Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)

Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)

last updateHuling Na-update : 2025-10-29
By:  JV WritesIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
6Mga Kabanata
5views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Siya si Natalie Flores-Vergara. Dating 18 years old, ngunit pagkatapos ng isang trahedya, bigla itong nagising sa ospital—may asawa, dalawang anak, at isang kasal na nasa bingit ng pagkawasak. Sa isang idlap, siya na si Natalie Vergara na 24 years old, anim na taon ang nakalipas. Ang dating mahina at bulag sa pag-ibig na babae ay nawala na. Sa halip, bumalik ang isang babaeng muling ipinanganak sa bagong panahon—matapang, matalino, at handang bawiin ang lahat ng ninakaw sa kanya. Habang unti-unti niyang binabawi ang tiwala ng kanyang mga anak at ginagamot ang mga sugat ng nakaraan, natuklasan niyang ang lalaking kaniyang minsa’y nasaktan—si Alexander Vergara, ang misteryosong CEO na minsang minahal niya—ang tunay na nagligtas sa kanya anim na taon na ang nakalipas. Ngunit habang isinusulat ni Natalie ang bagong yugto ng kanyang buhay bilang ang Miracle Doctor Thalie at bilang Ms. Flores, ang pinakamakapangyarihang babaeng negosyante sa industriya, muling lilitaw ang lalaking minsang sinira siya—Dominic Almeda, ang lalaking minsan niyang minahal nang buong puso. Sa pagitan ng paghihiganti, paghilom, at pag-ibig, pipiliin ni Natalie kung sino ang karapat-dapat manatili sa kanyang muling nabubuong mundo… Ang lalaking minsan siyang nilason, o ang lalaking minsan niyang nasaktan?

view more

Kabanata 1

1: Pangalawang Pagkakataon

“Natalie, gaya ng gusto mo — mag-divorce na tayo.”

Ang malamig na tinig ng lalaki ay umalingawngaw sa tahimik na silid ng ospital. Kasunod noon ang malutong na tunog ng papel na bumagsak sa mesa sa tabi ng kama.

Divorce Agreement.

Napakurap si Natalie, parang umiikot ang paligid. Amoy na amoy pa niya ang antiseptic, ramdam ang benda sa kanyang pulso, at ang tuyong lalamunan na halos hindi makalunok.

Divorce? Kanino?

Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin. Doon, sa pinakailalim ng dokumento, nakasulat ang pangalan na halos hindi niya maikonekta sa realidad:

Theodore Vergara.

Nanlamig siya. Theodore? Hindi ba iyon ang pangalan ng lalaking laman ng mga business magazine noon? Ang pinakabatang negosyante sa Manila — ang malamig, untouchable na hari ng mundo ng negosyo?

Ang iniidolo niya noon. Napatingin siya sa divorce agreement at nakita niya ang sariling pangalan sa pinaka-ilalim nito.

Natalie Flores-Vergara.

At anim na taon ang nakalipas… asawa niya raw ito?

Imposible. Labing-walong taon pa lang siya! Kahapon lang ay nagdiriwang siya sa Christmas party kasama ang mga kaibigan niya tapos may humahabol na serial killer... tapos ngayon, nasa ICU siya't may pamilya?

“Panaginip lang ‘to,” bulong niya, sabay kurot sa pisngi. “Aray!”

Isang mahinang boses ang sumunod, pinatigil siya sa paghinga.

“Mommy…”

Dahan-dahan siyang lumingon.

Isang batang babae, limang taong gulang, ang nakatayo sa pintuan. Payat, maputla, at puno ng pasa ang mga braso. Namumugto ang mga mata nito sa kakaiyak.

“Mommy, ‘wag mo pong iwan si Daddy,” pakiusap ng bata, pilit hinahawakan ang laylayan ng hospital gown niya. “Magiging mabait na po ako. Iinumin ko na po ‘yung gamot, ‘di na po ako iiyak. Kaya please, ‘wag po kayong maghiwalay.”

Napatigil si Natalie.

Mommy?

Walang laman ang isip niya. Parang binura lahat ng alaala.

At bago pa siya makapagsalita, isang batang lalaki ang pumasok — halos kasing-edad ni Lia, ngunit galit ang laman ng mga mata nito.

“Itigil mo na ‘yan, Natalie! Sa tingin mo, maniniwala pa kami sa drama mo?”

Nanigas siya sa kinatatayuan. “Ano—?”

“Huwag kang magkunwari!” singhal ng bata, nanginginig ang maliit na kamao. “Ginutom mo kami, sinaktan mo si Lia, at pinilit mo pa siyang mag-donate ng dugo para sa anak ng kalaguyo mo! Ngayon gusto mo pa siyang gamitin para sa bone marrow ng anak niya?”

Parang tinuhog ng kutsilyo ang dibdib ni Natalie sa bawat salita.

Nilingon niya ang batang babae na nanginginig, at saka ang lalaking nakatayo sa likuran ng mga bata — matangkad, malamig, walang emosyon. Nandoon ang kaniyang asawa na si Theodore Vergara.

Ang titig nito ay matalim, at ang presensiya niya ay tila humahati sa hangin.

Kinuha niya sa bisig si Lia, saka malamig na sinabi, “Bukas, tatapusin na natin ang divorce.”

Gusto sanang magsalita ni Natalie — gusto niyang itanong kung ano bang nangyari sa buhay niya — ngunit nakatalikod na ito at naglakad palayo, iniwan siyang nakatulala sa puting ilaw ng ospital.

Kasal. Dalawang anak. At lahat sila, galit sa kanya.

