Home / Romance / Lean on me, Daredevil / 05 - Chikiting Days Pt. 1

Share

05 - Chikiting Days Pt. 1

last update Last Updated: 2022-09-22 20:17:58

As soon as Kraner stepped out of the office with two of his colleagues, Amelia couldn’t hold it in any longer and screamed in frustration. She stomped her foot hard, cursing the man she both hated and loved at the same time.

“Ghad! How did you end up falling for him, Amelia? Demonyito naman ‘yon kaya bakit sa kanya pa?” Kastigo ni Amelia sa kanyang sarili.

YEARS AGO

"Mommy!" sigaw ng 11 years old na si Lucas habang tumatakbo papunta sa kanyang ina. "Mommy, nambugbog na naman si Amelia sa school."

Nabaling ang atensyon nila sa kakapasok lang na batang babae na pitong taon gulang ang edad. Nakasimangot ito at masama ang tingin sa kanyang nakatatandang kapatid. Kung wala lang ang kanyang ina ay baka naibato na n'ya ang hawak n'yang lunch box sa mukha nito.

"I just depended myself. Mommy. Ang mean nila sa akin 'e," depensa ng batang si Amelia.

"A-Amelia! Anong nangyari sa’yo?"

Nabigla at nataranta ang ina nang masilayan ang kalagayan ng kanyang única hija. Gusot at sabog ang pigtail nitong buhok, may punit ang laylayan ng damit, at putikan ang mukha na parang inilublob sa lupa. Ngunit higit sa lahat, ang nagpalala ng kanyang kaba ay ang maputing benda na mahigpit na nakapaikot sa kaliwang kamay ng bata.

"Amelia," mariing tawag ng ginang.

"Mommy, it's not my fault! They were making fun of my birthmark. They said it looked like poop, so I punched them in the nose and made them bleed," Amelia said in her defense.

May balat kasi s'ya sa bandang sintido na kasing laki ng piso na pangunahing dahilan para kutyain s'ya ng kanyang mga kaklase.

Isang malakas na tawa ang umagaw sa atensyon ng mag-ina. Doon lang napansin ni Amelia na may mga bisita pala ang kanyang ina. Nabaling ang tingin n'ya sa dalawang batang lalaki na nakatingin sa kanya. Tinasaan n'ya ito ng kilay bago iiwas ang tingin.

"Nakakatuwa ang anak mo," pahayag ng lalaki.

"I'm sorry for her attitude Mr. Steinfeld. Kay bata-bata pa ay parang professional boxer na kung umasta. I don't know what to do with her."

"Don’t be sorry. It’s actually impressive how she can stand up for herself without anyone’s help."

"There’s nothing wrong with the courage she’s showing. Just guide her toward the right path. I think she’s a sweetheart deep down," Mrs. Steinfeld said with a smile.

"You're right, Jessica,"

"If I ever have a daughter, I’d want her to be as brave as Amelia," Jessica said before turning to her two sons. "Boys, be good to her at school, since you’ll be attending the same one as Amelia and Lucas."

The two didn’t say a word, but simply nodded in response to their mother.

"Amelia, Lucas, come here," Mrs. De La Paz called out to her two children, her voice warm but firm. Hearing their mother, the siblings quickly made their way to her side, curious expressions on their faces.

With a gentle smile, she gestured toward the family standing nearby. "These are our new neighbors—the Steinfelds. Be polite and say hello."

"You can call me Tita Jess, and this is Tito Stan," the woman said with a friendly smile. "And these two right here are my sons—Kiel and Kraner." She gently placed a hand on each of their shoulders as she introduced them, beaming with pride.

"Hello po. I'm Lucas," nakabungisngis na pakilala ni Lucas. Binangga n'ya ang balikat ng kapatid na babae. Hinihintay kasi nila itong magpakilala.

"Ouch," usal ni Amelia saka sinamaan ng tingin si Lucas.

"You're Amelia, right?" tanong ni Jessica.

"Y-Yes," utal na sagot ni Amelia habang nakatingin sa mala-anghel na mukha ng ginang na nasa harapan n'ya.

Kinuha ni Jessica ang kamay ng dalawang bata saka ito pinalapit sa mga anak n'ya.

"Pwede ba kayong maging friends ng mga anak ko?"

"Of course, po tita. Hey, let's play basketball," pag-aya ni Lucas sa dalawa. "Wait, how old are you?"

"I'm 12," sagot ni Kiel.

"11," sagot naman sa kanya ni Kraner.

"Gusto ko rin maglaro ng basketball, kuya. Can I join? Please?" pakiusap ni Amelia. Yumakap s’ya sa braso ng nakatatandang kapatid.

"No Amelia. Your're a girl tsaka baka madapa ka na naman. Look at your knees ang pangit-pangit na. Ang dami ng sugat at bruises."

Napapadyak sa inis si Amelia bago hampasin ang braso ni Lucas. "I hate you na! Natatakot ka lang mapahiya kasi I play better than you!"

"Luhh. Whatever."

Tumakbo palabas ng bahay si Amelia at nagtungo sa kanyang stress-free na taguan. Sa likod-bahay nila, may nakatayong tent na espesyal na ginawa ng kanyang ama para sa kanya.

Pumasok si Amelia sa loob ng tent at kinuha ang kanyang plastic na baseball bat. Paglabas niya, lumapit siya sa puno ng mangga at walang sabi-sabing hinampas ito gamit ang hawak niyang bat—tila doon niya ibinuhos ang lahat ng inis at sama ng loob.

"I hate you! I hate you!" sigaw ni Amelia habang paulit-ulit na hinahampas ang katawan ng puno.

"Your're hurting him. Wala namang kasalanan sa’yo ang puno kaya 'wag mo s'yang ganyanin."

Natigil sa ginagawa n'ya si Amelia at hinarap ang lalaking nagsalita. Masama ang tingin nito sa kanya kaya sinamaan n'ya rin ito ng tingin.

"Mind your own business. Bakit ka ba nandito?" masungit na tanong ni Amelia kay Kraner.

"Because I want to," malamig ang tono ng boses ni Kraner. Lumakad siya papalapit kay Amelia at marahan niyang kinuha ang baseball bat mula sa kamay nito.

"What do you think you're doing?! Ibalik mo 'yan!"

"Don't be such a brat."

Natigil si Amelia sa pag-agaw ng kanyang baseball bat nang marinig ang sinabi ni Kraner. Bigla niyang naalala ang mga bulong-bulungan ng ilang mga kaklase niya. She had overheard them gossiping—that she was nothing but a spoiled rich brat. They said that’s why she didn’t have any friends. And her birthmark? They said it looked like poop—ugly and embarrassing.

"Hey," untag ni Kraner kay Amelia nang mapansin ang biglang pagtahimik nito sa harap n'ya.

"I-I don't want to be friends with you! You're like them! Ang bad mo rin sa akin!" sigaw ni Amelia. Pumasok s’ya sa loob ng tent at doon nagkulong.

"MOMMY, I don't want to go to school," nakasimangot na pahayag ni Amelia habang inaayusan s'ya ng buhok ng kanyang ina. Naka-ponytail naman ngayon ang buhok n'ya na mas lalong nagpalitaw sa maliit at maganda n'yang mukha.

"Sweety, you need to go to school. 'Wag ng matigas ang ulo."

"Lagyan mo na lang ako ng bangs mom para hindi na nila ako laging inaasar dahil sa birthmark ko."

"But you're already beautiful, sweety."

"No, I'm not. Kung beautiful ako dapat hindi na nila ako laging inaasar."

Napabuntonghininga ang mommy n'ya saka s'ya nito mahigpit na yinakap. "Okay. Let's go to the salon tomorrow."

"Really? Yehey! I love you mommy."

"But promise me that you will not punch your classmates again."

"I promise, cross my heart," hagikgik ni Amelia saka n'ya hinalikan sa pisngi ang kanyang ina.

Taas-noong pumasok si Amelia sa loob ng kanilang silid-aralan, hindi pinapansin ang masasamang tingin ng ilang kaklase—lalo na ng tatlong lalaking binugbog niya kahapon, na ngayon ay may mga band-aid sa mukha.

Bago magsimula ang klase, pinatawag sila ng kanilang guro sa harap ng klase at pinagbati. Halatang pilit ang paghingi ng tawad ni Amelia, lalo na’t sinabayan pa niya ito ng pag-irap sa tatlo habang nakatingin sa kanila.

"May tae ka sa noo. Yuck," bulong sa kanya ni Judas habang pabalik na sila sa kani-kanilang upuan.

"Mukha ka namang tae," ganting bulong ni Amelia.

Pinigilan ni Amelia na huwag atakihin ang lalaki dahil nangako s'ya sa ina na magpapakabait s'ya. Kapag nagkaroon na s'ya ng bangs ay siguradong magkakaroon na s'ya ng kaibigan at hindi na muling aasarin pa ng mga ka-schoolmates n'ya.

