LOGINSebastian Blake Velez is a reclusive billionaire feared for his ruthless empire. The world is shocked when he suddenly announces he will give away his entire fortune to the Velez Foundation. The nation trembles, rivals speculate, and whispers spread-some believe he is dying, others say a scandal is about to explode. But young journalist Mara Cruz refuses to accept the headlines. Determined to uncover the truth, she digs deeper into the foundation. Only to find that not a single peso has reached any charity. Instead, the billions are being funneled to something tied to Sebastian's secret past, a shadow presence holding the darkest keys to his empire. What Mara doesn't know is that Sebastian has been watching her from the very beginning-captivated by her courage, drawn to her fire, and torn between silencing her or protecting her. As he tries to mislead her investigation and shield her from danger, their paths cross again and again. With every secret revealed and every stolen moment, they begin to fall, unwillingly, unexpectedly, and against the odds. Will Mara chase the truth that tears them apart, Or fall for the man who could shatter her heart?
View MoreHindi pa rin ako makapaniwala na magkasama raw kami ni Velez kagabi—gaya ng sabi ni Fritzy.Paano nangyari ‘yon? Paanong siya ang kasama ko? Hindi kaya…Napahinto ako sa paglalakad nang biglang sumagi sa isip ko ang lalaking kausap ko sa bar. Hindi kaya siya ‘yon? Pero bakit naman niya ako kakausapin? At higit sa lahat, bakit siya lalapit sa’kin?Ibig sabihin… siya rin ang naghatid sa amin ni Fritzy pauwi?Siya rin kaya ang nagpadala kina Mama ng pera at bagong cellphone para kay Shaun? Pero bakit niya gagawin ‘yon? Para makabawi sa pagpapalayas niya sa’kin sa trabaho?“Arggg!” halos mapamura ako. Para na talaga akong mababaliw sa kakaisip kung ano ang nangyari kagabi. Huling naaalala ko, umiiyak ako nang todo, tapos, nakatulog ako sa balikat niya. Pagkatapos noon—wala na. Blanko na ang lahat. Parang binura ng alak at ng gabi ang lahat ng dapat kong tandaan.“Haysst…” Napahinga ako nang malalim, sabay yuko habang pinagmamasdan ang aspalto. Ewan ko ba. Ang gulo ng isip ko. Pakiramdam k
MARA POVNagising ako sa tunog ng isang bagay. Agad kong kinapa ang cellphone ko habang nakapikit pa, pero hindi mahanap ng kamay ko. Idinilat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang pamilyar na kisame—kisame ng kwarto ko.Teka… hinatid ba ako ni Fritzy?Agad akong napabangon at nilibot ang paningin sa paligid. Tama nga ako, kwarto ko ‘to. Agad kong binaling ang tingin sa cellphone na kanina pa tumutunog. Nakita ko ang pangalan ni Mama. Shit!Alam kong hihingi siya ng pera, gaya ng ipinangako ko. Agad kong inayos ang pagkakaupo at hinanda ang sarili bago sinagot ang tawag.“Hello, Ma,” nakapikit kong sagot. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na wala na akong trabaho. Wala rin naman akong planong sabihin.“Mara, anak, gusto ko lang magpasalamat sa mga pinadala mo. Sobra-sobra na ‘to, baka wala ka nang allowance diyan?” sagot niya sa kabilang linya, na nagpakunot ng noo ko.Anong sinasabi ni Mama? Wala naman akong pinadala, ah.“Po?” naguguluhan kong tanong. Hindi ko siya maintindihan. Wa
MARA POVPagdating namin sa bar, sinalubong kami ng malakas na tugtug na umaalingawngaw sa buong paligid. Maraming tao ang nandoon—nagsasayawan, nag-iinuman, at nagsisigawan dahil sa kalasingan. Maingay, pero hindi masakit sa tenga.“Doon tayo,” turo ni Fritzy sa isang mesa na walang nakaupo, kaya agad kaming naglakad papunta roon.“Alam mo, Mara, ‘wag mo munang isipin ang nangyari kanina. Nandito tayo para makalimot at magsaya. Ano ka ba!” sabi ni Fritzy sabay lapag ng bag niya sa table.Tama siya, nandito kami para makalimot. Pero paano ko gagawin ‘yon kung sunod-sunod ang mga nangyayari ngayong araw? Una, ang engkwentro namin ni Sebastian sa Velez Tower. Pangalawa, natanggal ako sa trabaho. Pangatlo, ang kanina. Hindi ko alam kung sinusubok lang ako ng panahon o sadyang kakambal ko ang malas. Nakakainis.“Hoy, ayos ka lang?” pagpukaw ni Fritzy sa atensyon ko. Tumango ako bilang sagot sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko talagang makalimot sa mga nangyayari, kaya susulitin ko na ang ga
mara' POVNakahawak na ako sa seradura ng pinto ng kotse… at sa mismong sandaling iyon, may tumawag sa pangalan ko mula sa dilim.“Mara!”Napalingon ako sa direksyon kung saan galing ang boses. Mula sa kabilang kalsada, may lalaking nagmamadaling tumawid. Nakita ko ang pamilyar na itsura nitosi JudePutik! Anong ginagawa nya dito?Parang biglang huminto ang oras sa mga sandaling iyon. Dalawa silang nakatingin sa akin. Si Velez na nakaupo sa loob ng mamahaling sasakyan, malamig at walang emosyon, at si jude na papalapit at halatang nagmamadali at may kung anong alalahanin sa mukha niya.“Don’t.” Malamig na boses ni Velez, halos pabulong pero ramdam ko ang bigat. “Get inside.” ma autoridad na utos nito. “Don’t go with him!” sigaw ni jude. Nanlaki ang mga mata ko sa pag sigaw nito. Baliw ba sya? Ramdam kong parang hinihila ako ng dalawang magkaibang direksyon. Ang kamay ko, nananatiling nakadikit sa seradura ng pinto, pero nanginginig. Ang utak ko naman, sumisigaw ng tanong kung baki
Leaving already?”Sabay kaming napalingon ni Fritzy.Nakatayo roon si Lander?, habang naka pamulsa, parang matagal na kaming pinagmamasdan. Naka ngiti ito samin, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya.“L-lander…” halos pabulong ang sambit ni Fritzy. Parang may kaba sa tono niya, at napansin kong bahagyang namula ang pisngi niya.Napakunot ang noo ko. “You know him?” tanong ko, nagtataka sa reaksyon niya.How? Ba't ngayon ko lang nalaman?Saglit lang akong tiningnan ni lander bago ibinalik ang tingin kay Fritzy. Hindi siya sumagot sa akin, pero parang may sinasabi ang mga mata niya na ako lang ang hindi nakakaintindi.Nag-aalangan si Fritzy. “Let’s just… go, Mara,” mahina niyang sabi, pilit na ngumiti pero halata ang pagkailang.Pero bago pa kami makalayo, nagsalita si Lander, mababa ang boses nito at diretso, “Running away again, Fritz?”Napalingon ako kay Fritzy, at doon ko lang napansin kung gaano siya nagpipigil ng emosyon, nahihiya, natatakot, at tila ba may matagal nang tin
Paglabas ko ng Velez Tower, malamig na hangin agad ang sumalubong sa akin. Pero hindi nito natakpan ang init ng kaba at galit na kanina pa kumukulo sa dibdib ko. Sa bawat hakbang, ramdam ko ang bigat ng folder na nasa bag ko, parang pasang hindi ko na kayang buhatin.Nasa kalsada na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napakunot ako ng noo nang makita ang pangalan ni Fritzy sa screen.Sinagot ko agad. “Fritzy?”“Mara, where are you?” mabilis at halatang aligagang tanong niya mula sa kabilang linya.“Outside. I just—” napahinto ako, ayaw ko munang ikwento ang tungkol kay Velez at ang nangyari ngayon. “Bakit?”Narinig ko ang mahinang paghinga niya, parang nag-aalangan. “Listen, you need to get back to the office. Now.”Napatigil ako sa paglalakad. “Office? Fritzy, day-off ko ngayon. Bakit ako papatawag?”Tahimik siya sandali, saka nagsalita nang mababa, parang may nakikinig sa kanya. “It’s the head department. They asked for you, personally."Kumirot ang sikmura ko. “Did they say






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments