“Alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo,” sabi niya kay Hannah, habang nakatitig sa mga mata nito. “Alam mo?” napamaang na lang si Hannah ng marinig ang sinabi niya. Ang mga mata nito ay unti unting nabasa na parang binubukalan ng tubig. “Oo– alam ko ang lahat ng nangyayari sayo, Hannah.. At marahil.. Natatandaan mo na kung sino ako,” sabi niya sa babae. “Ni-ninong Edward–” halos pabulong lang ang tinig na iyon, subalit puno iyon ng pagsusumamo at parang paghingi ng tulong. “Anong nais mo?” tanong niya kay Hannah, determinado siyang tulungan ito sa abot ng kanyang makakaya. “Nais ko silang magdusa.. At magsisi sa mga ginawa nila sa akin. Nais kong lumubog sila at masaktan, gaya ng mga ginawa nilang kahayupan sa akin ninong. Gusto ko silang gumapang sa putik kung saan sila nagmula. Nais kong bawiin ang lahat ng pag aari ko!” umiiyak nitong sabi sa kanya. Nahabag si Ed sa babae. Pinagmasdan niya ito ng husto. "Pwede kitang tulungan, pero may kondisyunes ako sayo.." sabi niya dito. "Kahit ano ninong, gagawin ko, sabihin mo lang!" determinado ang mga mata ni Hannah habang nakatingin sa kanya. "Pakasalan mo ako.. Nais kong magkaroon ka ng karapatan sa kayamanan ko, upang makalaban ka ng patas sa kanila. Sa papel lang tayo magiging mag asawa hannah.. nais ko lang na makapaghiganti ka.."
View MoreTatlong taon ng kasal si Hannah kay Caleb Endaya na isang CEO ng International Trading Company. Sa kabila ng pagiging mabuting may bahay, ni hindi man lang niya maramdaman ang pagmamahal ng kanyang asawa.
Madalas siyang binabalewala nito na parang isang basahan.
Noong una, bago siya pakasalan ng lalaki, maayos naman itong nakikisama sa kanya. Hanggang sa mawala na ang kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente, at halos ang kanilang kumpanya ay inangkin na ng lalaki.
Oo, ang kumpanya kung saan ito naghahari harian ay totoong sa kanya. Subalit dahil sa pagmamahal niya dito, pinili niyang isuko iyon at maging isang may bahay na lamang, at umasang darating ang isang araw, na matatapunan na siya ni Caleb ng kahit konting pagtingin.
Ngayong kaarawan nito, nais niya itong sorpresahin, at humingi ng posisyon sa kumpanya, upang makapagtrabaho naman siya at hindi tuluyang malugmok sa lungkot. Ang tatlong taon na pagiging may bahay, ay hindi madali sa isang katulad niyang sanay sa buhay sa labas.
Ngunit ngayong araw.. Masasaksihan niya ang isa sa pinakamasakit na parte sa buhay pag aasawa…
Dala ang isang home made na cake, at isang simpleng regalo, dumaan siya sa isang mall dahil nakalimutan niyang bumili ng kandila para sa dala niyang cake.
Sa kanyang pagmamadali, hindi niya napansin ang isang lalaking naka suit, na lumabas mula sa isang mamahaling boutique.
Nakabanggaan niya ito, na muntik ng magbunsod sa kanyang pagkabuwal. Halos mabitawan niya ang cake na kanyang dala.
“Pasensiya na po..” paghingi niya ng paumanhin dito.
Ngunit hindi man lang siya pinagtuunan ng pansin ng estrangherong lalaking iyon. Matangkad ito, suot ang isang mamahaling kasuotan. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad, na para bang wala siyang halaga na hindi na kailangang lingunin.
Ang nakatalikod na pigurang iyon ay tila ba madalas niyang nakikita, ngunit hindi siya sigurado.
Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad at excited na makarating sa kumpanya kung saan naroroon si Caleb.
