Home / All / Love Revenge Game / Chapter 11: The Tale of Crystal's Heart

Share

Chapter 11: The Tale of Crystal's Heart

Author: ElenaPanorama
last update Last Updated: 2021-01-08 06:18:26

Hindi naman ako napapagod, nasasaktan, o nagrereklamo lamang sa aking mga ginagawa dahil buong-buo ang aking desisyon na bagama't nariyan ang mga sagwil o balakid na mismong hinaharap ko sa 'king madugong paglalakbay, alam ko sa aking sarili na kakayanin ko ito para sa isang taong nagpatibok ng aking puso.

Bagama't ilang beses na niya akong itinakwil gaya ng mga gulanit o manlilimahid, mananatiling siya lang ang lalaki para sa akin.

Pagkaupo ko sa aking kotse ay agad kong binuksan ang aking data para i-locate ang lokasyon niya. Ang pagmamahal ay gaya lamang iyan ng mapa, ini-explore mo ang tunay na depenisyon ng pag-ibig para lamang mabatid ang isang pook na sadyang sigurado ka na kung tama ba ang pinili mong lokasyon. 

Malapad na ngiti ang sumalobong sa aking labi nang matuklasan na nasa National Bookstore siya.

“I found you, Mr. Young!”

Sa labis na kagalakan, h

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Love Revenge Game    Chapter 52: Friendship Celebration

    CHENANIAH XYRAH’S POV"Good morning,” bati rito sa akin. “Are you feeling better now, Miss Ricafrente?” bungad sa akin kaagad ng isang nurse. “You just have to take some medications para gumaling ‘yong sugat moa gad.” Napaguhit ako ng ngiti sa aking labi bilang tugon sa kaniya.Ako’y binuhay at nakabangon sa aking kinahihigaan dahil sa sinusuyo na ako ng araw mula sa bintana. Pinasyal ko ang aking mga mata sa paligid, saka nabuksan ang isip ko na nasa estrangherong silid pala ako. Matapos ang ilang saglit ay naging malinaw sa akin ang mga eksena kagabi habang ako’y nasa piling si Raze. Napahawak ako sa aking noo, saka napalunok sa sariling laway nang nag-flashback sa aking alaala ang mga ikinilos ko kagabi sa kaniya.“Magandang araw po, nurse,” bati ko sa kaniya pabalik. “Puwede ko bang malaman kung saan ako naroroon ngayon? At, maaari ko bang malaman kung sino ang nagdala sa akin dito?”“Nasa clinic ka ngayon, Miss Ricafrente. Si Mr. Villaruel po ang nagdala rito sa inyo,” sagot niya

  • Love Revenge Game    Chapter 51: The Lines of Destiny

    Inilayo niya ang kaniyang mga mata sa akin. “Hindi na iyon importante. Wala naman magbabago kung sabihin ko sa iyo ang totoo, e,” tugon niya.“Bakit ba parati mong pinipili na gawing lihim ang lahat?!” sambit ko. “Why you are being selfish to me, Xyrah?! Bakit ginagawa mong komplikado ang lahat?!” dagdag ko.“Kasi . . . Raze, hindi mo kasi ako naiintindihan, e! Kailanma’y hindi ako naging selfish sa iyo!? I will never do that because I . . . you’re my everything!”Sa sentro ng aming masalimuot na diskusyon, hindi ko nasupil ang aking emosyon kaya kahit labag sa kalooban ko ay ipinaramdam ko sa kaniya ang init ng ulo ko sa pamamagitan ng paghawak ko sa kaniyang magkabilang balikat nang mahigpit. “Ipaintindi mo nga sa akin para hindi na tayo parehong nahihirapan! Napakahirap ba ‘yon?! Xyrah, huwag kang magtaingang kawali at maglubid ng buhangin sa lahat-lahat ng mga sinasabi at tinatanong ko sa iyo!” Sa kabila ng kaniyang pagdurusa, kahit ang kirot ay ramdam na niya, siya’y nanatiling t

  • Love Revenge Game    Chapter 50: The Cave of Love

    CHAPTER 28:ZYCKIEL RAZE’S POVSa yugtong papalubog na ang araw na sinabayan pa ng mga kahindik-hindik na kaganapan katulad nang aming nasumpungan ang sunod-sunod na pagdagundong sa kulay-abo na kaulapan ay nagsipadatingan na ang aking mga empleyado sa itinakda kong oras. Subalit, nilalampaso at hinahampas ng pagkasindak ang puso ko kagaya ng pagtunog ng gandingan nang hindi pa nahahagip ng aking paningin si Xyrah.“Hoy, Ashley!” Napatuon na lamang ang aking atensiyon sa boses ni Miss Magalona na naglalabas ng bagyo sa dibdib kay Miss Nedrida. “Ikaw na babaeng balat-kalabaw, dalawa ang bibig, at halang ang bituka, nasaan na ang matalik kong kaibigan?!” Sampal na walang kapatawaran at paalam ang sumalubong kay Miss Nedrida mula sa palad ni Miss Magalona nang natuklasang siya lamang ang kahuli-hulihang lumabas sa kagubatan. “Kasiya-siya ba ang aking sampal na humihipo, Ashley?! Bakit mo iniwan sa kawalan si Niah?! Kahit kalian samaing palad ka talaga!”Pumagitna ako sa kanilang dalawa u

  • Love Revenge Game    Chapter 49: Lost in the Labyrinth

    CHENANIAH XYRAH’S POV“Great! So, siya pala ang lalaking ipinagpalit mo sa akin?! Ang lalaking mas mayaman kaysa sa akin!” Nagbabadya ng digmaan itong si Raze sa akin nang napahigpit ang kaniyang paghawak ng tinidor. “Nasaan na ang lalaki?”“Iniwan na ako,” tanging sambit ko, saka hindi makatingin sa nagliliyab niyang mata.“Tsk, ‘yon na ang naging karma mo! Pagkatapos mo akong pakinabangan ay maghahanap ka ng ibang lalaki! I guess my mom is right after all!” Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan, saka pinagmasdan ako with a repulsive stare. “From what I know before, hindi ka ga’nong klaseng babae, pero ngayon, natuklasan ko na ang tunay na kasagutan sa mga katanungang napakatagal nang bumabagabag sa akin. “I’m wondering now if you still a virgin. I guess you had multiple sex already with different men. Am I right?” Labis siyang nasusuka sa akin habang tinitingnan.“Zyckiel, that’s enough! You are now crossing the line!” Kidlat sa bilis na lumapit si Crystal upang pigilan si Raze.Tinabig

  • Love Revenge Game    Chapter 48: Novel Series 1 vs Novel Series 2

    CHENANIAH XYRAH’S POVNang matanaw ko ang imahen ni Jamine sa aming pagbaba ng sasakyan ay nangalay ang aking puso, sapagkat bakas sa kanilang mukha ang tuwa’t saya sa isa’t isa. Sinalubong niya si Raze ng isang yakap na hinding-hindi niya matatanggihan dahil sa kariktan ni Jamine, ngunit wala naman itong kagandahang-loob sa mga taong nakararanas ng buhay sa kamao kagaya ko. Pilit akong nagmamaskara ng ngiti habang unti-unting naglalakad patungo sa kanilang direksiyon upang iabot kay Raze ang kaniyang briefcase.“What are you doing here, Jamine? How did you figure out I was here?” Kumawala naman siya sa kanilang pagyayakapan. “I-I- I was caught off guard by your presence here,” Raze’s eyes popped out in amazement.“Well, Crystal texted me that you’re going out together.” Nagningning ang kaniyang mga mata nang magtagpo ang kanilang mga mata. “And, she even invited me here just in case you need my help.” Hinawakan ni Jamine ang dalawang palad ni Raze, saka muling pinagmasdan ang mga mat

  • Love Revenge Game    Chapter 47: Second Chance

    CHENANIAH XYRAH’S POVHindi na maibilang ang mga insidente na naganap simula’t muntikan na akong magahasa ni Mr. Tzu sa kanilang mansyon. Bagama’t nais kong puksain sa aking isipan ang nakakapangilabot, ngunit nakapagbigay sa akin ng romantikong damdamin nang ako’y ipinagtanggol ni Raze, ay hindi ko pa rin kayang humarap sa kaniya kahit isang linggo na ang nakaraan. Sa pangalawang pagkakataon, muli niya akong pinagbuksan ng pinto sa kaniyang kompanya nang pinunit niya sa aking harapan ang isinulat kong liham ng pagbibitiw. Hindi ko maipaliwanag at maunawaan ang aking sarili kung bakit naglaan pa ako ng oras para magbigay sa kaniya ng sulat ng pagbibitiw kahit alam kong sinibak niya na ako sa trabaho. Sa aking inaasahang pangyayari, nang unang pumasok ako sa aming departamento, lahat ng mga empleyado ay nakatingin sa aking direksiyon na may iba’t ibang reaksiyon at pananaw sa kanilang isipan. Sila’y napuno ng berde sa inggit at nabigla sa di-inaasahang pagbabalik ko. Ang ilan sa kanila

  • Love Revenge Game    Chapter 46: The Downfall of Mr. Tzu

    CHENANIAH XYRAH'S POV Sariwang-sariwa pa rin sa aking isipan ang mga kaganapan nang lumitaw na ang katotohanan. Dugoʼt pawis akong nagbatak ng buto sa kompanya ni Raze, pero akoʼy nagkasala nang nakasanayan kong maglubid ng buhangin sa taong pinakamamahal ko. Nais kong iguhit sa tubig ang mga araw na iyon, sapagkat isang linggo na ang nakalilipas, ngunit, patuloy pa rin itong dumadalaw sa aking panaginip upang magbigay ng mensahe na akoʼy makakabalik sa takdang araw na itatakda ng kapalaran sa akin. Parami nang parami ang mga mamamayang Pilipino na patuloy pa rin nagbibilang ng poste, at isa ako roon. Bagamaʼt ako ay lantang gulay na sa kahahanap ng trabaho, hindi pa rin ako humihinto para lamang makapagbigay ng salapi sa aking pamilya. Sa kadahilanan nang aking paghihimutok, hindi ko namalayang nasa harapan na pala ako ng aming tirahan. Umuwi akong mag-isa dahil may mahalagang pupuntahan si lelang, ngunit, aking ipinagtataka ang kaniyang ikinikilos noʼng humiwalay na ito s

  • Love Revenge Game    Chapter 45: The Moment of Truth

    ZYCKIEL RAZEʼS POVSa mga nagkukumpulang dokumento sa ibabaw ng pupitre sa loob ng pribadong silid ng aking tahanan, ang aking mga tropeo at medalya na kristal, at mga litrato sa ibabaw ng gabinete, ay nakapangingilabot ko itong winasak, sapagkat, sinusubukan kong manumpa muli sa aking sarili na kailanmaʼy walang magpapabago sa aking personalidad, na mananatiling bato ang aking puso sa mga insidenteng kasangkot si Xyrah. Ngunit, ang guhit ng aking palad ay tilaʼy dumidistansiya sa orihinal kong obra maestra, na kung saan itoʼy naglalaman at sumisimbolo sa dahas nang pagkirot ng aking nakaraan nang aking makapiling si Xyrah noong kapanahunan. Ang pagkabog ng aking dibdib, ang pagbulong ng hangin sa aking tenga na tilaʼy may nais iparating na mensahe, ay ang siyang tumutulak sa akin upang palitan ang aking obra maestra sa panibagong ekspedisyon ng aking buhay kasama siyang muli."Hey, I heard noises from this private room! What the hell!" Nanindig ang kaniyang balahibo nang matanaw ang

  • Love Revenge Game    Chapter 44: Heart Ache

    CHENANIAH XYRAHʼS POVKatatapos lamang namin lumikha ng proyekto ni Raze sa kanilang mansyon nang kumagat na ang dilim kung kayaʼt napagdesisyunan niyang magkaroon ng bangkete kasama ang mga kusinero, hardinero, badigard, at mutsatsa. Akoʼy humanga sa kaniya, saka sinusubukang pigilin ang aking paghalhal, sapagkat batid ko na siyaʼy nangangatuwiran lamang upang manatili pa ako ng ilang oras sa kanila at sumalo sa piging. Sa katunayan, masama ang kaniyang loob sa akin, sapagkat hindi ako makatutulong sa kaniya sa kusina upang maghurno ng keyk na may ibaʼt ibang linamnam o klase kagaya na lamang ng Dark Chocolate Raspberry, Italian Creme, Neapolitan, Lemon Poppy, at Peanut Butter Chocolate, sa kadahilanang mabigat ang aking kamay. Kailanmaʼy hindi sumagi sa aking isipan na ang mga nilalang na nakahiga sa salapi at di madapuang langaw ay asal hayop na pinagtatabuyan ang mga anak-dalita. Bukal sa loob ng aking nobyo ang pagtulong sa mga butas ang bulsa at mga batang lansangan na butoʼt-b

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status