Tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila pero hindi pa rin makuha ni Czarina ang pagmamahal at atensyon ni Zayden. Palagi nalang ibang babae at trabaho ang pinipili ng lalaki at tiniis niya iyon. "Let's get a divorce..." sabi ni Czarina matapos siyang pagalitan ni Zayden dahil sa isang aksidente na hindi naman siya ang may kasalanan. Puno ng galit at pagkadismaya ang puso ng babae. Namumutla at nanginginig ito pero ni kamustahin siya ay hindi ginawa ni Zayden, bagkus ay inaway pa siya nito. Doon niya naramdaman na wala lang talaga siya sa buhay ng lalaki. Nagulat si Zayden sa narinig ngunit hindi niya iyon sineryoso, sa pag-aakala na isa lang iyon sa mga kaartehan ni Czarina. Ngunit mula ng araw na iyon ay hindi na umuwi ang babae. Nadatnan nalang ni Zayden na wala na ang mga gamit nito at may pirmado ng divorce papers sa mesa. "Fvck..." Binigyan niya ng ilang araw ang babae sa pag-aakala na babalik din ito. Pero sa ilang beses nilang pagkikita ay unti-unti niyang nare-realize na hindi na babalik sa kanya si Czarina. Nagulat na lamang si Czarina ng isang araw na pumunta si Zayden sa kanya na lasing, mugto ang mata, at nagmamakaawa. "Come back home, please..." he begged. "Let me be your husband again."
Lihat lebih banyakMadaming nagsisigawan at kitang-kita ang kaguluhan sa parteng iyon ng hospital. Natigilan si Czarina at tuluyang naagaw ng kaguluhang iyon ang atensyon niya.Sinubukan niyang silipin kung ano ang nangyayari at nagulat siya nang makita kung sino ang naroon.Mabilis siyang naglakad patungo sa pwestong iyon, may masama na siyang kutob pero umaasa siyang mali siya ng hinala."Sir! Asawa niyo po iyan, itigil niyo na po ito, mapapatay niyo na po siya!" halos pasigaw na sabi ng umaawat doon na babae.Sumikip ang dibdib ni Czarina nang maabutan doon ang eksena na nakahiga ang asawa nitong babae, hawak ng lalaki ang buhok nito, at sakto pang sinampal nito ng malakas ang asawa. Napangiwi at napatili si Czarina, maging ang mga nanonood, na para rin silang nasaktan sa ginawa ng lalaki."At talagang patago ka pang nakipag-usap sa doctor, ha? May pera ka bang babae ka?!" sigaw ng lalaki sa mukha ng asawa nito na puno ng pasa at mga luha. "Sinabi ko na, 'di ba? Na hindi kita ipagagamot! Para saan pa
Pagkatapos kumain sa labas ay bumalik na sa hospital si Czarina, iba naman ang pinuntahan ni President Lin at Dra. Garcia dahil may pag-uusapan pa pala ang dalawa kasama ang ibang kilala pang doctor patungkol sa isang bagong medical case sa bansa. Papasok na sana sa elevator si Czarina nang mamataan ang pamilyar na mukha sa may front desk. Nagsalubong ang kilay ni Czarina. Hindi ba't iyon ang babaeng pasyente sa may outpatient department kanina? At ang lalaking asawa nito ay gumawa pa ng eksena. Lumingon ang babae sa kanya na tila napansin ang kanyang presensya. Bumuka ang bibig nito sa halong gulat at tila may gustong sambitin. Kumislap din ang mga mata ng babae na para bang nakakita ng liwanag. Tinignan ni Czarina ang paligid pero hindi niya mahagilap ang asawa nito. Hindi natiis ni Czarina at naglakad palapit sa babae. Ngumiti ang babae sa kanya, medyo halata na ang stress sa mukha nito at maging ang lungkot sa kanyang mga mata. "Hello, uhh ako po yung kasama ni Dra
Tahimik na sumunod sa loob si Czarina. Habang nag-aayos ng mesa si Dra. Garcia ay nasilip niya ang address at phone number ng pasyente kanina. Mabilis mag-memorize si Czarina kaya naman agad niyang isinaisip ang mga impormasyon kung sakaling kakailanganin niya balang-araw. "Huwag mo ng tangkain na tulungan sila gamit ang pera. Ang mga tao na kagaya ng asawa niya ay mas lalo ka lang pipigain pa ng pera," sabi ni Dra. Garcia. Nasabi niya iyon dahil nagkaroon na siya ng kaparehong experience. Noong bagong doctor pa lamang siya ay may tinulungan siyang isang babae subalit sa halip na maging mapagpasalamat ito ay hindi na ito tumigil sa panghihingi sa kanya na para bang siya pa ang may utang na loob dito. Dumating pa sa punto na bina-blackmail na siya nito para lang may pambili sila ng mga bagay katulad ng sasakyan at iba pa. Mula noon ay mas lalo ng naging maingat si Dra. Garcia sa mga bagay-bagay, at sa mga taong kailangang tulungan. "Naiintindihan ko po, Dra.," seryosong sagot
"Maraming klase ng pasyente ang makikilala mo rito. At kailangan mong matutunan na lahat sila may malalang pinagdadaanan. Ang iba, kahit simple lang ang sakit ay medyo hindi gusto ang nangyayari kaya nakakapagsungit kapag minsan, posibleng dahil wala silang sapat na pera na panggamot. At kahit may pera ka pa, kung ang sakit mo naman ay hindi kayang gamutin ng pera, wala rin..." pahayag ni Dr. Garcia habang patungo sila ni Czarina sa magiging pwesto nila.Czarina sighed heavily. Naiintindihan niya iyon. Gayunpaman, may mga bagay pa na natitiyak niyang hindi niya pa alam."Ang sinasabi ko lang, Czarina, kung sakali man na may masabi sila na hindi maganda ay 'wag kang makipagtalo sa kanila. People here carries a lot more pain than you can imagine, so, at least, try to be understanding, alright?"Tumango si Czarina. "Yes, doc."Buong umaga ay nasa outpatient department silang dalawa at dumadalo sa mga naroong pasyente na nakapila.Tama nga si Dra. Garcia, talagang iba't ibang klase ng pas
"Ano ba ang nangyayari, anak? May problema ba sa trabaho? Bakit ka ba naglalasing ng ganoon?" Nagbuga ng malalim na hininga ang kanyang ina. "May hinanda akong mainit na soup para sa'yo. Inumin mo muna bago ka umalis.""Thanks, mom."Tumango ang ina niya bago siya iniwan doon para magsimula na rin sa gagawin ngayong araw.Pagkaalis ng ginang ay umupo siya sa sofa at inalala ang mga huling naalala niya kagabi. Unang pumasok sa isipan niya ang ginawang pambabastos ni Mr. Davidson sa kanya. Ang matandang iyon!Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang kanyang Kuya Viktor.("Need help?") Ang unang bungad ng lalaki na nasa kabilang linya.Natawa ng kaunti si Czarina pero agad ding napangiwi nang maramdaman ang kirot sa kanyang ulo. Damn, alak pa."Alright, alam mo na rin naman, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa... p'wede mo bang ma-research para sa akin ang mga Davidson? Anything I can use against them."("Davidson group? Bakit? Anong ginawa nila?")"May atraso sa akin ang mag-ama r
Mabilis na sinagot ni Czarina ang tawag. "Zi, hindi na naman maganda ang pakiramdam ko, p'wede mo ba ako masamahan sa hospital?" Malambing at pabebe ang boses ni Chloe na bagaman medyo lasing pa ay napangiwi pa rin si Czarina. Tumingin si Czarina kay Zayden. Hindi na nakakapagtaka na nagpapauto pa rin siya sa babaeng iyon.Pinagsiklop ni Czarina ang mga labi at pairap na tinignan ang pangalan sa screen ng cellphone ni Zayden.Sa mababa at sarkastikong boses ay sinagot niya ang naunang tanong ni Chloe."Well, sorry, hindi siya pwede ngayon dahil magkasama kami.""W-- Czarina?!"Kung ano man ang gustong sabihin pa ni Czarina ay hindi na niya nagawa pa dahil mabilis na inagaw ni Zayden ang cellphone. "Ano'ng problema?" tanong ni Zayden sa tonong puno ng pagpapasensya, kabaliktaran ng paraan nito lagi ng pakikipag-usap sa iba.Umismid muli si Czarina. Takot na takot ba itong malaman ni Chloe na magkasama sila? At may masabi siyang iba?"Zi..." pumiyok si Chloe sa kabilang linya na par
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen