Karim, kumusta ang apo ko?”
Naudlot ang pagsinghot ni Karim nang marinig ang boses ng kanyang ama. Malaki ang hakbang nito habang papalapit sa kanya.Kasalukuyan siyang nakasandal sa gilid ng pintuan ng operating room nang dumating ang mga ito. Inayos niya ang sarili at humarap sa ama.“I don’t know, Dad.” Nanghihina niyang sagot.Nakakunot ang noo ng Don. “Anong hindi mo alam? Isang oras, mahigit na, simula nang dinala mo rito sa ospital si Adira. Humabol kami sa pagpunta dahil hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ba lumalabas ang Doctor?” Gusto ng mag hysterical ng matandang Don.Planong sumagot ni Karim nang biglang bumukas ang pintuan ng operating room. Sabay nilang nakita ang walang kabuhay-buhay na mukha ng Doctor. Agad na hinanap ng mga mata nito si Karim sa kanilang tatlo.Lumapit si Karim. “How’s my wife?”“Mr. Walton, I’m sorry, ginawa na namin ang lahat ngunit hindi nakaligtas ang baby. But your wife, she’s safe now.”“Ano? Mas pinili n’yo pang buhayin si Adira kaysa apo ko?” Galit na galit si Erlinda dahil sa sinabi ng doktor. Gusto nitong sugurin si Adira sa loob ng nakabukas na silid. Hinawakan lang ito ng Don.“D-Doctor, ano ba talaga ang nangyari? Nakunan ba talaga si Adira?” Hindi makapaniwala si Don Michael sa sinabi ng Doctor. Umaasa siyang nagbibiro lang ito.Si Karim nanatiling naka froze sa kanyang kinatatayuan. Ang buong akala niya kumapit pa ang anak niya sa sinapupunan ni Adira. Akmang papasok na siya sa loob ng operating room upang kumpirmahin ang sinasabi ng Doctor, ngunit inunahan na siya ng kanyang ina.“Mom!” agad niya itong hinabol. Gusto niyang pigilan sa pangingialam nito sa buhay nila na mag-asawa. Ngunit tila wala itong narinig dahil hindi man lang ito lumingon sa kanya.Mabilis na rin na sumunod si Don Michael. Interesado rin siyang malaman kung wala na nga talaga ang apo niya.Napailing na lang ang Doctor. Batid niyang mas mahalaga sa mga ito ang tagapagmana ni Karim kaysa kay Adira. Nakaramdam siya ng awa sa babae. Hinayaan na lang niya ang mga ito na pumasok sa loob ng operating room. Nagpatuloy siya sa paglalakad palabas ng OR.“Doctor!”Napalingon si Doc Encio nang marinig ang boses ni Erlinda. Lumingon siya at nakita niyang halos lumuwa na ang mga mata nito habang lumalaki ang mga hakbang na papalapit sa kanya. Alam na niya kung bakit.“Nasaan na si Adira? Bakit wala siya sa loob?” Tanong ng ginang. “Ikaw ba talaga ang Doctor ni Adira? Mukhang gino-good time mo lang kami eh.” Dagdag sa sinabi nito.Nagpakawala muna ng malalim na hangin ang Doctor. Wala pa sana siyang balak na umamin ngunit nakasalubong ng kanyang mata ang matalim na tingin ni Karim. Nagbabanta ang mga tingin nito, parang nagpapahiwatig na huwag lang siya magkamali sa pagsagot at tiyak may kalalagyan siya.“Inilipat siya sa Amarah hospital.”“Inilipat…what?” Sabay na tanong ng dalawang matanda. Lumipat ang kanilang mga tingin kay Karim na kasalukuyan nakakunot ang noo. Halatang walang alam kung bakit inilipat ang asawa nito.“Where…is..my…wife!” Parang sasabog si Karim. Talagang pantig-pantig pa ang kanyang pagsasalita para ipahiwatig na nauubos na ang pasensya niya. Kanina pa siya naghihintay sa labas ng pintuan ng operating room. Walang Adira na lumabas. Kung ganun saan iyon dumaan? Sa loob na exit?“Nasa Amarah Hospital.” sagot ng Doctor.“What? Nalilito ang mga mata ni Karim habang nakatingin sa Doctor.Lahat sila nasindak bakit napunta si Adira sa Amarah hospital gayung dito siya sa St. Lucian dinala ni Karim.