Share

01

Patuloy ang aking pagtakbo mula sa mga lalaki na mukhang unggoy na kanina pa ako hinahabol.

"Ano bang kailangan niyo?!" sigaw ko, hinihingal. 

'Shems! I'm tired. I'm running for almost 1 hour for godsake!'

"Wag ka na kasi tumakbo, Ms. ganda, makikipag-usap lang naman kami sa 'yo." I just rolled my eyes and stopped from running to face them.

"What?" Nakapameywang kong sabi.

"Titigil ka rin pala pina-abot mo pa ng isang oras. Kung kanina ka pa sana tumigil edi sana hindi ka napagod." Ngumisi pa ito.

"At sino naman nagsabi na pagod ako?" Tinaasan ko ng kilay ang lalaking may kulay berde na buhok.

"Ang sungit mo naman, Miss, makikipag-usap lang, e!" Sabi nung isang kasamahan nilang grabe makangiti sa 'kin.

"Makikipag-usap? Ngiti mo palang alam ko na ibang usap ang nais niyo!" Binaba ko ang track pants na kanina pa nakatago sa ilalim ng skirt ko.

"Anong ginagawa mo miss?" nagtatakang tanong ng isa nilang kasamahan.

"Ano pa nga ba? Let's get it!" Itinali ko ang buhok ko pataas at pumorma na parang pakikipag-suntukan. Nagtawanan ang mga ito.

"Nag papatawa ka ba, Miss?"

"Witwiw!"

"Sexy mo riyan, Miss!"

"Ganyan ang mga tipo kong baba—"

Hindi ko na pinatapos ang sinabi no'ng kasamahan niya at walang anu-ano'y umikot ako at itinaas ang paa hanggang sa tumama ito sa panga niya. Ngumisi ako.

"Aba! Gago pala to, e!" Akmang susuntok ang lalaki ngunit mabilis kong naiwasan ang suntok niya at humanap ako ng pagkakataon para ma-elbow siya sa tagiliran.

Bigla itong bumagsak at namimilipit sa sakit. Nilapitan siya ng dalawa niyang kasamahan.

"May pag-uusapan pa ba tayo?" Ang laki ng ngiti ko habang sila ay hindi maipinta ang mga pagmumukha.

Tumayo si kuyang may green na buhok at akmang susuntukin ako ngunit sinalo ko ito. Sumunod naman na nagpakawala ng suntok yung isa niyang kasamahan ngunit nasalo ko rin ang suntok nito.

Napangiwi ako. "Ouch! That hurts!" Huminga ako ng malalim at inikot ang kamay niya.

"Aaaa! Aray! Miss, pasensya na!"

"Aray ko! Putangina, Miss, sorry na hindi na namin uulitin. Aaaa! Tang ina wag diyan, Miss!"

Hindi pa ako nakuntento at binigyan ko ito ng tig-iisang malakas na upper-cut sa panga hanggang sa bumagsak sila sa semento saka umapak ako sa dibdib nila.

"Tang ina masakit diyan, Miss!"

"Hindi ko na kaya, Miss, suko na kami," pagmamakaawa nilang dalawa.

"Sa susunod kasi ikalma niyo 'to—"

"Aaaaaaa!" sabay itong napasigaw nang apakan ko ang pagkalalake nila.

I feel like someone's tapping may shoulder.

"Hmmm,"

"Princess, wake up! It's your first day of school! Baka ma-late ka,"

Tumagilid ako at tinakip ang kumot sa mukha, ayoko pa bumangon! Ang ganda-ganda ng panaginip ko! Gusto ko pa ituloy, ang astig ko do'n!

"Zoe Essence Dela Cuesta!"

Para akong mummy na bumangon sa kabaong nang tawagin ako sa buong pangalan ko.

"Yes, Mom..." wala sa sarili kong sabi.

"I prepared your breakfast, princess. Wash your face first before you go downstairs." Mom gave me a soft kiss on my forehead then left. Bumalik naman ako sa pagkakahiga.

