Share

Chapter 6

Chapter 6

DARINE

Pakiramdam ko ay pinapawisan ang buong katawan ko. Nakatuon ang mata sa akin ni Tita Sharon nakakunot pa ang noo niya sa akin tila.

"Alondra anong ginagawa mo dyan?" tanong sa akin ni Tita Sharon.

"Ahh po, hinahanap oo kasi ang maliit na bracelet ko Tita," pagsisinungaling ko.

"Ganun ba, akala kung may sinisilip ka sa labas."  Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Tita Sharon sa akin. 

"Sige kung maghanap mo sundan mo lang bracelet mo sundan mo na lang ako sa kusina." Sabi sa akin ni Tita Sharon.

"Opo tita," saad ko at umalis din si Tita.

I took a deep breath. Muli akong sumilip sa bintana. Pagsilip ko ay wala naroon si Jasper kahit ang dalawang sasakyan ay wala na sa labas. Ginawa ko ay nilabas ko ang ulo ko sa bintana hinanap ng mga mata ko ang dalawang sasakyan. I smirk dahil wala na si Jasper sa labas.

"Maganda umaga Alondra. May hinahanap ka ba?" malakas na boses ni Aling Amara.

"Maganda umaga rin po. Wala po akong hinahanap gusto ko lang pong langhapin ang sariwang hangin sa labas.'' Sagot ko.

Hindi na siya nag salita at ipinagpatuloy ang pagwawalis sa bakuran nila.  Gusto ko sana siyang tanungin kung sino yung bisita niya pero baka isipin ay kay aga  tsismosa ako. 

Ilang sandali ay lumabas na ako sa maliit na silid ko. Pinuntahan ko si Tita Lara sa kusina nakita ko siyang nagluluto. Kaya nga inagahan ko ang gising ko dahil ako ang magluto ng almusal naming dalawa. 

"Alondra, na d'yan ka na pala. Nakita mo ba ang hinahanap mo?" tanong niya sa akin.

"Opo, Tita."

"Mabuti naman kung ganon. O siya may pupuntahan tayo mamaya gusto mo ba mamasyal? Nakaraang araw hindi kita napasayal sa plaza Miranda." Masayang sabi sa akin ni Tita.

"Mukhang maganda ang gising mo Tita?" tanong ko at lumapit ako sa kanya para tingnan kung ano ang niluluto niya.

"Huwag maraming tanong baka uulan hindi na naman tayo matuloy nito. Ilagay mo na lang sa lamesa ang plato natin at baso ilabas mo rin sa fridge ang fresh juice na ginawa ko kagabi."

" Opo Tita." 

Mabilis ang kilos ko. Lahat ng sinabi sa akin ni Tita Lara ay sinunod ko. Nang malagay ko na ang lahat sa mesa sinalinan ko ng fresh juice ang baso ni Tita at sa akin. Usually, I prefer sa coffee kaso si Tita Sharon ay binawalan pa naman ako sa kape gusto after ng breakfast ang kape. Mag rest lang daw muna ng an hour bago uminom.

Feeling ko parang opposite ang mundo ni Tita Sharon. Pero hindi na ako nagreklamo pa sa kanya dahil nakikitira lang ako sa kanya.

Ang sarap sa ilong ang amoy ng luto niya. Nang ilagay niya sa mesa ang bowl nakakatakam ang sinigang na hipon. Ako ang nag sandok ng kanin sa kaserola.  Kahit ang kanin ang bango ng amoy. 

Honestly nasanay na ako sa ganitong buhay. Simpleng buhay pero masaya sana kasama ko si Mommy ngayon. Nang tumulo ang luha ko ay hindi agad ako humarap kay Tita Sharon. Ayokong makita niya akong umiiyak, pinahid ko ang luhang tumulo sa aking pisngi.

"Alondra, halika na hija. Ang tagal mo naman sumandok ng kanin," tawag sa akin ni Tita Sharon.

Nang ilagay ko plato na may kanin sa gitna ng mesa ay bahagyang may kumatok sa pintuan. Tatayo na sana si Tita Sharon ay pinigilan ko.

"Ako na Tita kanina ka pa na katayo," sabi ko at mabilis kung tinungo ang pinto.

Pagbukas ko ay isang lalaki siguro matanda lang ng ilang taon kay Tita Sharon. I smile at him ngayon ko lang kasi siya nakita. 

"Sino ang nasa pintuan hija?"

"Si Eduardo ito Shwie," siya ang sumagot kay Tita Sharon. 

Natawa ako ng tawagin niyang shawie si Tita. Parang gusto ko ng palitan ang pagtawag ko kay Tita mas bet ko ang ate shawie. Nakalimutan ko papasukin si Sir Eduardo dahil parang lumipad ang isip ko sa ate shawie.

"Pasok po kayo sir, ako nga pala si Alondra." Pakilala ko sa kanya. 

"Maganda umaga sayo hija." Bati niya sa akin at binati ko rin siya pabalik.

Isasara ko na sana ang pintuan ay nasagip ng mata ang sasakyan na sa harapan ng bahay nila Aling Amara. Sinilip ko pero hindi ang sasakyan ni Jasper ang nakapark na sasakyan.  Na-currious ako kung ano ang ginagawa ng magarang sasakyan na'to dito at ano ang pakay nila sa kila aling Amara.

"Eduardo," narinig kung mahinang sambit ni Tita Sharon sa pangalan ni Eduardo.

"Sharon, pasensya na sa biglang pagbisita ko sa'yo." Malambing na boses ni Eduardo.

May ngiti sa mga mata nilang dalawa. Baka dating kasintahan ito Tita Sharon dahil may something sa titigan nilang dalawa. Feeling ko ako ang kinikilig. Tumikhim si Tita Sharon ng hindi maalis ni Sir Eduardo ang mata niya kay Tita Sharon.

"Alondra bumalik ka na sa kusina para kumain na tayo. Eduardo bakit ang aga-aga ay naparito ka? Kumain ka ba?" narinig kung tanong ni Tita Sharon.

Kumuha ako ng extra plate, spoon and fork. Nakita ko na pumasok na sila ni Tita Sharon.  Pinaupo siya ni Tita sa kabilang upuan. Nilagyan ko rin ng juice ang baso na isa para kay sir Eduardo.

"Hindi ka pa rin nagbabago hanggang." Sabi ni Sir Eduardo. Tahimik lang si Tita Sharon.

"Kumain na tayo baka lumamig ang pagkain mag iba na ang lasa." Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa.

"Sinamahan ko ang anak ng amo ko ang pamangkin ko sa dito. May lupa silang gustong bilhin sa lugar gusto nilang magpatayo ng Mall." napaawang ang labi ko sa sinabi ni Eduardo kay Tita Sharon.

"Ibig sabihin sa inyo po ang magarang sasakyan sa labas ng bahay ni Aling Amara?" tanong ko.

"Oo hija, dahil sa kanila namin bibilhin ang lupa bago kami naunahan ng balak na bumili." Tumango na lang ako sa sinabi niya sakin.

Sino kaya ang pamangkin niya si Jasper ba o ang lalaki na unang nakita ko. Itatanong ko sana at umurong ang dila ko. Kaya ipinagpatuloy ko na ang kinakain ko.

Maya-maya after naming kumain ay sinabihan ko si Tita na ako  na ang bahala magligpit ng pinagkainan namin.

"Tita, take your time kay Sir Eduardo." 

"Salamat hija." I smile at her.

Mamaya ay itatanong ko ulit si Tita Sharon kay ate Olivia ang tungkol sa tiya niya. Ewan ko bakit curious ako sa past ni Ate Shawie wow ah bagay talaga ang ate Shawie. 

Ilang sandali ay pumasok ako sa silid ng matapos kung hugasan ang mga plato. Nasa maliit na sala naman sila Tita Sharon at Eduardo. Pagpasok ko sa loob tumingin ako sa labas ng bintana. Nandoon pa rin ang magarang sasakyan. Gusto ko sanang lumabas pero parang pinipigilan ako ng paa ko.

Napalingon ako sa cellphone ko na nasa ibabaw ng kama ko ng tumunog ito. Mabilis kung kinuha ang phone ko si ate ang nasa linya.

"Hello ate," sabi ko.

"Darine, natatakot ako na baka matunton ka ng Lolo mo. Dahil kahit saan ako pumunta ay may nakikita akong sasakyan. Kahit si Alvin ay may sumusunod din sa kanya. Mag ingat ka d'yan hindi muna ako pupunta d'yan baka ano pa ang mangyari." Lakas ng dagundong ng dibdib ko.

"Ate, maraming salamat. I think kailangan ko rin umalis dito sa bahay ni Tita baka pati siya ay madamay pa. Alam mo naman si Lolo." Sabi ko sa linya.

"Pero Darine kung aalis ka saan ka naman pupunta?" malungkot na boses ni Ate Olivia.

"Kahit saan na, siguro sa lugar na malayo yung walang madadamay na tao dahil sa akin." Mahinang sabi ko kay ate sa linya. 

"Darine, d'yan ka lang muna I'm sure na hindi mahanap ng Lolo mo d'yan.'' Sabi ni ate.

"We will see, ayokong gambalahin ang tahimik n'yong buhay dahil sa akin. Sige ate mag-usap lang tayo ulit tinatawag na ako ni Ate Shawie.'' Nakuha ko pang magbiro sa linya.

"Ano? Ate Shawie, parang may narinig akong tumawag kay Tiya ng ganyang pangalan?" gulat na boses ni ate sa linya. 

"May bisita kasi ang tita mo Eduardo ang pangalan." Mahinang sabi ko baka marinig ako ni ate Shawie. I smile.

Sumakit ang tenga ko sa malakas na tawa ni Ate Olivia sa sa linya. Pati ako ay natatawa ako sa tawa ni ate kahit hindi ko siya nakikita I'm sure namula na ilong ni Ate sa kakatawa.

"Seriously? OMG! Alam mo ba yan ang first love ni Tita pero hindi sila tinadhana." Napatakip ako ng bibig sa sinabi ni ate sa akin. 

"Kaya pala ang titigan nilang dalawa kakaiba." Saad ko.

"Yan lang alam ko the rest wala na.'' Hanggang ngayon parang kinikiliti sa kakatawa si Ate Olivia sa linya.

"Bye na, tinatawag ako ni Ate Shawie sa labas.'' Paalam ko hanggang sa binaba namin ang linya.

Bago ako lumabas ng silid ko ay sumilip muna ako sa labas ng bintana. Nang hindi ko nakita ang ang lalaking hinahanap ko ay sinarado ko na ang maliit na bintana.

Paglabas ko ng silid ko ay ngitinitian ako ni Sir Eduardo. Mukhang aalis na siya. I smile at him.

"Aalis na po kayo Sir?" magalang na tanong ko.

"Just call me Tito hija." Sabi niya sa akin.

Muli niyang binalingan si Tita hinawakan pa niya ang kamay ni Tita. Kinikilig ako sa nakikita ko si tiningnan ako ni Tita. Kahit hindi aminin sa akin ni Tita nakikita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.

"Salamat sa sandaling pagbisita Eduardo." Sabi ni Tita kay Tito Eduardo.

"Ikinagagalak ko ang masayang pagtanggap mo sa akin Shawie. Baka hinahanap na ako ng pamangkin ko mabuti kami ang unang dumating para kausapin si Mrs. Amara at asawa niya. May isang tao rin kasi na balak bilhin ang kanilang lupa. Inunahan na ng pamangkin ko bago mabili ng pamilyang Elmaz." Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Tito Eduardo.

"Elmaz?" mahinang sambit ko. Nilingon ako nila Tita Shawie aking kinatatayuan.

Hindi ako maaari na magkamali na si Lolo ang Elmaz na tinutukoy ni Tito Eduardo.

"Alondra, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Tita Sharon.

"Okay lang po Tita," tumayo ako ng maayos ang ngumiti ako para hindi nilang mapansin na kinakabahan ako. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status