“Doctor, anong sinasabi mo na dinala siya sa Amarah Hospital? I mean.. sino naman ang tanga na magdadala sa kanya doon? Kung dito pa nga lang sa St. Lucian ilang libong dolyar na ang gagastusin, yun pa kaya sa Amarah na isang international hospital?” Tinalakan na ng ginang ang Doktor.Nakakuyom ang kamao ni Karim. Gusto nang suntukin ang Doktor. “Doc Encio, sino ang nagbigay sa inyo ng karapatan upang dalhin sa Amarah Hospital ang asawa ko!? Ako ang asawa niya! Ako ang higit na may desisyon pagdating sa kanya!”Napaatras si Doc Encio dahil sa sigaw na iyon ni Karim. Pakiramdam niya kung hindi siya iiwas sigurado talagang masasakal siya ng CEO kapag hindi ito nakapagpigil ng galit. Gayunpaman sinubukan pa rin niyang magpaliwanag.“Mr. Walton, dumaan sa tamang proseso ang paglipat ng pasyente sa ibang hospital. Ngayon, kung para sa ‘yo may nilabag kami, mas magandang kausapin n’yo na muna ang asawa n’yo upang maiwasan ang anumang gulo.”“Anong gulo ang pinagsasabi mo, Doctor Encio?” Pumagitna na naman ang Ginang saka muling idinagdag. “Para sa isang ordinaryong babae na katulad ni Adira Dela Vega wala siyang kakayahan upang kalabanin ang anak ko na isang CEO ng Walton Pharma Group! Ha! Napaka Ambisyosa niya na lumipat sa Amarah Hospital. Sino ang inaasahan niyang magbayad ng bills niya doon, si Karim?”Napaawang ang labi ng Doktor sa narinig. Hindi ba alam ng mga ito kung sino si Adira Dela Vega? Isang Ceo ng Amarah Pharma Incorporated ang babae kaya normal lang na piliin nito ang sariling hospital. At kahit director ng St. Lucian walang nagawa nang tumawag ang Beast CEO na si Allaric Dela Vega na ilipat ng Amarah ang mahal na kapatid nito. Hindi nito kayang kalabanin si Karim ngunit mas lalo naman si Allaric.“Tawagan mo ang Amarah Hospital, sabihin mo, ibalik nila ang asawa ko!” Marahas na hinawakan ni Karim ang kwelyo ng doctors gown ni Dr. Encio. Ngunit hindi nagpatinag ang Doktor.“Kahit patayin mo man ako ngayon, Mr. Walton, sinasabi ko na sa’yo, wala pa rin akong magagawa dahil iyon ang kagustuhan ng asawa mo. If you really want, bakit hindi na lang ikaw ang tumawag sa Amarah hospital?” Ngiting aso ang pinakawalan ni Karim habang nakatitig ng masakit sa mga mata ng doktor. Binitiwan na rin niya ito matapos magdesisyon. Hinahanap ng kanyang mga mata si Sherwin.Tila nahalata naman ni Sherwin na siya ang hinahanap ng amo kaya ito lumapit. “Boss.”“Tawagan mo ang Amarah Hospital. Make sure in a matter of minute nandito na ang asawa ko sa St. Lucian.”“Roger that, boss.”Hindi na lumayo pa si Sherwin. Agad itong tumawag sa harapan nilang lahat.“What? Hindi n’yo ba kilala kung sino si Karim Walton? Kontrolado niya ang kalahati ng ekonomiya ng bansa.”“Yes, we understand him, ngunit ayaw namin madamay sa gulo. Lalong ayaw naming magalit ang may-ari ng Amarah hospital. Nagtatrabaho lang po kami. Hope he understand. Thank you.”Napalingon si Sherwin sa boss niya. Kasalukuyang naka-kuyom ang kamao nito nang tingnan niya. Narinig din kasi nito sa loudspeaker kung ano ang sinabi ng Amarah Hospital."May-ari ng Amarah? Hah! kung hindi ako nagkakamali kinalantari na naman ng babaeng yan ang may ari ng Amarah Hospital noon pa, kaya matapang na ito ngayon na labanan-.""Ahhh, just keep your mouth shut, Mum!"Huminto ang pagsasalita ni Erlinda dahil nanlilisik na ngayon ang mga mata ng anak sa galit.“Go, and bring her back!” Utos nito kay Sherwin.Mabilis naman tumalima si Sherwin. Alam niyang gustong-gusto nang puntahan ng boss niya ang asawa nito ngunit nanaig pa rin ang pride nito sa katawan. Panay ang iling niya palabas ng hospital exit. "Bakit kasi sobrang cold hearted mo boss?"Hello, sa mga readers na tatangkilik nitong mga akda ko. Ngayon pa lang gusto ko nang magpasalamat sa inyong lahat sa pagtitiwala sa akin na kaya kung abutin ang mga expectations ninyo. Hahaha, noong sinulat ko ito hindi ko alam kung magampanan ko ang pagiging Kingstone sa puso nyo tulad ng pagmamahal ninyo kay Rising Queen. Maraming salamat po.
