Narating na namin sa wakas ang bahay ng mga Agoncillo. Yari sa konkreto ang ibaba nito at ang itaas naman ay yari sa pawig at kahoy na pinakintaban.
Sa kabuoan,ma ganda at napakalaki ng bahay na iyon.
May mga malalaking bintana ito na may mga mga nakasabit na mga kurtina. Malawak rin ang lupa nito na siya namang napapalibutan ng mga mabeberdeng halaman at puno. Ligtas at maginhawa anng buong paligid kaya naisip ko sa aking pagrating na magiging maayos ang paninirhan ko rito.
Pumarad ang karwahe sa tapat ng bahay. Unang lumabas si Tiyo Graciano at inalalayan akong bumaba palabas ng karwahe. Nang makalabas ako, sinalubong ng isang bata anng aking tiyuhin.
"Tatay!" masayang pagsalubong ng isang bata sa kanyang ama at yumakap ito sa kanya. Isang batang babae ito na nasa edad na anim. Maganda, kayumanggi katulad ng ama, at may kapayatan. Agad naman siyang kinarga ng aking tiyuhin sa kanyang mga braso.
"Matagal po kayo," ani ng bata kay Tiyo Graciano. Napatawa na lamang ang aking tiyuhin sa kanyang sinabi. Ako nama'y natutuwa rin sa mag-ama.
"Matagal ba kami, Carmelita?" ani Tiyo Graciano sa anak. " Ilang sandali lang ako nawala,ah,"
"Matagal po," sumbat ng kanyang batang anak. "Hinihintay ko nga po kayo,"
Natawa ulit ang aking tiyuhin at naalala rin niya na naroon ako. "Carmelita, ito ang pinsan mo, si Carmela. Naalala mo ba iyong ikinuwento ko sa iyo? Ito siya," pagpapakilala sa akin ni Tiyo Graciano sa kanyang anak.
"Magandang araw sa iyo, Carmelita. Naku! Napakaganda mong bata," pagbati ko kay Camelita. Ngumiti ito sa akin. "Halos magpareho po tayo ng pangalan," aniya sa akin. " Para po kayong prinsesa. Maganda at maputi,"
Natuwa ako sa kanyang paglalarawan sa akin. Hinalikan niya bigla ang aking mga pisngi. Natawa naman si Tiyo Graciano na makitang gusto ako ng aking pinsan.
"May pasalubong akong dala sa iyo, anak," ani Tiyo Graciano sa kanya. "Talaga po? Saan po!?" laking tuwa ni Carmelita matapos maalala ng kanyang ama ang dala nitong pasalubong. "Hindi ko talaga makakalimutang makapagdala ng pasalubong sa aking pinakamamahal na bunso," ani ng aking tiyuhin at hinalikan niya ang bata sa pisngi.Binaba na rin niya si Carmelita mula sa kanyang pagkakarga.
"Nandoon kay Alana, kunin mo. Alam kong matutuwa ka sa pasalubong ko," ani niya sa bata na agad tumakbo patungo sa babaeng alalay na kasamang sumalubong sa akin kanina.
"Ipinangalan ko siya mula sa iyo," ani Tiyo Graciano sa akin.
Kinuha nga naman talaga sa pangalang Carmela ang pambatang pangalan na Carmelita.
"Bienvenido!," isang masayang pagbati ang tumambad sa akin mula sa pintuan ng bahay. Hinawakan ng babae agad ang aking mga kamay at nakatingin sa akin na may malalaking ngiti sa mukha.
"Ikaw ba si Carmela?" tanong niya sa akin. "Oo, ako si Carmela," sagot ko naman sa kanya. At bigla niya akong niyakap sa tuwa.
"Manuela, mag ingat ka. Baka nasasaktan mo na sa higpit ng pagkakayakap mo kay Carmela," ani ni tiyo sa babaneg yumakap sa akin. Bumuwag naman sa pagkakayakap si Manuela sa akin.