Breaktime. Habang naglalakad papuntang playground si Amelia bitbit ang kanyang lunchbox ay nakita n'ya ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa maliit na court.

Dinig ni Amelia ang kanya-kanyang sigawan at hiyawan ng mga babae, na para bang isang grupo ng maiingay na palaka. Para sa kanya, nakakairita ang mga ito sa pandinig. Nagtaka siya kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito kaya dali-dali siyang lumapit at sumilip.

Napataas ang isa niyang kilay nang makita ang kapatid niyang si Lucas, kasama ang dalawa nilang bagong kapitbahay—sina Kiel at Kraner—na abalang naglalaro ng basketball sa court. Gusto sana niyang laitin si Kraner, pero wala siyang masabi—dahil sa totoo lang, magaling talaga itong maglaro.

Napapadyak na lang siya sa inis bago tuluyang tinalikuran ang court at naglakad palayo.

Naupo siya sa likod ng malaking slide at doon kinain ang kanyang baon. Habang kinakain ang hawak niyang chocolate bread, napansin niya ang tatlong mayayabang na lalaki—mga kaklase ng kapatid niyang si Lucas.

Naalala n'ya noong pinagtulungan ng mga ito ang kapatid n'ya at dahil alam n'yang duwag si Lucas ay pinagtanggol n'ya ito kahit maliit s'ya.

Hindi n'ya na sana papansinin ang tatlo nang magtama bigla ang paningin nila ni Arman. Ngumisi ito sa kanya bago s'ya nito lapitan kasama ang dalawa pa nitong mga minions.

"Hi Amelia," bati sa kanya ni Arman. "Dalaga ka na ah. Last time you punch me ay kasing liit mo lang ang manika," natatawang pahayag ng lalaki.

Maliit pa nga s'ya nun pero ngayon ay kaya n'ya na itong balian ng ilong katulad ng ginawa n'ya kahapon sa mga kaaway n'ya.

"Gumaganda ka lalo habang lumalaki," dugtong pa ni Arman na nagbigay kilabot kay Amelia.

"Leave me alone."

"Hahaha. Hindi ata gumagana ang charm mo pre," pabirong pahayag ng kasama ni Arman.

"Amelia, nireregla ka na ba? Kung oo pwede na ba kitang ligawan?" tanong ni Arman sa kanya.

Regla? Ano 'yon? She had no idea what he was talking about. All she knew was that she got chills when he said he was going to court her.

"Hindi ako pumapatol sa tilapiang duling."

"Sino ang tinatawag mong tilapiang duling?! G*go ka ah!"

"Hala, nagtanong ka pa talaga. 'E ikaw lang naman ang duling sa inyong magkakaibigan. Alangan naman ako? Sa ganda kong 'to?" mataray na saad ni Amelia na mas lalong nagpasama ng timpla ng mukha ni Arman.

Tawa nang tawa ang dalawang alipores ni Arman dahil sa sinabi n'ya. Mukhang agree ang mga ito sa kanya.

She sounded mean pero nagsasabi lang naman s'ya ng totoo. Duling ito at mukhang tilapia. Kung naging lalaki siguro s'ya o naging matanda rito ay baka s'ya ang naging no. 1 bully ni Arman.

"Hindi porket kaibigan ng parents mo ang mag-ari ng school ay hindi na kita papatulan," asik ni Arman.

Napatayo mula sa kanyang kinauupuan si Amelia nang higitin ng lalaki ang kanyang kwelyo pero hindi s'ya nagpatalo rito dahil nang maglapit ang mga katawan nila ay sinabayan n'ya ng isang suntok sa ilong.

Mabilis s'yang nabitawan ni Arman. Kinuha n'ya ang pagkakataong 'yon para makatakbo papalayo at bumalik sa kanyang classroom. Mas pinili n'yang takbuhan na lang ang mga ito dahil patay s'ya kapag tumulong na sa pagbugbog sa kanya ang dalawang alipores ni Arman.

HULING subject na ni Amelia. Mula sa loob ng silid-aralan, napansin niyang nakaabang na sa labas ang tatlong lalaking nakaalitan niya. Nang magtama ang mga mata nila ni Arman, kinawayan pa siya nito, pero inirapan lang niya ito at ibinalik ang atensyon sa kanyang guro.

"Class dismiss. See you on monday. Ingat kayo kids sa pag-uwi," pahayag ng guro ni Amelia.

Lumabas na ang mga classmate ni Amelia pero nanatili s'ya sa kanyang kinauupuan.

"Amelia, may problema ba? Bakit hindi mo pa inaayos ang mga gamit?"

"Ma'am, natatakot po ako sa kanila." Itinuro ni Amelia ang tatlong lalaki. Halatang nagulat ang grupo nina Arman ng tingnan sila ng guro, samantalang nakangisi naman si Amelia sa kanila. "Kaninang breaktime pa po nila ako ginugulo."

"Don't worry. Kakausapin ko sila."

"Thank you po." Dali-daling inayos ni Amelia ang kanyang mga gamit saka lumabas sa silid kasama ang kanyang guro.

Nang lapitan ng kanilang guro ang tatlong lalaki, palihim na kinawayan ni Amelia ang mga ito para asarin—nang hindi siya napapansin ng guro. Tagumpay naman siya sa pang-aasar dahil kitang-kita sa mukha ng mga lalaki, lalo na kay Arman, ang pagkainis sa kanya.

"Why are you grinning like a total psycho?" tanong ng kapatid n'yang si Lucas.

Naabutan n'ya itong nakaupo na sa backseat at mukhang kanina pa naghihintay sa kanya. Tumabi s'ya rito saka nagkibit-balikat nang hindi sinasagot ang tanong ng kapatid.

"Weirdo," bulong ni Lucas pero hindi n’ya ito pinansin.

AKALA ni Amelia ay nakalusot na siya kina Arman at nakalimutan nito ang ginawa niya. Pero mukhang nagtanim talaga sila ng sama ng loob sa kanya. Hindi rin yata umubra ang pakikipag-usap ng guro niya sa tatlo, dahil ngayon ay nasa harap na niya ang mga ito, at lahat ay nakatitig sa kanya nang masama.

Ayaw sana niyang magulo ang bago niyang bangs...pero sa itsura ng mga ‘to, mukhang mapapasabak na naman siya sa gulo.

Royai's Novele

Hi! Thank you so much for reading my this story. Please rate this book and leave your comment.

| 2
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lean on me, Daredevil   SPECIAL CHAPTER #3

    Napaungol ako nang maramdaman ang pananakit ng ulo ko—parang pinupukpok ako ng paulit-ulit ng martilyo. Ito na ba ang tinatawag nilang hangover? Mabilis akong napabalikwas nang mapansin ko ang hindi pamilyar na kwarto na kinalalagyan ko. Chineck ko ang sarili ko, at nakahinga ako ng maluwag nang makita na may damit ako… pero kaninong t-shirt at boxer ‘to?! I cursed mentally. Hinalukay ko ang utak ko para alalahanin ang mga nangyari sa akin kahapon bago ako tuluyang mawalan ng malay. “L-Lucas… K-Kasama ko ba talaga siya kagabi, o sadyang lasing lang ako?” tanong ko sa sarili ko habang mahigpit ang hawak ko sa buhok ko. Siya nga ata ‘yon. Malinaw na malinaw sa isip ko ang bawat detalye ng gwapo niyang mukha. Mas matured na siya, pero siya pa rin ‘yon. ‘Have s*x with me’* Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang ginawa kong offer sa kanya. Siguro iniisip na niya na malandi akong babae. Sinapok ko ang ulo ko. Sa dami ba naman ng lalaking puwede kong ayain, siya pa talaga ang napili k

  • Lean on me, Daredevil   SPECIAL CHAPTER #2

    Simula nang bumalik ako sa mansyon ay walang araw na hindi ako umiiyak. Dapat ay sa isang linggo pa ang balik ko dito pero bigla na lang sumulpot si Alexis para sunduin ako. Hindi ko na nagawang makapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan ko dahil biglaan ang lahat. Pagkarating ko dito, hindi na ako nagsayang ng oras. Kaagad kong hinarap si Dad at kinompronta siya. Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit niya ako pinabalik nang biglaan sa States—kung bakit parang wala akong karapatang pumili o magdesisyon para sa sarili ko. Nalaman kong hostage ngayon si Dad ng isang gun syndicate na tinatawag na Cashmere. Sa loob ng siyam na taon, wala akong kaalam-alam na hawak siya ng sindikatong ito sa leeg. Supplier si Dad ng mga firearms sa iba’t ibang panig ng State at Europe. Legal ang negosyo niya dahil mismong gobyerno ang kumuha sa kanya upang magsupply ng mga kinakailangang armas ng mga sundalo at pulis sa bansa. Ngunit lingid sa kaalaman ni Dad, matagal na pala siyang target ng Ca

  • Lean on me, Daredevil   SPECIAL CHAPTER #1

    NOVA BENETTE “Who you?” Natigil ako sa pagsubo ng fried siomai nang marinig ko ang malalim at baritonong boses ng isang lalaki sa harapan ko. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin at halos mabilaukan ako nang magtama ang mga mata namin. Holy crap. Kung may definition ng Greek god sa lupa, siya na ‘yon. From head to toe, he was ridiculously gorgeous. Hawak pa niya ang basketball at naka-jersey, halatang galing lang sa laro. Pawisan siya, pero imbes na makadiri, mas lalo pa siyang nagmukhang fresh—parang kahit pinagpawisan na ay may natural cologne na lumalabas sa katawan niya. At sa paningin ko ngayon? Para siyang sisig na bagong hango sa kawali. Sizzling hot sisig. Yum. Simula nang lumabas ako ng mansion, kung sinu-sinong lalaki na ang nakasalubong ko—maliban pa sa bodyguard kong si Lexis at sa trainer kong si Marco. Pero ngayon lang yata tunay na nanalo ng jackpot ang mga mata ko sa kagwapuhan. At teka lang… siya na siguro ang madalas ikwento ni Amelia—yung kapatid niyang si L

  • Lean on me, Daredevil   FINALE

    “You should be working, Kraner. Bakit ka na naman nandito?” tanong ni Amelia sa binata na kakapasok lang sa kwarto n’ya. “Parang ipinaparating mo na nagsasawa ka na sa pagmumukha,” pahayag ni Kraner. Lumapit ito sa kanya at pinatakan ng halik ang labi at noo n’ya. “I brought you fruits but other than that do you want to eat? Baka may ibang cravings ka pa.” “Apple,” Naupo si Kraner sa gilid ng kama ni Amelia at sinimulang balatan ang mansanas. Nasa ospital pa rin siya dahil sa maselang kondisyon ng pagbubuntis niya. Her unborn child almost died, pero katulad niya, lumaban din ito para mabuhay. Sa loob ng isang linggo, palagi nang nasa tabi niya si Kraner para bantayan siya. Natatakot itong iwanan siyang muli kaya naging opisina na rin nito ang silid niya sa ospital. Nag-e-enjoy naman siya sa presensya ng nobyo niya, pero hindi rin niya mapigilang makaramdam ng guilt sa tuwing naiistorbo niya ito sa trabaho. Madalas kasi siyang mag-request ng kung anu-anong pagkain, kaya napapabaya

  • Lean on me, Daredevil   65 - Yours Pt. 2

    “Where are you taking her?” tanong ni Kiel sa lalaking hindi pamilyar ang mukha sa kanya. Sa tabas pa lang ng anyo nito ay alam na niyang may masama itong balak para sa kaibigan niya. “I’m asking you,” mariing saad niya bago hilahin si Amelia palapit sa kanya. Naagaw na kasi ang atensyon niya kanina sa pasuray-suray na lakad ni Amelia kaya nilapitan na niya ang dalawa—at tama nga ang naging desisyon niyang makialam. “K-Kraner? No. N-No. You’re Kiel!” humagikgik si Amelia, halatang wala sa katinuan. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Kiel nang mapansing hindi siya kayang titigan ni Amelia nang diretso. Kilala niya ang taas ng alcohol tolerance ng dalaga at sigurado siyang hindi simpleng wine ang dahilan kung ito nagkakagan’to ngayon. “You drug her?” “Sino ka ba, huh?” Iritabling tanong sa kanya ng lalaki. “You’ve made the mistake of choosing the wrong girl to play with, idiot.” “Hindi mo ako matatakot! Isang police captain ang ama ko, sa tingin mo ba ay mananalo ka sa paratang

  • Lean on me, Daredevil   64 - Yours Pt. 1

    Two years ago, before we parted ways, I remember kissing her inside that dimly lit bar. It was the third anniversary of Lucas’s death, a day already heavy with sorrow. That night, I pulled her close, kissed her, and when the world outside ceased to matter, we ended up in bed—holding onto each other as if we could shut out all the pain. We made love, and in her eyes, that moment became our first kiss, our first night of intimacy. She believed it was the beginning of everything between us. But it wasn’t. She thought it was also the first time I allowed myself to be vulnerable, the first time I confessed what I truly felt. But that was only her presumption. The truth was far more complicated. Because years ago, long before that night—back when we were still slowly finding our way toward each other—I had already claimed her, she had been mine from the very start. But she wasn’t in a state to remember it, and I never had the courage to tell her. I let her believe her version of the story,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status