Share

IBIZA TOWN, SPAIN

IBIZA TOWN, SPAIN

2017

It was a hot summer afternoon in Spain. I can still remember the beautiful seashore view from my hotel room balcony, the fine white sand of the area, and the fresh salty air that touched my skin. It was indeed relaxing! A boring day for some but a peaceful hour for someone who's totally stressed about the shitty games of the world, like me. I can still remember the sound of the guitars being played by locals selling fresh fruits on the road side.

Naaalala ko pa kung paanong nagsimula ang lahat. Tahimik ang buong paligid, tanging paghampas lang ng alon at ang malayang paglalaro ng mga ibon sa himpapawid ang maririnig. Nakatayo ako noon sa balkonahe ng aking kuwarto habang pinapanood ang magandang tanawin na aminado akong minsan ko lang masilayan.

Payapa, masarap nga pala ang maging malaya.

Saglit akong nag-shower at nagbihis bago tuluyang nagtungo sa isang museum malapit sa aking tinutuluyan. Kaiba ang mga museyo rito sa Espanya, 'di gaya ng sa Pilipinas na amoy mo mula sa pagpasok pa lang ang kalumaan ng mga pinturang ginamit sa mga painting. Kaliwa't kanan, hindi mo mabibilang ang dami ng mga turistang naglilibot sa loob. Napukaw ang aking atensiyon sa isang painting na tila ba hindi gaanong pinapansin ng mga tao, isang pamilyar na imahe.

Hindi ko na namalayan na ilang minuto na pala akong nakatayo sa harap ng larawan na ipininta ni Don Tucio, isang sikat na pintor dito sa Spain. Hindi ko rin akalain na dito ko makikita ang sikat na larawang ito. Ilang ulit ko na ring nabasa sa mga magazine at libro ang pangalan ni Don Tucio.

"Is it great?" tanong ng isang estranghero.

Hindi ko siya hinarap, nakapako pa rin ang tingin ko sa larawan.

"Did you know that Don Tucio is gay?" pagpapatuloy niya na tila ba pinipilit agawin ang atensiyon ko.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Hindi ako nagpunta sa Spain para sumagap ng tsismis, ayaw kong makipagdiskusyon pero mukhang sinasagad niya ang pasensiya ko.

"Just because he painted this doesn't mean he's gay. There's always something behind everything. I just learned earlier that Don Tucio's inspiration for this painting was his body," I explained.

"He is gay . . ."

"This painting is literally a painting of a naked guy with an erected dick. He's laying down on the grass while it's raining. What's gay about it? All guys have dicks. It's normal," pagpapatuloy ko.

"Well . . ." Huminga siya nang malalim at natawa sa naging sagot ko bago umalis sa kinatatayuan niya.

Patuloy akong tumitig sa larawan, hanga rin naman ako sa galing ni Don Tucio. Hindi ako magaling sa pagpipinta ngunit masasabi kong ibinuhos niya ang lahat ng emosyon niya habang ginagawa ito.

Ilang minuto pa ay lumabas ako ng Museum at naglakad-lakad. Since this is my second day here in Ibiza, I want to discover and explore more by myself. Ayoko naman na masayang ang araw ko sa kaiisip at kapoproblema sa buhay.

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay naupo ako saglit sa isang bench kung saan tanaw mo ang malaking parte ng Ibiza. Nagsindi ako ng yosi at hinithit ito, ramdam ang init ng usok sa aking lalamunan . . . sabi nga nila, pantanggal ng stress. Malamang alam n'yo na kung anong klase akong tao, isang problemadong indibidwal at busy na empleyado mula sa mausok na lugar ng Maynila.

"Narating na rin kita, Spain," bulong ko sa sarili ko.

By the way, I'm Timothy Escañez. I'm a freelance photographer as sideline and a creative writer sa isang sikat na kompanya. So if you are wondering kung bakit ako nasa Spain, yes, tama ang nasa isip n'yo, dahil sa trabaho. I was sent here by my company para sa isang business meeting and I am their representative. At the same time, magandang opportunity na rin para makapag-relax at makakuha ng inspiration sa bago kong susulating libro.

My phone suddenly rang. Inilabas ko 'to mula sa aking bulsa at sinagot ang tawag.

"Hello, 'Ma."

"Iho, ano . . . natuloy ka ba? Nasaan ka na? Inaantay ka na namin dito? I cooked your favorite Adobo. Let me know kung nasa airport ka na para masundo ka na namin. Sobrang excited na ang mga kapatid mo na makita ka."

"'Ma, hindi ba sinabi kong hindi naman na ako matutuloy? 'Ma naman! Ayoko nga at saka, busy ako sa work ko. Mahirap bang intindihin na hindi ako pupunta sa Spain?"

"Ganoon ba, Anak? Sayang naman, excited pa naman ang Daddy Fred mo na makita ka na ulit. Pasensiya na ha, ang kulit ko. Gusto ko lang makasama ka ulit. Akala ko, matutuloy ka sa Spain, antagal ko lang inintay ang panahong ito. Matagal-tagal na rin kasi mula no'ng nagkausap tayo nang personal . . . matagal na panahon na rin mula no'ng mabuo tayo."

"Daddy Fred? Are you serious? Bye, may gagawin pa ako," sambit ko, sabay patay ko ng phone.

Mabuo? Simula nang tumuntong siya sa Spain, hindi ko na naranasan ang sinasabi niyang buo.

Hindi alam ni Mama na nasa Spain na rin ako, ayoko lang talagang makasama sila. Hindi naman sa galit ako sa kaniya pero

hindi ko matanggap na may iba na siyang asawa. Hindi ko lang matanggap si Fred.

