LOGINSi Leana Allegre ay isang babae na nasawi sa kanyang unang pag-ibig, nagdesisyon siyang gumamit ng baraha upang pagsisihan ng ex-boyfriend niyang si Felix ang ginawang panloloko sa kanya. Ginamit niya si Damian, isang gusgusing estudyante na sa tingin niya ay madaling bilhin para maging fake boyfriend niya. Lingid sa kaalaman ni Leana na ang lalaki pala ay isang CEO at bilyonaryo na may lihim na pagtingin sa kanya. Sa gitna ng pagpapanggap, unti-unting nabura ang mga linya ng pagkukunwari. Nahulog si Leana kay Damian, at ibinigay niya ang sarili rito pero hindi niya alam na ang lalaki ay may mga lihim na dahilan sa paglapit sa kanya—Isang kasal na biglaan, isang pagtatapat na magpapabago sa lahat. Paano kung ang pekeng pag-ibig ay naging totoo? Paano kung ang katotohanan ngayon ay mas masakit pa kaysa sa naramdaman mo noon?!
View MoreIbinaba niya ako sa isang classroom na walang katao-tao, mainit nitong niyakap ang nanlalamig kong katawan kasabay ng paghagod niya sa aking likuran. I can't stop crying bagama't naninikip na rin ang aking dibdib sa kakaiyak,“Shhh.... Leana, hey look at me” He said, calmly. Wala sa sarili kong sinunod ang kanyang utos habang patuloy pa rin ako sa paghikbi. “May ginawa ba si kuya sa'yo?” tanong niya. Umiling-iling ako kasabay ng pagpunas niya ng luha sa mga mata ko gamit ang palad. Muli niya akong niyakap, naramdaman ko nalang ang pagdampi ng malambot niyang labi sa aking uluhan, hindi ko maramdaman na pagpapanggap lamang ang kanyang ipinapakita dahil ang isinasaad ng aking isip ay totoo ang lahat ng ito.“D-damian, don't be so clingy. Wala namang ibang tao rito at tayong dalawa lang, hindi mo kailangang magpanggap na boyfriend kita” mahina kong suway rito ngunit parang wala siyang narinig, he just stared at my eyes down to my reddish lips.Walang pasabing inangkin niya iyon nang mar
Namasdan kong madilim ang kalangitan nang sandaling mapatitig ako sa labas ng bintana ng classroom namin, wala pa naman akong dalang payong ngayon, hindi ko rin dala ang kotse dahil nag commute lang kami kanina dala ng katamarang ayoko talagang magdrive. “Beh, yung bago nating prof!” “Ang pogi, shít” “Crush ko na siya” Sari-sari ang nakakabinging bulungan na bumulusok sa classroom namin nang sandaling pumasok ang isang propesor na tingin ko ay mga nasa edad 20s pa lang—matangkad, gwapo, matangos ang ilong, at kulay abo ang mga mata niyang hindi ko maiwasan na titigan. “Quiet class!” aniya sa baritonong tinig nito na siya ngang sinunod ng buong klase, sobrang lakas ng kabog nitong dibdib ko na hindi ko mawari kung bakit. “Good afternoon, everyone. My name is Damiel Kyle Paredes, and I will be your professor for literature. I'm pleased to meet all of you” pagpapakilala niya sa sarili dahilan upang napalunok ako ng ilang beses kasabay ng pag-alon ng nakaumbok niyang adams apple
Mabilis na lumipas sa kalendaryo ang sabado't linggo. Nadatnan ko na lamang ang sarili na nasa unibersidad nanaman ng Sto. Tomas, magkasabay kaming pumasok ni Damian na siyang nakalikha ng bulungan sa hallway, “Sister, Am I dreaming? Si Damian!!” tili ng isang babae na siyang sinamaan ko ng tingin. Rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Damian kasabay ng paglalapat ng kanyang kamay sa baywang ko. “Don't be jealous” mahina niyang bulong sa akin dahilan upang mahampas ko siya. “Hindi ako nagseselos” pagdepensa ko nga sa sarili. Hindi ko naman iniutos ngunit hinatid niya pa rin ako sa aming silid-aralan. Marahan niyang idinampi ang kanyang labi sa pisngi ko na siyang ginawa ko rin naman sa kanya, I stepped into our classroom after that. Halo-halong tingin ng mga estudyante ang sumalubong sa akin—masaya, galit, at inggit ang tanging nababasa ko mula sa kanilang mga mukha. Hindi ko na pinansin at naupo na lamang ako, paniguradong may pinakalat nanaman si Zandra na chismis tungkol sa ak
Kinabukasan, maaga kaming gumising 'pagkat bibihisan ko pa siya. Pumunta kami sa mall, pinaayos ko nga ang kanyang estilo ng buhok, gayon din kung paano siya manamit—Binilhan ko ito ng mga damit at sapatos, pinatanggal ko na rin ang salamin niya sa mata. Tsk, hindi naman pala malabo ang mata niya, anti-radiation lang daw, bwísit.“Leana, pagod na ako” walang ganang reklamo niya sa akin, kanina pa kasi siya nagsusukat. “Last na” pagkumbinsi ko rito dahilan upang pumasok na ulit siya sa loob ng fitting room. Ilang minuto rin akong naghintay bago siya tuluyang lumabas. Halos malaglag ang panga ko nang makita siya, sobrang guwapo. Yung tipong walang laban sa kanya ang basurang mukha ng ex-boyfriend ko. He's so elegant with that suit that I picked for him, para siyang CEO sa isang kompanya.“Okay lang ba?” tanong niya ngunit hindi ko ito pinansin. Nanatili akong tulala habang tulo-laway pang nakatitig sa kanya. “Leana, galaw-galaw baka matunaw” isa pang sambit niya dahilan upang mabalik na


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.