Beranda / Fantasy / Lahid / Santa Lucia

Share

Santa Lucia

Penulis: Rick Resonable
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-15 17:41:26

Isang matagal at nakakayayat ang paglalayag ng tatlong linggo sa isang barko. Mula sa Marseilles, lugar sa Pransya ay naglayag ang sinakyan kong barkong may pangalang San Rafael patungong Maynila, ang sentro ng daungan ng mga dayuhang barko na nagmumula sa Europa, sa buong Felipinas.

Nakakayat tingnan ang malawak na mga karagatang dinaanan ng barko. Mula sa Marseilles, binaybay namin ang malawak na karagatang Atlantika. Huminto rin kami ng ilang oras sa daongan ng Acapulco, lugar sa Timog Amerika, at lumayag muli sa mahabang karagatang Pasipiko patungo sa Maynila.

Isang mahabang paglalayag para sa panibagong buhay.

Umingay ng malakas ang alarma ng barko nang makita na sa hindi kalayuan ang pantalan ng Maynila. Nasa aking kwadro ako nang marinig iyon at habang nagbabasa ng pangalawang kabanata ng Les Miserable, isang nobelang gawa ni Victor Hugo, kilalang manunulat ng Pransya. Nabili ko ito sa isang tindahan ng mga aklat sa Paris upang maging aking libangan sa usad ng paglalakbay. Dinala ko rin ang iba ko pang mga libro at nobela.Pagbabasa ang aking tanging nakahiligan at nahiligan ko ito simulang binilhan ako ng aking ama ng isang libro.

Naalala ko pa ang mga iyon. Mga alalang hindi ko kailanman makakalimutan sa aking buhay. Kung nandito lang kayo, Ma, Pa, ay magiging isang masayang paglalayag ito sa lupang tinubuan ng aking ina.

Sa pagkakataong narinig ko ang alarma mula sa aking kwadro, tiniklop ko ang aking binabasa at agad nagtungo sa gilid ng barko. Pagkarating ko doon ay marami ang tao. Sila ang mga dayuhang kasabay kong naglayag, mga dayuhang una pa lamang tatapak sa isla na ipinangalan ng mga Kastila sa isang hari. May mga bata pang kumakaway habang nakatanaw sa palapit na palapit na pantalan. Bakas sa kanilang mga mukha ang naramdamang saya.

At isama na ako sa sayang iyon dahil sa unang pagkakataon, mapupuntahan ko na ang kinalakihang lugar ng aking yumaong ina.

Nakadaong na rin sa wakas ang San Rafael,  at hindi magkamayaw ang mga tao na dali-daling nagtungo palabas ng barko. Bumalik ako sa aking kwadro at inihanda ko ang aking mga dinalang gamit. Inilagay ko sa dinala kong sisidlan ng mga damit ang aking mga librong dinala. Inihanda ko rin ang aking sarili na tumingin sa salamin roon.

Dumungaw naman ang isang kargador ng barko. Binuhat niya ang aking dalang sisidlan na kaybigat dahil sa mga damit na aking dinala. Sumunod naman ako sa kargador. Bumaba kami sa barko na dinaanan ang hagdanang yari sa makapal na tabla. Natuwa akong minasdan ang kargador na nabibigatan sa aking dalang malaking sisidlan na siyang kanyang binubuhat.

Pagkaraang makababa, bingyan ko siya ng kwalta bilang abuloy sa kanyang pagbubuhat sa aking sisidlan. Nagpasalamat naman siya agad ng buong tuwa, at bumalik sa loob ng barko.

At matapos noon ay may lumapit sa akin. Isang matandang lalaki. Nakabihis pormal ito na parang Kastila ngunit nangibabaw pa rin ang kanyang makayumangging kulubot na balat. Ito na marahil ang sasalubong sa akin. Ang ilustradong kapatid ng aking ina.