Ngunit pagdating niya sa mismong pinto ng opisina ng kanyang asawa, hinarang agad siya ng guwardiya at pinigilang makapasok.
“Hindi ka maaaring pumasok ma’am kung wala kang appointment,” sabi nito sa kanya habang hinaharangan siya.
“Bakit? Ako si Hannah Endaya, asawa ako ng CEO ng kumpanya,” mahinahon niyang sagot dito. Wala na ang mga dati nilang tauhan at napalitan ng mga baguhan, kaya hindi siya kilala nito.
Ang ibang staff na naroroon ay nagkatinginan ng makahulugan. Mukhang may nangyayaring hindi maganda sa loob. Dahil sa kaba, hindi na niya hinintay na bigyan siya ng pahintulot na makapasok. Agad niyang pinihit ang seradura at itinulak ang pinto.
Doon niya nakita, ang isang tagpong nagpaguho ng kanyang mundo, at sumira ng kanyang pangarap.
Si Caleb, ang asawa niya sa loob ng tatlong taon, at ang lalaking pinakamamahal niya, ay nakasandal sa pader, habang nakikipaghalikan at nakikipagyakapan sa kanyang secretary na si Leona Bermudez!
“Anong ginagawa mo dito?” malamig na tanong ni Caleb, na hindi man lang mababakasan ng kahit kaunting pagsisisi. Hindi rin ito nagulat. Parang balewala lang dito kung ano ang nakita ng asawa.
“Ba–bakit….?” mahina ang tinig ni Hannah. Hindi niya malaman, kung para saan ang tanong na iyon, at kung tatapusin pa ba niya ang mga salitang nais niyang bitawan.
Napahalakhak si Leona, saka siya nilingon at habang naglalakad papalapit sa kanya, puno ng pang iinsulto ang tinig nito.
“Hannah, hindi mo pa rin ba naiintindihan? Ikaw ay isang ekstra lang sa eksenang ito,” lumigid pa ang babae sa kabuuan ni Hannah, saka hinawak hawakan ang kanyang buhok at damit, “ang boring mo. Hindi ka ata nagsusuklay. Itong damit mo, basahan ba yan? No wonder, na parang ayaw ng umuwi ni Caleb. Sino ba naman ang gaganahan sa isang babaeng walang kwenta? Isa ka lang may bahay na walang silbi. Hindi man lang minahal ng asawa, kahit kailan.”
Lalong nanikip ang dibdib niya ng marinig ang hayagang pang iinsulto ng babae. Ito na ang kabit, ito pa ang matapang.
Subalit lalo lang sumama ang kanyang loob, ng marinig ang sinabi ni Caleb.
“Wala kang ibang naging silbi, kundi maging isang parausan. Doon ka lang naman magaling, ang magpainit sa kama. Sinisira mo ang moment namin. Pero kahit kaarawan ko, ako ang may huling regalo para sayo..” sabi nito sa kanya.
Itinapon ni Caleb ang isang envelope sa harapan niya, at ng usisain niya ang laman niyon, divorce papers.
Ganito na lang ba iyon? Matapos siyang lokohin ng lalaki at kwartahan, ito pa ang may ganang makipaghiwalay sa kanya?
“Pirmahan mo na yan, at umalis ka na sa buhay ko,” utos ni Caleb, “nakakapagod ng magpanggap na mabuti sayo. Ngayong nakuha ko na ang gusto ko, ano pa ang silbi mo?”
Halos hindi na siya makahinga, dahil sa eksenang iyon. Ang pang iinsulto ng mga ito sa kanya ng harapan, ay parang hindi na makain kahit ng aso.
Kinuyom niya ang kanyang kamao, ilang sandali pa, muling tiningnan ang papel, at dahan dahan iyong itinupi.
At sa unang pagkakataon, napangiti siya.. Isang mapait ngunit matapang na ngiti.
“Hindi mo ako basta basta maiitulak palayo, Caleb,” sabi niya sa lalaki, habang pinupunasan ang kanyang mga luhang nalalaglag sa pisngi, “Kayong dalawa ng kabit mo, ay humanda sa pagbabalik ko..”
