Agad na itinulak ni Ethan ang babaeng nakayakap. Nakita niya ang killer look ni Hanna. Bakit naman kasi saktong sakto ang pagyakap ni Casey sa pagdating ni Hanna? Sana naman ay hindi nito natandaan ang ex-girlfriend.Agad lumapit si Ethan sa kanya. “May problema lang si Casey kaya napayakap siya sa akin. Walang ibig sabihin ang nakita mo.”She tried to look nonchalant. Kunwari wala siyang pakiaalam. “Pumunta lang kami dito para makita ang kumpanya,” paalis na din kami.“Teka akala ko ba yayayain nating kumain sa labas si Ethan?” sabi ni Cali.“Huwag na, busy siya hindi ninyo ba nakita?” aniya at lumabas na. Humabol naman si Ethan.Sumakay sila sa elevator. “Nagseselos ka ba? Huwag ka ng magalit.”“Bakit ako magagalit? Hindi nga kita kilala. Baka kaya kita hindi maalala kasi puro sama ng loob lang ang binigay mo sa akin dati,” ismid niya.Napakamot sa ulo si Ethan at sumunod sa kanila palabas ng building upang magtungo sa parking lot. Huminto sila sa isang restaurant at umorder ng sea
Agad tinawagan ni Ethan ang isa sa miyembro ng security team nito upang magpasundo. Napansin niyang naging balisa ang asawa ng may kausapin sa telepono. Panay din ang linga nito sa paligid. Hindi din ito tumitigil sa pag-cha-chat.Tulala naman siya dahil sa nangyari sa kanila. Bakit ba siya agad pumayag na may mangyari sa kanila? Walang pagsisisi ngunit nahiya siya kay Ethan.“May problema ba? Bakit parang balisa ka?” tanong niya ng wala pa din itong kibo.“Wala naman. Huwag kang mag-alala.” Kinuha nito ang kanyang kamay at dinala sa labi.Nakarating na sila sa mansyon at napansin niyang naging doble ang bilang ng security guards nila. May banta ba ng panganib sa buhay ni Ethan? Kunsabagay, bilyonaryo ito at kagabi lang ay may balita sa telebisyon tungkol sa kidnapping ng isang negosyante. Natural lamang na mangamba ito.Agad siyang pumasok sa kwarto upang maligo at ng makarga ang anak kapag nagising na ito. Isasara na niya ang pinto ng pinigil ito ni Ethan.“Hanna, gusto kong sabihi
Nagluluksa pa din si Ethan sa pagkamatay ng kanyang ina. Siya muna ang tumutulong kay Lola Miranda upang magpatakbo ng kumpanya.“Kevin, pwede bang dumaan muna tayo sa coffee shop, kain lang ako ng breakfast saglit bago pumasok sa opisina,” aniya kay Kevin na itinatalaga ni Ethan bilang kanyang driver at bodyguard. Itinuro niya ang restaurant.“Sige po, Ms. Hanna.”Pumasok siya sa restaurant at umorder ng kanyang paboritong pasta. May nakita siyang dumating na babae na pamilyar sa kanya! Si Lyn, ang kanyang bestfriend. Agad siyang kumaway at yumakap dito.“Long time no see! Kumusta ka na?” aniya.“Oo nga, grabe ang tagal na nating hindi nagkita. Miss na kita, sobra!”Niyaya niya ang matalik na kaibigan na kumain muna kasabay niya. May kasama itong lalaki na ngayon lang niya nakita. Naupo sila sa kinauupuan ng lalaking naghihintay.Kinalabit niya si Lyn. “Boyfriend mo?” tanong niya.“Oo, bago lang kami kaya hindi mo siya kilala. Si Mark.”Ipinakilala siya ni Lyn kay Mark. Mukha namang
“Huwag kang lalabas ng kwarto. Isara mo ang pinto.” Mahigpit na bilin ni Ethan kay Hanna. Lumabas siya agad ng kwarto upang tignan ang labas. Tinawagan niya si Kevin. Nagsikilos ang mga ito at pinaligiran ang mansyon. Nakita nilang nakabulagta at walang malay ang dalawang security guards sa likod.Tumalon si Luis mula sa mataas na bakod. Natumba ito at agad na tumayo bago pa siya maabutan ng mga tauhan ni Ethan. Biglang may humintong sasakyan. Si Lucas.“Anong ginawa mo sa mansyon ng mga Rodriguez?”“Babayaran kita sa pagliligtas mo sa akin ngayon,” sa halip na sagot ni Luis.“Magnanakaw ka ba o mamamatay tao? Nagkakamali ka ng pinasok na bahay. Pero kung nakatakas ka sa mga bantay, magaling ka.”“Ibaba mo ako diyan sa kanto.” Huminto si Lucas sa pagmamaneho.“Well, kung may masama kang balak sa mga Rodriguez lalo kay Ethan. Then, magkakasundo tayo.”Natigil si Luis sa pagbaba ng kotse. “Gusto kong makuha si Hanna.”“Oh boy, kung gusto mo si Hanna. Patayin mo muna si Ethan. Magtulunga
