Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 372 Warmth After Rain

Share

Kabanata 372 Warmth After Rain

last update publish date: 2025-11-09 09:10:49
Sa kabilang banda, hawak ni Maya ang cellphone, nakatitig pa rin sa mensaheng galing kay Lucas.

Good afternoon. This is Lucas Esguerra.

Walang kasunod na salita, pero sapat na iyon para maramdaman niyang muling bumabalik ang mga alaala ng kahapon.

Ang kamay niya ay nanginginig habang hinahaplos ang screen, para bang hawak niya muli ang isang bahagi ng buhay na matagal nang nawala.

Sa labas, tumakbo si Dahlia galing sa hardin, masiglang sumisigaw.

“Ma! Ang bango ng bagong bulaklak natin!”

Ngunit
Maria Bonifacia

Noon, pangarap ko lang na may magbasa ng sinusulat ko. I never imagined reaching so many hearts through my stories. Thank you so much for proving that dreams really do come true.

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (18)
goodnovel comment avatar
Annita Banana
reminds someone Lucas huh..........Kilig Ako Miss A.Super Ganda.
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks much po!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1249 The Truth He Cannot Tell

    Sandaling tinitigan ni Prince si Stefie. Nasa meeting room pa rin sila ng Santillan Foundation, at nakapatong sa mesa ang mga dokumentong ginamit nito sa presentation.“Personal ang kaso ng daddy ko, wife. Hangga't wala pang malinaw na ebidensiya, ayokong madamay ang ibang tao.”“Hindi ka ba nagtitiwala kina Daddy at Kuya Clarence?”“Hindi iyon ang problema. May mga taong matagal nang humahawak sa imbestigasyon. Mas mabuting sila muna ang magpatuloy.”Tumango si Stefie, ngunit hindi nito inalis ang kamay sa kanyang braso.“Hindi ko naman gustong pangunahan sila. Gusto ko lang makatulong. Ayokong nakikita kang may dinadalang problema na hindi mo masabi sa akin.”“Stefie—”“Prince, asawa mo ako. Hindi ba normal lang na gusto kong malaman kung paano kita matutulungan?”Pinagmasdan niya ang mukha nito. Ilang beses na niyang tinanggihan ang alok ni Stefie, ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pag-aalala sa kanya.“Sapat na sa akin na nandiyan ka,” sagot niya. “Bigyan mo lang ako ng panahon

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1248 When Pretending Feels Real

    Napatingin si Prince kay Noah.“Wala akong gagawin sa kanya. Kung mapatunayan nating si Don Severo ang may kasalanan, sisiguraduhin kong mananagot siya sa batas.”“Paano si Stefie?”“Kung wala siyang kasalanan, hindi siya mananagot sa batas.”“Pero asawa mo siya. Sa tingin mo, hindi siya masasaktan kapag nalaman niyang ginagamit mo siya para makapasok sa pamilya nila?”Sumandal si Prince sa kanyang upuan.“Alam naman niyang isang taon lang ang kontrata namin. At nakinabang din siya sa kasal. Nakaiwas siya sa arranged marriage sa ibang lalaki at nagkaroon ng kalayaang matagal na niyang gusto.”“Hindi naman iyon ang punto ko.”“Then what's your point?”“Hindi mo kontrolado ang mararamdaman niya pagkatapos ng isang taon.”Napailing si Prince. “You're overthinking, bro.”“Talaga? Hindi mo ba napapansing baka napapamahal na siya sa iyo?”“Wala akong nakikitang dahilan para isipin iyon.”Ngunit habang sinasabi iyon, naalala niya ang nangyari sa restaurant noong nakaraang gabi.Ang paghawak

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1247 Love Against Revenge

    Napansin ni Stefie ang pagtigas ng ekspresyon ni Prince nang banggitin niya ang pangalan ng kanyang ama at kapatid.“Prince, may nasabi ba akong mali?”Umiling ito. “Wala, wife. Pero ayokong madamay ang pamilya mo sa isang lumang kaso. Personal na problema ko ito.”“Pero asawa mo ako. Natural lang na gusto kong tumulong.”“I appreciate that.”“Hindi naman kailangang makialam sina Daddy at Kuya Clarence sa buong investigation. Marami lang silang koneksiyon. Baka makatulong sila sa paghahanap ng mga taong may alam sa nangyari.”“May mga tao na akong naghahanap ng impormasyon.”“Pero hanggang ngayon, wala pa ring resulta, di ba?”“May progress naman. Hindi lang ganoon kadaling maresolba ang kaso.”Napabuntong-hininga si Stefie.Mukhang napakataas talaga ng pride ng asawa niya. Kahit may mga taong handang tumulong, gusto nitong sarilinin ang problema.“Fine. Hindi na kita pipilitin. Pero kung magbago ang isip mo, sabihin mo lang sa akin.”“Thank you, wife.”“Isa pa, may ipapangako ka sa a

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1246 Trusting the Wrong Man

    Napahinto si Stefie sa may pintuan ng dining area.“Wife, may nakalimutan ka?”Lumingon siya kay Prince.“May itatanong lang ako. Bakit kailangan mo pang makita ang mga lumang proyekto ng foundation kung ang shoe-donation project naman ang gusto mong suportahan?”“Because I need to know the organization's track record. Bilang negosyante, hindi naman puwedeng pumasok ako sa isang partnership nang hindi pinag-aaralan ang background ng organisasyon.”Napaisip si Stefie.May punto naman ito. Kahit siya, gusto niyang malaman ang performance ng isang kumpanya bago makipagnegosyo.“Okay. Fair enough.”“Bakit? Iniimbestigahan mo ba ako, Mrs. Buenavista?”“Hindi ah! Nagtatanong lang.”“Ang higpit mo namang businesswoman.”“Of course! At para alam mo, hindi porke asawa kita, automatic na kitang gagawing sponsor.”Napataas ang kilay ni Prince. “Talaga?”“Oo. Kailangan mo pa ring dumaan sa tamang proseso. May evaluation at approval. Hindi puwedeng gamitin ang pagiging asawa ko para magkaroon ng s

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1245 Don’t Want to End the Contract

    Napatingala si Stefie mula sa pagkakasandal sa dibdib nito.“Bakit? Ano bang gusto mo?”Lalong lumapad ang ngiti ng asawa.“Anything?”“Depende. Sabihin mo muna.”Inilapit ni Prince ang mukha sa kanya. “Sure ka bang gusto mong malaman?”Doon lamang naisip ni Stefie ang maaaring ibig sabihin ng tanong nito.Naramdaman niyang uminit ang kanyang mga pisngi.“Prince! Ang bastos mo!”Napatawa ito. “Ano na naman ang ginawa ko?”“Alam ko ang iniisip mo!”“Talaga? Ano?”“Basta!”“Wife, ikaw lang ang nag-iisip ng kung ano-ano. Ang gusto ko lang naman, tanggalin na natin ang unan sa gitna ng kama.”Napakurap siya bago napatawa.“Prince, wala na ngang unan sa gitna natin!”“Exactly. Then stop pretending na hindi mo gustong yumakap sa akin.”“Excuse me! Ikaw kaya ang palaging yumayakap!”“Pero hindi ka naman umaayaw.”“Dahil malamig ang aircon!”“Ah, kaya pala.”Ngumisi ito habang pinagmamasdan siya.“Pero kanina, tinanong mo kung ano ang gusto ko, di ba?”“Wala ah! Wala akong tinanong!”“Sure?”

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1244 Her Trust, His Betrayal

    Napailing si Noah. “Bro, hindi ganoon kasimple. Ibang usapan ang paghahanap sa pumatay sa daddy mo at ang paggamit sa isang babaeng walang kinalaman sa nangyari.”“Anak siya ni Don Severo.”“Exactly. Anak siya. Pero hindi ibig sabihin, kasali siya sa mga ginawa ng pamilya niya.”Sumandal si Prince sa kanyang upuan. “Alam ko ang ginagawa ko.”“Sigurado ka?”“Hindi ko hahayaang maapektuhan ng emosyon ang plano ko.”Tinitigan siya ni Noah. “Sana nga.”Bago pa makasagot si Prince, bumukas ang pinto at pumasok si Kevin, hawak ang tablet nito.“Nakausap ko na ang investigators natin. Wala pa ring bagong impormasyon tungkol sa witness at pamilya niya.”“Kailan siya huling nakita?” tanong ni Prince.Tiningnan ni Kevin ang hawak na tablet. “Ayon sa report, dalawang linggo na ang nakalipas nang huling makita siya ng dati nilang kapitbahay. Nagkataong pauwi ito nang makita ang witness na may dalang mga gamit papunta sa sasakyan.”“May plate number?”“Wala. Hindi rin matandaan ang modelo ng sasak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status