Two years ago, my mom left my dad. Nagtatrabaho na si mama sa Spain noon. She went back to the Philippines hindi para mabuo muli kami pero para sabihin kay Papa na may iba na siyang pamilya sa Spain. It was really a downfall for my family, especially for my dad.

He waited ten years for her to come back. Akala namin, magiging masaya pa kami. Pinagsisihan ko ang gabi-gabi kong pagdarasal na umuwi si Mama, kasi . . . my dad took his life after knowing na may iba ng pamilya si Mama. Sana pala, hindi ko na lang hiniling na umuwi siya, e 'di sana, kasama ko pa si Papa ngayon.

My father was my savior. He's literally my best friend, taliwas sa iba na hindi kasundo ang kanilang mga ama. Kaya nagtatampo ako sa kaniya na iniwan niya akong mag-isa, iniwang mag-isa sa mundo na puno ng problema. Madaya ang mundo, pero mas madaya siya, madaya si Papa.

May dalawa akong kapatid, pareho na silang nandito sa Spain. Si Mama naman at si Fred ay may dalawa rin na anak. Simula nang sumama ang mga kapatid ko kay Mama, hindi ko na sila kinausap pa.

Alam mo 'yong pakiramdam na parang pinagtaksilan na rin nila si Papa. And I hate the fact na naging madali lang sa kanila ang lahat. Andali nilang napatawad ang babaeng naging dahilan kung bakit nawala sa akin ang taong hindi ako pinabayaan.

Anyway, enough with the flashbacks! I'm here in Spain para na rin makapag-relax, hindi para mas malungkot.

Tumayo na ako at pabalik na sana sa hotel nang mapansin ko ang isang maliit na Art Gallery. Walang ibang tumitingin kaya pumasok ako sa loob.

Sinalubong ako ng isang lalaki, he's wearing his white polo and loose pants. Mukhang mayaman, pormahang Niño Rico.

"Buenas tardes!" aniya. (Good Afternoon!)

Ngumiti lang ako sa kaniya at dumiretso sa pagpasok ko. Seeing these paintings on the wall made me feel like the world

stopped for a while for me. For the second time around, Ibiza made me fall in love with art. Hindi ko alam kung bakit pero naluha ako habang nakatitig sa mga ito. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang epekto sa 'kin ng mga larawan. Tila ba may halong lungkot ang bawat paghagod sa pintura.

Maraming larawan ang napansin ko pero bukod-tangi ang isa na nasa dulo. Makikita rito ang isang lalaki na nakaupo sa kama, hawak ang isang piraso ng rosas. Nakatitig din ito pabalik sa akin, pansin ang malungkot na mga mata at sinag ng araw na tumatama sa bandang katawan niya.

"¿Quieres comprarlo?" he asked. (Do you want to buy it?)

"Lo Siento. No," sagot ko. (I'm Sorry. No.)

Ngumiti lang siya sa akin at sinamahan akong tumayo sa tapat ng painting.

"English? Do you speak English?" nagbabaka-sakali kong tanong.

"Oh, yes. I'm Gael Alejandre, the owner of this shop. Of all these paintings, what made you stare at this one the whole time?"

"Oh hi, it looks so sad. Somehow, it made me feel like . . . the one who painted this might be one of the saddest persons here in Spain. I hope he's doing well," I sighed

"Wait, I think I've seen you before. Have we met?" tanong niya sa akin. Humarap ako sa kaniya at nag-isip kung nagkita na nga ba kami. Maaaring sa Maynila pero hindi ko siya natatandaan.

"Probably not yet. I'm just new here, a tourist. I'm from the Philippines."

"Pilipinas? Seriously? Bakit hindi ko agad naisip?" sagot niya.

"Pinoy ka?" nagtataka kong tanong sa kaniya matapos niyang magsalita ng Filipino nang dire-diretso.

"Not totally, my grandmother is from the Philippines also. And I have a lot of Filipino friends kaya marunong akong mag-Filipino. My mom is half-Pinoy, half-Italian, so yeah . . ."

"Seryoso ba? Sana, nag-Tagalog ka na lang kanina. Hindi ako makakibo, e, hindi gano'n kalalim ang alam ko sa Spanish. Spanish bread lang naman kasi ang sikat sa Pinas. Minsan nga, may amag pa." Sabay kaming natawa sa naging sagot ko.

"Pero teka, oo, 'yon nga! Tanda ko na, ikaw ba 'yong nasa museum kanina?"

"Yeah, nandoon ako kanina pero hindi kita napansin. Sa dami ng tao na nasa loob noon, talagang ako ang napansin mo?"

"No, hindi sa gano'n." Naglakad na siya pabalik sa counter at kapansin-pansin ang mga ngiti niya.

"Who painted these?" tanong ko habang binabaybay ang mga larawan sa dingding.

"Grandson of Don Tucio, the famous painter here in Spain." "Seryoso? E 'di, ang mahal ng bawat isa nito?"

"Hindi naman, nasa fifty to eighty thousand in Philippine peso. But the one na tinititigan mo kanina is about a hundred thousand pesos."

"Oh, I see." Napatingin ako sa relo ko. "Oh wait, I have to go now. May pupuntahan pa kasi ako, e. Adiós!" pagpapaalam ko.

"Wait! You've said na you're just new here, right? If you need a tour guide, I am also a tour guide. You can call me anytime." Inabot niya sa 'kin ang calling card niya.

"Yeah, sure. Thank you, Garel?" I smiled.

"It's Gael. Ga-el."

"Ah, Gael, nice name."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status