LOGINDesperado at naipit sa isang sitwasyon, hindi inakala ni Astrid Monteneses na magbubunga ang isang gabi kapiling ang kilalang business tycoon sa bansa na si Ruex Villaflor. Alam niyang wala siyang kapasidad na buhayin mag-isa ang bata, kaya kahit masakit, iniwan niya ang anak sa harap ng bahay ng mayamang ama nito. Lumipas ang mga taon, nalaman niyang naghahanap sila ng mag-aalaga sa bata. Walang patumpik-tumpik niyang kinuha ang pagkakataon. Hindi man niya nagampanan ang pagiging mabuting ina, ngayon, sisiguradugin niyang siya ang magiging best maid ever.
View MoreHindi na magkandaugaga ang mga tao sa loob ng maliit na karinderya. Palibhasa’y oras ng tanghalian. Marami ang nakapila. Halos puno na lahat ng mga lamesa.
Sumilip ang isang serbadora sa loob ng kusina. “Astrid, pahatid naman ng order!” Lumabas si Astrid at tinuyo ang basang kamay sa suot niyang apron. All around siya rito. Nakakapagod man, tinitiis niya na lang. Kinuha niya ang tray na kinalalagyan ng mga plato at mangkok ng pagkain, saka niya itong maingat na inihain. “Ano ba ‘yan! Ang tagal, ang kukupad.” Bumungad sa kaniya ang galit na reklamo. “Akin na nga!” Hindi makapaghintay nitong hinila ang nilalapag na mangkok dahilan para matapunan ng mainit na sabaw ang kamay ni Astrid. Tahimik siyang napadaing sa sakit na dulot nito. Sa kabila no’n, nagawa niya pang ngumiti sa customer. “Pasensya na po at natagalan, ma’am. Salamat.” Pasimpleng bumuntong hininga si Astrid habang lumilipat sa kailang table para maglinis ng mga naiwang pinagkainan. Tinignan niya ang kamay na napaso. Bukod sa namumulang parte, bakas din ang kulubot ng balat dahil sa matagal na pagkababad sa tubig. “Astrid! Bilisan mo naman ang kilos! Nagwawala na ang mga customer,” aligagang sigaw ng may-ari ng karinderya. “Opo! Ito na po.” Mabilis niyang pinunasan ang lamesa at agad na bumalik sa counter. “Ibigay mo doon sa lalaki at hingin mo na rin ang bayad. Jusmiyo. Katanghaling tapat lasing!” “Ito na po ang order n’yo po sir.” Gegewang-gewang na tumayo ang lasing na lalaki. “Ganito ba kayo rito?! Kanina pa ako naghihintay. Namatay na sa gutom wala pa rin! At ano ‘yan?! Hindi iyan ang binili ko! Ano, naghintay ako sa wala?!”” “Sorry po. Marami kasing—” “Napakabulok naman ng karinderyang ‘to! Simpleng order, mali-mali!” Dinuro-duro siya ng lalaki. “Nasaan ang alak ko?!” “Hindi po kami nagtitinda ng alak dito.” Sinubukan pa rin niyang maging mahinahon. “Kumalma po tayo, sir. Ano po bang mali? Papalitan na lang po.” Napaigtad siya ng hawiin ng lalaki ang tray. Nahuloy at nabasag ang mga pinggan. Natapon ang kanin at ulam, tumalsik ang karamihan nito kay Astrid. Agad siyang humingi nang paumanhin sa mga kalapit na lamesa. Napailing na lang ang may-ari nang mapansin ang nangyari. “Ayoko na! ‘Wag na lang. Hindi ko na kakainin. Sa iba na lang ako kakain. Wala kayong kwenta! Magsara na kayo!” “Sir! Teka po! Sir!” sinubukan niya itong tawagin pabalik pero unti-unting humina ang boses niya kasabay ng paglayo nito. “Hindi pa po kayo bayad…” Nanlumo si Astrid dahil walang pakundangang umalis ang lalaki. Buntong hininga niyang pinulot ang mga kalat. Siguradong bawas ito sa sahod niya. Akmang pupulutin niya ang isang piraso ng bubog mula sa