Hinawakan niya ang telepono sa mesa. Isang numero lang ang nakasave: Dominic Almeda.

Napakagat siya sa labi. Dominic? Ang kaklase niya noon — ang lalaking ilang taon siyang niligawan? Bakit ito ang tanging contact na naiwan?

Dahil wala siyang ibang magawa, sinubukan niyang tawagan ang isang numero na natatandaan ng katawan niya — ang kay Bianca Cortez, ang matalik niyang kaibigan.

Makalipas ang tatlumpung minuto, bumukas ang pinto. Isang matangkad na babae, nakaitim na suit, ang pumasok.

“Bianca!” sigaw ni Natalie, ngunit natigilan ang babae.

Matalim ang titig nito. “Akala ko ba hindi mo na ako kilala. Sino ka?”

“Ako ‘to — si Natalie,” sagot niya agad, sabay ngiti na pilit pinapakalma ang sarili. “’Yung eighteen-year-old version.”

Matagal siyang tinitigan ni Bianca. Pagkaraan ng ilang sandali, huminga ito nang malalim at mariing nanlaki ang mga mata. “Seryoso ka? Totoo, seryoso ka nga!”

Kung ibang tao siguro iyon at hindi si Bianca, baka hindi ito maniwala sa kung ano mang lumalabas sa bibig ni Natalie. Pero kilala ni Bianca ang pinakamatalik nitong kaibigan. Sa aura pa lamang ni Natalie ngayon, alam niyang biglang nagbalik sa dati ang kaniyang kaibigan.

Hindi niya alam kung paano, o kung totoong ang 18-years old na si Natalie ay nasa katawan nitong 24 years old… pero hindi ito importante. Ang mahalaga, tila bumalik na sa dati ang kaibigang minahal niya.

Tumango si Natalie, mahina ang boses. “Pagkagising ko, lahat galit sa akin. Ano bang nangyari sa anim na taon na ‘yon?”

Umupo si Bianca sa gilid ng kama, malamig ang tono. “Na-in love ka kay Dominic Almeda.”

Napatitig si Natalie. “Ano?”

“Nagpakabaliw ka sa kanya,” patuloy ni Bianca. “Ibinigay mo sa kanya ang Flores Group. Niloko ka niya, nagkaanak pa sa kabit niyang si Marielle Valle. Pinatawad mo pa sila. Pinagsilbi mo pa ang anak mo sa anak nila. Tapos pinilit mo si Lia na mag-donate ng bone marrow para sa bata nila. Kaya ka gustong hiwalayan ni Theodore.”

Nanlaki ang mga mata ni Natalie. “Ginawa ko lahat ‘yon?”

Ang dating matikas at marangal na si Natalie Flores — ngayon ay tila isang baliw na babae na nawasak ang sariling buhay.

Nanginig ang kanyang kamay. “Bakit ko iiwan si Theodore… para sa lalaking gaya ni Dominic?”

Umiling si Bianca. “’Yan din ang tanong ng lahat. Parang naengkanto ka.”

Hinawakan ni Natalie ang sentido. Parang sumasabog ang ulo niya. Bewitched man o hindi, malinaw sa kanya — sinira niya ang lahat.

Ang pangalan niya. Ang pamilya niya. Pati mga anak niya.

At gayunman, sa huli, hindi siya pinabayaan ni Theodore. Hindi dahil mahal pa siya ni Theodore, kundi dahil naaawa lang ito.

NAKALABAS NA SILA ng ospital, at nang muli niyang makita si Theodore kinagabihan, tahimik niyang ibinalik ang mga divorce documents.

Mahinahon nitong bulong sa asawa, “Theo, I’m sorry.”

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Theodore, ngunit agad din itong tumigas.

Ngumiti si Natalie. “Hangga’t bukas pa lang ang divorce, asawa pa rin kita, ‘di ba?”

Sumikip ang panga ng lalaki. “Huwag ka nang magpanggap. Kahit anong drama mo, hindi ko papayagan na gamitin si Lia para iligtas ang anak ni Dominic.”

Tumalikod siya at umalis.

Naiwang mag-isa si Natalie sa tahimik na sala. Labing-walo sa loob, dalawampu’t apat sa labas. Isang estranghero sa sariling katawan, napalibutan ng mga taong kinamumuhian siya. Ilang saglit lang, nakatulog din agad ito sa sofa dahil na rin sa pagod sa mga kaganapan ngayong araw.

Pagbalik ni Theodore sa loob ng bahay, nakita niya ang asawa, mahimbing, payapa. Napatigil siya sa hakbang. Dahan-dahan siyang lumapit, bahagyang ngumiti.

“Natalie,” mahina niyang bulong, tinatabi ang buhok nito mula sa pisngi. “Delikado talaga ako sayo. Tuwing akala kong nakalimutan na kita… tila ba napapamahal pa rin ako.”

Tinakpan niya ito ng kumot at tahimik na lumayo, dala ang bigat sa dibdib.

*****

Pagsikat ng araw, dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Sandali siyang kumalma hanggang sa marinig ang boses na nanginginig sa takot.

“Nasaan si Lia?!” Nakatayo sa pinto ang batang lalaki, si Nathan, maputla, luhaan, at nanginginig. “Saan mo tinago ang kapatid ko?!”

Inihagis niya ang isang gusot na papel kay Natalie. Binasa niya ito at nanginig ang kamay.

Nanginig ang dibdib ni Natalie. Nanlaki ang mga mata niya at halos hindi siya makahinga.

Nawawala ang anak niyang si Lia.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
6 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status