[Earlier..]
"THUD"
Isang kalabog ang agad na umagaw sa atensyon ng mga taong naroroon, nagtataka kung ano ang bumagsak sa sahig. Sa pagtuon nila ng pansin dito ay isang lalake pala ang nawalan ng malay.
Agad napatingin si Mara sa likuran, "Hanson!" gulat niya nang makitang nakabulagta na sa sahig ang binatilyo. Walang pag-aatubili siyang lumapit dito at tinapik-tapik ang pisngi, "Hanson! Hanson, gumising ka anong nangyayari sa 'yo?!"
Napahinto rin si Sarah at patakbong
  Gabi na nang umalis si Catherine sa kanyang trabaho, nagmamadali. Usapan pa naman nila ni Hanson na magkikita sila sa may fountain, sa Amusement Park ng 6pm. Subalit sa dami ng ginagawa niya ay 7pm na siya naka-alis. Pati mga ibang magulang ng kaibigan ni Hanson ay darating din. “Baka kanina pa naghihintay ang mga 'yon.” Sabi niya. Pagdating ni Catherine sa naturang lugar ay bumungad sa kanya ang hile-hilerang mga tindahan. Nag-aagaw sa atensyon ang mga kumukutitap-kutitap na ilaw sa Ferris wheel, gayon' din ang carousel at ng kung anu-ano pang mga pang-aliw na sasakyan at palaro na makikita doon. Kapansin-pansin din ang dami ng mga dumadagsa sa lugar. Malamang, araw ng piyesta ngayon kaya hindi ito palalagpasin ng
*ROOOOAAAAARRRR!Isang nakakagimabal at matagal na sigaw ang biglang kumawala mula sa kagubatan, dahilan upang mabulabog ang mga ibon at magsiliparan ang mga ito palayo.Napatingin ang lahat sa isa't isa at nagpalingon-lingon sa paligid, sinusubukang alamin kung ‘ano’ ang pinagmulan ng ingay. Iba't ibang mga katanungan ngayon ang lumalabas mula sa kanilang mga bibig.“What's that noise?”“Is that thing coming to us?”
“Are you alright Liliane?” anya ni Sarah.“Don't worry, we got you.” segunda naman ni Mara.Tila nabalik sa katinuan si Hanson at awtomatikong sinundan ng paningin niya ang tinig na iyon at nagulat ng makita niya sina Sarah at Mara na hawak ang kamay ni Liliane."Hurry up Liliane, before the monster caught us!" Atas ni Sarah na sinunod naman ng dalagita. Kaagad niyang ipinatong ang kanyang paa sa naka-umang na bato at inabot ang naka-usling sanga, inaalalayan siya ng dalawang babae na muling makasampa.Tila umaliwalas ang mukha ni Hanson at kumu
Sa mga labi ng tanyag na Museyo, sa ilalim ng bumagsak na palapag ay mayroong maliit at mahinang ilaw ang kumikislap. Nagmumula ito sa isang puting bagay na naiipitan ng wasak na pader. Ito ay walang iba kundi si VD, ang AI pet robot na pagmamay-ari ni Hanson. Parang lata ito na nayupi, basag at maraming gasgas ang mala-bakal na katawan, subalit sa kabila ng kalagayan ay nagawa pa rin nitong magwika sa elektronikong boses na batang lalake.Memsys Activate...Subject: AI VDTransferring Memsys to Alpha Veda... CompleteRe-booting System... CompleteAnalyzing Data... CompleteNotice: Data h
Paalis na ang grupo sa lugar pero nagulantang sila nang sumulpot sa harapan nila ang isa pang halimaw. Tila nawala sa isipan nila na dalawa ang tumutugis sa kanila."Tama na ang paglalaro mo, kapatid." wika ng bagong dating na nilalang. Kumulubot ang noo ni Hanson, 'Kapatid? You mean they're siblings?"Samantala, biniyak ng isa ang ugat na nagkukulong sa kanya. Gamit ang malalakas na braso at matatalim na kuko ay walang kahirap-hirap nitong sinira ang ugat ng matandang puno, "Kung sa tingin niyo'y mapipigala
Matiyagang naghihintay si Catherine sa mahabang upuan, sa labas, malapit sa pinto ng E.R. Kagat-kagat ang labi kasabay ang mabilis na pagtuktok ng kanyang mga talapakan sa sahig.Kasama niya rin sina Ginoong Torio at Mrs. Alvarez sa upuang ding iyon, nakayuko at magkalapat ang mga palad, nagdarasal na dumating ang mabuting balita para sa kanila. Puro parito't paroon naman ang lakad ni Mr. Alvarez, nakapameywang at patingin-tingin sa pintuan. Gano'n din si June na nakasandal sa gilid ng pintuan at maya't mayang sumusulyap sa wristwatch.Bakas sa kanilang ekspresyon ang pagkabalisa na bagamat hindi mapakali ay pilit nilang pinapakalma ang kanilang mga sarili. Nagpapakatatag sa kabil
  Nakaupo si Hanson sa kanang bahagi ng kama, nakatingin sa labas ng malaking bintana. Pinapanood ang pagsilip ng haring-araw na karaniwan niyang ginagawa sa umaga mula nang siya ay ma-ospital ilang araw na ang nakakaraan. Minsan nagbibilang siya ng mga dumadaang sasakyan at ng mga naglalakad sa labas. Tatanawin ang mga kabahayan at gusali o 'di kaya'y manonood ng mga palabas sa Internet. Sa lahat-lahat, 'yon lang ang nagagawa niya sa maghapon for almost two months. Hindi naman siya makalabas ng kanyang silid dahil maliit ang nasasakupan ng ospital anupat hanggang dungaw na lamang siya sa bintana.
Tila hindi makapasok kay Hanson ang mga sinabi nila, “What do you mean you don't remember?” Sa pagkalito ay naglitawan ang mga linya sa pagitan ng kilay ni Mike, “Huh? Wh-what are you talking about?” “The giant tree! 'Yung hinabol tayo ng dalawang halimaw!” Paulit-ulit na sinabi ni Hanson ang mga salitang iyon. Nanginginig ang labi habang kinakabahan siyang kausap ang mga 'to sa pag-aakalang binibiro lang nila siya. Agad naman siyang pinagtaasan ng boses ni Jason, “Anong giant tree? Anong hinabol? Hay naku Hanson baka guni-guni mo lang iyan. Nagpa-check up ka na ba? Baka malala na 'yan a mahirap na.” “Huwag ka naman ganyan sa kanya, Jason.” anito ni Janine.