Share

Kabanata 265 The Stalker

last update publish date: 2025-10-10 12:52:56

Hindi umalis ng bansa si Jenny.

Lumabas sila ng airport, sumakay ng bus at umuwi sa probinsya upang makalayo kay Sebastian. Mag-isa lamang siya kahit anong pilit ni Andrei na samahan siya ay hindi siya pumayag. Isa lang ang nais niya, ang magsimula ulit.

Sa gilid ng palengke may lumang puwesto na dati ay sari-sari store ang tiyahin niya, gawa sa kahoy at kupas na ang pintura. Iyon ang gagawin niya, maliit na grocery na may gulay, bigas, delata, gatas para sa mga bata, at konting toiletries. Sim
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Ana Padua
mapapatawad ka din ni jenny seb..ika nga pag may itinanim may aanihin,,inumpisahan ng manuyo kaso sa ibang paraan nga lng mga tao ang ginagamit nya..pero ok na din yon
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
sige po,hahahah!
goodnovel comment avatar
Romelia Mancera
Lagi dapat kasama ni Jen c Andrei. Tingan lang ntin kung hindi umusok bumbunan ni Seb sa selos hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1278 The Hidden Transaction

    Nagising si Prince nang maramdaman niyang gumalaw si Stefie sa kanyang tabi. Nakapikit pa rin ito, nakayakap sa kanyang braso habang nakasandal ang pisngi sa kanyang balikat.Inayos niya ang kumot na dumulas sa balikat ng asawa. Ilang sandali niya itong pinagmasdan bago bumalik sa kanyang isip ang imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ng ama.Paano kung si Don Severo nga ang nasa likod ng lahat?Wala pa silang sapat na ebidensiya. Gayunman, hindi niya maaaring balewalain ang posibleng kaugnayan ng Santillan Foundation sa mga dating transaksiyon ng kompanya ng kanyang ama.“Husband?”Napatingin siya kay Stefie nang magmulat ito.“Good morning.” Ngumiti ito. “Bakit ang aga mong nagising?”“Hindi na ako makatulog.”“May problema?”“May iniisip lang sa trabaho.”Tinitigan siya nito bago bumangon. “Huwag mong sabihing nakalimutan mo ang lakad natin ngayon.”“Anong lakad?”“Husband!” Kinurot nito ang kanyang braso. “Nangako kang sasamahan ako sa Foundation!”Napatawa siya sa pagsimangot nito.

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1277 The Truth That Could Tear Us Apart

    “Thank you, husband. Maaasahan ka talaga. You're my savior.”Yumakap si Stefie kay Prince. Gumanti siya ng yakap at hinalikan ito sa noo.“Wife, hindi mo kailangang magpasalamat sa bawat tulong ko.”“Of course, kailangan! Ang bait-bait na ng husband ko at very supportive pa.”“Binobola mo ba ako, wife?”“Hindi. Totoo naman!”“May consultation fee ang pagtulong ko bukas.”“Alam ko na. Kisses na naman?”“Tatlo.”“Dalawa lang. May discount ka dahil asawa kita.”Tumawa siya at ninakaw ang isang halik nito. Ngunit bumigat ang dibdib niya.Bukas, sasamahan niya si Stefie sa Santillan Foundation na paulit-ulit na lumilitaw sa imbestigasyon sa pagkamatay ng kanyang ama.Tinanggap niya ang kasal upang makapasok sa pamilya Santillan. May puwang sa puso niya si Stefie, ngunit hindi niya iyon maamin habang pinaghihinalaan ang ama nito.***Kinabukasan, habang naghahanda siyang umalis, tumawag si Noah.“Prince, magsasalita ulit si Ronaldo Ramos. Si Julian ang mangunguna sa imbestigasyon habang aba

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1276 Hidden Motives

    Kumalansing ang mga kubyertos sa plato ni Don Severo. Napatingin si Stefie sa ama, pagkatapos ay sa asawang nakaupo sa tabi niya.“Prince, what do you mean by that?” tanong ni Don Severo.Hindi umiwas ng tingin si Prince. Ngumiti ito, ngunit nanatiling tuwid ang pagkakaupo.“Don Severo, wala po akong masamang ibig sabihin. Ayoko na lamang pong makadagdag sa problema ninyo. But I appreciate your concern.”“I don't care about you. Ayoko lang idamay mo ang anak ko sa gulo.”Napahinto si Stefie sa pagsandok. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagsagot ng ama. Wala namang pinag-aawayan ang mag-asawa.“Dad, wala pong gulo. At kung may kailangan, magsasabi po kami ni Prince.”Tiningnan siya ni Don Severo bago muling kinuha ang kutsara.“Mabuti kung ganoon. Kumain na kayo.”Nagpatuloy ang hapunan. Sumagot ang ama nang tanungin niya ito tungkol sa pagkain, ngunit hindi na nito kinausap si Prince maliban sa pag-aalok ng ulam. Nagpasalamat naman ang asawa niya. Para kay Stefie, naging hindi mag

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1275 The Words He Shouldn't Have Said

    Panghabambuhay na kaya ang kaligayahang ito kasama si Prince?Hindi pa mawala ang tanong sa isip ni Stefie nang mapansing nakatingin sa kanya ang asawa habang sumasayaw sila sa tahimik na daanan ng resort.“Husband, bakit?”“Wala. Ang ganda mo lang.”“Kanina mo pa sinasabi iyan.”“Bawal bang ulitin?”Napatawa siya. Huminto si Prince, inilapit ang mukha at hinalikan siya. Walang ibang nakapaligid. Musika lamang mula sa restaurant at hampas ng mga alon ang naririnig niya.“Lakad tayo sa beach?” alok nito.“Oo. Basta hold my hand.”“Hindi naman kita bibitawan.”“Baka bukas, bumalik ka na sa pagiging masungit na CEO.”“Masungit ba talaga ako?”“Noong una? Sobra. Hirap mo ngang yayain kahit kumain lang sa labas.”“Babawi ako.”Hindi niya inaasahang ganoon kasimple ang sagot nito. Noon, bawat lambing ay parang kailangan niyang hilingin. Ngayon, si Prince na mismo ang naglalaan ng oras para sa kanya.Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa dalampasigan. Naramdaman niya ang malamig na buh

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1274 Just You and Me

    “Saan?”Narinig ni Stefie ang mahinang tawa ni Prince sa kabilang linya.“Surprise, wife. Basta overnight tayo. Magdala ka ng damit para sa dalawang araw.”“Overnight? Husband, saan mo ako dadalhin?”“Malalaman mo sa Saturday.”“Ang unfair mo naman! Ako ang mag-eempake, pero ikaw lang ang nakakaalam ng pupuntahan natin.”“Ako na ang bahala sa lahat. Ikaw, mag-enjoy ka lang.”“Paano kung hindi ko magustuhan?”“May tiwala naman ako sa taste ko.”“Aba, confident!”“Pinakasalan nga kita, di ba?”Napatawa siya. “Okay, panalo ka na. Pero aasahan kong maganda ang surprise mo.”Pagkatapos ng tawag, ilang sandali siyang nakangiting nakatingin sa cellphone. Dati, kailangan pa niyang pilitin si Prince na maglaan ng oras para sa kanila. Ngayon, ito na mismo ang nag-aayos ng kanilang bakasyon.Ngunit bago iyon, may mahalaga pa siyang aasikasuhin.Mula sa shop, tinawagan niya ang namamahala sa kanilang factory. Kumpirmado na ang order na isang daang pares, kaya kailangang maayos ang production sched

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1273 The Sweetest Kind of Support

    Hindi kaagad sumagot si Prince. Napansin ni Stefie na nawala ang ngiti nito matapos niyang sabihin na ayaw niyang may itinatago silang lihim o damdamin sa isa't isa.“Husband, may mali ba sa sinabi ko?”“Wala, wife. Tama ka naman.”“Then promise me na kapag may problema tayo, pag-uusapan natin. Hindi tayo manghuhula kung ano ang iniisip ng isa't isa.”Hinawakan nito ang kamay niya. “Gagawin ko ang makakaya ko, wife.”Seryoso ang mukha nito. Ayaw niyang pilitin ang asawa na mangako nang higit sa kaya nitong sabihin.“Gusto ko lang na magkakampi tayo, kahit mahirap ang sitwasyon.”“Wife, kakampi mo ako.”Hinalikan niya ang asawa. Nang yakapin siya nito, gumaan ang pakiramdam niya.“Matulog ka pa,” bulong niya. “Maaga pa.”“May trabaho ako.”“CEO ka naman. Hindi magsasara ang Altavera kapag na-late ka ng thirty minutes.”“Wife, ganyan ka ba talaga manghikayat?”“Hindi. Mas convincing ako kapag may kisses.”Hinalikan niya ito sa pisngi.“Isa pa,” sabi ni Prince.“Aba, ikaw na ngayon ang d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status