“Wag ka ng maraming sinasabi diyan! Lumayas ka!” sigaw ni Leona sa kanya, “Guard, palabasin ang babaeng ito at siguraduhing hindi na siya makakatuntong muli sa opisinang ito!”
Kita pa ni Hannah ang ngisi ng dalawang iyon, habang unti unting sumasara ang pintuan ng opisina.
Nangako siya sa kanyang sarili, na magbabago, at ipapakita niya kay Caleb na hindi siya basta basta babae lang na maaari nitong apak apakan.
"KAILANGANG mabawi natin si Hannah at ang kanyang anak! hindi mo man lang ba nakita yung sulat na iyon ng mga dati mong biyenan?" nanlalaki ang mga matang sabi ni Miraflor kay Caleb."Hindi ko talaga siya nakita, mommy. Malay ko bang nasa last will pala nila yun." wika ni Caleb, "sa totoo lang, dapat, hindi ko hiniwalayan si Hannah, para may control pa rin ako sa kanya. Ang hirap niyang daanin sa pakiusap. Napagod na akong magpakabuti. Lahat na ,ginawa ko para lang bumalik siya, pero talagang nagmatigas na si Hannah. Hindi rin ako naniniwalang kasal na sila ni Edward.""Basta, kaya naman nating palabasin na anak mo ang batang iyon. Madali na yan, basta may pera!" sabi pa ni Miraflor sa anak."Kaya nga. Malay ko bang matapos naming ma annul ni Hannah, mag aasawa agad siya ng isang mayaman! or kung palabas man ang pagpapakasal nilang yun, iba pa rin dahil makapangyarihan si Edward Ignacio. Pero hanggang marami tayong resources, kaya natin silang malusutan," nakangiting sabi pa ni Caleb
Habang hinihintay ang pagdating ng forensics team ni Lou, ramdam ni Renzelle ang bigat ng responsibilidad na nakapatong ngayon sa kanyang mga balikat. Hindi lamang buhay ng kaibigan niyang si Hannah ang nakataya—pati ng sanggol na si Hope, at ng katotohanang sinusubukang baluktutin ng mga taong gahaman sa kapangyarihan at kontrol.Bumalik siya sa silid at sinilip sandali si Hannah. Mahimbing pa rin ang tulog nito, marahil dahil sa gamot, marahil dahil sa pagod. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay."Konting tiis pa, Han," mahinang bulong ni Renzelle. "Hindi ko hahayaan na maagaw nila ang anak mo."Bigla siyang napalingon nang marinig ang katok sa pintuan. Tumayo agad siya at binuksan ito. Tatlong kalalakihan ang nandoon—naka-itim, may dala-dalang hardcase equipment. Naka-identify badge ang isa: Lou Intelligence, Private Investigations.“Ma’am Renzelle?” bati ng isa.Tumango siya. “diyan na tayo sa labas.”Lumabas siya dala ang laptop. “Nandiyan ang flash drive. Kailangan nating
“Anong ginagawa mo rito?” mariing tanong ni Renzelle, ramdam ang pamumuo ng tensyon sa paligid. “Paano mo nalaman kung nasaan kami? At anong totoo ang sinasabi mo?”Tila hirap magsalita si Leona, ngunit nagpursigi. “Hindi ako andito para manira. Hindi rin ako andito para magkunwari. May mga bagay kang hindi alam, Renzelle. Si Caleb… hindi lang basta gusto si Hope. Gagamitin niya ang bata para saktan si Hannah. Para makuha ang mga dokumentong iniwan ni Edward—yung mga ebidensya laban sa kompanyang hinawakan nila dati.”Kumunot ang noo ni Renzelle. “Anong konek ni Hope sa mga dokumento?”“Hindi si Hope ang habol nila, kundi si Hannah. Pero alam ni Caleb na hindi basta-basta lalabas si Hannah sa ospital o sa bahay niyo kung walang dahilan. Kaya’t ginagamit niyang dahilan ang ‘paternal rights’ kuno para makalapit. Ang totoo, may inutusan siyang tao na peke ang pagkatao—isang social worker—na magpepresenta ng court order para makuha si Hope.”Nanlamig ang batok ni Renzelle. “Imposible. Hin