“Walang ibang tao na may kasing ganda nang aking kapatid na si Aurora kundi ang sariling anak lamang nito,” ang pagsalubong niya sa akin. May ilong siya na kasing hugis ng aking ina at may kapandakan rin ang lumapit na matandang lalaki sa akin. Bagama’t nangungulubot na ang kanyang mga balat sa mukha, nananitiling maitim naman ang kanyang buhok na siyang nagpabata sa kanyang tingnan.

“Aking hula ay ikaw ang aking pamangkin na si Carmela,” ani ng matanda pa sa akin. “ Nais kong magpakilala sa iyo, ako si Graciano Agoncillo y Quintos, ang kapatid ng iyong ina at ang iyong tiyuhin,”

Matapos niyang magpakilala ay agad niyang hinalikan ang aking kaliwang kamay, isang tanda ng pagrespeto sa isang magandang dilag. Bumungad naman sa amin ang isang babae at hinuble ang hawak niyang payong at kami’y kanyang pinayungan. Magkasing edad lang siguro kami, kayumanggi, maganda at maitatwa mong isa itong taga-bayan dahil sa suot nitong baro at saya na gawa sa isang nalumang tela.

Hindi ko pa nakilala sa buong buhay ko ang mga kamag-anak ng aking ina. Ipinanganak niya ako sa Roma, kung saan kami nakatira, at lumaki roon. Ang pawang alam ko lamang sa kanila ay ang inaalalang kwento ng aking ina.

Kahit nagsasalita ng salitang Tagalog ang aking tiyuhin, naintindihan ko naman ang bawat salitang kanyang binigkas. Sa katotohanan ngay kahit nasa Italya, tinuturuan pa rin ako ng aking ina na magsalita at umintindi ng wika niya. Sa katotohanan nga’y naging dila ko pa ito kaysa salitang Italyano.

“Ikaw marahil ang nakakatandang kapatid ng aking ina,” pangiti kong wika sa kanya.

Natawa siya sa aking sinabi. “ Ako nga ang pinakamatanda ngunit gayon pa ma’y naunang mag asawa ang iyong ina kaysa sa akin. At ganoon na ba talaga ako katanda tingnan na sarili kong pamangkin ang siya pang nagpamulat sa akin,” natatawa niyang sabi.

“Naku po, hindi ko po ibig kayong ilarawan sa inyong kaayuan, kung hindi sa ayos ng inyong kapanganakan,” wika ko sa aking tiyuhin na marahil hindi naunwaan ang gusto kong ibahagi.

“Ganoon pa man, bago pa man tayo matagalan rito dahil sa kwentuhan, ay halika na,” pag-aanyayamg patawa niya sa akin. “ Malayo pa ang tatahakin natin papuntang bahay,”

Sabay kaming naglakad patungo sa nakaparadang karwahe. Pinauna niya ako pinapasok sa loob nito at sumunod naman siya pagkapasok ko. Inayos at isinakay naman ng kutsero ang aking dalang sisidlan na tinulungan pa ng alalay na siyang nagpayong sa amin. Nang masiayos ay agad sumakay sa harapan ang kutsero. Tumabi naman ang babaeng alalay sa kanya at makaraang makasakay sila ay pinitik na ng kutsero ang lubid ng kabayo. Pagpitik nito ay agad naman lumakad ang kabayo at nagsimulang umusad ang aming sinasakyang karwahe.

Mula sa maliit na bintana ng karwahe, tumanaw ako sa labas. Napakaabala ng araw na iyon sa pantalan. May mga nagkakargang mga lalaki ng ibat ibang kahon at buslo na may mga lamang mga produkto. May mga karwahe ring dumadaan at may mga kariton ring tinutulak ng tao roon. May mga natitinda rin sa gilid. May mga Indiyano, mga Arabo at Instik pa akong namataang nagtitinda roon ng kanilang mga dalang palamuti, pabango at iba pang mga produktong tila galing sa kanilang kinaroroonang bansa. May mga Pilipino rin naman nagtitinda ng mga produkto at karamihan nito ay mga ibat ibang gulay. Halos lahat na nagtitindang Pilipino roon ay mga kababaihan at may ilan rito na nagtatabako pa.

Matatanaw mo talaga mula pa sa pantalan ang patuloy na umuunlad na Maynila.

“Hindi ko inisip na marunong ka palang umintindi at magsalita ng wikang Tagalog,” wika ng aking tiyuhin nang makitang nakatanaw lamang ako sa bintana na inaaliw ang sarili at hindi umiimik. Hinarap ko naman siya pagkasalita niya.

“Tinuruan ako ng aking ina mula pa pagkabata na magsalita ng wikang Tagalog. Hindi niya nakalimutan ang minulat niyang wika,” sagot ko naman sa kanya.

“Si Aurora talaga, kahit nakapag-asawa ng mestisong Italyano, nagawa pa ring maging makabayan sa pagturo sa anak,”

“Naku,tiyo, tinuruan niya akong magsalita ng wika ninyo upang may makausap naman siya sa dialekto niya sa Italya. Hindi niya gustong mawala ang kanyang dila sa Tagalog na alam niyang magtatagal siya sa Roma. Sadyang walang nakilalang kababayan ang aking ina roon,” wika ko naman sa aking Tiyo Graciano.

Bumakas bigla sa kanyang mukha ang kalungkutan na siyang hindi ko mawari kung bakit.

“ Kahit dalwang taon na, talaganng ikinalulungkot ko pa rin ang kanyang pagkawala. Ninais kong makapunta roon nang malaman ang nagyari ngunit sadyang mailap ang pagkakataon,” ani ng aking tiyuhin at nalulungkot itong pinuna ang masaklap na alala buhat sa aking ina.

Hinawakan niya ang aking mga kamay. Dama ko ang kanyang lungkot sa mga sandaling iyon. Nadarama ko naman ulit ang aking lungkot sa pagkawala nng aking mga magulang.

Hinawakan ko naman pabalik ang kanyang mga kamay at sinabing,

“Alam ko, tiyo, dama ko ito. Alam ko na nasa tahimik at masayang lugar na si ina kung saan man siya ngayon. Kasama niya ang Diyos at iyon ang ikinatutuwa ko. Maging masaya na rin po tayo upang hindi siya maging malungkot na nakikita tayong malungkot,”

Ngumiti lamang ang aking tiyuhin.

“Naalala ko si Aurora sa iyo. Sa tuwing nalulungkot ako noon, siya ang unang nakikiramay sa akin at nagpapalakas ng aking loob. Napakayumi at napakabait ng iyong ina wari nagkaanako rin siya ng katulad niya,” ani Tiyo Graciano.

“Nagagalak po akong makilala ko po kayo, tiyo,” aniya kong nakangiti.

“Natutuwa rin akong makilala kita, pamangkin, ngunit mas matutuwa ang pinsan mong si Manuela kapag nakita ka na niya,” wika ng aking tiyuhin sa akin. “Nang malaman niyang pupunta ka rito, tuwang-tuwa ang iyong pinsan. Ipinahambog pa nito sa mga kaibigan na darating ang kanyang mestisang pinsan na mula Italya,”

“Naku po, nakakahiya po naman. Hindi po naman tayo magkalayo sa ugali at kaugalian kahit ang ama ko ay isang dayuhan,”

     “ Sabihin mo iyan sa pinsan mo, hija. Makilala mo siya pagrating natin sa bayan. Halos magkasing edad lang kayo na kinatitiyak kong magkakaintindihan kayong dalawa,” wika ng aking tiyuhin sa akin na may sabay isang tawa.

Natuwa naman ako sa sinabi ni Tiyo Graciano. Patuloy pa rin siyang nagkuwento tungkol sa iba pa niyang mga anak. Nagkuwento rin siya tungkol sa kabataan nila ng aking ina. Ito ang naging aliw namin sa paglalakbay.

