Share

Kabanata 30: Bagong Trabaho, Bagong Buhay

Sinimulan nang maglakad nila Erik at Niknok upang subukan ang kapalaran kung aayon ba ang suwerte sa binata.

“Kuya Erik, saan mo ba balak maghanap? Masyadong magulo ang lugar dito. Pakiramdam ko mawawala ako dito. Ok lang sana kung kagaya sa bundok na lagi nating nilalakad na kapag kinabisado mo lang ang itsura ng mga puno siguradong hindi na tayo maliligaw. Hindi tulad dito nagtataasan ang buong paligid. Mahirap nito baka bumagsak pa ang mga iyan habang naglalakad tayo,” wika ni Niknok na halatang nag-aalala sa mga nakikita niya sa paligid.

“Nok, hindi naman basta-basta babagsak ang mga nagtataasang gusali. Maaari pa siguro kung lumindol nang napakalakas,” usal ni Erik. “Daan nga pala muna tayo sa bahay ni Leslie hindi pa kasi ako nakakapagpaalam doon at para makapagpasalamat na rin sa tulong na ginawa niya,” dugtong ni Erik.

“Alam mo ba Kuya, tingin ko doon kay Ate Leslie may gusto ‘yon sa iyo,” hinala ni Niknok.

“Ikaw talaga Nok, kung anu-ano ang naiisip mo. Siguro likas lang t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status