LOGINYour support means a lot to me. Thank you so much, dear readers! Love you all!
“Ano ang kinukunan mo, Felicity?”Hindi niya hinayaang mahalatang kinabahan siya. Itinaas niya ang cellphone at ibinaling ang camera sa malawak na tanawin.“Iyong mga tubo at puno ng niyog. Ang ganda ng pagkakahilera nila, lalo na kapag ganito ang sikat ng araw.”Dumako ang tingin ni Warren sa screen. Hindi pa rin nawawala ang pagsusuri sa mga mata nito.“Damon!” tawag niya. “Tumayo ka nga roon. Kukunan kita.”Itinuro niya ang bahaging tinatakpan ng sariwang bakas ng mga gulong. Saglit na tumingin si Damon sa kanya, saka sa lupa. Wala itong itinanong. Pumuwesto ito sa mismong direksiyong kailangan niya at ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa.“Dito?”“Kaunti pa sa kanan.”Sumunod ito. Itinaas ni Felicity ang cellphone at kumuha ng sunod-sunod na litrato. Nasa gitna si Damon, ngunit malinaw na kasama sa frame ang mga bakas na nagmumula sa tubuhan at patungo sa ipinagbabawal na gate.“Ayusin mo naman ang pose mo,” sabi niya.Itinaas ni Damon ang manggas ng polo at ibinaluktot ang isang
Itinulak ni Felicity ang noo ni Damon gamit ang isang daliri, ngunit nahuli nito ang kamay niya. Hindi siya nito hinila. Itinaas lamang nito ang kamay niya sa pagitan nila habang nakatingin sa kanyang mga mata.Muling bumilis ang tibok ng puso ni Felicity.Bumaba ang tingin ni Damon sa kanyang mga labi. Lumapit ito, ngunit huminto ilang pulgada mula sa mukha niya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga.May pagkakataon siyang umatras.Sa halip, ipinatong ni Felicity ang isang kamay sa batok nito at siya ang kusang tumawid sa natitirang pagitan.Maingat ang unang dampi ng kanilang mga labi. Dumapo ang kamay ni Damon sa kanyang baywang habang ang isa ay humaplos sa likod niya.Pumikit si Felicity.Nawala ang lamig na kanina lamang ay nagpapanginig sa kanyang mga daliri. Kumapit siya sa mga balikat nito nang lumalim ang halik. Hinila siya ni Damon palapit hanggang halos wala nang espasyo sa pagitan nila.Nang kapusin sila ng hininga, si Damon ang unang lumayo. Idinikit nito ang noo sa kan
Sa bigat at dami ng mga hakbang, malinaw na hindi lamang isang tao ang paparating.Humigpit ang braso ni Damon sa likod ni Felicity bago siya iniharang nito sa likuran.Sa bawat pagkidlat, nakikita niya ang mga lalaking papalapit sa gitna ng malakas na ulan. May hawak na flashlight ang ilan, at tinatangay ng hangin ang hindi niya maintindihang usapan ng mga ito.Binitiwan siya ni Damon at humakbang sa harap niya. Dinampot nito ang palang nakasandal sa likod ng pinto at hinawakan iyon na parang sandata.“Dito ka lang sa likuran ko,” utos nito.Kumapit si Felicity sa braso ng asawa. Walang signal ang cellphone niya at ilang kilometro ang layo nila sa pinakamalapit na pamayanan. Kung mga tauhan ng Cocoland ang mga paparating, sana ay hindi naman masasamang tao ang mga ito.“May mga bakas papunta sa kubo!” sigaw ng isang lalaki.Lumapit ang mga yabag hanggang huminto sa bukana ng kubo.“Hanapin ninyo ang may-ari ng sasakyang nabalahaw,” utos ng pamilyar na tinig mula sa direksiyon ng kals
Pinilit ni Felicity na huwag magpakita ng reaksiyon. Siya mismo ang gumawa ng exposé na iyon matapos makatanggap ng mga litrato at dokumento mula sa isang dating manggagawa ng Cocoland.“Interesante ang mga inilalabas niya. Hindi siya takot bumangga sa mga taong may pera at koneksiyon.”“Baka naman gumagawa lang siya ng kuwento para dumami ang followers.”“May ebidensiya siya. Hindi basta kuwento ang mga inilalabas niya.”Hindi napigilan ni Felicity ang kaunting tuwang umusbong sa dibdib. Hindi niya inakalang ganoon kataas ang tingin ni Damon sa ginagawa niya.“Parang interesado ka talaga.”“Matagal ko nang gustong malaman kung sino ang nasa likod ng page.” Humigpit ang hawak nito sa manibela habang nakatingin sa daan.“Bakit kailangan mo pa siyang makilala?”“Curious ako. May mga gusto rin akong malaman. Actually, parang pamilyar siya.”Muntik nang mabitiwan ni Felicity ang cellphone.“Paano mo nasabi?”“Basta parang kilala ko siya. Hindi ko lang matukoy kung sino.”Inayos ni Felicit
Nanatiling nakatitig si Felicity sa mensahe habang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.Kinabahan siya. Hindi niya maikakaila iyon.Hindi iyon ang unang bantang natanggap ng Pakialamera Vlog. May mga nagmura na sa kanya, nagbantang ipahahanap siya, at nangakong ipapasara ang page. Kapag pinakikialaman niya ang mga may pera at kapangyarihan, inaasahan na niyang may magagalit.Pero iba ang dating ng tatlong salitang iyon.Walang mura. Walang mahabang paliwanag. Isang malinaw na utos na may kasamang banta sa kanyang buhay.Kumuha siya ng screenshot bago isinara ang message. Hindi niya buburahin ang video. Iyon mismo ang gusto ng nagpadala, ang matakot siya hanggang sa tuluyan siyang manahimik.Isinara ang laptop nang bumukas ang pinto ng kuwarto.Pumasok si Damon at hinubad ang suot na relo. Napatingin ito sa laptop na nasa kandungan niya bago sinalubong ang kanyang mga mata.“Bakit parang nakakita ka ng multo?”“Wala.”“Namumutla ka.”“Masakit lang ang ulo ko.” Inilagay niya ang lapto
Hindi gumalaw si Felicity habang hinihintay ang sagot ni Damon.Tiningnan nito ang mga dokumentong nakahilera sa mesa bago ibinalik ang tingin sa kanya.“Kailan ka aalis?”“Bukas ng umaga.”Tumango si Damon at sumandal sa swivel chair. “Pag-iisipan ko kung sasama ako.”“Bakit kailangan mo pang pag-isipan?”“Hindi ako mahilig mag-travel kung hindi kinakailangan. Lalong hindi ko trip umakyat ng bundok.”Napahalukipkip si Felicity. “Hindi naman kita pinipilit.”“Saang bundok ba ’yan?”“Sa Mt. Tuklas, malapit sa paaralang pupuntahan ko.”“Gaano kalayo mula rito?”“Mahigit anim na oras ang biyahe. Mas matagal kapag maulan.”“Ano’ng klaseng sasakyan ang kailangan?”“Four-wheel drive. Rough road ang huling bahagi ng ruta. May ilog din na tatawirin, pero mababaw naman kapag walang ulan.”Tumuwid ng upo si Damon. “May matutuluyan ba roon?”“May maliit na homestay malapit sa barangay hall. Tatlong araw lang naman ako mawawala.”“May signal?”“Mahina. Sa ibang bahagi ng lugar, kailangan pang uma
Pagkaalis ni Donya Aurora ay naiwan si Mira, bumabalik sa isip niya ang mga sinabi nito. Loveless marriage… sundin ang puso… Napabuntong-hininga siya, ngunit bago pa man niya mahulog sa malalim na pag-iisip, dumating si Jenny at hindi mapakali.“Mira…” mahina nitong simula, pero ramdam ang kaba sa b
Dahan-dahang iniaangat ni Candice ang tingin sa boses na tumawag sa kanya, pero bago pa siya makapagsalita, naramdaman na niya ang malakas na presensya.Nakatayo si Brent Esguerra sa gilid niya.“Sir Brent?” halos pabulong niyang sabi, nabigla. “Ano pong ginagawa ninyo?”Tumitig si Brent kay Alexan
Tinanggal ni Daryl ang mask.At sa isang iglap, parang huminto ang mundo.Si Harvey.Ngumisi pa ito, ‘yung ngiting nakakaloko.“Surprise,” anito, hinihigal at pawisan.Nanlaki ang mata ni Daryl. Hindi siya agad nakapagsalita. Parang ang daming tanong na sabay-sabay humataw sa dibdib niya.“Putangina
Biglang tumigil sa mundo.Nanlaki ang mata ni Daryl. Dahan-dahang umayos ang upo niya kahit halatang masakit. “Anong ibig mong sabihin?”Hindi makatingin si Iris.“Tapusin na natin…” nanginginig ang boses niya. “Yung fake marriage na ’to.”Nanlamig ang mukha ni Daryl. “Hon--”“Wala na naman si Harve