Halos isang oras na ang lumipas at hindi pa kami nakarating sa aming patutunghan. Patuloy pa ring isinakuwento ni Tiyo Graciano ang kanyang mga masasayang alala. Magaling siyang magpatawa at hindi siya nabibigong patawanin ako sa kanyang mga binibitawang biro. Doon ko napagtantong, isa siyang masayahin at mabait na tao.

“Malapit na tayo, nandito na tayo sa Santa Barbara. Kunting lakad na lamang ng kabayo, mararating na rin natin ang bahay,” ani Tiyo Graciano nang makitang nakilala ang lugar na siyang aming tinatahak na sa sandaling iyon. Tinanaw ko rin ang paligid sa labas kung saan na kami naroroon.

Ito pala ang Santa Barbara. Ang bayan saan lumaki ang aking ina. Ang bayang kanyang laging ikinukwento sa akin noong ako’y bata pa. Isa pala itong malawak na lugar. May malapit na bukirin at napapalibutan ng maberdeng gubat. Magkatabi-tabi lamang ang mga bahay na nakita ko. Kahit malupa at maalikabok ang daanan, abala pa rin ang mga taong naninirhan naroon sa bayan. Abala sila sa kanilang mga gawain. May mga naglalako ng mga gulay, may mga nagtitinda ng mga anong produkto at may mga dumadaan lamang. Talagang napakaabala ng mga taong naroon sa araw na iyon.

“Tierra del Fuego,” wika ng aking tiyuhin na sa unang pagkakataon ay nagsalita ng salitang Kastila. Maliban sa Italyano at Tagalog, napag-aralan ko rin ang salitang Kastila. Marami na akong mga nabasang libro na salin sa salita yaon kaya nabihasa na rin ako sa wikang iyon.

Lupa ng mga Apo ani ng isipan ko na isanalin sa Tagalog ang salitang binitawan ng aking tiyuhin. Hindi ko maisip kong bakit nasambit ng aking tiyuhin ang mga katagang iyon at gusto kong malaman kong bakit.

“Ang mga Kastilang conquistador ang unang nagpangalan niyan sa lugar na ito,” pagsisimulang magkuwento ulit ng aking tiyuhin. “Sila ang unang nakarating at nakadiskubre nito. Nang unang maabutan ito ng mga conquistador, sinalubong sila ng isang malaking apoy, na kasing laki ng mga alon sa karagatan. Hindi nila alam kung saan ito nanggaling o paano nagkaroon ng isang malaking apoy sa lugar na ito hanggang ngayon. Isa itong alamat, Tierra del Fuego, ang dating pangalan ng Santa Barbara,”

Sa sinabi sa akin ng aking tiyo, naalala ko ang mga sinabi rin sa akin ng aking ina na marami talagang mga alamat na nabubuhay sa bayang ito. Ang iba ay hindi niya maintindihan. Ibig ko sanang magtanong pero pinaliban ko na lamang at naisip na tumahimik.

Napadaan kami sa isang lumang simbahan. Malaki ito at mababakas ang kanyang kalumaan sa mga naiwang mantsa sa konkreto ng mga nagdaang ulan. Sa harap naman nito ay ang plaza ng bayan. Konkreto ang daan at maraming mga mabeberdeng tanim at halaman na naroon. Pagdaan namin marami ring mga tao na labas pasok ng simbahan at ang iba’y namamasyal sa plaza. Pawang makaDiyos tala ang mga taga Santa Barbara dahil palagi itong bumibisita sa patron ng simbahan. Si San Isidro Labrador, ang santo ng mga masasaganang ani.

Napadaan rin kami sa isang malawak na hacienda. Ayon ni Tiyo Graciano,ang kaibigan niyang mestisong Kastila ang nagmamay-a*i nito. Ang  ayurimiento ng bayan, at ang taong nagtalaga kay tiyo bilang cabeza de barangay. Hacienda Felina, pagpangalan sa akin ni tiyo nito.

