Secret Wife Ako ni Professor Darien

Secret Wife Ako ni Professor Darien

By:  KaswalUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Not enough ratings
100Chapters
3views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nagimbal ang buong mundo ni Harmony Tasha Crisostomo nang malaman niyang buntis siya… at ang ama ng bata ay ang sariling professor niya, si Professor Darien Atlas Legaspi, iyong lalaking naka-one night stand niya noong panahong lango siya sa alak! Nang sabihin niya sa lalaki ang sitwasyon, binigyan siya nito ng dalawang pagpipilian: ipalaglag ang bata o magpakasal sila. Pinili niyang magpakasal. Kahit mag-asawa na, hiwalay pa rin sila ng kwarto. Hanggang sa isang gabi, kumatok si Professor Darien at pinagbuksan ni Harmony. “Nasira aircon sa kwarto. Pwede bang dito muna ako?” At mula noon, hindi na ito umalis sa kwarto ni Harmony. — Isang araw sa klase, may nagtanong, “Totoo po bang kasal na kayo, Sir?” Ngumiti si Professor Darien. “Harmony.” Tumayo si Harmony nang tawagin. “Present.” “Harmony Tasha Crisostomo Legaspi is my wife,” sabi ni Professor Darien. “She's an excellent doctor and my beautiful lovely wife.” Nalipat ang lahat ng tingin kay Harmony at napalunok siya sa announcement ng asawa. Hindi kaya kuyugin siya ng mga fangirl ni Professor Darien? Kailangan na ba niyang tumakbo paalis?

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Ugh.”

Bumukas ang pinto ng kwarto at dalawang tao ang pasuray-suray na pumasok.

Pareho silang halatang lasing at pagkapasok pa lang ay naghalikan na agad sa may pinto.

Malalalim na paghinga at nakakakiliting ungol ang pumuno sa buong silid.

“Ah!”

Napasigaw si Harmony nang buhatin siya ng lalaki nang sobrang dali.

Yakap-yakap siya habang nakaipit sa dibdib nito. Maliit at payat ang katawan niya, kaya lalong halata ang laki ng pagkakaiba nila.

Diretso silang naglakad papunta sa kama, at ibinagsak siya roon ng lalaki. Sumunod agad ang matangkad na katawan na dumagan sa kanya.

Mamula-mula ang gilid ng mga mata ng lalaki, at ang dati’y palaging kalmadong itsura ay punong-puno na ngayon ng init at pagnanasa.

Wala nang preno.

Mahigpit na kumapit si Harmony sa bedsheet, namuti na ang mga kasu-kasuan niya sa sobrang higpit ng hawak. Kumislap-kislap ang mga mata niya.

Kumikislap ang ilaw habang ang mga mahinang ungol ay umaalingawngaw sa buong kwarto.

*

“Harmony.”

“Harmony.”

Napabalikwas ng bangon si Harmony mula sa pagkakatulog, may pawis ang noo niya.

Panaginip na naman.

Isang buwan na ang nakalipas pero halos gabi-gabi pa rin niya itong napapanaginipan.

Noong araw ng summer vacation, birthday ni Ivan. Masayang-masaya siyang pumunta, pero laking gulat niya nang makita na hindi lang siya ang inimbita, nandun din ang iba pa nilang ka-major, pati na si Jessa na kilala sa pagiging maganda. Magkatabi pa silang dalawa at sobrang lapit ng kilos nila sa isa’t isa.

Maraming tumingin sa kanya, parang gusto nilang makita ang reaksyon niya.

Magka-major sila ni Ivan pero magkaibang section. Lahat ng tao alam na matagal na niyang gusto si Ivan, dalawang taon na. Pati si Ivan alam ito, pero ni minsan, hindi siya nito tinanggihan.

Pero base sa mga tingin ng mga tao, mukhang lahat sila ay matagal nang alam ang tungkol kay Jessa, maliban sa kanya.

Pinapaasa siya ni Ivan, habang may iba pala siyang kinakalantari.

Masakit ang mga matang nanonood sa kanya. Doon siya tahimik na nangakong tatapusin na ang katangahan niyang paghabol.

Uminom siya ng marami noong gabing 'yon. Galit na galit ang loob niya. Habang patungo siya sa CR, nahilo siya at natamaan ang isang lalaki. Nagkatinginan sila, at agad siyang nabighani sa lalim ng mga mata nito. Mas gwapo sa personal, mas may dating kaysa kay Ivan.

Hindi niya alam kung saan nanggaling ang tapang niya nang bigla niyang hawakan ang kwelyo ng lalaki at bulong sa lasing na boses, “Do you wanna sleep with me?”

At mula doon, tuloy-tuloy na ang lahat. Pumasok silang dalawa sa kwarto at naganap ang hindi na dapat pang idetalye.

Kinabukasan, pagmulat niya ng mata at nakita ang sarili niyang hubo’t hubad katabi ang lalaki sa kama, halos mawalan siya ng ulirat. Dali-dali siyang nagbihis at tumakbo palabas.

Alam niyang mali ang ginawa niya. Ni hindi niya ito kayang ikuwento sa kahit kanino. Hindi rin siya nagtanong kung sino ‘yung lalaki.

Pero dahil hindi niya ito makalimutan, kahit isang buwan na ang lumipas, halos gabi-gabi ay napapanaginipan pa rin niya ito.

Ang mapupusok nilang katawan, ang malalalim na ungol, at ang lalim ng tingin ng lalaking ‘yon...

