LOGINMula sa puso, maraming salamat po sa pagbabasa, sa comments, gifts, at gems! Very much appreciated ko po ang suportang galing sa inyo!
Humiga si Zion sa pinakadulong bahagi ng kama.Pumikit siya at pilit na pinakalma ang sarili.Pero ilang minuto pa lang ang lumilipas, gumalaw si Cassandra.Una, bahagyang tumagilid ito.Sumunod, lumapit.At bago pa siya makaiwas, pumulupot ang kamay nito sa baywang niya.Nanigas ang buong katawan ni Zion.“Cassandra,” mahina niyang sabi. Walang sagot.Mahimbing pa rin ito.Maingat niyang kinuha ang kamay nitong nakayakap sa kanya. Huminga siya nang malalim, pilit na hindi pansinin ang init ng balat nito sa palad niya.Pero pagkaraan lang ng ilang segundo, muling gumalaw si Cassandra.Mas malapit.Mas walang pakundangan.Muli siyang niyakap nito, mas mahigpit na ngayon, na para bang unan siya. At bago pa siya tuluyang makarecover, ipinatong pa nito ang isang binti sa hita niya.Napapikit si Zion nang mariin.“Of course,” bulong niya. “Malikot ka nga matulog.”Hindi pa rin ito sumagot. Mahimbing ang tulog nito.Habang siya, parang sinusunog nang buhay.Dahan-dahan siyang lumingon. A
“Kung hindi ka naman sa mansyon pumupunta… saan ka talaga galing araw-araw, Zion?”Hindi agad sumagot ang lalaki.Tumalikod ito at kunwaring inayos ang isang kahon sa gilid.“I’m looking for a new job.”Natigilan siya. “Job?”“Oo.”“Kaya nakita kita sa Silver Lining?”“Yes.” Hindi ito tumingin sa kanya. “Nagpapatulong ako kay Fiona.”Sumikip ang dibdib niya sa pangalan ng babae, pero pinilit niyang hindi mag-react. “Bakit naman kailangan si Fiona?”“May connections siya, matagal na siyang nagtatrabaho sa Silver Lining.”“Ah.”Pagkatapos ay narinig niya ang mababang buntong-hininga ni Zion.“Well,” sabi nito, mas mahina na ngayon, “Candice is already married. May tao nang magpo-protekta sa kanya. Hindi na niya ako kailangan.”Bakas ang lungkot sa tinig ni Zion. At nalulungkot siya para dito.Ayaw niyang magtanong pa hanggang masugatan silang pareho.Kaya iniba niya ang usapan.“Nga pala…” sabi niya, pilit pinagaan ang boses. “Kailan ko makikilala ang pamilya mo?”Natigilan si Zion.“As
Hindi alam ni Cassandra kung matatawa ba siya o mabibigla sa nakita.Nakasumbrero at face mask si Zion. Sa liit ng tricycle, halatang hindi ito komportable.Naghihintay ito sa kanya.“Zion?” Lumapit siya nang bahagya upang masiguro kung asawa nga niya ito. “Anong ginagawa mo dito?”“Sumakay ka na.”“Sinusundo mo ako?” tanong niya, pilit itinatago ang kakaibang pagbilis ng tibok ng puso. “Ako ba o si Fio--”“Ikaw,” putol nito.Natigilan siya.Isang salita lang, pero parang may tumama sa dibdib niya.Agad itong umiwas ng tingin. “Dumaan lang ako. Sakto, uwian mo na. Sumakay ka na. May pupuntahan tayo.”“Bakit naka-tricycle ka?”“May problema ba sa tricycle?”“Wala.” Hindi niya napigilan ang maliit na ngiti. “Kaso parang hindi ka kasya.”“Cassandra.”“Okay na. Sasakay na.”Pumasok siya sa tricycle. Dahil masikip, nagkadikit ang braso nila. Pareho silang natahimik. Ramdam niya ang init nito dahil walang distansya. Amoy sabon at something expensive pa rin si Zion kahit hapon na.“Saan tayo
“Sir, baka gusto ninyo na lang po gawing individual category?”“Puwede ba?”“Hindi po.” Napakamot si Theo sa ulo. “Everything is planned na. Hindi po puwedeng basta baguhin.”“Sino ba nakaisip ng ganyang pakulo?” inis na tanong ni Zion. “Hindi ’yan makakatulong sa kumpanya.”Tumikhim si Theo.Zion’s eyes narrowed. “What?”“Sir… ideya n’yo po ’yan last year.”Saglit na katahimikan.“Hindi ko maalalang sinabi ko ‘yan.”“Opo. Sabi n’yo pa nga, kailangan ng event na magpapakita ng unity and public image ng bawat department.”Nawalan siya ng kibo.Tumalikod si Zion, pero hindi pa rin nawala ang iritasyon sa mukha niya. Ilang segundo siyang tahimik bago biglang nagsalita.“Nga pala.”“Yes, sir?”“Ihanap mo ako ng maliit na bahay pang-mag-asawa.”Natigilan si Theo. “Bahay?”“Mas maganda kaysa sa apartment na inuupahan ko ngayon. Tahimik, malinis, at safe. Pero huwag mansion. Kumpleto ang gamit.”Dahan-dahang ngumiti si Theo. “Ehem.”Zion turned. “What?”“Mukhang iba na talaga ’yan, sir.”“Sar
“Sir,” bulong ni Theo, “breakfast lang po ’yan na karaniwang ginagawa ng mga empleyado.”“Bakit siya nakikipag-breakfast sa investor?”“Baka siguro gutom siya?”“Theo.”“Sorry, sir. Pero technically, wala naman pong masama. At saka hindi ninyo po yata niyaya ng breakfast kanina. Kung busog si Mrs. Saavedra tiyak hindi sasama ‘yan.”Matalim siyang lumingon sa assistant.Tumikhim si Theo. “What I mean is… professional breakfast po ’yan with the investor. ‘Yang si Mr. Scott, siya ang pinakamalaking investor ng railway station sa south. Actually, May nakapagsabi nga sa akin, mas prefer nila ang Thunder Corporation pero tayo ang nanalo sa bidding, dahil parang may crush si Mr. Scott kay Cassandra.”Sa monitor, tumawa nang bahagya si Cassandra sa sinabi ni Scott.“Theo.”“Yes, sir?”“Puntahan mo si Cassandra, utusan mo ng kahit ano.”Napakamot sa ulo si Theo.“Ang hirap maging assistant ninyo, sir. Kaya ramdam ko hirap ni Mrs. Saavedra,” bulong nito.“Anong sabi mo?”“Wala po, sige po gawan
Nanigas ang panga ni Zion.“Cassandra, uuwi na tayo.”Tumaas ang kilay niya, hawak pa rin ang mikropono, pulang-pula ang pisngi at makinang ang mga matang halatang kanina pa pinipigil ang luha.“Uwi?” ulit niya. “Bakit? Tapos na ba kayong mag-holding hands ni Fiona? Naihatid at sundo mo na ba?”May sabay-sabay na mahinang aayy mula sa mga nakapaligid sa tindahan ni Aling Elena.Hindi iyon pinansin ni Zion. Humakbang siya palapit at aabutin sana ang pulso ni Cassandra, pero bago pa niya tuluyang mahawakan, natigil ang kamay niya sa ere.Naalala niya ang markang iniwan niya doon noong isang gabi.Bumaba ang tingin niya sandali sa pulso nito, saka dahan-dahang ibinaba ang sariling kamay.“Please,” mas mahina na niyang sabi. “Uwi na tayo. Nag-iingay ka na dito.”Napakurap si Cassandra.Mabilis din niyang iniling ang ulo.“Ayoko pa. Kakanta pa ako.”“Cassandra…”“Gusto ko ’yong Nandito Ako ni Ogie Alcasid.” Bigla siyang lumingon sa videoke machine at nagsimulang maghanap ng number sa makapa
“Malala ang tama, pero under observation pa po. Critical, pero stable na,” sagot ng nurse, pilit na pinapakalma si Jenny.Napatakip siya ng bibig, nanginginig ang kamay. Diyos ko, salamat at buhay si Sebastian. Ngunit bago pa siya makapagtanong muli, may idinagdag ang nurse.“Ang mister ninyo po si
“Fifty… million? Para mo na ring sinabing wala akong choice kundi ang sumunod sa lahat ng gusto mo.”Bahagyang yumuko si Sebastian, inilapit ang bibig nito sa tenga niya, malamig ang boses pero ramdam niya ang bigat.“Exactly. Wala kang choice. Ituloy mo ang kasunduan. Dahil kahit anong pilit mong l
Sa isang iglap, sumabog ang lahat ng kinikimkim ni Sebastian. Habang nagpupumilit si Jenny na lumapit, bigla siyang sinunggaban nito sa leeg.“Niloko mo ’ko?! Ginawa mo akong tanga, Jenny! Walanghiya ka!”Napasigaw siya, halos hindi makahinga.“Se—Sebastian… please… hindi—”Agad nagtakbuhan ang mga
Amoy semento at bakal ang paligid. Si Jenny ay naroon upang i-check ang site report na iniwan ng project engineer. Nagpilit siyang bisitahin ang site. Baka makakita siya ng ebidensya.Bigla siyang napansin ang kakaibang kulay at amoy ng bagong dating na cement mix. Kinuha niya ang sample at inamoy,







