Share

Chapter 4

Jasper

Chapter 4

Jasper 

"Good morning, Mr. Guillermo," masayang bati sa akin ng sekretarya ko.

"Good morning too, Pinky." bati ko sa kan'ya pabalik.

"Sir, kakatawag lang po ni Mr. Torer na pina-cancel niya po ang appointment niya sa sa'yo. Dahil nagkaroon siya ng importanteng lakad." Sabi ng sekretarya ko na si Pinky.

"What the heck! Okay Pinky dalhan mo nalang ako coffee sa loob ng opisina ko." I said at pumasok agad ako sa loob ng aking opisina.

Pagpasok ko ng opisina ay nabungaran ng mata ko ang batalyon na mga papeles na nakapatong sa mesa. Napamura ako sa nakita ko at napabuntong-hininga. Umupo agad ako sa aking swivel chair. Kailangan kung gumawa ng paraan sa madaling panahon. Habang nag-iisip ako ay na hilot ko ang aking ulo ko. 

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng opisina sigurado ang aking sekretarya ito. 

"Come in," I said.

"Sir, ang kape n'yo po." 

"Thank you Pinky." Sabi ko at nginitian ako ng sekretarya ko at lumabas din siya agad.

Makalipas ang ilang oras ay hindi ko namalayan na alas dos y medya na pala ng tanghali. Nakalimutan ko rin kumain ng tanghalian. Sinabihan ko kasi ang sekretarya ko na hayaan ako sa loob at walang kahit sinong papasukin sa aking opisina.

Tumayo ako para lumabas ng opisina dahil nakaramdam din ako ng gutom sa aking sikmura. Hindi pa ako nakahakbang ay nakita kung bumukas ang pintuan. Kumunot ang aking noo sa nakita ko.

"Dude," sabi agad ni Rafael.

"What are you doing here?" I asked him.

Walang paligoy-ligoy na pumasok si Rafael sa opisina ko. Pinaupo ko at tinanong kung ano ang gusto niyang inumin. 

"What would you like to drink?" I asked him.

"Ano pa e 'di ang imported na wine mo. Teka akala ko ba may importante tayong pag-uusapan dahil napatawag ka sa akin kaninang umaga?" Seryosong tanong ni Rafael sa akin.

"Alam mo naman si Lolo. Gusto niya akong ipakasal sa apo ng kanyang kaibigan." Saad ko.

"So, ano ang plano mo? Bakit hindi mo sundin ang gusto ng iyong Lolo? Baka magugustuhan mo ang babaeng ipapakasal sa'yo." Ani ni Rafael sa akin at kinuha niya sa kamay ko ang kopitang may lamang alak.

"I can't, gagawa ako ng paraan. Marriage is not a joke Rafael. I am not ready for that lalo na kung hindi ko kilala ang babae." Saad ko.

"Wala naman siguro masama kung kilalanin mo kung sino ang babae na'yun. Teka nga, did you know her name?" tanong ni Rafael. Umiling ako.

"I'm not interested in her. Indeed before two weeks may ipapakilala ako sa mga magulang ko. Kailangan kung humanap ng ibang babae na pwede kung mapagkakatiwalaan." Sagot ko at sinandal ko ang likod sa swivel chair.

"How about Melissa? Hindi ba kaya niyang gawin lahat para sa'yo, subukan mo siyang kausapin." 

"Oh, God! Melissa, that girl. Nagbibiro ka ba Rafael. I want to remind you isa rin siya sa mga babaeng kapag hindi mo maibigay ang gusto ay parang kang lumang laruan na itatapon kahit saan. I can't stand up to her." Mabilis na sagot ko.

"Okay fine, alalahanin mo dude two weeks. You know your grandpa."

"Yeah, but may solution ang lahat," sagot ko.

"I have to go, see you around. Hindi ka pa raw nag-lunch sabi ni Pinky. Don't think too much. Don't worry tutulungan ka namin sa problema mo," sabi ni Rafael sa akin at nagpaalam siya sa akin.

Dalawang araw ang nakalipas mula ng mag-usap kami ng mga magulang tungkol sa dalawang linggo na kailangan may babae ako na maipakilala kay Lolo. Dahil abala ako sa kumpanya ay nawala sa isipan ko ang humanap ng babae. Next day may business trip naman ako sa Istanbul Turkey. Mula ng matikman ni Mr. Emir Ozuol ang Guillermo's wine dito sa Pilipinas ay gusto niya akong ipakilala sa mga professional na businessman sa Turkey. Dahil malaking kita ko tungkol dito ay hindi na ako tumanggi pa. 

This is my dream na mas kumalat o lumago sa ibang panig ng mundo ang aking iniingatan ko na Star City Winery Guillermo's Company. While I'm driving ay hindi ko namalayan na dito ako dina ng pagmamaneho ko dito sa Pasay. Nang e-park ko ang sasakyan ay nasa harap na pala ako ng De Leon motel. 

"Anong ginagawa ko rito?" tanong ko sa sarili ko.

Napamura ako ng maalala ko ang babaeng receptionist. I forgot her name but her angelic face is still on mine. Hard to forget her innocent and beautiful face. Binaba ko ang window glass ng sasakyan ko. Tiningnan ko ang labasan ng motel. Tanging security guard lang ang nakikita ko. 

Bigla naman pumasok sa isip ko ang babae na'yun. I shook my head. Tinanggal ko ang seatbelt ko. Pagbukas ko ng pintuan ng sasakyan ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Sinagot ko agad ang linya dahil si Sanya ang nasa kabilang linya.

"Hello!" sagot ko sa kabilang linya.

"Jasper, already 9pm na honey. Nasaan ka na? Kanina pa akong naghihintay dito, you told me na dito ka kakain ng dinner. I miss you alam mo naman na kakauwi ko lang from London." Malumay na boses ni Sanya sa akin.

"Sorry, Sanya, I'm still in the meeting. In thirty minutes I'll be there." Pagsisinungaling ko sa kan'ya sa kabilang linya. Kahit ang totoo ay wala akong meeting.

"I'm waiting for you. And I have a surprise for you. Bilisan mo sobrang na miss na kita," she said and I hang up the call.

Isa siya sa mga ka-fling ko. Isa siyang sikat na model kahit sa ibang bansa ay kabilang siya sa project runway models.

Lumabas ako sa aking sasakyan. Tinungo ko ang maliit na motel. Nginitian ko ang security guard. Pagpasok ko sa loob ng motel ay sa desk reception agad ako dumiretso. Ang ibang babae na nakakasalubong ko ang mga mata nila ay sa akin. 

"Good evening," bati ko sa receptionist.

Nang ingat ng babae ang mukha niya sa akin ay biglang kumunot ang noo ko. I thought 'yung babaeng nakilala ko two days ago. 

"Sir, may I help you?" magalang na tanong niya sa akin.

"Just I want to asked you na may isang babaeng receptionist dito?" Hindi niya agad ako na sagot sa tanong ko.

"Sir, sinong babae? Ako lang ang receptionist dito at wala ng iba pa," saad niya sa tanong ko.

"Two days ago, I met her. I forgot her name, but her hair was black curly." Sabi ko na walang preno ang bibig ko.

Napansin kung nagulat siya sa sinabi. Tiningnan niya ako ng maigi. 

"You mean si Alondra po? Bakit anong kailangan mo sa kan'ya?" she asked me.

"Yeah, I just want to thank her." I said.

"Ganun ba? Sorry to say Sir, umalis na siya kahapon. Iniwan na niya ang trabaho niya rito." Malungkot na sagot sa akin ng babae.

Napaawang ang labi ko sa narinig ko. Tatanungin ko sana siya ay tumunog na naman ang cellphone ko. Hindi ko sinagot ang kabilang niya dahil ang mga mata ko ay umiikot sa loob ng motel. Nang mapansin ko ang babaeng receptionist na busy ay tinalikuran ko siya. Hindi rin ako nakapag paalam sa kan'ya. I sighed bago ko umalis sa kinatatayuan ko. 

Mabilis akong lumabas ng motel at malaking hakbang kung tinungo kung saan ko pinark ang sasakyan ko. Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ano ba ang pakay ko rito sa motel na basta-basta lang akong naparito ng wala sa oras. Nang nasa sasakyan na ako ay mabilis kung pinaandar ang manibela ng sasakyan ko. Kung hindi pa ako tinawagan ni Sanya ulit ay nakalimutan ko naman siya na naghihintay siya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status