เข้าสู่ระบบNapatigas ang katawan ni Haile.
Nauutal siyang sumagot. “Sino—sinong nagsabing tinitignan kita?”
Agad siyang bumawi at nagtanong, “Bakit mo ba ako hinahanap nang ganitong oras?”
Calm na sumagot si Hudson Miller, “To discuss our engagement.”
Dahil sa indifference niya, lalong kinabahan si Haile. Nag-echo sa isip niya ang sinabi ni Miranda kanina.
Kung hindi dahil sa balak nitong bawiin ang engagement, bakit siya pupunta rito ng madaling araw?
Huminga siya nang malalim, itinaas ang kanyang baba, at matapang na nagsalita.
“Lilinawin ko lang—kung nandito ka para bawiin ang lahat, it’s too late. Hinding-hindi ko ibabalik ang singsing na binigay mo. Mr. Miller, paano mo nagagawang bawiin ang salita mo?”
Napatalon sa gulat ang driver sa harap. Sa buong syoda, iilan lang ang may lakas ng loob na pagsalitaan si Mr. Miller nang ganoon.
Bahagyang lumingon si Hudson. Isang tipid na ngiti ang dumaan sa mga labi niya.
“Are you afraid I’ll break the agreement?”
Seryosong tumango si Haile. “A person should keep their word.”
Bigla itong ngumiti, halatang nasa magandang mood.
Dahil sa sumunod na katahimikan, hindi na nakapagsalita si Haile hanggang sa makarating sila sa isa sa pinaka-exclusive na restaurant sa BGC.
Nagulat si Haile. “Bakit mo ako dinala rito?”
“To see my parents.”
Tatlong salita lang pero napatulala siya.
Meeting the parents? Ngayon na ba nila pag-uusapan ang detalye ng engagement?
Tumingin siya sa oras. Lampas madaling araw na. Talaga bang makikipagkita ang mga elder ng pamilya Miller sa kanya sa ganitong oras?
“Kailangan ko bang... magpalit ng damit?” maingat niyang tanong.
“No need.”
Nang mapansin ang kaba niya, ngumiti ang special assistant para pagaanin ang loob niya.
“Madam, don’t worry. Okay na po 'yan. The timing is perfect.” The assistant winked at her.
Uminit ang pisngi ni Haile sa tawag na ‘Madam.’ Hindi pa nga siya kasal sa pamilyang ito.
Dahil ayaw niyang paghintayin ang mga matatanda, inayos niya ang damit niya at pumasok sa loob.
Napaka-elegant ng private room, kitang-kita ang ganda ng night view sa labas. Pero walang tao. Inalalayan siya ng waiter sa kanyang upuan at sinimulang ihain ang mga pagkain.
Lahat ng putahe ay pasok sa panlasa niya. Hindi siya sigurado kung gusto rin ba ito ng mga magulang ni Hudson Miller.
Mula nang bumalik siya sa BGC, hindi pa siya kumakain nang maayos dahil hindi rin naman siya nakakain sa bahay ng mga Carnell.
Matagal siyang naghintay nang may kaba, hanggang sa bumukas ulit ang pinto. Bumilis ang tibok ng puso ni Haile—
Pero hindi ang mga Miller ang pumasok. Kundi isang waiter na nagtutulak ng isang napakagandang cake.
Sa liwanag ng kandila, malinaw niyang nabasa ang nakasulat:
Happy Birthday
Doon lang niya naalala—birthday niya pala ngayon.
Hindi kataka-taka na alam ito ng mga Miller. Ang ikinagulat niya ay ang effort.
“Birthday din po ba ni Mr. Miller ngayon?” maingat niyang tanong.
Umiling si Assistant Tanpil. “Hindi po. This was prepared especially for Miss Haile.”
Posible kaya...?
Napatingin si Haile kay Hudson, pero agad din niyang binura ang isiping iyon. Paano namang mag-e-effort ang isang tulad nito para i-celebrate ang birthday niya?