"Ako'y ipagpaumanhin mo, Carmela. Labis lang talaga akong natutuwa na sa wakas ay nagkita na rin tayo. Inakala ko na kahit sa pagtanda ay hindi ko na talagang magagawang makita ka pero ngayon, ito na, ito na sa aking harapan," wika ni Manuela sa akin na may bakas pa rin ng tuwa sa kanyang mukha.
Tanto ko na magkaedad lang kami ni Manuela. Walang katulad ang kanyang kagandahan. Kayumanggi siya. Makintab at mahaba ang kanyang maitim na buhok. Gaya ng iba pa sa bayang ito, nakasuot siya nang baro't saya na yari sa isang malambot na tela. Maganda ang kanyang labi at nakakagalak rin ang kanyang mga mata.
"Ako rin ay natutuwa na nakilala ka, Manuela, marami akong nalaman tungkol sa iyo mula sa iyong ama," wika ko kay Manuela.Nilipat niya ang tingin sa kanyang ama. " Si Tatay talaga, mapagkuwento. Naku! Huwag kang maniwala sa kanya ng ipinahambog ko sa aking mga kaibigan ang pagrating mo. Hindi iyon totoo," ani niya sa akin.
Laking tawa naman ni Tiyo Graciano.
"Isa kang magandang dilag, Carmela," ani ng isang babae namang tumambad sa akin mula sa pinto ng bahay. Matanda na ito ngunit maganda pa rin. Katulad ni Manuela, nakabaro't saya rin siya. Maitim rin at makintab ang kanyang buhok ngunit maayos itong nakahubli sa kanyang likod.
Hinalikan ako ng matandanng babae sa pisngi. Ngumiti lang ako sa kanya. " Ako pala ang si Tiya Dolores mo, asawa ng iyong Tiyo Graciano, natutuwa rin ako at nakilala kita, Carmela," pagpapakilala niya sa kanyang sarili sa akin.
"Ikinagagalak ko rin po na kayo ay makilala, Tiya Dolores," ani ko sa kanya.
"Mahal?" pagtambad ni tiyo sa amin. "Ano ang inihanda mong pagkain ngayon sa amin?"
"Ipinaghanda ko kayo ng mainit na sinigang na manok. Pinaramihan ko ito ng sampalok upang maging maasim. Tiyak kong magugustuhan ito ni Carmela," sagot ni Tiya Dolores.
"May inihanda rin po akong kare-kare para kay Carmela. Hindi ko lang po alam kong kumakain siya nito," wika rin ni Manuela sa kanyang ama."Siya sige," ani Tiyo Graciano sa lahat. "Pumasok na tayo sa loob at ako ay nagugutom na. Alam ko rin na nagugutom na si Carmela,"
Ngumiti lang ako sa kanila.
"Bernado," pagtawag niya sa kutsero. "Opo Senyor?" sagot naman nito sa kanyang pagtawag. "Ipasok mo ang mga gamit ni Carmela sa kanyang cuarto," utos ni Tiyo sa kanyang kutsero. "Opo senyor," ani naman ng kutsero at agad dinala ang aking malaking sisidlan ng damit.
Matapos iyon ay sabay sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Ang bagong bahay na titirhan ko.
Maganda ang loob ng bahay. Makikintab ang mga mwuebles, mga upuan at mga platerang yari sa yakal. Pati ang kanilang hagdanan paitaas ng bahay at ang buong sahig nito ay pinakintaban din na yari naman sa matigas at makapal na kahoy. Sa bawat sulok ay may mga likhang pagguhit na may mga malalim na kariktan kung titingnan. May mga gayak rin silang mga mapuputing at makikinis na porselana at mga sari-saring kagamitang yari sa bakal.
Nang makarating kami sa comador, maraming pagkain ang nakahanda sa mahabang platera. May mga sinabawan, may mga piniprito at mayroon ring mga ibat-ibang prutas ang naroon. Lumikmo kami sa mga upuang naroon sa platera. Nakaupo si Tiyo Graciano sa pang-unahang gitna ng platera,nasa kaliwa niya naman si Tiya Dolores habang nasa kanan kami ni Manuela na magkatabi. Kasama ang aliping si Alana, dumating naman si Carmelita, na pinaupo rin sa mesa na katabi ng aking tiyahin.
Nagdasal muna si Tiyo Graciano at pagkatapos ay nagsimula na kaming kumain. Pinaglingkuran ako ni Manuela na nilalagayan ng kanin ang aking pinggan. Sinabihan ko naman siya na maglagay lang ng kaunti ngunit dinamihan naman niya ito. Inabot niya sa akin ang niluto niyang karekare para sa akin.
"Sana ay kumakain ka ng karekare, Carmela," anya ni Manuela sa akin. Sasagot sana ako sa kanyang winika subalit inunahan ako ng aking tiyuhin sa pagsasalita.
"Bakit naman hindi, Manuela. Karekare ang itinatanging kainin ng ina ni Carmela. Hindi malayong hindi siya kumakain rin nito, tama ba ako,hija?" pagsaysay ni Tiyo Graciano sa akin.
Agad ko namang tinugonan ang kanyang pahayag. " Tama si Tiyo. Paminsan-minsan mga lutong nayon ang niluluto ng aking ina, at madalas itong karekare ang kanyang iniluluto para sa amin," wika ko sa kanila.
"O, tama ako," anya ni Tiyo Graciano at sumubo ito ulit ng pagkain. Inalalayan namam ni Tiya Dolores si Carmelita upang makakain ito. " Kung ganun, naging tinatangi mo na rin ito, Carmela. Tugma ang aking inuluto para sa iyo," nagtutuwang wika ni Manuela nang malaman iyon.
Pinilit ko na lamang kainin ang pinaghirapang lutuin ni Manuela.Hindi naman sa wala itong lasa, simula noong naging kakaiba ako ay wala na talaga akong malasahan sa mga pagkain kahit pinakamasarap pa iyan. Isang bagay lang talaga ang aking nalalasahan.
Hindi kalauna'y dumating na rin ang dalawa pang anak ni Tiyo Graciano. Nagmano ang mga ito sa ama at ina bilang tanda ng paggalang sa mga magulang. Pinakilala naman ni Tiyo Graciano ang mga anak niyang mga ito; si Estrella at si Laura.
Si estrella ay nasa edad labing isang taon. Maganda,kayumanggi, matangkad para sa kanyang edad at napakapayat. Si Laura naman ay nasa edad na siyam. Siya ay pinakamabilog sa magkakapatid. Maganda rin at kayumanggi. Sumabay silang sumalo sa aming pagkain.
"Seǹor," pagtambad ng isa pang alipin kay Tiyo Graciano. " May panauhin po kayo,"
"Sino iyan, Magda?" tanong ni Tiyo Graciano sa kanya na habang kumakain. "Si Seǹor Agapito po," sagot naman ng aliping si Magda. "Papasukin mo, Magda. Susunod ako," pag-utos ni tiyo sa kanya. Susunod na sana si Magda sa inutos ng aking tiyuhin nang gumitla ang panauhin sa comador.
"Hindi na kailangan iyan, kaibigan," wika ng lalaking panauhin sa amin nang gumitla ito. Tumayo agad si Tiyo Graciano upang puntahan ang kanyang panauhin. "Pitoy!" pagbati nito sa kaibigan. Inakbayan naman ito ni tiyo.
" Matagal ka nang hindi bumibisita rito. Ano ba ang pinagkakaabalahan mo?" anya ng aking tiyuhin sa bisita. "Ay, naku, Ciano, galing akong Tsina. Kararating ko lang noong isang araw," sagot naman ng panauhin sa kanya.
"Naging abala maging Instik upang lumago ang negosyo," biro pa nito na agad namang tinawanan ni Tiyo Graciano.
"Halika, sabayan mo kami sa aming salo-salo," pag-anyaya ni tiyo sa matandang lalaki. " Sinalubong namin ang pagdating ng anak ni Auring,"
"Anak ni Aurora?" tanong nito bigla nang malaman iyon.
"Oo, Pitoy, nandito iyong anak na babae ni Auring na galing Italya," sagot naman ni Tiyo Ciano. " Um, Carmela," pagtawag naman ng aking tiyuhin sa akin. Agad akong tumayo at nagtungo sa kanila.
"Magandang araw sa iyo, Seǹor. Ako po si Carmela Salvanza y Agoncillo, ikinagagalak ko pong makilala ka," pagpapakilala ko sa panauhin. Inabot ko ang aking kanang kamay sa kanya nama'y hinalikan niya ito.
"Magandang araw rin sa iyo, Seǹorita. Ako si Agapito Ramirez y Quintos, natutuwa rin akong makilala ka," anya ng panauhin sa akin. "Buenvenido y Santa Barbara, Senorita!," pagbati niya ng maligayang pagdating sa akin sa wikang Kastila.
"Gracias," pasalamat ko naman sa wikang Kastila.
May katandaan na ang lalaking panauhin. Ngunit kong ano man ang katandaan ng kanyang mukha ay siya namang di makikita sa kanyang katawan. May kakisigan pa rin ito. Maputi, matangkad at matangos ang ilong gaya ng mga ibang Espanyol. Isa siyang insulares na negosyante kaya ganoon nalang ang kanyang bihasa sa pagsasalita ng wikang indiyo. Nakasuot siya ng mga katulad na kasuotan ng mga taga Europa. Nakabota at may hawak itong maliit na latigo na kalimitang ginagamit ng mga henete ng kabayo.
"Hindi ko alam na mayroon palang anak si Aurora na kasing ganda niya," anya niya sa akin. "Ganyan rin ang sinabi ko sa kanya, pagkarating niya rito," wika naman ni Tiyo Graciano na pinagalawahan ang sinabi ni Don Agapito.
"Nagkakilala na po ba tayo, Don Agapito?" tanong ko bigla kay Senor Agapito. Naitanong ko iyon sa kanya dahil ang mukha niya'y parang nakita ko na sa aking pinalalagian noon.
"Aking batid ay hindi pa, Senorita. Ang kagandahan mo ay bago pa sa aking paningin." sagot naman ni Don Agapito. "Baka nasampit lamang ng iyong ina ang kanyang pangalan, Carmela, kaya baka naringgan mo lang ito sa kanya. Matalik na magkaibigan ang iyong ina at si Agapito noon," anya ni Tiyo Graciano sa akin.
"Baka ng ay tama ang iyong tiyuhin, senorita. Baka ay natukoy lamang ako ng iyong ina sa iyo,"
"Batid ko nga po ay marahil, senor," ani ko kay Don Agapito. Ipinakita lamang ng Don ang kanyang ngiti sa akin. "Kuhang kuha mo ang ngiti at mga mata ng iyong ina, Carmela," wika niya. "Maraming salamat, senor. Batid ko rin po ang mga bagay na iyan na inayon ni Tiyo Graciano," ani ko naman sa kanya.
Matapos nang aming usapang iyon ay isinalin ni Don Agapito ang kanyang tingin muli sa aking tiyuhin.
"Um, Ciano," anya niya kay Tiyo Graciano. "May isang bagay akong nais sabihin sa iyo kaya ay naparito ako,"
"Ano iyon, Pitoy?"
"Gusto ko sanang imbitahin at aanyayahin ang iyong buong pamilya sa aming piging sa makalawang araw. Ipagdidiriwang namin ang ika singkwentang taon ng aming pagawaan," sagot ni Don Agapito kay Tiyo Graciano.
"Magandang pagkakataon iyan, Pitoy!," bulalas ng aking tiyuhin sa imbitasyon ng panauhin. " Asahan mong kami ay dadalo sa pagdiriwang na iyan,"
"Masaya kong malaman iyan, Ciano. Talaga ay aasahan ko ang pagdalo ninyu. Hindi ka dapat mawala sa mahalagang piging na ito," wika ni Don Agapito. "Ganoon pa man ay yaon lamang ang aking pinunta rito. Ninais ko lamang na ako mismo ang mag-aanyaya upang makadalo kayo nang iyong pamilya,"
"Kung ganoon, Pitoy, salamat sa pag-iimbita mo sa amin," pasalamat naman ng aking tiyuhin. "Hindi kita bibiguing dadaluhin,"
"Asahan ko iyan, Ciano," anya ni Don Agapito. "Siya sige, yaon lamang ang aking gustong sabihin. Aalis na ako at pupunta pa ako ng bayan," pagpapaalam ng panauhin sa aking tiyuhin.
"Paalam sa inyu,"
"Nawa'y mag-ingat ka po, Don Agapito," ani ko sa kanya bilang pagpapaalam. "Paalam sa iyo, senorita," pagpapaalam rin niya sa akin at muli ay hinalikan ang aking kamay.
Sinamahan siya ni Tiyo Graciano patungo sa silong ng bahay. Sakay ang kanyang dalang kabayo, umalis ang aking nakilalang senyor patungong bayan.
Isang araw na siyang hindi nakakain at sigurado akong nagugutom at nauuhaw na iyon sa madilim na kulungang doon. Kaya naisipan kong dalhan ang lalaki ng pagkain at tubig pagkatapos kong kumain. Pinilit ng tatlong tulisan na kunin ang aking dalang pera. Nanlaban ako kaya binubog nila ako upang makuha lamang ang kwaltang nais nilang kunin mula sa akin. Napagbatid din ni Pedro ang ilang nagsisidatingang mga tao roon; may ilang mga kababaihang nakasuot ng magaganda't magagarang traje de boda na naghahagikhikan pa sa isa't isa habang papasok sa loob ng mansyon at may nakikita rin siyang mga papasok na mga kalalakihan roon na nakasuot ng iba't ibang isitilo ng chachetta at pantalones na sa mga kilos at tindig ay kagalang-galang tingnan. "Alas siete na pala," anya ni Don Condrado sa sarili nang malaman na ang oras. Sa di malamang dahilan, tumigil ang mga tulisan, umalis na sinunod ang ninais ng napakagandang babaeng iyon. Wari ko, hindi yata nila matanggihan ang tila isang anghel na dilag ka
Suot ang maganda at gawa sa bulak na chachetta na itim na pinalooban niya ng puting polo at kurbatang itim, ay inayos ito ni Julian sa paglabas niya ng sinakyang karwahe. "Hindi na kailangan iyan, kaibigan," wika ng lalaking panauhin sa amin nang gumitla ito. Ang mga arko namang ito ay bumuo ng malalaking debatong kaha kung saan may mga butas na siyang ginagawang tanawan at lusutan ng mga bumabaril mula sa loob ng fuerte. Nabaliw ito dahil sa labis na pagnanasa nitong maging pinakatanyag na pintor sa bansa kaya halos ginugol na niya ang buong sarili sa pagpipinta ng kung anu-anong mga larawan. Tiningnan niya ang inventario doon kung tugma ba ang mga nakasulat ayon sa pagsusuring ginawa niya. "Natutuwa ako, Carmela, at masaya kang makilala sila," wika ni Natalia sa akin na may bakas ng tuwa sa kanyang mukha para sa akin. Alam niyang sa bayang ito magsisimula ang bukang liwayway ng aking bagong buhay. Ang alak ang nagbibigay gaan sa aking loob bukod sa isang pang likidong parehong nil
"Iyon lang ang masasabi mo?" ang napabulalas na tanong ni Venancio, ang ama ni Sergio, bulalas man ngunit nasa mahinang tinig. Sa pagkakataong iyon ay para bang nalalasap sa dulo ng kanyang dila ang lamang matatamis nito na siyang napapalunok naman sa natitirang laway sa bibig niya. May sakit po kasi ngayon ang nanay ko at wala akong maiuuwi ngayon kung wala po akong mababaleng pera ngayon. akbo lang siya nang takbo, at habang hinihingal na ay may palingon-lingon niyang tinitingnan ang kanyang bandang likuran na tila ba may tinatakbuhan siyang di makita-kitang bagay sa lilim ng kadilimang naroon. Kumalam na ulit ang kanyang tiyan. "Hindi! Umalis ka na!" At sinipa si Clara ulit ng matabang donya. Nang matumba ang dalaga, kinuha siya bigla ng senyora, kapit ang kanyang suot na puting baro. Matagal lumipas ang pagkalam nito. Pinagpawisan na rin ang noo niya dala nang matinding nararamdamang gutom. Mulang siya ay magising ay inayos muna ni Graciela ang sarili niya, tumayo siya sunod at in
Ang lahat ng ito ay karaniwang ginagawa sa pabrika ni Andracio bilang isang encargador. Paulit ulit kong tinawag ang aking mga magulang ngunit pawang katahimikan lamang ang sumagot rito. Sa bahagi ring ito makikita ang isang malaking bodega, na may pintuang malahugis arko na may mga magagandang ukit na binubuo ng mga bulalak at mga ibon. Huminto ito sa tapat ng mansyon, at pagkalabas niya nang karwahe ay napansin niya kaagad sa may labasan ng casa ang mga nakaunipormeng puro Kastilang kawal ng mahistrado na buong tindig roon na nakabantay at walang bahid ni anumang damdaming makikita sa mga pagmumukha. At nang lumingon ako upang makita kung sino iyong tumambad sa akin ay doon ko natantong ako ay tama sa pagwari ko. Halos walang tao ang nasa mercado sa araw na iyon. "Bago natin ibalik ang mangkukulam na ito sa impyerno," wika ng padre sa lahat. Hindi dahil maulan at malamig kundi dahil ang mga manininda at negosyante sa pamilihang iyon ay mga ilang tagahanga at natulungang tao ni Don A
Nagpasalamat din si Julian sa kanila at tinanggap ng buong loob ang ibinigay ng mga babae sa kanya. Wala naman siyang ibang naisip na maaaring gawin upang matapos ang pagdudurusa ng lalaki--dulot ng matinding nararamdamang sakit--kaya dala ng awa ay pinatay niya ito sa pamamagitan ng pagdiin lalo ng nakatusok na kahoy sa dibdib. Marahil hindi pa alam ng mga taga Mansion Gliriceda ang pagkawala ng kanilang señorito o hindi rin napagbatid maging nang mga tauhang nagtratrabaho sa pabrikang pagmamay-ari nito.Nang mahagip bigla sa isipan ni Andracio ang pangalan ni Julian, naalala na naman niya muli ang isang bagay. Pitong lalaki ang kaagad natanaw niya na pumasok roon na pawang may mga bitbit pang mga mataas na uri ng armas.Ang lahat ng ito ay inalisan at tinanggalan niya ng alikabok, mga nakabiting agiw at dumi na apat na araw nang nalikom doon. Marahan siyang umakyat sa hagdanan, di inalintana ang madilim at makitid na mga hakbang, hanggang sa narating na nga niya ang tutok nito. "Ubos
Hindi ko mapipilit na sumagot siya sa akin sapagkat hindi naman niya ako kilala."Hindi ko ginustong mangyari ito sa akin. Hindi maaaring nilinlang ako noon ng aking kaibigang si Felina. Binuo ako ng isang bampirang nangangalang Mercedes,"ani pa niya sa akin. Hindi ko magawa ang makatayo mula sa pagkadapa ko sa lupa dahil nangangatog sa takot ang aking buong katawan. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dahil kung hindi, tiyak mamamatay ako sa kamay ng aking kaaway na walang kalaban-laban. Tinuruan niya akong mamuhay ng karaniwan sa kabila ng sumpang aking dinadanas at sa hanggang tuluyan ko nang napigil ang aking pagkauhaw sa dugo ng tao. Kailangan na naming marating kaagad ang kuwebang iyon bago lumitaw ang kabilugan ng buwan dahil kung hindi, kutob ko, ay may masamang mangyayari. Buhat nga makahiga, binubulong ko lamang sa aking isip na iwala ang mga masasamang wari pero ang mga bakas pa rin ng takot ang tumatatak sa aking isipan. "Si Aurora talaga, kahit nakapag-asa