Share

Friday The 13th Ba Ngayon?

 

Multo?

 

Biglang preno si Blue sa kanyang gray na Honda civic. May nakita kasi siyang babae sa harapan pero sa isang iglap ay nawala ito. Bumaba siya ng sasakyan. Nanindig ang balahibo niya pagkakita sa babaeng nakahandusay sa harapan nito. Unti-unti niyang nilapitan ang nakadapang babae. Napalunok muna siya bago hinawakan ito.

Tao nga. Nabangga ko ba siya?

“Miss?” Sabay dutdut ng mukha nito na parang nadidiri o natatakot. “Miss… Gising…”

Walang reaksyon.

Dutdut... Wala pa din.

Pinaharap niya ito at inangat ang katawan nito. Pinakiramdaman niya muna ang ilong nito kung humihinga pa.

Buhay pa!

Lumingon siya sa paligid. Walang katao-tao doon dahil papaliko pa lang siya papunta sa highway. Mabilis siyang nagdesisyon. Sa kanyang pagbuhat sa babae ay siya namang paglaglag ng suot niyang relo na birthday gift sa kanya ni Jamie nitong taon.

Sa ospital na inabutan ng hapunan si Blue. Tiningnan niya kung anong oras na sa relo niya pero saka niya lang napansin na wala na ito.

Hindi talaga kami nakatakda.

“Paging the guardian of Miss Sadako, please proceed to Nurse’s Station.” Pagkarinig niya sa page ay pumunta siya sa nurse’s station para pirmahan ang mga forms.

Nagtext ulit siya sa manager. Halos pangsampung text na yata itong naisend niya rito dahil hindi ito sumasagot sa tawag niya.

Ibinaling niya ang mga mata sa pasyente. Wala itong identification at kung ano pa man.

“Tsk.Tsk. Tsk. Mukha talaga siyang multo. Naka-gown pa ng white lady,” tanging nasabi niya habang nakatitig sa babaeng nakahiga nang makabalik siya sa room nito.

Maya-maya ay biglang iminulat nito ang kanyang mga mata dahilan para magulat ang binata.

“Oh My!.” Biglang bumangon ang babae at biglang lumapit sa kanya at kinagat siya sa balikat. “Ouch!…” Pinindot niya ang intercom na nasa loob ng kuwarto. “Doc…Nurse... Help me!”

“Sino ka? Anong ginawa mo sa’kin? Nasa’n ako?” tanong ng pasyente sa kanya habang sobrang higpit ng pagkakahawak sa mga braso niya.

“Ako dapat magtanong sa’yo niyan,” tarantang sagot niya.

Nagsitakbuhan ang mga nurse at ang isang lalaking doctor papasok sa kuwarto ng pasyente pagkarinig ng sigaw niya. Ayaw pa sana siyang bitawan mabuti na lang ay tinurukan ang babae ng pampakalma.

Nakahinga nang maluwag ang lahat pagkakita na nakatulog uli ang babae.

“Dr. Ramon Alcantra by the way, Mr. Sandejas or shall I call you Blue?”

“Blue,” sagot ni Blue.

Nakipagkamay ito sa kanya pero inilagay nito sa kamay niya ang isang papel. Reseta pala. “Pain reliever ‘yan. Mukhang malakas ang kagat sa’yo ng babaeng ‘yon. Inumin mo agad yan.”

“Thanks. I really don’t know kung bakit niya ako kinagat. Sigurado ka ba talaga Doc na tao ‘yon?”

Natawa ang doctor. Halos singkwenta na ang edad ng doctor sa tantiya niya dahil sa nakakalbo nitong buhok. Medyo matanda ang ama ni Blue rito kung itsura ang pagbabasehan.

“Definitely yes, Mr. Sandejas. Sa tingin ko may dahilan kung bakit ganoon ang behavior niya.”

“Whatever reasons man ‘yan, hindi puwedeng basta na lang siya nangangagat.”

Pumasok sila sa opisina ng doctor.

“Magka-conduct kami ng tests pagkagising niya para malaman talaga ang totoong kalagayan niya. For the meantime we need to wait and observe. Pero, are you sure na wala ka man lang nakuha kahit anong identification niya?”

“Wala, Doc. Walang wallet o kahit ano pa man na dala.”

“Paano na natin ngayon malalaman ang pagkatao niya? By the way, kailangan natin ‘tong i-report sa pulis na nakabangga ka.”

“Doc, I can't report this. Sabi mo, wala namang damage sa utak niya base sa CT scan results. Besides, malaking intriga ito kapag nagkataon. Ayokong maging dahilan pa ‘to ng pagkabulilyaso ng upcoming movie ko. Alam mo naman ang media. Ayaw n’yo naman sigurong dumugin din kayo ng media rito.”

“Well…Tama ka diyan. Let’s wait for her na magising. Saka tayo magdesisyon after that. I also have to adhere to patient-doctor confidentiality. The hospital and staff can keep secrets pero hindi namin hawak ang ibang mga tao. For the meantime, ikaw ang guardian niya so ‘wag na ‘wag kang aalis kahit umagahin ka pa rito.”

Isinara niya ang pinto pagkalabas sa opisina ng doctor.

Nakatulog siya sa waiting stool sa labas ng kuwarto sa kakahintay kay CJ na suot ang face mask na binili niya sa pharmacy. Alas singko na ng umaga ito dumating na may bitbit na kape at sandwich.

“Bakit ngayon ka lang?” Para siyang nabunutan ng tinik pagkakita kay CJ.

“Sorry. Magkape ka muna. Tulog na tulog ako kagabi. Kanina ko lang nakita ang call logs at messages mo. Nasaan na ang biktima mo?”

“Follow me.” Magkasunuran silang pumunta sa kuwarto ng babae.

“Siya ba ang biktima?” tanong ni CJ na nakatingin sa tulog na babae.

“Biktima ka diyan.Wala tayo sa SOCO. Marinig ka nga.”

“In fairness ang ganda niya,” puri nito nang sumilip sa loob. “Parang kamukha siya ni Shaina Magdayao. Dumito ka muna, magtatanong lang ako sa isang kakilala kong pulis.”

Inilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang iniinom na kape para tingnan ang hitsura ng babaeng tulog. May pasa at galos ang mga paa nito na parang galing sa pagkadapa at pagtakbo. Ang kaputian ang nangingibabaw dito na aakalain talagang multo kung masasalubong ito sa madilim na lugar. Mahaba pa ang buhok. Napatingin siya sa mukha nito. Maamo naman ang mukha nito. Matangos ang ilong, pero mapuputla nga lang ang mga labi nito...

Bakit parang pamilyar si Sadako?

Napalunok ang binata. Natigilan siya sa pagmasid sa babae dahil parang gumalaw ito.

“By the way, may meeting si Direk sa FDCP sa Manila kaya bukas pa magsisimula ang script reading,” ani CJ habang busy pa din sa kakapindot ng cellphone nito.

Nabaling ang atensiyon nila parehas nang mapansing nagising na ang pasyente. Agad na nagtago sa likod ni CJ si Blue.

“Ako nga pala si CJ. Ito naman si Blue. Muntik ka nang masagasaan ng kasama kong ‘to kaya ka dinala rito. Wag kang mag-alala. Hindi kami masamang tao. Anong pangalan mo?”

“Ako nga pala si…” hindi mapalagay na sagot ng babae. “Sino nga ba ‘ko?”

“Naku! Mukhang may mas malaking problema pa tayo,” pahayag ni CJ na napahawak sa noo.

Matapos masaksihan ang babae ay magkahawak na pumunta sa opisina ni Dr. Alcantara para sa isa pang problema sina Blue at CJ.

“It’s amnesia,” pahayag ng doctor.

“Amnesia?” pag-uulit ni Blue. “Hindi siya pwedeng magka-amnesia. Sobrang hassle na ‘to sa ‘kin.”

“It’s a temporary amnesia caused by Post Traumatic Stress Disorder o PTSD. Wala siyang maalala pero balisa siya na parang may kinatatakutan,” patuloy ni Dr. Alcantara.

“Paano nangyari ‘yon? ‘Di ba, wala namang na-detect na brain damage sa CT scan?” usisa ni CJ.

“Yes. Physically, she’s ok, just a few bruises, concussions at dehydration pero mentally, she’s not.”

“Bakit?” pagtataka ni Blue.

“Our brain has this ability called defense mechanism. Iba-iba ang paraan ng utak natin to deal with pain. Minsan distorted memories at minsan naman ay temporary amnesia kung saan isinasara ng utak ang mga alaala na nakapagbigay ng extreme pain caused by a lot of factors, for example fear or trauma. At sa tingin ko, ‘yon ang kaso niya but then, possible rin ang amnesia if medically-induced.”

“Pa’no mo nasabi yan, Doc,” tanong ni CJ na may bahid ng pag-aalala.

“May anti-depressant sa dugo niya. According to the result sa blood test ay sobra sa normal ang dosage nito,” tugon ng doktor.

“What should I do?” si Blue naman ang nagtanong.

“By the rules, Blue. You need to report this to the police. Hindi naman magiging hit and run ang kaso mo kung mase-settled n’yo ‘to at hindi siya magko-complain. May napansin pa ako. Hindi man ako detective but I can tell na ang mga pasa niya sa katawan ay hindi bago. I think she’s a victim of an abuse. Hindi natin puwedeng pabayaan na lang siya lalo na kung may banta sa kaligtasan niya.”

“Excuse me, Doc. I need to make some calls,” paalam ni CJ sa dalawa at nagsimulang makipag-usap sa kabilang linya pagkalabas ng pinto.

“Kailan babalik ang alaala niya, Doc? Maso-solve ang mess na ‘to kapag bumalik ang memories niya.”

“Days, weeks or months. I don’t know. ”

“Oh My! This is the day of my life. Hindi naman siguro Friday the 13th ngayon at minamalas ako…” bulong niya nang papalabas siya ng opisina.

Narinig siya ng doctor. “Friday the 13th ngayon, Blue. Tingnan mo calendar mo.”

Tiningnan niya ang calendar sa cellphone niya – April 13, 2018, Friday. 8:00 a.m.

“May pupunta daw ditong pulis mamaya. Itatanong ang ibang detalye. Kaya don’t worry. Let’s just be careful na ‘wag lumabas ‘to sa media and online,” sabi ni CJ.

Nakahinga nang maluwag si Blue. The best in the field talaga si CJ sa pagiging manager. Kayang-kaya nitong gawan ng paraan ang mga ganitong bagay kaya sobra-sobra ang tiwala niya rito. Ito ang strategist nila para ma-build ang image niya. Kapag nagdesisyon naman ay firm kasi dumaan sa masusi nitong pagtitimbang ng mga bagay-bagay.

Ilang hakbang ang layo mula sa kinaroronan ni Blue ang information desk. May dalawang lalaki ang nagtatanong sa information desk tungkol sa hinahanap nilang tao. Nagpakita ang mga ito ng litrato pero umiling ang babaeng staff na nasa desk.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status