“So, ibig sabihin... galing ito kina Mr. and Mrs. Miller?”
Lalong lumapad ang ngiti ng assistant. “You may think of it that way.”
Biglang humapdi ang ilong ni Haile.
Kahit kailan, hindi seryosong clinibrate ni Conrad ang birthday niya. Kahit anong parinig niya, laging dedma lang ito.
Tumingin siya kay Hudson at mahinang nagsabi,
“Mr. Miller, pakisabi po kina Mr. at Mrs. Miller, thank you sa kabutihan nila. At salamat din sa 'yo... for being so thoughtful.”
Inisip niya na bahagi lang ito ng pagpapanatili ng magandang imahe sa harap ng pamilya—ang pag-uusap tungkol sa engagement at ang pag-celebrate ng birthday niya.
Ang isang taong ganito ka-attentive sa detalye... kahit walang pag-ibig, hindi na masama ang pakasalan siya.
Tinitigan siya nang malalim ni Hudson. Ang emosyon sa mga mata nito ay kumplikado at hindi mabasa. Wala itong binigay na paliwanag, tanging:
“It’s nothing.”
Malamig—as usual.
Sanay na si Haile doon.
Kahit gutom na gutom na, pinanatili pa rin niya ang poise niya at naghintay sa mga elder.
Nang mapansin ito, nag-angat ng tingin si Hudson mula sa kanyang phone. Calm ang boses nito.
“May biglang lakad sila. Hindi sila makakarating.”
Nakahinga nang maluwag si Haile, pero nagtaka rin siya.
“Eh 'yung mga pagkain...?”
“I ordered them. Don’t waste them.”
Nang mag-signal ito, tsaka lang siya kumuha ng chopsticks.
Hinati ni Assistant Tanpil ang cake para sa kanya at tahimik na tumayo sa gilid, pinagmamasdan ang napaka-gentle na profile ni Haile.
Naisip niya... sinong lalaki ang hindi mahuhulog sa ganitong babae?
Pero bago pa man lumayo ang isip niya, isang matalim na tingin ang dumapo sa kanya.
Agad siyang napaayos ng tayo at yumuko. Hindi na siya naglakas-loob na tumingin ulit.
“Kailan ko po uli makikita sina Mr. at Mrs. Miller?” tanong ni Haile, gusto niyang i-ready ang sarili niya.
Flat na sumagot si Hudson, “Sa engagement banquet next month.”
Tumango na lang siya.
Nabalot ulit sila ng katahimikan.
Naisip ni Haile: Ngayon lang ako bumalik sa BGC, pero pinuntahan niya agad ako. Kung hindi ba ako bumalik, susundan niya kaya ako sa Pampanga?
Tuwing nalulubog siya sa putik, tila laging siya ang humihila sa kanya pataas.
A blessing in disguise.
Napangiti si Haile nang hindi niya namamalayan habang nakatingin sa cake sa plato niya.
At ang lalaking nasa harap niya, nakita ang lahat ng iyon.
Samantala, sa villa ng mga Carnell.
Pagod na pagod na umuwi si Conrad, pero wala si Haile.
Birthday nito ngayon. Akala niya, maghihintay ito sa kanya para sabay silang kumain.
Tinitigan niya ang kanyang phone na wala pa ring reply. Kumunot ang noo niya.
Hanggang kailan niya ba balak mag-inarte nang ganito?
Inis niyang binuksan ang pinto ng kwarto. Walang tao.
Saan siya nagpunta? Hindi rin ma-contact ang phone niya.
Paalis na sana siya nang mahagip ng mata niya ang isang mamahaling box sa ibabaw ng dresser.
Binuksan niya ito at napatigil siya.
Ang design ng diamond ring ay mukhang gawa ni Haile.
Pero ang mga diamond ay flawless, pure, at ang mahal. Sapat na para makabili ng ilang villa sa syodad.
Kayang-kaya niyang i-design 'to, pero hinding-hindi niya kayang bilhin 'to.
Kumunot ang noo ni Conrad at bigla niyang naalala ang gabing sinabi ni Haile na may kikitain siyang client—
At bumaba ito sa isang luxury car na puro "8" ang license plate.
Naisip din niya ang pagiging malamig at mailap nito nitong mga nakaraang araw.
Mahal na mahal siya nito. Paano nito magagawang tiisin siya nang ganito?
Unless—
Posible kaya...?
Haile had... cheated?
Napatigas ang katawan ni Haile.Nauutal siyang sumagot. “Sino—sinong nagsabing tinitignan kita?”Agad siyang bumawi at nagtanong, “Bakit mo ba ako hinahanap nang ganitong oras?”Calm na sumagot si Hudson Miller, “To discuss our engagement.”Dahil sa indifference niya, lalong kinabahan si Haile. Nag-echo sa isip niya ang sinabi ni Miranda kanina.Kung hindi dahil sa balak nitong bawiin ang engagement, bakit siya pupunta rito ng madaling araw?Huminga siya nang malalim, itinaas ang kanyang baba, at matapang na nagsalita.“Lilinawin ko lang—kung nandito ka para bawiin ang lahat, it’s too late. Hinding-hindi ko ibabalik ang singsing na binigay mo. Mr. Miller, paano mo nagagawang bawiin ang salita mo?”Napatalon sa gulat ang driver sa harap. Sa buong syoda, iilan lang ang may lakas ng loob na pagsalitaan si Mr. Miller nang ganoon.Bahagyang lumingon si Hudson. Isang tipid na ngiti ang dumaan sa mga labi niya.“Are you afraid I’ll break the agreement?”Seryosong tumango si Haile. “A person
Biglang napatayo si Conrad. Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan.“Humanap kayo ng paraan para ma-stabilize ang kabilang panig. Sabihin niyo, pagod lang si Miss Montinola at kailangan ng pahinga. Tell them she’ll explain everything later. Pakiusapan niyo silang huwag i-give up ang Carnell family.”Hindi na niya tinignan si Amelia na halos mawala na sa paningin niya. Agad niyang dinial ang number ni Haile. He needed answers. Now.Pero ang tanging sumalubong sa kanya ay ang malamig na boses ng operator: The phone you are calling is power off.Isang matinding inis ang sumiklab sa dibdib niya. He felt restless. Irritable.Hindi niya maisip kung paanong ang babaeng dati ay sunod-sunuran at napakalambing ay biglang magiging ganito.He didn’t believe it. Koa Haile Montinola had no one. Isang probinsyana lang siya—kung iiwan niya ang Pampanga, saan siya pupunta? Pulubi siya sa kalsada.Dahil sa isiping iyon, medyo kumalma si Conrad. Inisip niya na kailangan lang amuhin si Haile.Masyado yata
NAPANGUSO SI Bidzill at nagtago sa mga bisig ni Amelia habang ang mukha ay parang inaagrabyado. “Mom, hindi ko kilala ang lola na 'yan… nakakatakot siya.”Hinaplos ni Amelia ang likod ng bata para patahanin ito, saka tumingin kay Talia. “Tita, bakit niyo naman nasasabi ang mga bagay na 'yan?” malumanay niyang sabi. “Noon, napilitan kaming maghiwalay ni Conrad dahil sa pressure niyo at ng mga Pineda. 'Yun pa lang, proof na wala akong choice. Bumalik lang ako dahil lumaki na ang anak ko at hinahanap na niya ang daddy niya.” Yumuko siya at ngumiti nang mapait sa bata. “Tingnan niyo ang kilay at mata ni Bidzill, hindi ba’t kamukhang-kamukha ni Conrad?”Sumandal si Talia at nagpakawala ng isang misteryosong tawa. Kalmado ang mukha nito, pero matalas at hindi kumbinsido ang mga mata. “Kamukha?” malamig nitong sambit. “Children haven’t fully grown yet. Sa ganyang edad, pwedeng maging kamukha niyan kahit sino. Marami na akong naranasan sa buhay. Nababasa ko ang iniisip ng mga kabataan. You
NAGLABAS SI Conrad ng isang velvet box na inihanda nito nang maaga. Sa loob nito ay isang elaborately designed na pink tassel skirt.Isang beses lang itong sinulyapan ng dalaga bago nagsalita na para bang tinatamad. “Hindi ko gusto ang kulay na 'yan. Ibalik mo na.”Napakatagal na nilang magkasama, pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Conrad na ayaw na ayaw ni Haile ng maliliwanag na kulay. Hindi rin nito alam kung anong klaseng style ang laman ng wardrobe niya.Ha! Ang dress na 'to, mukhang mas bagay sa taste ni Amelia. Mukhang nilahat na ni Conrad ang mga babae—na lahat sila ay mahilig manamit nang ganito.Kahit si Hudson Miller na isang beses pa lang niyang nakakausap, mas nakuha pa ang aesthetic preferences niya kaysa kay Conrad. Talagang mapaglaro ang tadhana, laging ipinapaalala sa kanya sa mga maling pagkakataon kung gaano ka-absurd ang relasyong ito na ‘destined’ daw pero hindi naman talaga para sa isa't isa.Kumunot ang noo ni Conrad habang tinititigan ang reaksyon niya,
“IT’S BEEN A WHILE.”Bahagyang kumurba ang mga labi ng binata, pero hindi umabot ang ngiti nito sa mga mata. Mababa at kalmado rin ang boses.Napatigil si Haile, bakas ang gulat. “Have we met… before?”Siyempre, kilala niya ito. Sa Manila, sinong hindi nakakakilala sa nag-iisang heir ng mga Miller? Assets worth hundreds of billions, plus talent at looks na talagang outstanding. Pero higit sa lahat, kilala ito sa pagiging malamig at tila walang pakialam sa mundo. Sa business man o private life, ang mundo ang umiikot lang sa binata—hindi ito ang sumusunod sa iba.That’s Meleck Hudson Miller.Pero kung kilala siya nito, ibang usapan na 'yun.Nanatili ang tingin nito sa mukha niya. Direkta at walang paliguy-ligoy, dahilan para mailang si Haile. 'Yung mga mata nito, parang binabasa ang bawat iniisip niya. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga at nag-iwas ng tingin. ‘Bakit siya nakatitig nang ganyan? May dumi ba sa mukha ko?’Hindi sumagot si Hudson. Sa halip, marahan nitong itinulak ang isa
May isang buwan pa siyang natitira, at gagamitin ni Haile ang bawat araw para maningil sa kanilang dalawa.Isang tawag lang ang kinailangan para i-terminate ni Haile ang isang key project na nagkakahalaga ng halos one hundred million. Kung natapos ito, dodoble sana ang net worth ng mga Carnell. Pero may pride siya. Hindi na siya muli magiging babaeng bulag na nagbibigay nang walang hanggan.KINABUKASAN, nagmamadaling bumalik si Conrad mula sa ibang bansa. Wala na ang mapaglarong aura nito. Galit na galit nitong itinulak ang pinto ng opisina at dinatnan si Haile na kalmadong humihigop ng tsaa, tila walang pakialam sa mundo.“Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?!” bulyaw nito. “Finalized na ang collaboration kay Mr. Anderson. Tapos mo na ang kalahati ng design drafts. Bakit mo kinansela ang ganito kaimportanteng project nang wala akong permiso?!”Halos matawa si Haile nang maisip na naabala niya ang bakasyon nito sa ibang bansa. Kaya naman ginamit niya ang isa sa mga paboritong excuse