Nakiramdam muna si Karim sa maging reaction ni Adira matapos maglapat ng mga labi nila. Nang makita na nasa mahimbing pa rin ito ng pagtulog muli niyang sinakop ang mga labi ng asawa. Nakapikit pa siya habang ginagawa iyon. Gusto niyang namnamin ang lambot ng labi nito na matagal na niyang pinananabikan.“Hmmmm..” Gumalaw ng bahagya ang labi ni Adira kasabay ng mahinang ungol habang patudyo-tudyong pinapasok ni Karim ang dila sa loob ng labi ng asawa. Mula sa pagpikit, nagmulat ng mga mata si Karim at tinitigan ang asawa habang magkalapat pa rin ang labi nilang dalawa.Buong akala niya magigising ang asawa at itutulak siya ngunit nanatili pa ring nakapikit ang mga mata nito. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi niya ng maalala ang mga ganitong sandali sa buhay nila noon. Kailangan pa niyang mag-amoy alak at umaktong lasing noon para may mangyari sa kanila ni Adira. Sa ganoong paraan may lakas loob siyang angkinin ito buong magdamag. Nadadaig kasi siya ng pride niya at ayaw niyang aminin n
Pagdating ni Glee sa ospital agad siyang sinalubong ng mga nagbabagang tingin ni Anthony. Pero hindi niya iyon napansin dahil sobrang nag-alala siya sa anak niya.“Saan si Dion?” humihingal niyang tanong habang iginagala ang kanyang paningin sa loob ng silid ngunit nakaharang ang katawan ni Anthony sa labas ng pintuan.SLAP!Isang sampal ang gumising sa diwa ni Glee mula sa mga kamay ni Anthony. Nagtataka niyang tiningnan ang lalaki habang hawak ang kanyang pisngi na namamanhid dulot ng pagkasampal nito.“What are you doing?” Parang iiyak siya sa sakit na nagtanong.“Really? After what you did to our son, you still have the nerve to ask me that?”Nagtatakang tinitigan ni Glee si Anthony. Hindi niya makuha ang gustong iparating nito ngunit naramdaman niyang may kinalaman ito sa ginawa niya sa anak ni Adira na bumalik sa anak niya. Gayunpaman ipinagpatuloy pa rin niya ang pag maang-maangan.Galit niyang sininghalan ang lalaki. “At bakit ako ang sinisisi mo sa nangyari kay Dion? Anak ko s
“Jukno!” “Madam,” tarantang lumapit ang gwardya kay Glee nang marinig ang sigaw nito. Lalo siyang namutla nang makita ang hindi maipinta na mukha ng kanyang babaeng boss habang nakatayo ito sa labas ng pintuan. “Did you receive this box?” nandidiri nitong kinuha ang box at inimwestra sa kanya. Muntik pang ma-out balance ang guwardya nang i*****k sa dibdib niya ang kahon. Nagulat siya nang makita ang laman nito. "M-Madam, I received it—but I didn't know—" “You don't know because you're stupid! Idiot!” Agaw ni Glee sa paliwanag ng guwardiya. "B-But, Madam, I assumed you were expecting this delivery, so I accepted it." “Ahh! Bullshit!” Ayaw pa rin tanggapin ni Glee ang paliwanag ng kanyang tauhan. Dinakdakan pa rin niya ito. Kinamot ng guwardiya ang ulo. Tinitigan niya ang laman ng box. "Madam, I think these are obviously fake.” Tumigil sa kadadakdak si Glee dahil sa narinig. Bumaba rin ang tingin niya sa box na kasalukuyang hawak ng guwardiya. Kinuha naman ng guwardiya ang mga
