Share

Chapter 5

Chapter 5

Darine

Hindi ako hinayaan ni Ate Olivia na bumalik sa bahay niya dahil alam niya once na mahuli ako ng mga tauhan ni Lolo Elias siguradong wala na ako takas sa kanya. Hindi ko na magagawa ang gusto ko sa aking buhay. Ayokong para akong sinasakal sa malaking mansion namin. 

Nakaupo ako sa maliit na kubo ng pag-aari ng Tita ni ate Olivia. Habang wala pa akong nahahanap na sarili kung bahay ay pansamantala muna ako sa kanila. 

Isang matandang dalaga ang tiya ni Ate Olivia, mabait naman siya at maganda kahit may edad na rin si Tita Sharon. Sinabihan pa niya ako na e-feel at home ko ang bahay niya. Kami lang kasi dito ni Tita Sharon sa bahay, pakiramdam ko ay malaking tinatago si Tita Sharon. Mula ng dumating ako sa bahay niya lagi na siyang nakangiti. Naging madaldal din siya dahil sa akin. Mabuti na lang mabait sa akin ang Tita ni Ate Olivia. 

"Hapon na Alondra, pumasok ka na para makapag-kape tayo at kung gusto mo ay pumunta tayo ng plaza mamaya para maiba naman ang buong magdamag mo ay sa bahay ka lang." Sigaw niya sa akin para marinig ko.

"Tita papasok na po ako," magalang na sabi ko.

Sa loob ng ilang araw na kasama ko sa siya wala naman naging problema. Kung anu-anong kwento ang kinu-kwento niya sa akin. Kaya minsan ay nalilibang niya ako.

"Alondra, ubusin mo ang nilagang saging na yan para maganda ang tulog mo. Napapansin ko kasi mula ng dumating ka dito sa akin ay kulang ka sa tulog. Huwag masyadong mag-isip sige ka baka tubuan ka ng mga tigyawat sayang ang makinis mong mukha. Isa pa baka isipin ng mga kapitbahay natin na hindi kita pinapakain." Payo sa akin ni Tita Sharon.

Naalala ko tuloy si Mama sa kanya, kung paano niya ako pagsabihan. Umupo si Tita Sharon at binalatan niya ang saging at pagkatapos niyang balatan ay akala ko ay isusubo niya. Iyon pala ay binigay niya para sa akin.

"Tita sobra-sobra na ang kaibaitan n'yo sa akin. Nakakahiya na po, pati naman po sa pagbabalat ng saging ay ginagawa n'yo po."

"Hmm, baka gusto mong kurutin ko ang singit mo. Kumain ka na lang para magkalaman ka ng konte, aba hija mula ng dumating ka napansin kong nangangayat ka." Concerned na sabi niya sa akin nahiya tuloy ako.

Kinabukasan tinulungan ko si Tita mag-general cleaning ng di kalakihan niyang bahay. Ako ang nag-prisinta na tanggalin ang mga kurtina sa sala. Dahil araw ng Sabado ay at anim na buwan na raw niya hindi nalabhan ang kanyang kurtina. I like her, kahit na mukhang masungit pero she has a pure heart.

"Tita may gusto akong tanong sa iyo, kung ayos lang?" I asked her.

"Hmm, go ahead." Napa-ohh ako akala ko ay iba ang isasagot niya sa akin.

"Nagmahal o umibig din po ba kayo?" tanong ko.

Tumigil siya sa ginagawa niya at tiningnan niya ako. Kinabahan tuloy ako sa titig niya sa akin.

"Pakialamera ka talaga self," bulong ko sarili ko. Nahiya tuloy ako at pakiramdam ko she feel upset. 

Humingi ako ng sorry sa tanong ko sa kanya. Isang tipid na ngiti ang ginawa niya sa akin. 

"Tama nayan sa next week naman natin tanggalin ang ibang kurtina mukhang uulan." Sabi niya sa akin.

Kahit maganda naman ang panahon at init pa sa labas dahil sa sinag ng araw. Sa isip ko ay baka reason lang niya dahil ayaw niyang sagutin ang tanong ko. Kinuha niya ang kurtina at nilagay niya sa washing machine ang mga ito.

Pagkalipas ng dalawang oras ay natapos na rin kami maglaba at general cleaning. Namula ang mga kamay ko dahil siguro sa sabon. Nang makita ni Tita Sharon ay lumaki ang mga mata niya. Pinagalitan pa niya ako dahil halos lahat ay ako ang gumawa sa loob ng bahay.

Naramdaman din ako ng hapdi sa kamay ko at may konting sugat ang palad ko. Hindi ko kasi ito nagawa sa amin dahil bawat galaw ko may gumagawa para sa akin. Kahit gustuhin ko pero ayaw ng mga kasambahay namin baka makita raw sila ni Lolo ay pagalitan sila. 

"Ikaw talaga na bata ka, sinabihan na kita kanina dahan-dahanin mo ayaw mong makinig." Sabi sa akin ni Tita Sharon.

Pumasok siya sa loob at kinuha niya ang cream para sa kamay ko. Nang makuha na niya ay dahan-dahan niyang pinahiran ang maliit na sugat ng kamay ko ng cream. Iningatan niya na masaktan ako.

"Parang kamay ng walang trabaho ang kamay mo Alondra," ngumiti lang ako.

Hindi kasi niya alam ang totoong pagkatao ko. Gusto ko sana sabihin sa kanya ang totoo na nagtatago ako ay nagdadalawang isip pa ako. Natatakot kasi ako na may makakaalam dito sa barangay nila. Si ate Olivia lang ang may alam kung sino ako.