Hindi makapaniwala si Renzelle, agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Edward."Totoo bang nagpadala ka ng mga bodyguard dito?" bungad niya sa lalaki."Oo, para na rin sa kaligtasan ng mag ina. May banta mula sa kampo nina Caleb na kukunin nila si Hope," tugon ni Edward. "Pero, wag mo na lang ipaalam kay Hannah, ayokong mag alala ang asawa ko. Makakasama sa kanya yun.""Hindi na talaga tumigil ang lalaking yun!" inis na sabi ni Renzelle, "ano pa bang habol niya!""Pinag uusapan pa namin ngayon ng mga lawywer ko.""Pinag-uusapan pa namin ngayon ng mga lawyer ko," seryosong dagdag ni Edward. "May posibilidad na maghain sila ng petition para sa custody. Gusto nilang palabasin na si Caleb ang ama ni Hope."Napasinghap si Renzelle, halos mabitawan ang cellphone sa narinig. "Anong—anong sinabi mo? Custody? Si Caleb? Pero... paano nila nagawang umabot sa ganito?""May hawak silang mga pekeng dokumento, Renzelle. Pinapakita raw na si Caleb ang ama, na si Hannah ay hindi fit
Tahimik na tumango si Hannah, pero bago pumikit ay humawak muna siya sa kamay ni Renzelle. “Salamat talaga. Sa lahat. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi mo ako sinabayan ngayong mga panahong ‘to.”Ngumiti si Renzelle at dahan-dahang pinisil ang kamay ni Hannah. “Gano’n talaga ang magkaibigan. Walang iwanan. At kahit anong mangyari, hindi kita pababayaan.”Iniwan niya sa pagkakahiga si Hannah at marahang lumabas ng silid. Habang tinatahak ang maikling pasilyo patungo sa nursery room, dama niya ang kakaibang katahimikan—hindi malungkot, kundi mapayapa. Sa wakas, parang unti-unti na siyang nakakahinga. Unti-unti na ring gumagaan ang bigat sa dibdib na matagal na niyang kinikimkim.Pagdating niya sa silid, natanaw niya agad si Hope sa loob ng incubator—maliit, mahina pa ang katawan, pero may tibok na matatag, at may hiningang nagpapatuloy sa laban. Napangiti siya, sabay idikit ang palad sa salamin.“Hello, baby,” mahina niyang bulong. “Alam mo ba, ako ang ninang Renzelle mo.
"Pero--" parang nag aalinlangan si Hannah, "yung totoo, ayaw mo na bang balikan ang asawa mo? I mean.. ano bang balak mo sa relasyon niyong dalawa?""Marami pa siyang kailangang iaccomplish sa buhay ng hindi ako kasama.. matuto siya sa mga bagay bagay at malaman niyang hindi lahat ng nais niya ay makukuha niya." nakangiting sagot ni Renzelle. "Ayokong sumabay sa kanya, nais kong tumahak siya ng landas na hindi ako kasama, baka sakaling matagpuan niya ang tunay kong halaga."“Ang totoo,” dagdag pa ni Renzelle habang bahagyang tinutok ang tingin sa kisame, “mahal ko pa rin siya… Hindi basta mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nag iisa siyang lalaki sa buhay ko.. pero hindi sapat ‘yung pagmamahal lang. Hindi na ako puwedeng bumalik sa cycle na ako lang ang laging sumusubok. Kailangang matutunan niya na ang tunay na pagmamahal, hindi inaasahan—pinaglalaban, pero hindi pinipilit. Naniniwala kasi ako na ang pagmamahal, kapag totoo, kahit ano pa ang dumating, kahit ano pa ang kaharapin, hi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments