Dahan-dahan nagmulat ng mata si Jenny, ramdam ang bigat at init sa kanyang gilid.Napasinghap siya nang mapagtantong ang kamay ni Sebastian ay mahigpit na nakayakap sa kanya, ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya na parang ayaw siyang pakawalan.Ilang sandali siyang natigilan, pinakikiramdaman ang tibok ng puso niya.Hindi niya alam kung tatanggalin ang yakap o manatiling ganoon lang. Pero sa huli, marahan niyang inalis ang braso ng lalaki.Nang bumangon siya ay dumilat din si Sebastian.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Walang nagsasalita.“Sorry,” mahina niyang sabi, halos pabulong.Ngumiti si Sebastian ng pilit, sabay umupo. “Don’t be. I guess old habits die hard.”Hindi siya umimik. Lumapit siya sa veranda, nakatingin sa dagat. Ang umagang dapat ay payapa, ngayon ay tila pinupuno ng mga tanong sa isipan niya.Hanggang sa marinig niya ang boses ni Sebastian sa likod niya.“Jenny,” tawag nito.“Hmm?”“May tatanungin ako. Pero gusto kong sagutin mo nang totoo.”Huminga siya nan
Sumulyap kay Jenny si Sebastian, may mapanuksong ngiti. “Yes, babe. I’ll call you later, promise.”Naglakad palayo si Sebastian habang may kausap sa cellphone.“Hello, Seb. Bakit mo ako tinawag na babe? Kinilabutan ako, bro!”“Heh, pinarinig ko lang kay Jenny para maasar siya. Paano ba naman kausap yun si Andrei. Pakikalkal nga ang baho ng gagong iyon ng makaganti ako.”“Bro, nangangamoy selos ah.”“Hindi! Gusto ko lang makapanakit!”“Saan? You’re hurting, bro. Hay, kaya ako never nagpakaseryoso sa babae. Kayong dalaw ni Kyle, biglang mga naging hopeless romantic. That won’t happen to me!”“Huwag kang magsalita ng tapos. Kapag nakita mo ang katapat mo, ewan ko lang.”“So parang inaamin mong in love ka kay Jenny?”“Hindi nga! Ang kulit mo.”“Nangangamusta lang ako. Enjoy your honeymoon!”Agad niyang naibaba ang telepono ng tumikhim sa likod niya si Jenny at may dalawang staff sa likod nito na may dala ng gamit nila.“Sir, magpapaalam lang po kami na ipi-feature po kayo sa page namin bi
Nagpunta si Sebastian sa banyo upang maghilamos. Kinapa niya ang cellphone. Wala sa bulsa! Binalikan niya ang table. Nakaupo si Andrea na naghihintay sa kanya. Agad niyang dinampot ang cellphone at inilagay sa bulsa.“Andrea, si Jenny ang ia-assist mo. Huwag kang lalapit sa akin. I’m married,” aniyang ipinakita ang wedding ring.“Nauunawaan ko, sir, ihahatid na po kita baka hindi ninyo kayang mag-drive.”“No, thanks. Umuwi ka na,” aniyang tumalikod na.Nilingon niya ang paligid, magulo ang isip niya.Lumabas siya ng bar, mabilis ang hakbang at muntik na siyang madapa. Umuulan pa din sa labas.Pagpasok niya sa kotse, nagdesisyon siyang hindi siya uuwi. Hindi niya kayang makita si Jenny. Baka mag-away lang sila.Pinaandar niya ito patungo sa condo unit niya, ang dating tinutuluyan bago pa sila magsama ni Jenny.Pagdating doon, diretso siya sa loob, ibinagsak ang coat sa sofa, at tumitig sa kawalan.Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, naramdaman niyang talagang mag-isa siya. Dahil
Tahimik sa loob ng sasakyan, hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian.Napalingon si Jenny, “Andrea calling...” ang pangalan sa screen.Walang pag-aatubiling sinagot ito ng CEO, “Andrea, yes?”Halata niya ang bahagyang lambing ang boses nito.“Hmm... sige, I’ll see you in a bit. Same restaurant as last time? Okay. Take care!”Tumigas ang katawan niya. Pinilit niyang tumingin sa labas ng bintana, ngunit bawat salitang naririnig niya ay parang tinutusok ang puso niya.“Late dinner? Hindi pa ba sapat ang maghapong kasama mo siya sa opisina? Baka ikaw naman ang nasa headline bukas? Sayang ang pinaghirapan natin.”“It’s business. Hindi kagaya ninyo ni Andrei. Don’t start another scene, Jenny. Pagod na akong makipagtalo sa’yo.”Walang sumunod na salita. Bumigat ang hangin sa loob ng kotse.Tahimik sila habang nasa byahe, parehong walang gustong magsalita.Pagdating nila sa bahay, agad siyang bumaba at halos hindi na lumingon. Malakas na isinara niya ang pinto ng kotse.Diretso
Tahimik ang buong bahay. Tanging lagaslas ng ulan sa labas ang maririnig.Katapos lang maligo ni Jenny, nakasuot ng simpleng nightdress, nang may marahang kumatok sa pinto.“Jenny, kumain ka muna ng dinner.”“Hindi na, busog pa ako. Gusto ko na lang magpahinga,” aniyang bahagya lang na binuksan ang pinto.Isasara na sana niya ang pinto nang biglang iharang ni Sebastian ang kamay nito.“Sandali lang.”Bago pa siya makapagsalita, mabilis itong pumasok sa kwarto.Napalunok siya, hawak pa ang tuwalya sa balikat.Tahimik si Sebastian habang nakatingin sa paligid, parang isang estrangherong unang beses nakapasok doon.Pumunta ito sa bintana, hinaplos ang kurtinang kulay emerald green, kapansin-pansin sa gitna ng mamahaling ilaw mula sa lampshade.“Nagustuhan mo ba?”“Ang alin?”“’Yung kurtina. Paborito mo ‘di ba? Green. Kaya pinalitan ko lahat ng kulay dito. Gusto kong… mas kumportable ka.”Hindi agad siya nakasagot. “Hindi mo naman kailangang mag-abala pa. Hindi ako magtatagal dito. Sayan
Maagang dumating sina Jenny at Sebastian sa studio ng The Edge of Success. Tahimik si Sebastian habang inaayusan ng stylist. Nakasuot ito ng eleganteng dark navy suit.Sa kabilang side ng dressing room, si Jenny naman ay inaayusan ng team. Pinili ng stylist ang eleganteng cream dress na may simpleng hiwa sa likod. Manipis na make up ang inilagay ng makeup artist.Habang inaayusan sila, ipinakita ng PR manager ang final script para sa interview.“Remember, focus tayo sa maintaining trust and love after challenges. Dapat genuine ang sagot, ramdam ng audience kapag peke. Smile, eye contact, at holding hands.”Nagkatinginan sina Jenny at Sebastian. Parehong pilit ang ngiti.Sa wardrobe fitting room, pinagtapat sila ng stylist sa harap ng salamin.“Mr. and Mrs. Tuazon, closer, please. Para kitang kita ang chemistry sa camera.”Lumapit siya, marahang hinawakan ang baywang ni Jenny.“Sebastian, baka magkapalit na tayo ng mukha sa lapit mo.”“Madaming nakatingin, Jenny. Just play along.”Sa r