May nadinig na tunog ng cellphone si Hanna. Muntik siyang atakehin sa puso. Akala niya ay sa kanya. Buti na lamang at cellphone pala ni Don Emilio ang tumunog. Umalis ito sa veranda.“Hello, nakahanda na ba ang lahat ng plano? Siguraduhin mong malinis ang lahat at walang kapalpakang magaganap. Matagal ko ng gustong mapasaakin ang yaman ng mga Montemayor. Simula pa lamang noong sanggol si Ethan. Buhay pa din hanggang ngayon. Dapat siyang unahin bago si Rosa.”Mahabang katahimikan.“Patahimikin mo na ng tuluyan ang tumayong nanay ni Ethan sa mental hospital. Baka maisipan pa nung kumanta sa mga pulis.” Muling nagsalita si Don Emilio.Nanghilakbot siya sa nadinig. May kinalaman si Don Emilio sa pagkawalay ni Ethan sa pamilya noong bagong silang pa lamang ito!Hindi sila safe sa mansyon dahil may kasama silang masamang tao! Dapat itong malaman ni Ethan. Kailangan nila ng matibay na ebidensya upang makulong ang matanda.Gabi na ng dumating si Ethan. Mukhang pagod ito at wala sa mood. Sinal
Niyakap ng mahigpit si Hanna ni Ethan. “Huwag kang matakot. Kasama mo ako. Hindi ka niya masasaktan. Dadaan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko.” Hinaplos nito ang kanyang mukha.“Teka, paano kung lumapit siya at may dalang baril?”“Wala naman akong nakikitang ibang tao maliban sa atin at sa mga staff.” Nilinga nito ang paningin.“Matutuwa siya kapag nakita tayong natatakot. Kalma ka lang.” Hinalikan siya ng asawa sa labi. “Inggitin na lang natin ang hayup na ‘yun. Hindi ka niya makukuha sa akin.”Ipinulupot niya ang kamay sa beywang ni Ethan. Takot siya ngunit tama ito. Bibigyan niya lamang ng kasiyahan ang stalker kung magpapakita siya ng takot. Tinawagan nito si Kevin at ilang minuto lang ay madami ng security guards ang naglalakad lakad sa paligid. Hindi na nila sinabi sa mga taong kasama nila dahil baka masira pa ang kanilang bonding moments. Naglibot sina Kevin ngunit wala namang nakitang ibang tao. Wala naman daw dapat ipag-alala.Masayang nagkakainan at nagkakantahan ang buong p
Hindi napuruhan ni Hanna si Luis kaya naman tila ito manunuwag sa labis na galit sa kanya. Nakita niyang pumutok ang ulo nito at tumulo ang dugo na hindi man lang nito ininda.Lumapit ito sa kanya at nilamutak ang kanyang mukha at sinakal siya. “Gaga ka talaga! Inuuto mo lang pala ako! Matitikman mo ang bangis ko.”Nanghilakbot siya ng makitang nag-alis ito ng sinturon at ibinaba nito ang zipper ng pantalon. Hindi siya papayag na mapagsamatalahan!“Papaligayahin kita ng higit pa sa kayang gawin ng asawa mo!”Nagwala siyang pilit mula sa pagkakahawak nito sa kanyang leeg. Nakawala siya ngunit agad nahablot nito ang kanyang buhok at sinuntok siya sa sikmura. Muntik na siyang mawalan ng malay.Nang biglang bumukas ang pinto. Dumating si Ethan at Kevin na may kasamang mga pulis!Akmang tatakbo siya palapit kay Ethan ngunit nahawakan siya ni Luis. Kinaladkad siya nito papunta sa terrace ng condo. Inilabas nito ang baril.“Umalis kayo! Ipuputok ko ang baril sa ulo ni Hanna!” Napilitang luma
“Pasensya ka na, kung ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa nakaraan ay okay lang naman sa akin. Huwag ka ng malungkot,” sabi ni Hanna kay Ethan habang nakaunan siya sa balikat nito.“Lumaki akong takot magmahal dahil sa kinilala kong nanay. Bilang isang bata wala akong gustong gawin kundi ang mapasaya siya pero palagi siyang galit sa akin. Pilit inuunawa ng mura kong isip kung bakit palagi niya akong sinisigawan at pinapalo.”Napayakap siya ng mahigpit sa kanyang asawa. Nakadama siya ng awa para dito.“Hanggang isang araw ay umuwi kami ng tatay ko at nadatnan siyang may katalik na ibang lalaki sa mismong kwarto nila. Nagpakamatay si Tatay Anton dahil sa nasaksihan. Binaril niya ang kanyang sarili. Mga bagay na nakita kong lahat at hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa.”Hinagod niya ang pisngi ng asawa. Kaya pa madalas itong nagsasalita habang natutulog. “Bakit ka napunta sa kanila?”“May nagpaampon daw sa akin. Ibinenta ako sa halagang limang libo. Wala silang anak kaya tinanggap n