Share

CHAPTER 1263

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2026-01-19 15:58:21

CLARKSON'S POV:

Pagkatapos ng kanilang marubdob na pagniniig ay humiga siya sa tabi ni Aria, iniwasan niyang matamaan ang tiyan nito. Malaki ang ngisi ni Aria sa kanya, halatang solve na solve ito sa ginawa nila. Ngumiti din siya.

He promised himself he would do everything and anything for his girl. Papaligayahin niya si Aria sa abot ng kanyang makakaya. And now that they will be having a child, mas lalo niyang mamahalin ito.

“Bakit ka titig na titig sa akin?” tanong ni Aria, nagtataka ito maha
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1561

    RAQUEL'S POV"That bitch!"Galit na galit na sambit ni Raquel habang nagmamartsa palabas ng boutique ni Lilly Rose. Halos manginig ang kanyang buong katawan sa sobrang inis. Pakiramdam niya ay pinagtulungan siya ng lahat sa loob at wala siyang nagawa kundi ang mapahiya.Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao. Hindi siya papayag na si Jolie ang magwagi. Matagal na niyang minamahal si Tyler. Mula pa noong college days nila ay nakatanim na sa kanyang puso ang pangalan ng lalaki. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagpapapansin at pagsisikap, ni minsan ay hindi siya nito tiningnan bilang higit pa sa isang kaibigan.Kaibigan... Iyon lang siya para rito, at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Samantalang si Jolie, bigla na lamang dumating at nakuha ang lahat ng atensyon ni Tyler.Hindi... Hindi niya hahayaang mapunta si Tyler sa babaeng iyon! Ngunit paano? Mukhang nabisto na ni Tyler ang ilan sa kanyang mga ginagawa. Tahasan pa siyang binalaan nito na huwag nang uulitin ang kanyang mga ka

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1560

    Agad niya itong hinawakan sa kamay. "Hayaan mo na, love. Hindi ko naman iyon isusuot kahit pa iyon ang pinagawa niya."Napatingin naman ito sa kanya. Bahagya siyang ngumiti."Baka sobrang busy lang siya at siningit niya lang itong birthday ko sa schedule niya kaya hindi niya masyadong natutukan."Alam niyang mahina ang depensang iyon. Maging siya ay hindi lubos na naniniwala sa sariling dahilan. Ngunit ayaw niyang lumaki pa ang gulo. Ayaw rin niyang mawalan ng trabaho si Raquel dahil lamang sa isang damit.Kahit papaano ay matagal na rin itong nagtatrabaho para sa pamilya nina Tyler. Kung malalaman ni Tyler o ni Lola Beth ang ginawa nito, siguradong hindi iyon matatapos sa simpleng pagsesermon lamang.Ngunit tila hindi kumbinsido si Tyler. "Busy?" Napailing ito. "Jolie, birthday mo ito. Hindi ito ordinaryong event. At kahit gaano pa siya ka-busy, hindi niya dapat pinabayaan ang bagay na siya mismo ang nangakong aasikasuhin."Bahagya nitong pinisil ang kanyang kamay. Natahimik siya, da

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1559

    Pagdating nila sa boutique sa loob ng mall ay naroon na si Raquel, nakasimangot at nakahalukipkip habang nakatayo sa may entrada. Halatang kanina pa ito naghihintay dahil bakas sa mukha nito ang pagkainip.Ngunit nang makita sila, lalo na nang mapansin nitong kasama niya si Tyler, agad nagbago ang ekspresyon nito."Hi, Tyler!" masiglang bati nito bago lumapit at magbeso kay Tyler.Nakipagbeso din ito sa kanya, ngunit halatang napilitan lang. Hindi man nito direktang ipinapakita, ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito."I didn't know na sasama ka pa kay Jolie," sabi ni Raquel habang nakangiti kay Tyler. "Hindi ka na sana nag-abala. Andito naman ako to assist Miss Jolie.""It's okay, Raquel. Kasama talaga ako ni Jolie kahit saan siya pupunta." Kasabay ng sinabi ni Tyler ay mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay "Saan na ang damit na isusukat niya?""Huh? Ah... andito sa loob. Kanina pa naghihintay ang stylist sa atin."Agad silang pinangunahan ni Raquel papasok. Ngunit pagpas

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1558

    JOLIE'S POV:Kasalukuyan siyang nagluluto ng almusal nilang dalawa ni Tyler nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone na nakapatong sa kitchen counter.Agad siyang napasimangot nang makita ang pangalang nakalagay sa screen.... Raquel.Simula nang makilala niya ito sa Miller Hotel ay hindi na sila muling nagkaroon ng maayos na pag-uusap. At ngayon, ito na naman ang tumatawag.Hindi na niya kailangang hulaan pa kung bakit. Siguradong tungkol iyon sa nalalapit niyang birthday party. Ngunit sa halip na ma-excite, kabaligtaran ang kanyang naramdaman. Pakiramdam niya ay sasakit na naman ang kanyang ulo.Balak sana niyang balewalain ang tawag nito, ngunit agad niyang naisip si Lola Beth. Kapag hindi niya sinagot ang tawag, siguradong magsusumbong si Raquel sa matanda. At kapag nagtanong si Lola Beth kung bakit hindi sila magkasundo, alam niyang hindi siya titigilan nito hangga't hindi niya naikukuwento ang lahat.Ayaw niyang mag-alala pa ang matanda, marami na itong iniisip at pinagdaraana

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1557

    QUEENIE'S POV:Lumipas ang mga araw at unti-unti ring humupa ang kaba sa kanyang dibdib.Ang kinatatakutan niyang mangyari... na may magpadala ng mga larawan sa kanyang ama o kaya naman ay may biglang lumantad tungkol sa nangyari noong gabing iyon... ay hindi naman nangyari.Dahil doon ay nakahinga siya nang maluwag. Marahil ay isa lang talaga iyong kalokohan ng kung sinumang nakakita sa kanila noon. Posible ring isa sa mga kaibigan nila na nagpasya lang na paglaruan siya.Ang lalaking nakasama niya sa kuwarto noong gabing iyon ay hindi na rin muling nagpakita. Nag-imbestiga pa nga siya nang palihim. Nakipag-ugnayan siya sa manager ng gay bar na dati niyang kinokontak tuwing naghahanap siya ng mga lalaking maaaring i-hire para sa iba't ibang okasyon. Inilarawan niya rito ang hitsura ng lalaking hinahanap, ngunit paulit-ulit na umiling ang manager. Wala raw itong kilalang taong tumutugma sa kanyang deskripsyon.Doon niya tuluyang kinumbinsi ang sarili. Baka nga mataas lang talaga amats

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1556

    Hindi niya napigilang ngumiti. Ngunit bahagya lamang. Isang pilit at tipid na ngiti, dahil sa kabila ng mga salitang iyon, hindi pa rin lubusang nawala ang bigat na nararamdaman niya.Napansin ni Tyler ang kanyang pananahimik. "Hey... May problema ba?" Marahan nitong hinaplos ang likod ng kanyang kamay.Saglit siyang natigilan. Gusto niyang sabihin ang lahat, gusto niyang ikuwento kung paano siya nilait-lait ni Raquel, kung paano nito ipinamukha na hindi siya karapat-dapat para kay Tyler, kung paano nito paulit-ulit na ipinaramdam na wala siyang halaga.Ngunit nang maisip niya si Lola Beth, agad siyang nagdalawang-isip. Sigurado siyang magkakagulo kapag nalaman ito ni Tyler, at mas siguradong masasaktan si Lola Beth. Napakalaki ng tiwala ng matanda kay Raquel, ayaw niyang maging dahilan ng panibagong problema... kaya pinili niyang manahimik."Wala naman." Umiling siya at pinilit ngumiti. "Napapagod lang siguro ako.""Don't worry mamasahein kita mamaya pagdating sa condo. Napagod ka at

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 668

    "Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weeke

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-26
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 687

    "Tikman mo na, Kuya," muling sabi nito. Natatawang kinuha niya ang kutsara at tinikman ang ulam. Napangiti siya nang malasahan ang pinagmamalaki nitong paboritong ulam. Nagtatalo ang anghang at asim na may konting alat dahil sa bagoong. Dumagdag pa sa sarap ang malambot nitong baboy saka ang priton

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-26
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 576

    **********FE'S POV:"N-nay..." sambit niya nang magising siya."Anak, gising ka na? Kamusta na ang pakiramdam mo?""Saan po ang anak ko?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ng ina."Nasa nursery, anak... Mamaya, dadalhin siya ng nurse dito para padedein sa'yo." nakangiting wika ng nanay ny

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-25
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 608

    Kinabukasan ay dumating na sila sa mansion nina Clark. Doon na sila dumiretso. Bitbit niya si Clarkson habang nakasunod naman ang mga magulang niya sa likod niya."Anak, tama ba itong desisyon mo? Baka matapobre sila at hindi nila tayo matanggap?" tanong ng nanay niya.Natawa siya. Kahit pa sabihin

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-25
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status