“Harmony! Bilis na! Anong tinutulala mo diyan? First day ng pasukan tapos gusto mo agad ma-late?”

Boses ni Sammy ang bumalik sa ulirat ni Harmony. Agad niyang inalis sa isip ang magulong alaala at nagmamadaling bumangon mula sa kama.

Pagkatapos mag-ayos, sabay silang tumakbo papuntang classroom, dala ang mga libro.

“Bakit ang bilis mo maglakad? Di ako makahabol,” reklamo ni Harmony.

“Anong nalimutan mo? May Anatomy class tayo ngayon!” sagot ni Sammy. “Lately, lutang ka talaga. Lahat nakakalimutan mo.”

Doon lang naalala ni Harmony.

Balita kasi na may bagong hired na sobrang galing na Anatomy professor. Galing daw siya sa Johns Hopkins University at kahit hindi pa dapat qualified, agad siyang ginawa ng school na professor. Pinakabata raw sa history ng Medical School nila.

Kaso nga lang, may emergency noon kaya hindi siya agad nakadating. Kaya ngayon lang sila magkakaroon ng Anatomy class, after ng National Holiday break. Ito na ang first session.

“Harmony, alam mo ba? Kaninang umaga daw may mga estudyante nang nakakita sa professor na ‘yon,” bulong ni Sammy, parang excited.

“Grabe daw ang itsura, sobrang gwapo, tipong earth-shattering levels. Nagkakagulo na sa school GC. Ang daming nagsisisi na hindi nila kinuha ‘yung class niya,” sabay hila kay Harmony. “Bilisan mo! Baka hindi na tayo makasingit sa classroom.”

“Grabe naman,” natatawang sagot ni Harmony. “Third year na tayo, ‘no. Marami sa classmates natin late pa niyan at nagpapasign-in na lang sa roommate.”

Pero pagdating nila sa classroom, halos malaglag ang panga ni Harmony sa dami ng tao.

Parang may libreng itlog sa supermarket. Halos mag-unahan ang lahat sa pagpasok.

Mukhang inaasahan na ni Sammy ang ganitong eksena.

“Kapag gwapo, tapos galing pa sa top school, parang concert lang ng idol. Ganito talaga,” bulong niya.

Hinila niya si Harmony papasok. “Excuse us, excuse us! Mga auditor lang kayo, wag niyo agawan ng upuan ang legit students!”

Sa wakas, nakasingit sila at nakahanap ng dalawang bakanteng upuan. Pagkaupo pa lang, agad na napasimangot si Sammy.

“Bad trip.”

Sinundan ni Harmony ang tingin niya, at nandoon sa harap si Ivan at si Jessa.

Minsan kasi, pag major subject, pinagsasama ang iba’t ibang section sa iisang malaking classroom. At ayun na nga, nagkita sila.

Malambing ang kilos ng dalawa. May binulong si Ivan kay Jessa, sabay tawa si babae, tinakpan pa ang bibig.

Napansin ni Sammy na nakatitig si Harmony sa dalawa kaya napabuntong-hininga siya. “Kaya ka siguro lutang lately. Dalawang taon mong gusto ‘yung lalaki tapos biglang may jowa na. Masakit nga naman.”

Napatingin si Harmony sa kanya, gulat. “Mag-jowa na sila?”

“Oo. Noong birthday ni Ivan sila naging official. Bakit, parang ngayon mo lang nalaman?”

“Ngayon ko nga lang nalaman.”

“Eh ‘di sino ‘yung iniisip mo lately? Bakit lutang na lutang ka mula nung pasukan?”

Hindi niya masabing nakipagtalik siya sa isang estranghero habang lasing.

Dahil tahimik siya, inisip ni Sammy na nagpapaka-pride lang siya. Maamo niyang tinapik sa balikat si Harmony. “Okay lang ‘yan, sabihin mo na lang na ngayon mo lang nalaman.”

Totoo naman kasi.

“Ewan ko ba, si Ivan, oo, gwapo, matalino. Pero ‘yun lang. Wala naman talagang kwenta. Ang daming mas okay sa kanya. Like, hello, ‘yung bagong professor natin. Gwapo na, successful pa. Literal na living green flag. Harmony, I’m telling you, baka it’s time to find someone better.”

“Like who?” inosenteng tanong ni Harmony.

“Like the new professor!” pabirong sagot ni Sammy.

“Ang labo mo talaga!” sabay tapik niya sa ulo ni Sammy.

Biglang nagkagulo sa classroom. May nagsigawan.

“Nandiyan na si professor!”

Nabuhay ang buong classroom sa excitement. Halos lahat, sumilip, tumingkayad, at nagtulakan para lang makita.

Pati si Harmony ay naki-usyoso. Wala lang, curious lang talaga siya kung gano ba kagwapo ‘yung tinatawag nilang “nakakahimatay sa itsura.”

Baka mamaya, may literal na third eye ito na parang cyclops kaya nakakahimatay ang itsura?

Pero nang makita niya ang lalaking papasok sa pinto, natulala siya.

Matangkad ito, lean at may matikas na postura. Malinis at maayos ang hitsura, mala-modelo ang facial features, matangos ang ilong, defined ang jawline, at may malalim na mata na parang nababasa ang kaluluwa mo. May vibe siyang calm at classy, parang professor na leading man sa isang Korean drama.

Narinig niya ang sarili niyang humugot ng malalim na hininga.

“Harmony, ‘di ba, sabi ko sa ‘yo, sobrang gwapo.”

Pero si Harmony ay nanlambot na lang at napayuko sa desk.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
100 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status