Share

CHAPTER 1849

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-11-05 22:55:13

Ganito ba ang pagmamahal?

Ang angkinin ang isang tao kahit ayaw na nitong manatili sa iyo? Ang pilitin siyang bumalik kahit malinaw na malinaw na takot na takot na siya?

Napapikit si Catriona habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kaniyang pisngi.

Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin ang lahat ng ito. Pero isang bagay ang sigurado siya... Ayaw na niyang maging bilanggo muli ni Arthur.

At kahit ano pa ang mangyari, hahanap siya ng paraan para makatakas sa kaniya. Kahit iyon na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1849

    Ganito ba ang pagmamahal?Ang angkinin ang isang tao kahit ayaw na nitong manatili sa iyo? Ang pilitin siyang bumalik kahit malinaw na malinaw na takot na takot na siya?Napapikit si Catriona habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kaniyang pisngi.Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin ang lahat ng ito. Pero isang bagay ang sigurado siya... Ayaw na niyang maging bilanggo muli ni Arthur.At kahit ano pa ang mangyari, hahanap siya ng paraan para makatakas sa kaniya. Kahit iyon na ang maging huling laban niya.Kinaladkad siya ni Arthur patungo sa silid nito. Halos mawalan siya ng balanse sa pagmamadali ng lalaki, ngunit wala itong pakialam. Pagdating sa loob, marahas siya nitong inihagis sa kama.Napadaing siya nang tumama ang kaniyang ulo sa malambot na kutson. Saglit siyang nahilo, ngunit hindi man lamang iyon pinansin ni Arthur. Sa halip, walang pag-aalinlangan itong nagsimulang maghubad ng damit sa harap niya."A-ano ang gagawin mo?" nanginginig niyang tanong habang p

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1848

    Akmang bubuksan na niya ang pinto nang biglang marahas na hinawakan ni Arthur ang kaniyang braso."What the hell are you doing? Saan ka pupunta?" mariin nitong tanong."Bitawan mo ako, Arthur!"Sinubukan niyang hilahin ang kaniyang braso, ngunit lalo lamang siyang inilapit nito sa sarili."Don't even think about jumping out of this car.""Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa mapunta sa iyo!" Nanginginig ang boses niyang puno ng galit at hinanakit. "You killed my baby! Pinatay mo ang anak ko! Kung hindi dahil sa paghabol mo sa akin, hindi ako maaaksidente! Hindi mawawala ang anak ko!"Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang bumuhos ang kaniyang mga luha. Hindi lang takot ang nararamdaman niya. Naroon din ang sakit na hanggang ngayon ay hindi niya kayang tanggapin. Para sa kaniya, si Arthur ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat."Stop bringing that up," malamig nitong sagot."How can I not?" halos pasigaw niyang tanong. "Anak ko iyon, Arthur! Anak natin! Paano mo nagagawang sabihi

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1847

    Hindi niya alam kung paano makalalabas sa sitwasyong iyon. Pakiramdam niya ay muli siyang ibinabalik sa isang bangungot na akala niya ay tuluyan na niyang nalampasan. Ang mga pangyayaring pilit niyang kinakalimutan ay unti-unting nagbabalik sa kaniyang isipan. At sa pagkakataong ito, wala na siyang ideya kung paano muling makatatakas."Let me go! Please! I don't want to go with you!"Halos mawalan na siya ng boses sa kakasigaw. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang pilit na inaabot ang door handle. Umaasa siyang mabubuksan niya ang pinto at makalundag palabas ng sasakyan. Wala siyang pakialam kung masaktan siya. Ang tanging nais niya ay makalayo sa lalaking nasa tabi niya.Ngunit bago pa man niya iyon magawa ay mabilis na inabot ni Arthur ang kaniyang kamay at mariing pinigilan."Stop it, Catriona!""Let go of me!" Nagpumiglas siya. "I said, don't touch me!""Will you fucking calm down?"Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Arthur sa kaniyang pulsuhan. Napangiwi siya sa sakit, ngun

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1846

    Halos mapasinghap siya sa narinig. Husband? May asawa na ako?Hindi siya makapaniwala. Bakit hindi iyon sinabi sa kanya ni Kuya Lewis? Bakit hindi man lang niya binanggit na may asawa siya? Kasama rin ba iyon sa mga bagay na nakalimutan niya dahil sa aksidente?"Bakit hindi ka binanggit ni Kuya Lewis sa akin?" nanginginig niyang tanong. "You're lying! Nagsisinungaling ka!""I'm not lying, babe. I'm your husband. We've been married. Hindi mo lang talaga ako maalala dahil sa nangyari sa iyo."Lalong kumunot ang kanyang noo. Wala siyang maalala sa mga sinasabi nito. Ni ang mukha nito ay hindi pamilyar sa kanya."At hindi lang iyon, sweetheart. You were pregnant with our child. Pero nawala ang baby natin nang maaksidente ka at mabangga ang sasakyan mo."Muli siyang natigilan, dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa kanyang tiyan at hinimas iyon.“Buntis ako? May anak ako?”Hindi siya makapaniwala sa narinig. Parang biglang may kung anong bumigat sa kanyang dibdib. Kaya pala nitong mga na

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1845

    "Hey, you shouldn't be moving around too much. Hinintay mo na lang sana ako. Ako na ang mag-aayos niyan," saway niya rito.Napatingin sa kaniya si Catriona at ngumiti nang bahagya."I just want to leave this place, Kuya Lewis. Pagod na akong nakahiga lang sa kama. I miss being somewhere else."Napailing siya ngunit hindi napigilang mapangiti. "You're really eager to go home, aren't you?""Of course. Hindi ko na gusto ang amoy ng ospital."Napatawa siya nang mahina. Sa totoo lang, mula nang magising si Catriona matapos ang aksidente ay kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa ugali nito. Bukod sa muli siyang tinatawag nitong Kuya, naging mas malumanay at sensitibo rin ang dalaga.Hindi na ito katulad ng dating Catriona na spoiled brat, mataray at kung minsan ay sadyang mahirap pakisamahan. Ngayon ay mas mahinahon ito, mas madaling kausapin at tila mas pinahahalagahan ang maliliit na bagay sa paligid.Kung tutuusin, mas gusto niya ang ganitong bersiyon ng pinsan. Hindi dahil sa nangyar

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1844

    Lumipas pa ang ilang araw ay bumisita sa ospital sina Jolie at Tyler. Umaasa si Lewis na kahit papaano ay makakatulong ang presensya ng mga ito upang magkaroon ng kaunting alaala si Catriona. Pero tulad ng inaasahan niya, hindi rin nakilala ng dalaga ang dalawa.Hindi rin nagtagal sina Jolie at Tyler sa ospital dahil hindi naman mabuti para kay Jolie, na nagdadalang-tao, ang manatili nang matagal sa ganoong lugar. Nagpaalam din agad ang mag-asawa matapos makasama nang ilang sandali si Catriona.Ngayon, muli na naman silang dalawa lang sa loob ng silid. Nakaupo siya sa tabi ng kama habang maingat na binabalatan ang isang mansanas para sa pinsan."Kuya Lewis..."Napahinto siya sa ginagawa at napatingin kay Catriona. Sandaling hindi siya nakapagsalita. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang tawagin nitong “Kuya.” Simula nang magising ito matapos ang aksidente, pinsan na lang ang turing nito sa kanya. Marahil ay nakalimutan na rin nito ang mga naging kalokohang pagpapantasya nito sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status