"KUMUSTA naman ang araw mo?" napansin ni Edward na masaya si Hannah, hawak ang basag na cellphone."Ayos naman.. yun.. akala nila maiisahan nila ako.." nakangising sabi ni Hannah, saka nilingon siya ,"kaunti na lang.. hinihintay ko lang mahulog pa ng tuluyan sa akin si Caleb..""Sa palagay mo, nahuhulog ba ulit siya sayo?" naupo si Edward sa harapan niya, "ako ang asawa mo, pero hindi ako ang nagtanggol saiyo kanina.""Okay lang yun, alam mo naman na masaya na ako na alam kong nasuporta ka sa akin. Napirmahan na ba niya ang kontrata?" tanong ni Hnnah, ang tinutukoy ay ang share na 51 percent ng kumpanya."Hindi pa naiibalik sa opisina, pero sabi ng spy natin sa loob, binabasa na daw iyon ni Caleb at nakahilera na iyon para pirmahan.." mahinang sagot ni Edward."Kapag napirmahan niya na 'yon... tapos na ang laro," malamyos ngunit mapanganib ang tono ni Hannah habang marahang pinahid ang basag na screen ng cellphone gamit ang kanyang daliri. Parang isang paalala iyon sa lahat ng sakripi
"ANO na namang ginawa niyo?" tanong ni Caleb habang nasa labas ng rehas at nakatingin kina Miraflor at Leona.Dumating ang magulang ni Ellaine, subalit galit na galit ang mga ito kina Leona, at sinampal pa si Ellaine ng dahil sa sumbong ng mga babae kanina sa labas. Hindi na muling pahihintulutang sumama si Ellaine kay Leona dahil sinisira daw nito ang reputasyon ng pamilya nina Ellaine."Wala kaming ginagawa, inatake lang ng kaartehan ang Hannah na iyon.." sagot ni Miraflor sa anak."Sinira niyo daw ang cellphone niya!" sabi pa ni Caleb sa ina."Natapakan ko lang ng hindi sinasadya.." sagot ng matandang babae, "tanga kasi siya, napaka clumsy.. nabitawan niya, tapos ayun.. nabitawan niya, naapakan ko..""Kaya pala nabutas ng takong niyo?" naiinis na tanong ni Caleb, "nananahimik yung tao, pero ang nagnyayari, gumagawa kayo ng paraan na guluhin siya!"Napabuntong-hininga si Caleb. Nanginginig na ang kanyang mga kamay sa sobrang inis, pilit pinipigilan ang sarili na sumigaw. Lumingon si
KINABUKASAN..Hindi inaasahan na magkikita sina Leona at Hannah sa isang shopping center. Nag iisa noon si Hannah dahil hinihintay pa niya si Renzelle, samantalag si Leona, ay kasama sina Ellaine at Miraflor."Well.. at narito na naman pala ang mang aagaw na babaeng ito.. bakit kaya?" nakangising sabi ni Ellaine na nilapitan si Hannah habang nakaupo sa bench sa mall."Baka nag aabang ng bagong sugar daddy," natatawang sabi ni Miraflor.Dinedma niya ang mga ito, at nanatiling nagkakalikot sa kanyang cellphone. Hindi man lang niya nilingon o tinapunan ng tingin ang tatlong babaeng kamukha ng mga step sister at madrasta ni Cinderella."Wow, ang lakas ng loob mandedma.. halatang naduduwag.." akangising sabi pa ni Ellaine at tumigil sa harapan niya."Hoy, ang kapal naman ng mukha mong magkunwari na hindi kami nakikita," sita sa kanya ni Miraflor. Inis na inis ang matanda sa kanyang inaarte.Biglang tinabig ni Leona ang kanyang cellphone at tumalsik iyon sa sahig."Ooops! sorry, nasagi ko a
Pagdating ni Caleb sa bahay niya, huminto siya sa harap ng pinto. Saglit siyang napatitig sa kahoy na may gasgas pa mula sa huling pag-aaway nila ni Hannah—isang gabing puno ng sigawan, luha, at galit. Isang gabing akala niya'y katapusan na ng lahat.Binuksan niya ang pinto at sinalubong siya ng katahimikan. Tahimik ang bawat sulok, tila ipinapaalala sa kanya ang kawalan. Umupo siya sa sofa, hinubad ang sapatos, at ibinagsak ang sarili sa likod ng upuan. Napapikit siya habang inuulit sa isipan ang tanong ni Leona: “Mahal mo pa rin ba siya?”Hindi ba’t iyon din ang tanong na matagal na niyang iniiwasan?Binuksan niya ang kanyang cellphone. Doon ay naroon pa rin ang larawan nila ni Hannah noong bagong kasal pa sila—naka-save pa rin, hindi niya mabura. Ang tanga, ‘di ba? Matagal na silang wala, pero heto siya’t hindi pa rin tuluyang nakakawala.Pinindot niya ang ‘Message’ icon, at sinubukang mag-type:“Kamusta ka?”Pero hindi niya naipadala. Binura niya. Ayaw niyang ipakita kay Hannah na
Pagkaalis ng sasakyan nila Caleb nanatili siyang nakatingin sa salamin sa labas. Nakakatawa talaga ang mga taong iyon. Muling tumahimik ang restaurant matapos umalis ng mga ito. Ilang tao pa rin ang lihim na sumusulyap kay Hannah, marahil sa gulat sa mga pangyayari. Pero hindi siya natinag. Hinigop niya ang natitirang sabaw sa mangkok, pinahid ang labi gamit ang panyo, at saka tumayo—matikas, matatag. Hindi na siya ang Hannah na dating umiiyak sa bawat sakit na idinulot ni Caleb. Ngayon, siya na ang nagbibigay ng sakit.Paglabas niya sa restaurant, isang babae ang naghihintay sa gilid ng pinto. Si Renzelle. Tahimik itong nakasandal sa poste, hawak ang susi ng kotse. Walang tanong, walang sermon, kundi isang tangong puno ng suporta."Naenjoy mo ba?" biro ni Renzelle, habang inaabot ang pinto ng sasakyan. "Mukhang ang ganda ng eksen kanina. Inasar mo talaga si Leona?""Masarap ang ramen," sagot ni Hannah, saka tumawa. "Masarap na panghimagas ang pagkainis ng babaeng iyon. Takut na takot
Nagtagpo ang kanilang mga mata—puno ng mga alaala, ng mga “sana,” ng mga tanong na hindi kailanman nasagot. Si Caleb ay parang batang naligaw sa sariling landas, samantalang si Hannah, sa kabila ng marupok niyang anyo, ay may itinatagong layunin.“Kung gusto mo talaga ng kasagutan…” mahina ngunit matalim ang tinig ni Hannah, “kailangan mong harapin ang buong katotohanan. Hindi puwedeng kalahati lang ang alam mo, Caleb. Kasi kung pipilitin mong makuha ako muli, dapat alam mo rin kung sino na ako ngayon.”Napakunot ang noo ng lalaki. “Anong ibig mong sabihin?”"May taong handang sumalo sa kalagayan ko, at parang nais ko na siyang tanggapin. Napapagod na rin naman ako.." maiksi niyang sagot."Ha?" medyo may galit sa mga mata ni Caleb, "akin ang batang yan tapos iba ang gusto mong maging tatay? hindi ako makakapayag!""Ayoko ng gulo, Caleb, hayaan mo na lang kaming mabuhay ng mapayapa. Sinabi ko lang sayo ang kalagayan ko, para hindi ka magulat sakaling makita akong muli na malaki ang tiy
Ngunit si Caleb, hindi mapakali sa sagot na iyon. Hindi siya sanay na magkunwaring wala lang, lalo na kung ang posibilidad na siya ang ama ng dinadala ni Hannah ay hindi pa malinaw. Ramdam niya sa bawat tibok ng puso niya ang tensyon—hindi dahil sa takot, kundi dahil sa pag-aalala. At, oo—pag-asa rin. May bahagi pa rin ng damdamin niya para kay Hannah, kahit pa pilit na niyang inilibing iyon sa piling ni Leona.“Hindi mo ba naiisip, Hannah, na karapatan kong malaman kung anak ko ‘yan?” mahina pero matatag na tanong niya.Napabuntong-hininga si Hannah. “Iniisip ko. Araw-araw. Pero tuwing iisipin kong sabihin sa’yo, tinatanong ko ang sarili ko kung para saan pa. Para guluhin lang muli ang buhay natin? Para wasakin ang kung anong meron ka na kay Leona? Caleb, hindi ito simpleng bagay. Hindi ito pelikula. Hindi ito love story. Masaya ka na sa buhay mo, at ako naman sa buhay ko. Hindi siguro tayo itinadhana, talagang pinagtagpo lang tayo.” mas pinalungkot pa ni Hannah ang kanyang anyo at t
"HANNAH?" nakita ni Caleb si Hannah na naglalakad sa gilid ng kalsada hawak ang kanyang mga pinamili.Agad narinig ni Hannah ang tinig niya. Tumigil ito at nilingon siya, "Caleb..""Saan ka pupunta?" bumaba siya at nilapitan ang babae, "tutulungan na kita."Hindi ito tumanggi, sa halip ay ibinigay nito sa kanya ang mga pinamili nito upang siya ang magdala.Iginiya siya ni Hannah sa isang restaurant."Gutom na kasi ako, kumain ka na ba?" tanong ng babae sa kanya.Napamulagat siya. Iba na talagang makitungo si Hannah sa kanya, matapos niyang maghiwalay tatlong buwan na ang nakakaraan. Naka move on na kaya ito?"Sige, hindi pa ako kumakain," nakangiti niyang sagot sa babae.Pagpasok nila sa restaurant, agad silang inasikaso ng isang waiter. Pinili ni Hannah ang upuang malapit sa bintana, kung saan tanaw ang abalang kalsada. Tahimik silang naupo. Si Caleb, habang iniaabot ang mga pinamili sa ilalim ng mesa, ay lihim na nagmamasid sa babae—tila ba sinusubukang alalahanin kung ganito rin ba
"--Pe-- pero .." hindi siya makapaniwala sa hinihiling nito. Paano siya makakapaghiganti, kung alam ng mga kaaway niya na may malaking taong sumusuporta sa kanya?Paano niya mapagmumukhang tanga ang mga ito? Hindi pa siya handa.. ayaw muna niya ngayon..Subalit tila ba pursigido si Edward na kumbinsihin siya. Binuhat siya nito saka marahang inihiga sa kama, "Mas madali mo silang mapapabagsak, kapag alam nilang nasa likod mo ako.." tumabi ito sa kanya, at hinila ang kumot patakip sa kanilang mga katawan."Pero ninong.. paano kung--" hindi na niya makuhang mangatwiran dahil palaging may sagot si Edward."Ssssh.. hindi naman kita minamadali.. pag isipan mo munang mabuti ang lahat. Handa naman akong maghintay kung kailan ka papayag.."Subalit sa isipan ni Edward, nais na niyang makuha ang kumpanyang hinahangad niya.Marami siyang plano para dito. Hindi niya iyon magagawa, kung hindi siya lalantad bilang asawa ni Hannah.Isa pa.. hindi naman niya gagawing kaawa awa si Hannah, sa katunayan