Tumingala ako sa sakit at nakagat ko ang ibabang labi ko ng hindi sinasadya na mapisil ni Tita ang ang sugat ko. Agad naman siya humingi ng paumanhin sa akin.

Kinagabihan ay maagang natulog si Tita dahil siguro sa pagod. Ako nalang mag-isa sa sala na nanonood ng palabas sa television. Kumakain ako ng hinog na manga na may bagoong at konteng sili. Naiyak ako sa palabas sa television, ewan ko ba ilang beses ko nang napanood ang movie na'to ay hindi pa rin akong nagsasawa na panoorin.

Habang sinusubo ko ang mangga ay nagulat ako na may ingay sa labas. Ang aso ng kapitbahay namin ay sunod-sunod na tumatahol sa labas. Nakaramdam ako ng takot ginawa ko ay sinilip ko sa bintana kung anong meron sa labas. Nang may nakita akong isang sasakyan na pumarada ay kinabahan ako. Halos tumalon na ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

Pinatay ko ang television, kinuha ko ang cellphone ko at inaayos ko ang sarili ko. Muntik na akong mapamura ng tumunog ang phone ko. Si Ate Olivia ang nasa kabilang linya mas kinabahan ako baka nalaman naman nila Lolo kung nasaan ako. Nanginginig ang kamay ko ng sagutin ko ang tawag sa akin ni Ate. 

"H-hello," nauutal na sabi ko sa kabilang linya.

Nanginginig din ang tuhod ko at kamay ko. Nang hindi agad nakasagot si Ate mas kinakabahan ako. 

"Dar, kumusta ka d'yan?" tanong sa akin ni Ate.

"Ayos lang ako ate, ikaw kumusta kayo ni Carl?" tanong ko.

"Heto, miss ka namin. Hindi kasi sanay na wala ka, akala mo naman ay may kamuwang-muwang sa mundo. Noong isang araw may isang sasakyan din akong nakita sa motel dati na pinagtatrabahuhan mo. Akala ko nga ang isa naman sa mga tauhan ng Lolo mo." Sabi ni ate sa akin.

"Ate, may isang sasakyan din dito ngayon malapit sa bahay ni Tita." Saad ko.

Pati si ate Olivia ay kinabahan sa sinabi ko. Sinabihan ko si ate na d'yan muna siya sa linya at titingnan ko kung sino ang may ari ng sasakyan. Sinilip ko ulit at pinatay ko ang ilaw para hindi ako makita. 

Ilang beses na rin ako na tinanong ni ate sa kabilang linya. Hindi ko siya masagot dahil ang mata ko ay sa labas. Nang mapansin ko kung sino ang lalaking lumabas ng sasakyan ay isang lalaking nakasuot ng Gray blazer at t-shirt na itim sa ilalim. Kumunot ang noo ko dahil isang gwapong nilalang ang nakita ko.

Sinalubong ng mga tambay sa kanto ang lalaki. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ang nasa isip ko ang nangyari.

"Darine!" malakas na sigaw ni ate Olivia sa linya.

"Sakit ate sa tenga," sabi ko at ngumuso ako.

"Kung hindi pa kita sinigawan ay papatayin mo ako sa kaba dito. Sino ang nasa labas?" tanong ni ate.

"Thank God, dahil hindi tauhan ni Lolo." Saad ko.

"That's good, si Tita tulog na ba siya?"

"Oo kanina pa…" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil si Tita Sharon ay nakapamewang nakatingin sa akin.

"Hey, are you still there?" tanong ni ate Olivia sa akin.

"Bye gising ang Tita mo," mahinang sabi ko at binaba ko ang linya.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" 

"Hindi po kasi ako inaantok," saad ko.

Tumango lang siya sa akin at pumasok siya ulit sa kanyang kwarto. Pagpasok niza ay sinilip ko ulit ang sasakyan sa labas hanggang ngayon ay nadoon pa rin pero wala na ang gwapo na lalaki.

Alas otso na ako nagising dahil hindi ako nakatulog kagabi. Kung anu-ano kasi ang pumapasok sa isip ko. Kailangan ko rin humanap ng trabaho at hindi habangbuhay ako rito. Sa lunes ay kailangan kung humanap ng bagong trabaho nahihiya na rin ako sa Tita ni Olivia. Malapit na rin maubos ang na tabi ko na pera.

Bumangon ako at inayos ko ang higaan ko at naligo ako. Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay binuksan ko ang bintana ng maliit na kwarto ko. Pagbukas ko ay akala ko ay namamalikmata ako sa nakikita ko sa labas. 

Kagabi ay isang sasakyan lang ang nakita ko ngayon ay tatlong magarang sasakyan na. I rub my eyes. 

Anong ginagawa niya rito? Sa lakas ng kabog ng dibdib ko para akong hinihingal. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Nakasandal siya sa black Ferrari niya na sasakyan ang isa niyang kamay ay sa loob ng bulsa ng kanyang white jeans.

Ang mata niya ay nakatingala sa langit. Akala ko ay hindi ko na siya makita pa ulit. 

"Small world Darine," sabi ng isip ko.

May earpods siya sa kanyang tenga at patango-tango siya, tila nakikinig siya ng music. Kung maari lang ay nilapitan ko na siya sa kinatatayuan niya. Baka naalala pa niya ako, pero ano kaya ang ginawa niya rito?

"Alondra!" malakas na tawag sa akin ni Tita Sharon.

"Oh sh*t!" mura ko sa sarili ko ng lumingon si Jasper sa kinaroroonan ko.

Mabilis akong nagtago sa likod napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Sisilipin ko sana siya ay tinawag ako ulit ni tita. Nakakahiya kung nahuli niya akong na kanina ko pa siyang pinagmamasdan. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status