Lilura Ásvaldr Odessa. Tingin mo maniniwala ako sa’yo? Marami na akong pinatay na tao at nagmamakaawa sakin tulad mo buntis din, pero sa huli nag sisinungaling din
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nagising ako ng madaling at una kong tiningnan ang orasan sa tabi ko, nakita ko na 4;14 na ng madaling araw. “Ma.. kain ka po muna para may laman ang t’yan mo..” kalabit ko sa mama ko ngunit napa tigil ako ng napaka lamig ng balat ni mama. Agad kong binuksan ang lampshade at doon ko nakita na anak pikit si mama at natutulog. “Ma..” tawag ko dito at pinag masdan ko ang buong katawan ni mama pababa. Napansin ko na hindi na ito humihinga. “Ma.. gising kana po..” tawag ko muli dito, naramdaman ko ang panlalabo ng mata ko at ang pangingilid ng luha ko. “Ma! Gising na po!” Tawag ko muli dito habang ang luha ko ay tumutulo na. “Ma naman.. gising na po, sabi ko po diba kakain po kayo pag alas kwatro na..” tawag ko dito at pinunasan ko ang luha ko at buong mukha ko. Panay ang yugyog ko kay mama ngunit hindi pa rin ito kumikibo o nagigising. Napa yuko at umiyak lang ako. “Sinamahan mo lang ako kumain sa huling pagkakataon. Kahit alam ko naman na ang lahat, masaki
LILURA ÁSVALDR ODESSA Nasa labas kami ni mama habang nag papaaraw kami dahil kailangan niya ito kahit papaano. Tinigil ko ang wheelchair at umupo ako sa may bato habang naka tanaw sa asul na dagat. “Mama, lagi po tandaan na mahal na mahal kita..” wika ko at hinawakan ko ang kamay ni mama. Napaka payat na nito, ni hindi ko na makikala ang mama ko. Naka suot na rin ito ng bonnet sa ulo dahil wala na rin buhok si Mama. Nagising ako sa pag iisip ng hawakan nito ang mukha ko. “Anak. Lagi mo tatandaan kahit mawala si mama mahal na mahal kita. Ang mundo anak napaka walang puso kaya kailangan mo kayanin..” ngumiti ito pero tipid na. Tumango ako at hinawakan ko ang kamay ng mama ko. “Kakayanin ko po kahit ano pa ‘yan..” sagot ko dito. “Ang mga kaibigan mo.. si Flame napaka bait niya anak gusto ko siya bilang kaibigan mo, napakabuti ng puso niya nagawa ka niya protektahan sa lahat..” wika ni mama na kina gulat ko. “Paano niyo po siya nakilala?” Tanong ko dito, tumingin lang ito sa ma