"Huwaw! Lakas ng loob pumasok ah! Umaasa ka pa rin bang ga-graduate ka pagkatapos mong umabsent ng tatlong buwan? Asa ka!" Inakbayan siya ng kaibigan niyang si Noah, pero agad niya iyong inalis kasabay ng madiin n’yang pagsiko sa tagiliran nito.
"Ackk! Brutal!" "Stop pestering me! Wala ako sa mood," iritabling pahayag ni Amelia. Wala talaga si Amelia sa mood para makisakay sa kakulitan ni Noah—at malinaw ang dahilan: si Kraner. Pagkagising niya kaninang umaga sa apartment nito, wala na ang lalaki. Ayon sa note na iniwan nito sa kanya ay maaga itong umalis para pumasok sa trabaho. Pero hindi iyon ang pinagmulan ng inis niya. Ang totoong ikinasama ng loob niya ay ang pagkakakuha ni Kraner sa personal niyang notebook—ang kwadernong naglalaman ng lahat ng mahalagang detalye patungkol sa kaso ng pagkamatay ng kapatid niyang si Lucas. Para kay Amelia, hindi lang basta sulat ang laman ng notebook na iyon—nandoon ang lahat ng paghihirap at pagtitiis n’ya makalap lang ang lahat ng mga impormasyon na iyon. Kaya ang pagkuha ni Kraner nang hindi nagpapaalam ay para na ring pagtataksil sa tiwala niya. Mahigit tatlong taon n'yang inipon ang mga impormasyong nakapaloob 'don. T*angina lang dahil nakuha 'yon ni Kraner. Kanina, sinugod niya si Kraner sa headquarters kung saan naroon ang opisina nito, pero hindi man lang siya nito hinarap. Sa halip, pinadampot pa siya palabas ng building—kaya sobrang kahihiyan ang inabot niya. “Haist. Bakit pa ba ako nagugulat? Tuwing badtrip ka lang naman talaga pumapasok dito sa university,” narinig niyang puna ng kaibigan niya, sabay iling na parang sanay na sa kanya. Noah Levine had been her best friend since senior high. Over the years, she’d heard plenty of people say that a guy and a girl couldn’t possibly stay “just friends”—that feelings would eventually get in the way. But honestly, she never bought into that kind of thinking. She and Noah were proof that it was possible. He was the one person she could count on through every mess, every heartbreak, every reckless decision. To her, Noah was the ultimate guy best friend. And as far as she was concerned, that’s all he would ever be. The same went for him. She was his girl best friend—slash-sister—and nothing more. Mula sa bag, kinuha ni Amelia ang compact mirror at ang black lipstick niya. Maingat niyang inayos ang medyo naburang itim na lipstick sa kanyang mga labi, saka sinilip kung maayos pa ang makapal niyang eyeliner sa mga mata. "P*tanginang lipstick 'yan. Saang kulto ka ba kabilang?" Her makeup style wasn’t always about looking like she belonged to some black cult or coven. The black lipstick, thick eyeliner, piercings, and dark aura—those were just part of the mask she wore when facing her enemies. Without all that, she looked almost angelic, too soft, too harmless. But she didn’t want to look harmless. She wanted to intimidate. And with her fierce, witchy appearance, she had managed to bring more than a few opponents to their knees. “Kapag hindi ka pa tumigil, ikaw ang irerekomenda kong maging alay kay Supremo. Ipapa-chop-chop ko ang katawan mo at ipapakain sa sinasamba naming demonyo. At kung hindi pa rin kami makuntento, pati mga buto mo ipapagiling namin—gagawin naming juice at ipaiinom sa mga ka-member ko.” “Damn, you really have a way with words, always something violent,” Noah said with a wince. “Anyway, how’d your hunting go last night?” he asked me. Napabuntong-hininga si Amelia habang sariwa pa rin sa isipan niya ang mga nangyari kagabi. Muntik na talaga siyang matusta nang buhay matapos siyang buhusan ng gasolina at ikulong sa isang abandonadong warehouse ng grupo ng mga drug addict na nakaharap niya. Buti na lang at mabilis ang utak niya—at girl scout kung girl scout. Kahit wala siyang dalang baril para ipagtanggol ang sarili, sanay siya sa bakbakan at bihasa sa paggawa ng escape plan. Dahil sa talino at diskarte, nagawa niyang makatakas at mailigtas ang sarili. "Mukhang bigo na naman ang hunting mo. Bakit kasi hindi mo na lang hingin ang tulong ng kapartner ng kuya mo?" "Hindi n'ya ako tutulungan. He even stole my notebook. Lintik s’ya." Masama ang loob na pahayag ni Amelia. "Hoy! Saan ka na na naman pupunta? Late