Hindi pa man lumapat ang labi ni Karim sa labi ng asawa nang agad na siya nitong tinulak.Namumula ang mukha ni Adira habang uniiwas ng tingin kay Karim. Muntik na naman siyang nagpadala sa damdaming matagal na niyang binaon sa limot.Napalunok ng laway si Karim. Bahagya siyang nasaktan sa ginawang pagtulak ni Adira sa kanya. Talaga bang wala na itong nararamdaman kahit kaunti para sa kanya? “Ahmmm..” Tumikhim siya upang basagin ang katahimikan na namayani sa kanilang dalawa. Hindi niya kailangan magmadali sa pagbawi sa mag-ina niya. Marami pa siyang oras upang gawin iyon. “Let me drive. Dadalhin kita kay Skyler.” maya’y wika niya upang maiba ang usapan.Halata ang tuwa sa mga mata ni Adira dahil sa narinig. Matagal niyang tinitigan si Karim upang alamin kung nagsasabi ba ito ng totoo.Ilang sandali pa nagdesisyon siyang bumaba sa kotse at hinayaan sa kagustuhang nitong magdrive. Nagpalit sila ng pwesto. Nagsisinungaling man ito at sa hindi, isusugal pa rin niya ang natitirang tiwala
“I will count—” “No need to count!” Mabilis siyang lumabas mula sa pinagtataguan. Matalim ang tingin na pinukol sa kanya ng asawa. Parang siya pa yata ang sinisisi kung bakit ito nahuli. “Karim, I know you're weak in the knees when it comes to your wife. Haha!” “I don’t care for her. All I want is my son!” Napaawang ang labi ng kalaban na may hawak kay Adira nang marinig ang sagot ni Karim. Si Adira naman parang papatay ang mga tingin na hinagis kay Karim. Abah, at gusto siya nitong patayin para masolo nito ang anak niya? Sinabi na nga bang hindi siya nagkamali sa iniisip niya eh. Hindi pa rin talaga nagbabago ang lalaking ‘to. “Oh, you want me to kill her?” Nakangising tanong ng lalaki. “It’s up to you. You can have her!” “Hahahaha! Looks like Mr. Walton doesn’t need his precious gem anymore.” dinilaan nito ang leeg ni Adira dahilan upang magtagis ang mga panga ni KArim. “Take her over my dead body! Pvtangina mo ka!” Bang! Bang! Bang! Galit na binaril ni Karim ng ilang be
“Andrei!?” tawag niya sa anak nang mabuksan na niya ang secret room. Ngunit walang bakas na pumasok dito ang anak niya. Sobra na siyang nag-alala. Hindi man lang nagalaw ang mga gamit sa loob. Ibig sabihin wala talaga rito si Skyler. Naalala niyang kunin ang kanyang SIG SAUER 365 semi automatic pistol na nakatago sa naka lock na built-in cabinet. Regalo lang ito sa kanya ng Kuya niya upang mayroon siyang magagamit na pang self defense. Mukhang ngayon niya ito magagamit.Bang! Bang!“Shit! Andrei!” Puno ng takot at pag-alala na sigaw niya nang makarinig ng magkasunod na putok. Mabilis siyang lumabas sa secret room habang hawak ang baril. Napansin niyang wala nang natirang bisita sa loob ng kanyang bahay. Lumabas na ang mga ito. Hindi niya nagustuhan ang biglang pananahimik ng paligid. Kanina lang nakarinig pa siya ng mga putok ng baril. Ngayon pati armadong mga lalaki na sinasabi nang nakasalabong niya kanina wala rin siyang napansin. Kabisado niya ang loob at labas ng bahay ngunit n