LILLY'S POV:Nakatingin lang siya kay Finn habang papalayo ito sa kanya. Bakit parang nalungkot siya? 'Di ba dapat masaya siya dahil andito na at kasama na niya si Peter at napansin siya?“Lilly...” tawag-pansin ni Peter nang hindi sya kumikibo“What are you thinking?”“Ahm, nothing...”“Matagal na ba kayong magkakilala ni Finn?”“Ahm, hindi naman masyado. Nag umpisa lang noon, kasal ni Kuya Gray at Ate Rosabel. Doon lang kami nagkausap talaga pero matagal ko na siyang nakikita sa school.”“Oh, I see... Ingat ka diyan sa pinsan ko ha... babaero 'yun. Hahahaha.”“Ahm, nagbago na siya. Ayaw na nga niya sa mga babaeng lumalapit sa kanya sa school,” pagtatanggol niya sa lalaki.“Well, that's new... Kasi dati wala 'yang pakialam. Ang importante lang sa kanya ay makuha ang mga babaeng lumalapit sa kanya.”'Yun din ang pagkakilala niya kay Finn dati pa, pero bakit ayaw nang maniwala ng puso niya na gano'n ang lalaki? Nagbubulag-bulagan siya dahil ang nakikita na lang niya ay ang mga magagand
“We’re here…” sambit ni Finn nang marating na nila ang bahay ng kanyang lola. Kitang-kita ang liwanag mula sa mga palamuting ilaw sa hardin. Marami-rami na ring bisita sa paligid.“Shit…” napamura siya sa isip. Ayaw niya talagang ibaba si Lilly. Alam niyang kahit anong iwas niya, magkikita’t magkikita rin ito at si Peter. At wala na naman siyang laban.“Lilly,” sambit niya bago ito bumaba, “bago ka bumaba, tuturuan muna kita ng ilang dapat mong gawin.”“What is it?” tanong ng dalaga, tila walang kamalay-malay sa tensyon niya.“Kapag nagkita kayo ni Peter mamaya, wag kang makipaglandian sa kanya. Act normal. Wag kang magpahalata na crush mo siya.”“Huh? Bakit naman?”“Basta. Ayaw ng mga lalaki sa babaeng sobrang straightforward. Gusto namin, reserved. Medyo hard to get.”"Ganun ba?...""Wag ka din magpa-kiss sa kanya, okay? Wag ka din magpahawak sa kamay mo. Just stay on my side." “Ang dami namang bawal!”“Makinig ka na lang sa ’kin, please.” Pakiusap nya sa dalaga. Ang totoo, ayaw l
FINN'S POV:Kasalukuyan siyang nasa labas ng bahay nina Lilly. Hindi niya alam kung tama ba itong gagawin niyang isama si Lilly sa family gathering nila. Siguradong magkikita si Lilly at Peter doon at mae-etsapwera na naman siya kay Lilly.Alam naman niya na hindi talaga siya ang gusto ni Lilly kundi ang pinsan niya. But what can he do? Matagal na niyang crush si Lilly, hindi pa niya alam na isa itong Enriquez, na magkakilala na ito at ang pinsan niya, na magkakakilala pala ang mga magulang nila!Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kinuha ang cellphone at tinawagan ang dalaga.“Hi, ready ka na?” sabi niyang pilit pinapasigla ang boses.“Yeah... malapit na... san ka na ba?”“I'm here sa labas ng bahay niyo.”“Ganun ba... sige, tawagan ko ang guard na papasukin ang kotse mo... See you.”“See you, girlfriend,” nakangiting sabi niya kay Lilly. Kailangan ipakita niya pa rin na hindi siya affected, kung hindi ay mahahalata ni Lilly na lumalabag na siya sa rule number 3 na NO FEELIN
"Bat ba ang dami mong tanong?" kunyaring inis niya."Eh kasi ikaw lang naman ang inaalala ko... usap-usapan sa school na social climber ka dahil dumidikit ka kay Finn. Saka sa umpisa lang daw ‘yang relasyon nyo at hindi rin magtatagal. At alam mo ba kung sino ang nagkakalat ng kwentong ‘yan? Si Shelie! Ang ex ni Finn!"Madami palang nangyari sa school nang nakaalis na sila ni Finn kanina. Ang bilis naman ni Shelie magkalat ng chismis. Kahit hindi totoo, ay nasasaktan pa rin siya."H-hayaan mo sila… di naman ako affected.""Pero mag-iingat ka sa grupo ni Shelie ha. Napahiya siya kanina sa gym kaya siguradong babalikan ka nun.""Hayaan mo siya, inggit lang ‘yun sa akin." Pero deep inside, ay nag-aalala din siya. Paano kung wala si Finn na magtatanggol sa kanya?"Basta pinapaalalahanan lang kita. Alam mo namang hindi tayo laging nagkakasama. Wala kang kakampi sakaling pagtripan ka ng mga mean girls na ‘yun.""Thanks, gurl.""Okay sige. See you on Monday ha. Papasok pa ako sa fast food."
Malapad ang ngiti niyang pumasok ng bahay. Nagulat siya nang andoon ang mga magulang niyang nagkakape sa komedor.“Lilly, anak, saan ka galing?”“Ahm, sa school, Mom…” pagsisinungaling niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga ito kung sasabihin niyang galing siya ng Tagaytay kasama si Finn. Although kilala naman ng mga ito si Finn, pero baka pagalitan siya, lalo pa’t dalawa lang sila ang magkasama.“Saan galing ‘yang malaki mong stuffed toy? May nanliligaw na ba sa’yo, Lilly?” diretsahang tanong naman ng daddy niya.Nahihiyang lumapit siya sa mga ito. “What if meron, Dad? Papayagan mo ba ako?”“Of course, no!”“Dad!” inis na sabi niya, pero tumawa lang ito.“So tama nga kami, may manliligaw ka?”“W-wala po…”Her daddy is worse than her kuya. Hindi pa nito matanggap na dalaga na siya, kaya nag-iingat cyaMaya-maya ay tumunog ang cellphone niya. Pagbukas niya ay message from Finn. Pinigilan niyang ngumiti sa harap ng mga magulang niya... baka magtanong na naman ang mg
Namangha siya sa ganda ng boses ni Finn. Para itong R&B singer. Hindi niya akalain na ang astig na babaerong ‘to ay magaling din palang kumanta. “Impressive!” nakatinging sabi niya saka pumalakpak pa. “Ang galing mo palang kumanta, Finn!” Ngumiti naman ito na parang nahiya. “Hindi naman… marunong lang.” “Hindi ah, magaling ka kaya! I didn’t know na marami ka palang talent.” Tumawa siya. “Bakit, in love ka na ba?” “Huh? H-hindi ah… pero malapit na.” Sige, kanta ka pa!” Sakay na siya sa biro nito. Ngumiti naman ito at pinagbigyan ang gusto niya. Kumanta ito at sinabayan ang tugtog sa radyo. Para lang siyang nanonood ng concert. Kuhang-kuha nito ang boses ni Dionela. Nang matapos ang kanta ay malakas siyang pumalakpak. “Hihihihi! Ang cute mo, Finn. Nakaka-in love ang kanta!” “Ang kanta? Hindi ba ang kumakanta?” “Hahaha! Patawa ka!” Tumigil lang ang pag-uusap nila nang makita niya kung nasaan na sila. “Sa Tagaytay tayo?” gulat na sabi niya. Sa pagkahumaling niya kanina sa pagkanta