ka na nga sa first subject natin kanina, tapos tatakas ka pa? Huwag ka na nga lang pumasok!" sigaw ni Noah, halatang inis at nag-aalala. Pero hindi siya pinansin ni Amelia. Dire-diretsong tumakbo si Amelia palabas ng campus, determinado muling sugurin si Kraner sa pangalawang pagkakataon para bawiin ang notebook niya—ang notebook na hindi niya kailanman kusang ibibigay. "AKALA mo ah!" bulong ni Amelia sa sarili nang magawa n'yang makapuslit sa opisina ni Kraner nang hindi napapansin ng mga pulis na nagkalat sa buong building ng headquarter. Kaagad n'yang sinimulang halughugin ang opisina ni Kraner para hanapin ang notebook n'ya pero sa halos labing minuto n'yang paghahanap ay bigo s'yang makita ito. "Saan n'ya nilagay 'yon?! H*yop talaga!" Nanggigigil n'yang saad. "Looking for this?" Mabilis na napalingon si Amelia sa lalaking nagsalita sa likuran n'ya. Nanlaki ang mga mata n'ya nang makita ang seryosong mukha ni Kraner habang hawak ang kulay itim n'yang notebook. "Ibalik mo 'yan sa akin, Kraner!" "You really think you’ll find the one who killed Lucas by blindly chasing after every lowlife criminal who has nothing to do with his case?" Kraner said, his voice calm but laced with quiet judgment. Amelia’s jaw tensed, her expression hardening. She knew he wasn’t just questioning her approach—he was mocking it. Mocking her. She'a a business student. Wala sa background ng pag-aaral n'ya ang paghuli sa mga kriminal at paglutas ng mga kaso pero dahil sa pagkamatay ni Lucas ay ginagawa n'ya ang lahat para mahanap ang hudas na tatlong taon ng nagtatago sa batas...sa kanya. Hindi s'ya hihingi ng tulong kay Kraner kung makakatanggap lang s'ya ng panlalait mula rito. Atleast, may ginagawa s’ya kumpara sa pulis na kaharap n’ya na mas piniling takbuhan ang responsibilidad nito. Malalaki ang hakbang ni Amelia na lumapit kay Kraner. Akmang aagawin na sana niya ang hawak nitong notebook, ngunit agad iyong iniangat ng binata— dahilan upang mabigo siyang makuha ang pakay n’ya. "Hindi porke't mas matangkad ka ay matatalo mo na ako!" singhal ni Amelia, sabay sipa sa binti ni Kraner. Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ng binata. Lalong tumalim ang mga mata nito sa kanya. "That's it!" He growled. Hinablot ni Kraner ang braso ni Amelia at mabilis itong hinila papunta sa isang steel cabinet. Walang pasintabi, kinuha niya ang posas mula sa kanyang duty belt, saka pinusasan ang isang pulso ni Amelia. Ang kabilang dulo ng posas ay ikinabit niya sa hawakan ng steel cabinet. Sinigurado n’yang hindi ito makakatakas sa kanya at makakagawa ng panibagong kalokohan. "Hoy! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! You jerk! pakawalan mo ko rito!" "Talk to the ants," Kraner said flatly before dropping into his swivel chair, clearly unbothered. Amelia burned with frustration. She wanted to kick him, but he was three meters away and she was cuffed to a steel cabinet. Fuming, she could only stomp her foot in helpless rage as he ignored her completely. "Siguraduhin mo lang na hindi mo ako makakatakas dito. Makawala lang talaga ako rito ay magsisisi kang lintik ka!" “I can press charges against you for breaking in and messing with my things here in the office—on top of threatening me. Do you really want me to put you in jail, Amelia? I’m pretty sure your parents would agree if it means teaching you a lesson. You’re completely out of control.” “Pwede ba! Huwag mong pakialaman ang mga desisyon ko sa buhay! Kung ginagawa lang sana ninyo ang trabaho ninyo bilang mga pulis at detective sa kaso ni Kuya Lucas, edi sana hindi ako nagkakaganito! Nasa eskwelahan sana ako ngayon, ipinagpapatuloy ang pag-aaral ko—hindi nagmumukhang stuntwoman sa kahahabol sa mga kriminal na kayo dapat ang humuhuli! Arrgghh! Lahat kayo, wala kayong silbi!” Hindi maipinta ang galit sa mukha ni Amelia. Sa loob ng tatlong taon ay ngayon n'ya lang naisigaw at nailabas ang frustration n'ya sa mga pulis. Katrabaho ng mga ito ang kapatid n'ya pero para bang wala lang sa mga ito ang paglutas sa kaso ni Lucas. "Are you done ranting?" "F*ck you, Kraner! Akala ko pa naman ay kaibigan ka ni kuya pero nagkamali ako! You’re a coward who doesn’t have the guts to go after the bastard who killed him! You stood by and did nothing while my family fell apart. Don’t you dare act like you care now!” They locked eyes in a silent standoff. Amelia refused to back down from Kraner’s intimidating stare, but deep inside, she felt herself crumbling like a candle melting under heat. Her heart pounded, though she couldn’t tell if it was from anger—or something else. She straightened up when Kraner suddenly approached, faster than she expected. Only then did she realize she was crying. What shocked her even more was when Kraner gently wiped her tears with his handkerchief, without saying a word. Para bang biglang naglaho ang lahat ng galit niya—parang pinawi ng isang iglap ng simpleng kilos. Habang marahan siyang pinupunasan ni Kraner ng panyo, unti-unting nabura ang init sa dibdib niya, napalitan ng isang uri ng katahimikang hindi niya maintindihan. Napatingin siya sa mga mata nito. Nandoon pa rin ang lalim, pero wala na ang paninindak. Kalmado ito, tahimik, at may kung anong lambing na hindi niya inaasahan. Parang sinasabi ng titig nito na ligtas siya, na kahit hindi ito magsalita, naiintindihan siya. At sa sandaling iyon, hindi niya alam kung ano na ba talaga ang mararamdaman niya. "A-Anong ginagawa mo?" "Detec–Ms. Amelia?" "Wipe your tears," utos sa kanya ni Kraner nang ipatong nito sa kamay n'ya ang panyo. Lumayo ito sa kanya para bumalik sa office table nito at harapin ang mga kakapasok lang na katrabaho na si Gabriel at Daniel. "Bakit ka nakaposas d'yan?" puno ng pagtatakang tanong ni Daniel sa kanya. "Tanong n'yo sa lintik na ‘yan!" asik ni Amelia dahilan para malipat ang tingin ng dalawang lalaki kay Kraner. "Watch your mouth, Amelia. Baka gusto mong matulog ng nakatayo d'yan sa pwesto mo." May pagbabanta sa boses ni Kraner. Umingos lang si Amelia saka n'ya inirapan ang lalaki. She admits it—she likes Kraner. But she can’t bring herself to confess her true feelings, certain she’d only get rejected. And lately, it’s not even butterflies she feels around him anymore—it’s pure annoyance. Every little thing he does drives her crazy. Maybe we’re really fated to be enemies, not lovers. He obviously doesn’t like me. Hmm… or maybe he does—but only as a little sister. Little sister, my ass! I don’t want to be his sister! I’d rather be his worst enemy than have him call me that!Napaungol ako nang maramdaman ang pananakit ng ulo ko—parang pinupukpok ako ng paulit-ulit ng martilyo. Ito na ba ang tinatawag nilang hangover? Mabilis akong napabalikwas nang mapansin ko ang hindi pamilyar na kwarto na kinalalagyan ko. Chineck ko ang sarili ko, at nakahinga ako ng maluwag nang makita na may damit ako… pero kaninong t-shirt at boxer ‘to?! I cursed mentally. Hinalukay ko ang utak ko para alalahanin ang mga nangyari sa akin kahapon bago ako tuluyang mawalan ng malay. “L-Lucas… K-Kasama ko ba talaga siya kagabi, o sadyang lasing lang ako?” tanong ko sa sarili ko habang mahigpit ang hawak ko sa buhok ko. Siya nga ata ‘yon. Malinaw na malinaw sa isip ko ang bawat detalye ng gwapo niyang mukha. Mas matured na siya, pero siya pa rin ‘yon. ‘Have s*x with me’* Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang ginawa kong offer sa kanya. Siguro iniisip na niya na malandi akong babae. Sinapok ko ang ulo ko. Sa dami ba naman ng lalaking puwede kong ayain, siya pa talaga ang napili k
Simula nang bumalik ako sa mansyon ay walang araw na hindi ako umiiyak. Dapat ay sa isang linggo pa ang balik ko dito pero bigla na lang sumulpot si Alexis para sunduin ako. Hindi ko na nagawang makapagpaalam ng maayos sa mga kaibigan ko dahil biglaan ang lahat. Pagkarating ko dito, hindi na ako nagsayang ng oras. Kaagad kong hinarap si Dad at kinompronta siya. Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit niya ako pinabalik nang biglaan sa States—kung bakit parang wala akong karapatang pumili o magdesisyon para sa sarili ko. Nalaman kong hostage ngayon si Dad ng isang gun syndicate na tinatawag na Cashmere. Sa loob ng siyam na taon, wala akong kaalam-alam na hawak siya ng sindikatong ito sa leeg. Supplier si Dad ng mga firearms sa iba’t ibang panig ng State at Europe. Legal ang negosyo niya dahil mismong gobyerno ang kumuha sa kanya upang magsupply ng mga kinakailangang armas ng mga sundalo at pulis sa bansa. Ngunit lingid sa kaalaman ni Dad, matagal na pala siyang target ng Ca
NOVA BENETTE “Who you?” Natigil ako sa pagsubo ng fried siomai nang marinig ko ang malalim at baritonong boses ng isang lalaki sa harapan ko. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin at halos mabilaukan ako nang magtama ang mga mata namin. Holy crap. Kung may definition ng Greek god sa lupa, siya na ‘yon. From head to toe, he was ridiculously gorgeous. Hawak pa niya ang basketball at naka-jersey, halatang galing lang sa laro. Pawisan siya, pero imbes na makadiri, mas lalo pa siyang nagmukhang fresh—parang kahit pinagpawisan na ay may natural cologne na lumalabas sa katawan niya. At sa paningin ko ngayon? Para siyang sisig na bagong hango sa kawali. Sizzling hot sisig. Yum. Simula nang lumabas ako ng mansion, kung sinu-sinong lalaki na ang nakasalubong ko—maliban pa sa bodyguard kong si Lexis at sa trainer kong si Marco. Pero ngayon lang yata tunay na nanalo ng jackpot ang mga mata ko sa kagwapuhan. At teka lang… siya na siguro ang madalas ikwento ni Amelia—yung kapatid niyang si L
“You should be working, Kraner. Bakit ka na naman nandito?” tanong ni Amelia sa binata na kakapasok lang sa kwarto n’ya. “Parang ipinaparating mo na nagsasawa ka na sa pagmumukha,” pahayag ni Kraner. Lumapit ito sa kanya at pinatakan ng halik ang labi at noo n’ya. “I brought you fruits but other than that do you want to eat? Baka may ibang cravings ka pa.” “Apple,” Naupo si Kraner sa gilid ng kama ni Amelia at sinimulang balatan ang mansanas. Nasa ospital pa rin siya dahil sa maselang kondisyon ng pagbubuntis niya. Her unborn child almost died, pero katulad niya, lumaban din ito para mabuhay. Sa loob ng isang linggo, palagi nang nasa tabi niya si Kraner para bantayan siya. Natatakot itong iwanan siyang muli kaya naging opisina na rin nito ang silid niya sa ospital. Nag-e-enjoy naman siya sa presensya ng nobyo niya, pero hindi rin niya mapigilang makaramdam ng guilt sa tuwing naiistorbo niya ito sa trabaho. Madalas kasi siyang mag-request ng kung anu-anong pagkain, kaya napapabaya
“Where are you taking her?” tanong ni Kiel sa lalaking hindi pamilyar ang mukha sa kanya. Sa tabas pa lang ng anyo nito ay alam na niyang may masama itong balak para sa kaibigan niya. “I’m asking you,” mariing saad niya bago hilahin si Amelia palapit sa kanya. Naagaw na kasi ang atensyon niya kanina sa pasuray-suray na lakad ni Amelia kaya nilapitan na niya ang dalawa—at tama nga ang naging desisyon niyang makialam. “K-Kraner? No. N-No. You’re Kiel!” humagikgik si Amelia, halatang wala sa katinuan. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Kiel nang mapansing hindi siya kayang titigan ni Amelia nang diretso. Kilala niya ang taas ng alcohol tolerance ng dalaga at sigurado siyang hindi simpleng wine ang dahilan kung ito nagkakagan’to ngayon. “You drug her?” “Sino ka ba, huh?” Iritabling tanong sa kanya ng lalaki. “You’ve made the mistake of choosing the wrong girl to play with, idiot.” “Hindi mo ako matatakot! Isang police captain ang ama ko, sa tingin mo ba ay mananalo ka sa paratang
Two years ago, before we parted ways, I remember kissing her inside that dimly lit bar. It was the third anniversary of Lucas’s death, a day already heavy with sorrow. That night, I pulled her close, kissed her, and when the world outside ceased to matter, we ended up in bed—holding onto each other as if we could shut out all the pain. We made love, and in her eyes, that moment became our first kiss, our first night of intimacy. She believed it was the beginning of everything between us. But it wasn’t. She thought it was also the first time I allowed myself to be vulnerable, the first time I confessed what I truly felt. But that was only her presumption. The truth was far more complicated. Because years ago, long before that night—back when we were still slowly finding our way toward each other—I had already claimed her, she had been mine from the very start. But she wasn’t in a state to remember it, and I never had the courage to tell her. I let her believe her version of the story,