Sadyang malinis at maginhawa sa pakiramdam ang hangin ng Santa Barbara dahil sa mga halama’t punong nakapalibot dito. Malayong malayo sa Roma, na halos konkreto ang iyong makikita sa paligid.  Kaya hindi ko masisisi ang aking ina kung bakit gustong gusto niya talagang bumalik dito.

Isang panibagong lugar para sa isang pangarap na panibagong buhay. Ihihiling ko na sana’y ang Santa Barbara ang siyang magpapalimot sa akin sa isang masamang nakaraang gusto ko nang maiwala sa aking buhay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Lahid   Keso

    Isang araw na siyang hindi nakakain at sigurado akong nagugutom at nauuhaw na iyon sa madilim na kulungang doon. Kaya naisipan kong dalhan ang lalaki ng pagkain at tubig pagkatapos kong kumain. Pinilit ng tatlong tulisan na kunin ang aking dalang pera. Nanlaban ako kaya binubog nila ako upang makuha lamang ang kwaltang nais nilang kunin mula sa akin. Napagbatid din ni Pedro ang ilang nagsisidatingang mga tao roon; may ilang mga kababaihang nakasuot ng magaganda't magagarang traje de boda na naghahagikhikan pa sa isa't isa habang papasok sa loob ng mansyon at may nakikita rin siyang mga papasok na mga kalalakihan roon na nakasuot ng iba't ibang isitilo ng chachetta at pantalones na sa mga kilos at tindig ay kagalang-galang tingnan. "Alas siete na pala," anya ni Don Condrado sa sarili nang malaman na ang oras. Sa di malamang dahilan, tumigil ang mga tulisan, umalis na sinunod ang ninais ng napakagandang babaeng iyon. Wari ko, hindi yata nila matanggihan ang tila isang anghel na dilag ka

  • Lahid   Fuente Maria

    Suot ang maganda at gawa sa bulak na chachetta na itim na pinalooban niya ng puting polo at kurbatang itim, ay inayos ito ni Julian sa paglabas niya ng sinakyang karwahe. "Hindi na kailangan iyan, kaibigan," wika ng lalaking panauhin sa amin nang gumitla ito. Ang mga arko namang ito ay bumuo ng malalaking debatong kaha kung saan may mga butas na siyang ginagawang tanawan at lusutan ng mga bumabaril mula sa loob ng fuerte. Nabaliw ito dahil sa labis na pagnanasa nitong maging pinakatanyag na pintor sa bansa kaya halos ginugol na niya ang buong sarili sa pagpipinta ng kung anu-anong mga larawan. Tiningnan niya ang inventario doon kung tugma ba ang mga nakasulat ayon sa pagsusuring ginawa niya. "Natutuwa ako, Carmela, at masaya kang makilala sila," wika ni Natalia sa akin na may bakas ng tuwa sa kanyang mukha para sa akin. Alam niyang sa bayang ito magsisimula ang bukang liwayway ng aking bagong buhay. Ang alak ang nagbibigay gaan sa aking loob bukod sa isang pang likidong parehong nil

  • Lahid   Camenao

    "Iyon lang ang masasabi mo?" ang napabulalas na tanong ni Venancio, ang ama ni Sergio, bulalas man ngunit nasa mahinang tinig. Sa pagkakataong iyon ay para bang nalalasap sa dulo ng kanyang dila ang lamang matatamis nito na siyang napapalunok naman sa natitirang laway sa bibig niya. May sakit po kasi ngayon ang nanay ko at wala akong maiuuwi ngayon kung wala po akong mababaleng pera ngayon. akbo lang siya nang takbo, at habang hinihingal na ay may palingon-lingon niyang tinitingnan ang kanyang bandang likuran na tila ba may tinatakbuhan siyang di makita-kitang bagay sa lilim ng kadilimang naroon. Kumalam na ulit ang kanyang tiyan. "Hindi! Umalis ka na!" At sinipa si Clara ulit ng matabang donya. Nang matumba ang dalaga, kinuha siya bigla ng senyora, kapit ang kanyang suot na puting baro. Matagal lumipas ang pagkalam nito. Pinagpawisan na rin ang noo niya dala nang matinding nararamdamang gutom. Mulang siya ay magising ay inayos muna ni Graciela ang sarili niya, tumayo siya sunod at in

  • Lahid   Katiwala

    Ang lahat ng ito ay karaniwang ginagawa sa pabrika ni Andracio bilang isang encargador. Paulit ulit kong tinawag ang aking mga magulang ngunit pawang katahimikan lamang ang sumagot rito. Sa bahagi ring ito makikita ang isang malaking bodega, na may pintuang malahugis arko na may mga magagandang ukit na binubuo ng mga bulalak at mga ibon. Huminto ito sa tapat ng mansyon, at pagkalabas niya nang karwahe ay napansin niya kaagad sa may labasan ng casa ang mga nakaunipormeng puro Kastilang kawal ng mahistrado na buong tindig roon na nakabantay at walang bahid ni anumang damdaming makikita sa mga pagmumukha. At nang lumingon ako upang makita kung sino iyong tumambad sa akin ay doon ko natantong ako ay tama sa pagwari ko. Halos walang tao ang nasa mercado sa araw na iyon. "Bago natin ibalik ang mangkukulam na ito sa impyerno," wika ng padre sa lahat. Hindi dahil maulan at malamig kundi dahil ang mga manininda at negosyante sa pamilihang iyon ay mga ilang tagahanga at natulungang tao ni Don A

  • Lahid   Otoridad

    Nagpasalamat din si Julian sa kanila at tinanggap ng buong loob ang ibinigay ng mga babae sa kanya. Wala naman siyang ibang naisip na maaaring gawin upang matapos ang pagdudurusa ng lalaki--dulot ng matinding nararamdamang sakit--kaya dala ng awa ay pinatay niya ito sa pamamagitan ng pagdiin lalo ng nakatusok na kahoy sa dibdib. Marahil hindi pa alam ng mga taga Mansion Gliriceda ang pagkawala ng kanilang señorito o hindi rin napagbatid maging nang mga tauhang nagtratrabaho sa pabrikang pagmamay-ari nito.Nang mahagip bigla sa isipan ni Andracio ang pangalan ni Julian, naalala na naman niya muli ang isang bagay. Pitong lalaki ang kaagad natanaw niya na pumasok roon na pawang may mga bitbit pang mga mataas na uri ng armas.Ang lahat ng ito ay inalisan at tinanggalan niya ng alikabok, mga nakabiting agiw at dumi na apat na araw nang nalikom doon. Marahan siyang umakyat sa hagdanan, di inalintana ang madilim at makitid na mga hakbang, hanggang sa narating na nga niya ang tutok nito. "Ubos

  • Lahid   Ang Sitio

    Hindi ko mapipilit na sumagot siya sa akin sapagkat hindi naman niya ako kilala."Hindi ko ginustong mangyari ito sa akin. Hindi maaaring nilinlang ako noon ng aking kaibigang si Felina. Binuo ako ng isang bampirang nangangalang Mercedes,"ani pa niya sa akin. Hindi ko magawa ang makatayo mula sa pagkadapa ko sa lupa dahil nangangatog sa takot ang aking buong katawan. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dahil kung hindi, tiyak mamamatay ako sa kamay ng aking kaaway na walang kalaban-laban. Tinuruan niya akong mamuhay ng karaniwan sa kabila ng sumpang aking dinadanas at sa hanggang tuluyan ko nang napigil ang aking pagkauhaw sa dugo ng tao. Kailangan na naming marating kaagad ang kuwebang iyon bago lumitaw ang kabilugan ng buwan dahil kung hindi, kutob ko, ay may masamang mangyayari. Buhat nga makahiga, binubulong ko lamang sa aking isip na iwala ang mga masasamang wari pero ang mga bakas pa rin ng takot ang tumatatak sa aking isipan. "Si Aurora talaga, kahit nakapag-asa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status