Mga ilang minuto pa siguro ako nakatulala sa kisame ng kwarto ko bago ako umupo.

"Shems, ang astig! Ang galing ng dreams ko! Sana sa totoong buhay din!" I stood up on my bed and tried to copy my moves in my dream but then I immediately realized that I look like a dumb shit so I stopped.

"Should I eat first or take a bath?" pinagtatalunan ng isip ko ngayon.

I decided to take a bath first para tuloy-tuloy mamaya ang pag-alis ko. After I blow dried my hair, bumaba na ako.

"Good morning, Manang!" I greeted Manang Ester with a big smile.

"Magandang umaga rin po, Ma'am Zoe! Umalis na po ang Mommy at Daddy niyo, hindi na daw po kayo mahintay. Madami raw po silang aasikasuhin sa kompanya." Tumango ako at saka niya inilapag ang niluto ni Mommy na breakfast para sa 'kin.

Inilabas ko ang phone ko 'tsaka pinicturan ang mga pagkain sa hapag.

I shared it on my I* story with a caption 'good food. Good mood.'  atsaka nilagyan ko ng emoticon na cute yung ngiti at nag ba-blush ang pisngi. Napangiti naman ako 'tsaka itinago ito.

Nang matapos ako kumain nagpahatid na agad ako sa driver namin. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pag-vibrate ng phone ko. Sino naman 'tong hampas lupa na 'to?

It's from PumpMoreSafely group chat. I'm still wondering why the heck Zyra named it like these. I mean, in my eyes it look so disgusting when you read it! Halatang may ubo sa utak ang nakaisip.

'Nasa school na kayo?'

'May teacher na ba?'

'Hoy @zoe nasa school kana?'

'Lets G! cutting us!'

'Woi Elicia hintayin mo ako medyo malilate ako.'

'Tanga ka?'

I chuckled on Elicia's reply to Zyra. She's indeed our savage queen bitch.

First day of school may balak na agad mag cutting si Zyra? Walangya! Buti nalang kahit palagi kami magkakasama hindi ako nahawa sa katamaran nila.

I opened my phone to inform them that I am here waiting in Rockwell. Dito kami palagi naghihintayan.

This is our last year in Junior High so we need to be serious in our studies. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako kaya kahit ayoko maghintay—wala akong choice kundi sumabay sa kanila.

Bago pa man mag-seven nandito na silang lahat.

"Ang tatagal niyo naman!" inis na sabi ko.

Ayoko talaga sa lahat yung naghihintay ako ng matagal.

"Sus! Mainipin kalang," sabat ni Zyra.

"Gusto mo ma-elbow?" Umiling-iling naman ito.

"Gusto ko yun, oh! Sharap..." she said it in pabebe way while staring with those lustful eyes of her to a guy who just passed by.

"Ikalma mo 'yang kipay mo Zyra, mukhang nangangati na naman." Si Elicia.

"Zoe, pahingi nga ng lip tint! Baka sakaling ako'y makabingwit!" umasim ang mukha ko sa sinabi nya, kahit kailan talaga rin 'to si Summer, sumusunod na sa yapak ni Zyra!

"Girls, ang daming pogi, mga bago ‘ata." Caitlyn said. Ang dami ngang mga bagong mukha, ano kayang mangyayari sa school year ngayon? Nakaka-excite!

Sabay-sabay kaming pumasok sa classroom. Wala nang hiya-hiya, simula kinder dito na kami nag-aaral kaya pamilyar na kami rito.

"Ey yow! ZPP in the house!" Agad tumayo si Zyra sa upuan para kunin ang atensyon ng lahat. Nagsigawan naman ang mga kaklase namin.

"Hoy, tanga, bumaba ka riyan! Mukha kang Orangutan!" sabi ni Elicia habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.

"Gusto mo masaksak ng lapis?" Pambawi naman nito. Tinarayan niya lang ito at 'di pinansin.

