Share

Kabanata 7

Hindi ako nakakain dahil sa pag iisip. Sobra akong kinakabahan at di mapalagay dahil sa sinabi ng lalaki kanina. At kahit anong pilit ko sa sarili na maging matapang, nilalamon pa rin ng takot at pangamba ang emosyon ko.

Yung gustong gusto kong maging matapang sa harapan ng walanghiyang may pakana nito sa 'kin, pero sa tuwing naiisip ko na baka hindi lang iyon baliw kundi isang halimaw ay pinapangunahan agad ako ng kaduwagan.

Napasabunot ako sa buhok ko. Para na 'kong mababaliw sa pag iisip.

Hanggang sa hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil sa matinding pag iisip. Nang muling bumukas ang pintuan ay saka pa lamang nabaling ang atensyon ko.

At mas sumibol ang bolta boltaheng kaba nang masilayan ko na dalawang lalaki ang pumasok ngayon.

"Ano miss beautiful, nagdasal ka na ba?" Biglang bulalas ng isang lalaki habang naglalakad ito papalapit sa 'kin kaya napayakap ako sa sarili ko habang napapaatras.

"A--- ano ang gagawin niyo sa 'kin?" Pinatatag ko ang boses kahit pa man nanganga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status