Share

CHAPTER 3 FIRST MEET

O-M-G!... nagpapalpitate ba ako? My heart beats faster… dinig na dinig ko ang kalabog ng puso ko; parang hindi ako makahinga after I saw her face.

She has an angelic face, mala-angel, ang amo ng mukha niya parang inosente; her eyes parang nangungusap; ang maliit pero matangos na ilong; thin and pinkish lips and lastly dark brown hair na sadyang pinakuyalan na bumagay sa kanyang mahaba at tuwid na buhok.

“Ah, miss sorry talaga pasensya na may masakit ba sa iyo? Gusto mo dalhin kita sa clinic?” Tarantang sabi niya sabay bitaw sa braso ko.

“Ha? ah hindi na, im okey next time tingnan mo yong dinadaanan mo para hindi ka makabangga o mabangga.” Sagot ko. Ngayon ko lang nanotice na police intern pala siya. She’s a criminology student at parang sabay pa kami nito gagraduate kasi base na rin sa uniform niya na pang intern na.

“Well, excuse me I have to go.” Paalam ko.

Binilisan ko na ang lakad at ramdam kong tinitingnan nya pa rin ako.

“She’s beautiful… ramdam ko ang malakuryenteng dumaloy sa aking kamay ng mahawakan ko ang braso niya para tulungan siyang tumayo.” Titig ko sa aking kamay.

“No Dina! Its impossible… she’s not your type! At I’m very sure she’s straight mas straight pa sa buhok mo!”usal ko.

I am Dina Joy Benitez a criminology student, the only princess in the family of Mr. Juan Carlo Benitez, CEO of Infinity Corp. one of the top performing BPO company in the country. Apat kaming magkakapatid at ako lang ang babae at bunso.

Madaming nag-aakala na pag mayaman ka you have a happy and perfect family kasi lahat nandyan na lalong lalo na ang PERA. Pero para sa akin money is only a material thing, hindi nito mabibili ang tunay na kaligayahan ng isang tao. Masasabi kong halos lahat ng bagay meron na ako, branded and expensive clothes, shoes, jewelries, gadgets and even car. My family provide me everything I need in terms of material thing pero hindi ako masaya.

Since I was a kid my parents are so busy in our family business. My dad almost spends his whole day at work pag umuwi ng bahay halos hindi mabitawan ang cellphone for a lot of phone calls. Si mommy naman busy rin sa kanyang flower farm. Halos lahat ng sulok ng bahay namin ay may halaman. Masyado na yatang mataas ang oxygen level ng bahay dahil sa mga halaman kahit sa cr hindi pinalagpas. Naawa tuloy ako sa hardenero namin na araw-araw nagdidilig at nagchecheck sa mga bulaklak kong okay pa ba.

I was on the middle of the road driving pauwi ng bahay, birthday kasi ni kuya our eldest brother at sa bahay ang reception ng celebration. Tinatamad pa naman akong umuwi dahil bukas may klase pa ako pero I have no choice birthday kasi ni bro. I was staying on a condo malapit lang sa university, medyo malayo din kasi kong uuwi pa ako sa amin everyday papagurin lang ako ng traffic; at speaking of traffic heto na nga nag-uumpisa na sumabay pa talaga ang malakas na buhos ng ulan.

I was so hurry kanina para hindi ako abutan ng traffic at ulan pero wala parin. Naalala ko tuloy the girl na nakabangga ko. Nakonsensya tuloy ako dahil alam kong malakas yong impact ng pagkabangga ko sa kanya. “Kong hindi ka ba naman tanga kanina Dina, makakalimutin ka kasi daig mo pa ang may Amnesia kong saan-saan mo kasi nilalagay ang car key mo.”usal ko.

“Pero maganda siya ha, pretty and cute.”nakangiting wika ko. I imagine her beautiful eyes, ang matangos niyang ilong, her attractive kissable lips and she’s maputi parang kutis artistahin bumagay pa ang white uniform niya, nurse na nurse ang dating at malakas talaga ang appeal sa akin ng mapuputi.

Phone ringing…

Mommy calling

“Hello mom?”

“Hello Dina where are you? Are you coming hija? Where waiting for you?”malambing but worried na tugon ni mommy.

“yes mom, I’m on my way, I’m driving just give me around 30 minutes.”

“okay, ingat.”

“Okay mom. Bye”

I hate traffic. Usad pagong. Ang lakas ng ulan. Malapit na ako sa intersection when I saw a jeep nasiraan pa yata tumirik siguro dahil sa ulan. Ang dami pa namang pasaherong nakasakay nag sibabaan ang iba at tumakbo para makahanap ng waiting shed na masilungan. Kawawa naman sila; mahirap talaga pag commuter.

I accidentally saw a familiar face quickly get off the jeep. Their she is! Si miss nurse… naku nabasa na siya. Nakita kong dadaan siya sa side ko dali-dali kong binaba ang car window.

“Hey miss sumakay kana, ihahatid na kita.”

“ha? Ah… okay.”

Dali-dali kong ina-unlock ang passenger door ng kotse at mabilis naman siyang pumasok. Basang basa siya. She’s wet; hindi ko maiwasan na mapatingin sa kanyang dibdib. Manipis ang tela ng uniform niya kaya kita ang mestisang balat nya at ang bra niya. Her average size breast na tamang-tama lang ang laki; napalunok tuloy ako. Nag go signal na ang traffic light kaya tinuon ko na ang focus ko sa pagmamaneho.

“Basang-basa ka, I have extra clothes. Hiramin mo na lang muna.” Offer ko sabay pihit ng manibela papuntang right lane at nagpark na ako sa tabi ng kalsada kong saan pwedeng magstop temporarily.

“Naku wag na, pwede naman ibaba mo na lang ako sa madaanan na waiting shed mag-aabang na lang ako ng taxi, nakakahiya naman sayo.” Sagot niya

“No, its okey, basa ka baka magkasakit kapa niyan, hiramin mo na itong extra clothes ko.” Ramdam ko ang nginig niya dahil sa lamig. Pumunta ako sa back seat at kumuha ng damit sa aking travelling bag. Lagi akong may dalang damit sa kotse para kahit saan ako mapadpad ay meron akong damit. Hinalukay ko ang laman ng bag kinuha ko ang isang hand towel, isang malapad na t shirt alam kong malaki ito sa kanya at isang walking short na sa tingin ko kasya naman ang beywang pero alam kong abot hanggang tuhod niya ang haba nito, matangkad kasi ako kaysa sa kanya na tantiya ko mga 5’2” lang siya.

Nilagay ko sa upuan at bumalik na ako sa driver seat.

“Just go on back seat para makapagbihis kana. Pasensya kana if maluwang at malaki ang t shirt ang short I know kakasya naman sa iyo.”

“Thank you.” She answered and go to the backseat para magpalit.

Sinimulan na niyang hubarin ang pang itaas niyang uniform, kinuha ang hand towel at pinunas sa kanyang braso at dibdib. I feel little heat, it’s starting slowly rising on my body when I saw her on the head mirror. I feel I’m blushing, I turn down my face baka makita niya na I’m staring at her at namumula na.

Pag inabot ka naman talaga ng kamalasan akala ko hindi na ako maabutan ng traffic sa daan, dumagdag pa ang malakas na ulan. Tumirik tuloy ang lumang jeep na sinasakyan ko; wala akong choice kundi bumaba at tumakbo sa waiting shed na medyo may kalayuan pa; buti na lang may nag offer sakin ng masasakyan what a small world pa. Ang babaeng bumangga sa akin kanina ang siyang kasama ko ngayon.

I saw her staring at me, Nakita ko na tumingin siya sa head mirror. Dali dali akong bumihis at inayos ang basa kong damit at nilagay ko sa plastic na meron ako sa aking bag at bumalik na sa front seat.

“Saan ka pala umuuwi? Hatid na kita.”

“Sa Kamiling street, sa labasan lang ako.”

“Okay, by the way I’m Dina, Dina Joy Benitez and you are?”sabay lahad ng kamay ko for the shake hand.

“I’m Isabela De Leon but just call me Belle.” She responds for a hand shake.

Narating namin ang Kamiling street. Meron itong eskinita papasok; crowded ang area dikit-dikit ang mga bahay, madaming tao at tindahan animo’y squatter area. Dahan dahan kong itinabi ang sasakyan.

“Saan yong bahay nyo?”tanong ko.

“Dito lang ako, sa looban pa kasi yong amin, baka mahirapan kapang lumabas pag pumasok ka at nakakahiya na rin sa iyo. Okay na ako rito.”

“No, ihahatid na kita, medyo malakas pa iyong ulan mababasa ka na naman niyan mamaya. At okay naman yong daan hindi naman masikip.”

“Okay lang malapit na rin namin iyong amin.” Tanggi niya.

“No, okay lang talaga I insist.”

Ipinasok ko ang kotse sa crossing papasok sa kanila. Maluwang naman ang daan kasya naman ang kotse, marami ngang bahay at dikit-dikit papasok sa kanila; madaming tao sa kalsada.

“Dito na lang.”

Tumigil ako sa harap ng bahay na may sari-sari store sa harap. The house is made of wood and bamboo; a light materials na common na tirahan ng mga simpleng tao.

“Dito ba ang bahay niyo?”tanong ko.

“Oo. Salamat sa paghatid ha, yong damit pala paano ko masasauli sa’yo?”

“You’re welcome, and sorry pala kanina nabangga kita. Just keep it nalang muna. Pwede mo akong kontakin sa F* and messenger. DJ Benitez ang account name ko. Pwede ko rin ba makuha yong account mo?” Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, I got my phone and open my account.

“It’s okay. Salamat din ulit sa paghatid. My account name is Belle De Leon.”

Hinanap ko at nakita ko agad ang account niya. I send a friend request.

“Okay, nice to meet you belle. Nag send na ako ng friend request. See you again.”

“Sure, nice to meet you too Dina.”

Bumaba na siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status