Kahit kailan talaga 'tong dalawa! Parang mga aso't pusa 'di mo akalain na mag bestfriend kasi sobrang panget nila magsalita sa isat-isa.

Lima kaming magkakaibigan na matagal nang nagpaplastikan. Nag simula ang friendship namin noong grade 1—sobrang laptrip kung paano kami naging close sa isat-isa. 

Pero sa apat ko na kaibigan, I would say that I am much more closer to Summer because we know each other since kinder. She knows every single secret of mine and vice versa.

We have a three new classmates, as what I've heard earlier when they introduce themselves, two of them are from province and they are cousins and the other one is from Canada.

Caitlyn approached the girl from Canada, napansin niya rin siguro na hindi ito komportable at nahihiya. Well, after all she needs to adopt a new environment.

Nag-decide kaming lahat na lumibot nalang muna sa school. Syempre, ang nangunguna riyan ay si Zyra Phoebe Perez aka ZPP. Hahanapin niya raw 'yong mga gwapo na nakita niya kanina sa may rockwell.

Basta sa kalandian wala talagang makakapigil sa babae na 'yan, master namin 'yan!

"Fourth year din pala sila kaso sa kabilang section, ang yummy mommy!" Sumilip silang apat sa bintana ng pintuan, samantalang ako ay nakatayo lang sa likod nila.

"Akin yung nasa dulo!" sabi ni Summer. Sinamaan siya ng tingin ni Zyra

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo! Ako ang unang naka-kita! Wag ka pa-epal maghanap ng sarili mong bebe!"

"Ihhh, gusto ko siya. Akin lang siya!" Kinutusan ko naman siya.

"Summer Snow, ayusin mo buhay mo! Isusumbong kita kay Tita!"

"Then go tell her, my god Zoe Essence! Fourth year na ako. Kaya ko na sarili ko 'no?" Tinarayan pa ako.

Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan silang kumire sa harap ng malaking salamin ng pintuan.

"Mga sintu-sinto talaga," pambabara ni Elicia at tiningnan lang nila ito nang masama.

Sumilip nalang ako sa malaking bintana kung saan makikita mo ang kalakihan ng school namin.

Mukhang uulan. Sobrang dilim kasi ng langit.

"Wag mo na isipin 'yon, may mahal na siyang iba." Napakunot ang noo ko nang bigla na naman umepal si Zyra.

"Alam mo?"

"Hindi pa, bakit ano 'yon?"

"Sarap mo ikahon," inirapan ko ito.

"Alam ko masarap ako pero yung ikahon ako? No, no, no, marami ang mapagkakaitan na makita ang kagandahan ko," sabi nito sa 'kin saka inakbayan ako. "Hey girls, let's go!" Hinawakan niya sa may braso si Icia, nagpupumiglas pa ngunit wala na itong magawa at sumunod naman si Summer at Caitlyn.

"Naks! English 'yon, Zy, ah?" Puna ni Summer, natatawa.

Maarteng hinawi ni Zyra ang buhok. "Ako lang 'to!" mayabang niyang sabi at tumawa ng malakas.

Natapos ang buong maghapon kakasunod namin kay Zyra. Lahat sila nauna na umuwi at ako nalang natira rito sa may rockwell.

Badtrip!

Kuya Mon, our driver, said he'll be late. May ipinapadala raw kasi si Mommy sa kompanya and it's urgent so I understand.

Napatingin ako sa langit. Sobrang dilim at ang lakas ng buhos ng ulan. Naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko.

Kuya Mon: Ma'am Zoe nandito na po ako sa may parking lot.'

I stood up and make my way to parking lot while texting Kuya Mon 'Okay. I'm on my way po.' binuksan ko na ang payong para mag-ready sumulong sa malakas na ulan.

Shems! My socks and shoes, they're all wet! Sana wag bumaho. I have extra pair of shoes but I still prefer this one, it's my favorite shoes by the way!

Napatigil ako sa paglalakad nang naramdaman ko na may tumabi sa akin at nakisilong sa payong ko.

"Pwede pasabay?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status