nabasag na plato nang may humuli ng kamay niya. “Delikado ‘yan, ganda. Ako na.” Ang creepy ng tawa ng isang ‘to. Hinatak agad ni Astrid ang kamay niya palayo. Narinig niya ang kantiyawan mula sa kabilang lamesang puno ng mga construction worker. “Ay naku, nadumihan din ang damit mo.” Napatingin si Astrid sa suot niya. Mabuti at may suot siyang apron. Wala masyadong matsa sa mismong damit niya. Nanlaki ang mga mata niya nang mahuling sa dibdib niya nakatingin ang lalaki. Bastos! “Tulungan kita—” “Hindi na po.” Tumayo siya at mabilis na lumayo. Ang isang katrabaho niya na lang ang pinapalit niya sa kaniya, samantalang nanatili siya sa loob ng kusina para maghugas ng mga pinggan. Sanay na siya sa ganitong klaseng mga senaryo. Walang bago, normal na ganap. Iisipin niya na lang na isa na naman itong malas na araw. Sa araw-araw niyang pagtatrabaho, iba’t ibang tao ang nakakasalamuha niya. Nakakababa ng dignidad ang ganoong klaseng mga customer. Ngunit ano bang magagawa niya. Mahirap maging mahirap. Kailangan mong lunukin ang pride mo dahil kung hindi, tiyak na kahirapan ang kakain sa ‘yo ng buo. Dumating ang gabi at pagsasara ng karinderya. Gano’n na lang ang gulat ni Astrid nang kausapin siya ng kanilang amo. “Aalisin na po ako? Pero ate, wala po akong ibang trabaho ngayon. Natapos na ang ibang sideline ko kaya ito lang po ang pinagkukunan ko. Dahil po ba sa kanina? Hindi na po mauulit! Aayusin ko na po! Huwag n’yo naman po sana akong tanggalin.” Napailing ang may-ari. “Hindi sa gano’n. Magaling ka, napakasipag na bata. Nakikita ko nga ang determinasyon mo. Sadyang kailangan ko lang mag-alis dahil marami na kayo. Wala na akong ipapasahod sa ‘yo. Sana maintindihan mo. Sa lahat ng nandito ikaw lang ang wala pang pamilya at dalaga pa. Marami ka pang pwedeng pasukan panigurado.” Tuluyan siyang natanggal sa trabaho at hindi na nakuha ang huling sahod bilang kabayaran sa mga nasira at napinsala ngayong araw. May mga advance rin kasi siyang sahod kaya nasama sa kinaltas. Pauwi na siya ng bahay, sasakay sana ng tricycle kaso naalalang mas kailangan niyang magtipid ngayon. May pamasahe pa ba siya? Paano siya makakabili ng pagkain? Paano na siya ngayon? Sinilip niya ang laman ng wallet at mas nalungkot. “Saan aabot ang bente pesos ko?” Nahagip ng mga mata niya ang litrato niya kasama ang yumaong mga magulang. Dalawang taon na ang nakalilipas simula noong mamatay ang mama niya, matapos lang ang isang taon sumunod naman ang kaniyang papa. Ngayon, ulila na siyang tuluyan. Wala siyang sinusustentuhan ngunit marami siyang binabayaran. Kahit papaano kinakaya nila noong tatlo pa silang magkakasama, simple at masaya. Mas mabigat pala mamuhay mag-isa. Sinara na lang niya ang pitaka. Bagsak balikat siyang nagpatuloy sa paglalakad. Ilang hakbang pa man ang layo niya sa kanila ay natanaw na niya ang isang ginang. Nag-aabang ito sa harap ng maliit na gate ng bahay. Napakagat siya ng labi. Oo nga pala! “Aling Beth...” “Sawakas dumating ka na. Ano na, Astrid?” Hinarap siya ng ginang. “Akala ko ay tatakasan mo na ako. Sabi mo ngayon ka maghuhulog? Nasaan na?” “Ano po kasi Aling Beth eh. Wala pa po—” “Ayan na nga ba ang sinasabi ko.” Nakapameywang ang ginang. Mabilis nitong pinaypayan ang sarili. Makapal ang pulang lipstick niya kahit gabi at soyal ang suot. Matapos tiklupin ang pamaypay, ginamit niya iyon panuro kay Astrid. “May utang ka pang interes! Patong-patong na ang kulang mo sa akin.” “Gusto mo pong pumasok muna? Sa loob na po natin pag-usapan.” Awkward na tumawa si Astrid. Sa isip-isip niya’y namomoblema na siya. Ang presyo ng bahay kasama ng mga naipong interes, mahigit kumulang dalawang milyon. “Ibebent—” Naalarma siya at agad pinutol ang binabalak sabihin ni Aling Beth. “Sige po, gagawan ko ng paraan, sandali lang po.” Bumuga siya nang hangin at saka bahagyang lumayo. May savings naman siya, malaki na iyon pero sadyang kulang pa. Tinignan niya sa cellphone ang balance ng bank account niya. Namutla siya sa nakita. Zero balance. Notification ng withdrawal. Lahat. Simot. Wala ni isang kusing ang tinira. Nanlalamig ang mga kamay niya habang sinusubukang tawagan ang nag-iisang may access na gawin ito. “Marky! ‘Yong bank account ko, k-kinuha mo ba ang pera—” Napatigil siya dahil sa ingay sa kabilang linya. Madaming tao at malakas ang tugtog. “Pre! Sinong kausap mo? Iyan ba ‘yong jowa mong mas mahirap pa sa daga at parang matandang conservative?” Sigaw sa malayo. Sumunod ang mga tawanan. “Nandidiri ata sa ‘yo eh! Feeling maganda at banal, ayan, deserve palitan.” “Shh! Sira.” Boses ng boyfriend niya. “Ano nga ‘yon? Ba’t ka napatawag?” “Lasing ka ba?” “Ano naman! Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin.” Napaawang ang labi ni Astrid. Simula nang naging sila noong college hanggang ngayon, ito ang unang beses na nagpakita ng ganitong ugali si Marky. At ano itong mga narinig niya? “Bakit mo kinuha ang pera ko?” “Ah, iyon lang pala. Pera ko rin ‘yon! Tandaan mo, sa tagal nating magkarelasyon, ako lagi ang nagbabayad sa mga dates at gala natin. Binibigyan pa kita ng mga regalo.” “A-Ano? Sinusumbat mo ang mga kusa mong ginawa? Hindi sa ‘yo ang pera, akin ‘yon! Wala kang naging ambag doon! Sariling pawis at dugo ko ang lahat ng pera, Marky. Ibalik mo!” Napakunot si Astrid sa biglang sumingit. “Babe, let’s go.” “Okay, babe. Balik ako, mabilis lang ‘to.” “Sino ‘yon?” “Pake mo?” “Girlfriend mo ako!” Namuo ang galit sa dibdib niya. “Maghiwalay na tayo.” “Sige ba! Naunahan mo lang ako. Iniisip ko pa kung paano ko sasabihin mabuti ikaw na ang gumawa. Bye.” Nagsimulang mangilid ang luha ni Astrid hanggang manlabo ang mga mata niya. Ito pala ang tunay na ugali ng lalaking pinagkatiwalaan niya. Napasinghap ng hangin si Astrid. Pununasan niya ang mga patak ng luha saka bumalik kay Aling Beth para humingi ng palugit. “Kung lagi kang ganyan, aba, mabuti pang ibenta ko na lang ‘tong bahay na ‘to.” “Huwag naman po, Aling Beth…” halos lumuhod na siya sa pagmamakaawa, “sobrang problemado ko lang—kapos na kapos ako ngayon, nawalan po ako ng trabaho. Bigyan n’yo pa po ako ng chance. May natabi naman po ako. Bukas na bukas din, maghahanap ako ng panibagong trabaho. Makapagbayad po ako.” “Nawalan ng trabaho?” Tila napukaw ng sinabi niyang iyon ang atensyon ni Aling Beth. “Naghahanap ka kamo ng trabaho ngayon?” Tumango siya. Napalitan ng malawak na ngiti ang busangot ni Aling Beth habang sinusuri ang kabuuan ni Astrid. SA KABILANG BANDA... “Sir. May tawag po kayo,” magalang na wika ng isang lalaki na medyo may katandaan na rin. Hindi man lang nag-angat ng tingin ang kausap niya. “I’m busy,” tanging saad nito. “Si Mrs. Villaflor po ang tumatawag.” Napahilot siya ng sintido. Sawakas, binitawan niya ang mga dokumento. Nilahad niya ang kamay sa harap ng sekretarya at binigay nito ang cellphone. “Hello? Ma.” “Ruex! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?!” bulalas mula sa kabilang linya. Bahagyang niyang nilayo ang cellphone sa tainga. “May ginagawa pa ako, ma.” “Do you know what time is it already, huh, Ruex? Gabing gabi na nasa opisina ka pa rin! Kaya walang babaeng nagkakagusto sa ‘yo. Paano ka magkakaasawa n‘yan kung puro ka trabaho!” At heto na naman nga tayo. Napahilot muli ng sintido si Ruex. “Come on, ma. I’m really busy right now. Pwedeng sa susunod mo na lang ako pagsabihan?” “What?! What did you say? I’m just worried. Tinataboy mo na naman ako!” Kahit hindi niya kita ang itsura ng ina, alam niyang nagdadrama ito. Nakumpirma niya ‘yon nang bigla nitong putulin ang tawag. Nagkatinginan sila ng sekretarya niyang si Connor na nagkibit balikat lang. “What’s my schedule tomorrow?” “Meetings except the evening.” Nilipag ni Connor ang isang pulang envelope. “Pinadala ng pinsan mo ang invitation na ito. May gaganaping Masquerade Party. There will be an auction too.” Napataas ang kilay ni Ruex. “What will be auctioned?” “Not really sure. Paintings, artifacts, some highly valued items I guess.” Private gatherings iyon, a hidden elite event, kaya walang nakalap na impormasyon si Connor. “Should I cancel it?” “No. I'll go.”Habol hininga si Erich na pumasok sa sasakyan niya. Sa padabog niyang pagsara ng pinto, agad napatingin sa salamin ang driver niya.“Babalik na po tayo sa mansyon ma’am?”Huminga ng malalim si Erich. “No. Drive me to my condo.”Tahimik na sumunod ang driver.Bakit nandoon ang babaeng ‘yon?! Nagtatrabaho pa siya sa mga Villaflor… Napasabunot si Erich sa sarili kasabay ng pagtili. Inis niyang dinampot ang paperbag na dinala niya at hinagis sa lapag ng kotse.Maayos na ang lahat. Pumayag na sa kasal si Ruex. Bakit ngayon pa sumulpot ang babaeng ‘yon? Bakit ba pilit siyang hinahabol at minumulto ng nakaraan! Paan
“Ugh. Why do I even need to do these things for that kid?”Iritado si Erich habang naglalakad sa mall. “Ang dami kong pwedeng gawin. I could be pampering myself and doing my self care routine, I can visit a salon or go shopping for my own things. Yet here I am!”Napairap siya. “Pero nasabi ko na kay Rowan na bibigyan ko siya ng regalong gusto niya. Narinig pa ni Ruex.” Padagbog niyang tinulak ang glassdoor papasok sa isang book store. Agad siyang dumiretso sa best-seller section.Wala siyang alam sa mga libro. Alin ba rito ang dapat niyang bilhin?“Hello po, miss. Good morning po. Iyan po ang mga mabenta rito. Magagandang libro po ‘yan.”Hinarap niya ang lumapit na saleslady. “Is there anything here good for a kid? He’s around five years old.” “Ay, doon po sa kabilang shelf ang mga pambatang story.”Tinignan ni Erich ang section na tinuro nito. Mga kwentong pambata. For sure Rowan will not like those kinds of books. Masyadong mature mag-isip ang batang ‘yon. Kaya nga naiinis siya. A
“Dito na lang po sir, d’yan na lang po sa gilid mo ibaba.” Nakaramdam ng hiya si Astrid. Boss niya pa talaga ang pinagbuhat niya.“Magpapatulong na lang po ako kila kuya at manong doon sa iba,” aniya. Ang tinutukoy ay mga lalaking trabahador sa mansyon.Nilibot ng mag-ama ang paningin sa tinutuluyan ni Astrid, ngayon lang sila nagawi sa parte ng ito ng mansyon.“Ganda naman ng room mo nanny, ang linis. Gusto ko rito! Pwede pong tumabi ako sa ‘yo mamaya matulog?”Hindi nakasagot si Astrid sa anak. Tumingin agad siya kay Ruex na halatang hindi payag.“I thought we would be together in my room tonight, Rowan?” reklamo nito. Kapag walang pasok si Rowan, tabi natutulog ang mag-ama. Bonding time nila iyon. Kundi sa kwarto ng bata, kay Ruex sila.Tapos ngayon ipgpapalit pa siya ni Rowan para lang magkasama ang nanny niya? Unbelievable!“Ay, oo nga pala dad. Tabi ka na lang po sa amin ni nanny?”“No, thank you. Kung gusto mo rito hindi sa tabi ko, go on. I’ll sleep on my bed. ALONE. I will
Ramdam ni Astrid ang pag-iiba ng hangin sa loob ng mansyon. Nadatnan niya na parehong nakabusangot ang mag-ama sa sofa, nakakrus ang mga braso.Dahan-dahan siyang lumapit sa harap nila. “Sir Ruex, Rowan, may maipaglilingkod po ba ako sa inyo?”“Wala po. We’re not as important as naman po as your boyfriend. Hintayin mo na lang ang text ng boyfriend mo.”Nagtatakang tumaas ang isang kilay ni Astrid sa naging tugon ni Rowan. Hindi malabing katulad ng nakasanayan niya, masungit ang bata ngayon.“Nakikipag-date sa oras ng trabaho? Sinama mo pa talaga si Rowan.”Tumaas na ang isa pa niyang kilay dahil naman kay Ruex. Strikto as usual, pero mas lalong naging seryoso ngayon.Anong problema ng mag-amang ‘to?“Sige po, kung wala na, akyat na po ako sa maid’s quarter…”“Tss!” sabay siyang tinalikuran ni Ruex at ni Rowan. Nauna pang tumayo ang dalawa at umakyat sa hagdan kaysa sa kaniya.Astrid stood there for few seconds, speechless na nakatingin sa mag-amang sabay na nagmamaktol, malakas ag gal
Kasasabi lang na susubukan kalimutan ni Astrid ang nangyari, pero magagawa niya pa nga ba ngayong may munting alaalang nagsisimulang mabuhay sa sinapunan niya?“Anong sabi? Sumagot na ba sa tawag?”Umiling si Astrid sa kaniyang kaibigan.“Aba! Bruha talaga ‘yang si Madam Beth! Sampung milyon, higit
Nagising si Astrid na masakit ang buong katawan. Nang idilat niya ang kaniyang mga mata, ang salaming bintana ang nasa harap niya, kung saan nakita niya papaangat pa lang ang araw. Unti-unti niyang naalala ang mga nangyari kagabi. The unexpected job offer.Masquerade party.Auction.A night with a
Sumalubong kay Astrid ang malamig na marmol. Sinubukan niyang tumayo, tinukod niya kaniyang mga kamay at binuhat paangat ang katawan. Parang ang bigat ng katawan niya. “Walang bagay na gusto ko na hindi ko nakukuha.” Lumapit ang isang boses. Pinilit niyang makilala kung sino ito sa kabila ng nanl
Naging hudyat ang anunsyo para mag-angat ng tingin si Ruex. Doon niya lang napansin ang babae. ‘What’s wrong with her?’ Is the first thing he asked himself. Nakayuko si Astrid at halatang kinakabahan. She looks like a lost puppy in his eyes.Mariing kinuyom ni Astrid ang mga kamao habang nakatayo s


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews