MasukNatagpuan na lamang ni Tiffany Laxa ang sarili niya sa loob ng isang nobela. Ngunit hindi ordinaryong kuwento ang kanyang napasukan. Umiikot ito sa isang asawang may matinding sex addiction, isang nakababatang kapatid na may kakayahang mang-akit gamit ang Succubus System, at isang asawang kilala sa pagiging mahinhin at sobrang konserbatibo. Sa takbo ng kuwento, si Twyla ang mang-aakit sa CEO na si Sebastian Villaraza. Unti-unting nahumaling ang lalaki sa nakababatang kapatid niya, at hindi nagtagal ay nag-uumapaw na sa pagnanasa at maiinit na eksena ang kanilang pagsasama. Samantala, ang original na karakter ni Tiffany, na desperadong naghahangad na makuha muli ang atensyon ng asawa, ay nauwi sa isang malagim na kamatayan. “Napakagwapo talaga ng asawa ko! Grabe ang abs niya!” Nang balak na sanang tuldukan ni Sebastian Villaraza ang pagsasama nilang mag-asawa, may kakaiba siyang narinig. Bigla niyang narinig ang mga lihim na iniisip ni Tiffany, mga salitang tila puno ng paghanga at pananabik. Ngunit sa harap niya, nanatiling tikom ang mga labi ng babae, habang inosente at mahinahon ang ekspresyon nito. “Gray pants pa talaga ang suot niya? Ano na lang ang gagawin ko? Sayang naman, hindi ko na siya maaangkin.”
Lihat lebih banyak"Ma'am, dumating na po si Sir."
Pagkarinig ni Tiffany ng mga salitang iyon, parang biglang siyang kinabahan at naguluhan. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin o kung paano siya dapat kumilos.
Wala pang isang oras mula nang mapunta siya sa loob ng isang nobela. At hindi basta ordinaryong kuwento ang napasukan niya kundi isang R-18 na librong pinamagatang Forbidden Nights with My Brother-in-Law. Ang masaklap, hindi siya ang naging pangunahing female lead sa kuwento. Sa halip, napunta siya sa katawan ng unang asawa ng male lead na si Sebastian Villaraza. Ang pangalan ng babaeng iyon ay Tiffany Laxa. Eksaktong-eksakto sa totoo niyang pangalan.
Tatlong taon siyang nanirahan sa Paris para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Dahil halos maubos ang lakas at oras niya sa dami ng mga schoolwork, pagbabasa ng mga nobelang may maiinit na tagpo ang naging paborito niyang libangan kapag may pagkakataon siyang magpahinga. Kabilang sa mga kuwentong nabasa niya ang nobela kung saan siya napadpad ngayon.
Kagabi lamang, halos hindi siya makaalis sa harap ng computer dahil kailangan niyang tapusin ang kanyang thesis. Sa sobrang pagod at pagkahilo, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Pero pagmulat ng mga mata niya, hindi na ang dati niyang kuwarto ang bumungad sa kanya. Sa halip, isang napakalaki at napakagandang kwarto ang nakita niya. Halos lahat ng makikita roon ay sumisigaw ng kayamanan at karangyaan.
Sa una, hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Mabuti na lamang at may napansin siyang cellphone. Nang subukan niya itong buksan, gumana agad ang face recognition. Sinimulan niyang tingnan ang mga message at litrato sa loob nito, at doon tuluyang naglaho ang anumang pag-asang nagkakamali lamang siya. Walang duda. Nasa mundo na siya ng nobelang binasa niya!
"Ma'am, nandito na po si Sir. Hindi n’yo po ba siya sasalubungin?" muling tanong ni Aling Susana, ang namamahala sa mga housekeeper sa mansyon. Ayon sa nakasanayan ng original na karakter na si Tiffany, hindi lumilipas ang ganitong oras nang hindi niya personal na inihahanda ang hapunan. Pagkatapos ay pipili siya ng pinakamaayos at pinakamagandang damit na isusuot bago umupo sa sala at hintayin ang pagdating ni Sebastian.
Hindi naman talaga nagmula sa pagmamahalan ang pagsasama nina Tiffany at Sebastian. Bunga lamang iyon ng isang kasunduang ginawa ng kanilang mga pamilya. Malaki ang pagkakaiba ng kanilang katayuan sa buhay, pero may isang dahilan kung bakit napilitang pumayag ang mga Villaraza.
Noon kasi, nailigtas ng mga magulang ni Tiffany ang buhay ng lolo ni Sebastian. Dahil dito, nagkaroon ng malaking utang na loob ang matanda sa pamilyang Laxa. Sinamantala naman iyon ng mga Laxa para maituloy ang kasal. Sa huli, wala nang nagawa ang pamilyang Villaraza kundi tanggapin ang kasunduan.
"Sige, pababa na ako," tugon ni Tiffany.
Habang sinasagot niya si Aling Susana, abala naman ang isip niya sa paghalungkat ng mga alaalang may kaugnayan sa nobela. Inangat niya ang laylayan ng suot niyang mahabang bestida at dali-daling lumabas papunta sa hagdan. Kailangan niyang i-recall ang lahat ng nalalaman niya tungkol sa lalaking naghihintay sa ibaba.
Sebastian Villaraza.
Dalawampu't siyam na taong gulang, may taas na 6'4", at kilala dahil sa taglay nitong pambihirang kagwapuhan. Matatalim ang kanyang mga mata, at dahil sa kanyang malamig na ekspresyon, mukha siyang masungit at hindi basta-basta malalapitan. Isa siyang lalaking may mataas na pagtingin sa sarili at hindi sanay na may sumasalungat sa mga desisyon niya. Bilang nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Villaraza, kabilang siya sa pinakamakapangyarihang personalidad sa bansa. Ang kanilang angkan ay isa sa apat na pinakamayaman at pinakamaimpluwensiyang pamilya.
Gayunpaman, may isang bagay tungkol sa kanya na hindi maaaring malaman ng publiko. Mayroon siyang malubhang sex addiction.
Sa loob ng napakalawak nilang mansyon sa Rockwell, may isang silid na sadyang inilaan para lamang kay Sebastian. Hindi iyon ordinaryong kuwarto dahil napakaraming kakaibang kagamitan sa loob na sapat na upang mamula sa kahihiyan ang sinumang makakita. Halos araw-araw siyang nagkukulong doon ng isa hanggang dalawang oras. Hindi rin nagtipid ang may-akda sa paglalarawan sa mga ginagawa niya sa pribadong silid na iyon. Doon niya inilalabas ang matinding pagnanasa na pilit niyang kinokontrol sa harap ng ibang tao.
Noong unang mabasa ni Tiffany ang bahaging iyon, hindi niya napigilang manlaki ang mga mata niya. Bagama't nasiyahan siyang basahin ang mga maiinit na tagpo, nakaramdam din siya ng awa sa asawa ng lalaki. Lalo pa't kapangalan niya ang babaeng iyon. Lumaki ang original na Tiffany sa isang pamilyang mahigpit na pinahahalagahan ang pagiging disente at konserbatibo. Bata pa lamang siya ay naturuan na siyang kumilos nang may pagpipigil, magsalita nang mahinahon, at panatilihin ang isang elegante at kagalang-galang na image.
Kahit pagkatapos niyang magpakasal kay Sebastian, hindi niya tinalikuran ang mga prinsipyong kinalakihan niya. Sa halip, buong pagsisikap niyang ginampanan ang papel ng isang mabuti at huwarang asawa. Ang problema, kabaligtaran pala ng kanyang inaasahan ang hinahanap ni Sebastian. Hindi niya gusto ang isang babaeng laging mahinhin at maingat sa kilos. Ang gusto niya ay isang babaeng kayang maging mapusok at walang pagpipigil kapag silang dalawa lang ang nasa kama.
Tatlong taon nang nagsasama ang mag-asawa, pero kahit gaano katindi ang pagnanasa ni Sebastian, hindi niya kailanman nagawang galawin ang kanyang asawa. Dahil wala rin naman silang tunay na nararamdaman para sa isa't isa, lalo lamang lumaki ang distansya sa pagitan nila. Kalaunan, naging napakalamig na ng pakikitungo ni Sebastian kay Tiffany, na para bang wala itong anumang halaga sa kanya.
Nagpatuloy ang lahat hanggang sa matagpuan ang nawawalang bunsong anak ng pamilyang Laxa. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Twyla Laxa. Ngunit hindi ordinaryong babae si Twyla. Mayroon siyang nakakabit na Succubus System, isang kakaibang sistema na nagbibigay sa kanya ng kakayahang akitin ang sinumang lalaking pipiliin niya. Kapag naging target na niya ang isang lalaki, halos wala na itong magagawa kundi mahulog sa kanyang pang-aakit at tuluyang magpasakop sa kanyang alindog.
Nang magtagpo ang Succubus System ni Twyla at ang hindi mapigilang pagnanasa ni Sebastian, para silang dalawang tuyong sanga na basta na lamang sinilaban. Mula noon, tila wala nang anumang makapipigil sa kanilang dalawa. Sa sofa, sa kusina, sa balkonahe, hanggang sa banyo. Halos lahat ng parte ng buong bahay ay naging bahagi ng maiinit nilang eksena. Kung tutuusin, halos bawat kabanata ng nobela ay umiikot sa kanilang nag-aalab na relasyon.
Hindi kinaya ng karakter ni Tiffany ang lahat ng nangyayari. Dahil sa selos at galit, sunod-sunod ang mga ginawa niyang paraan upang mapaalis si Twyla sa buhay ni Sebastian. Ngunit hindi siya tumigil doon. Umabot pa siya sa puntong nagtangka siyang tapusin ang buhay ng karibal niya.
Sa kasamaang-palad, natuklasan ni Sebastian ang kanyang ginawa. Bilang kaparusahan, ipinadala siya sa ibang bansa at ipinagbili sa isang ilegal na sindikato. Doon siya dumanas ng paulit-ulit na pang-aabuso hanggang sa tuluyan siyang mamatay. Nang balikan ni Tiffany ang kakila-kilabot na sinapit ng dating may-ari ng katawan, hindi niya maiwasang mapailing sa labis na pagkadismaya.
"Kung alam ko lang na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon, sana puro wholesome na kuwento na lang ang binasa ko! Nakakainis talaga!"
Habang ipinapasok ni Sebastian ang kanyang sasakyan sa pribadong daan ng mansyon. Komportableng nakasandal ang lalaki sa leather seat. Bahagyang magkadikit ang kanyang makakapal na kilay, nakapikit ang malalim niyang mga mata, at kapansin-pansin ang perpektong hugis ng kanyang ilong at mapupulang labi. Kahit hindi siya nagsasalita, sapat na ang kanyang ekspresyon upang ipakita ang malamig at kontroladong personalidad niya.
Hindi pa rin maalis sa kanyang isip ang naging pag-uusap nila ng kanyang ina kanina.
"Tatlong buwan nang wala ang lolo mo. Pinakasalan mo lamang si Tiffany noon dahil may utang na loob tayo sa pamilya niya. Tatlong taon na kayong kasal, pero wala pa rin kayong anak. Kung tutuusin, hindi mo naman siya mahal. Hindi ba panahon na para iwan mo na siya?"
Hindi naman talaga posibleng magkaroon sila ng anak dahil hindi niya kailanman nagawang galawin ang kanyang asawa. Tungkol naman sa gusto ng kanyang ina na maki, hindi pa siya nakakapagpasya tungkol sa bagay na iyon. Siya ang may pinakamataas na posisyon sa buong pamilyang Villaraza. Isang taong hindi kayang abutin ng mga ordinaryong tao at kinatatakutan ng lahat.
Ganoon din naman ang tingin sa kanya ni Tiffany. Sa tuwing nagkakaharap sila, palagi itong maingat at magalang. Hindi niya kailanman nakitang nagpapakita ito ng anumang motibong lumapit sa kanya nang higit pa sa dapat. Kahit simpleng paghawak lamang niya sa kamay nito ay sapat na para mamula ang mukha ng babae at agad na umiwas.
Sanay din itong magsuot ng mahahabang damit na halos matakpan na ang buong katawan nito. Mahina ang boses, pino ang pananalita, at tila wala itong ibang alam gawin kundi sumunod sa kanyang mga kagustuhan. Pero hindi ganoong klaseng babae ang gusto ni Sebastian.
Unti-unting huminto ang sasakyan sa tapat ng mansyon. Dahan-dahang iminulat ni Sebastian ang kanyang mga mata. Matatalim ang mga mata nito. Napagpasyahan niyang ngayong gabi na niya kakausapin si Tiffany tungkol sa kanilang relasyon. Nang bumukas ang p***o ng sasakyan at makapasok siya sa sala, nakita niya ang kanyang asawa na nakatayo sa kinagawian nitong puwesto. Gaya ng nakasanayan, naghihintay ito para salubungin siya.
Samantala, malinaw na sa isip ni Tiffany ang gagawin niya mula ngayon. Hindi na siya makikialam sa takbo ng kuwento. Magpapanggap siyang walang alam at hahayaan na lamang ang lahat hanggang sa tuluyang dumating si Twyla, ang babaeng nakatakdang maging pangunahing tauhan.
Kapag nangyari iyon, hindi niya gagayahin ang ginawa ng original na Tiffany. Hindi siya makikipag-agawan kay Sebastian at lalong hindi niya ipaglalaban ang isang lalaking hindi naman siya mahal. Sa halip, kusang-loob siyang aalis at hahayaan silang dalawa na magsama. Sa ganitong paraan, hindi niya kailangang danasin ang kakila-kilabot na kamatayan sa nobelang ito. At kung papalarin siyang makakuha ng malaking halaga bilang sustento kapag naghiwalay na sila, lalo gagaan at magiging komportable ang buhay niya.
Pero sandali...Ganito pala gwapo si Sebastian!
Hindi napigilan ni Tiffany na bahagyang manlaki ang mga mata habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan niya. Sa lahat ng gwapong lalaking nakita niya sa cellphone noong nasa totoong mundo pa siya, wala ni isa ang nakapantay sa hitsura ni Sebastian. Maging si Dylan Sandoval, ang lalaking matagal na niyang hinahangaan at naging dahilan kung bakit siya nag-aral sa Paris, ay hindi pa rin makapapantay sa kagwapuhan nito. Kakaiba talaga ang lalaking ito. Sa sobrang lakas ng dating ni Sebastian, hindi namalayan ni Tiffany na kanina pa pala siya nakatitig dito. Halos mawala siya sa sarili habang nakapako pa rin ang mga mata niya sa lalaki.
Samantala, itinaas ni Sebastian ang magkabilang braso at hinintay na lumapit ang kanyang asawa. Gaya ng dati, inaasahan niyang siya ang mag-aalis ng kanyang coat. Pero ilang sandali na ang lumipas, nanatili lamang sa kinatatayuan si Tiffany. Sa halip na kumilos at lumapit, nakatitig lang ito sa kanya na parang namamangha sa kanyang nakita.
"Ma'am!"
Sinubukan ni Aling Susana na kunin ang atensyon ni Tiffany. Bahagya niya itong siniko upang ipaalala na naroon ang kanyang asawa. Dahil doon, saka lamang natauhan si Tiffany. Mabilis niyang pinunasan ang gilid ng kanyang labi. Mabuti na lamang at hindi siya tuluyang naglaway sa harap ng lalaki!
"Ano po iyon?" tanong niya habang lumilingon sa matandang kasambahay. Napatingin naman sa kanya si Aling Susana nang may pagtataka. Ano kaya ang nangyari kay Ma'am ngayon? Bakit parang may nakalimutan siya?
Tutal, nakasanayan na ni Tiffany na salubungin ang kanyang asawa at personal na alisin ang coat nito pagdating sa bahay. Para sa dating Tiffany, isa iyon sa mga responsibilidad niya bilang asawa. Naniniwala rin siyang sa pamamagitan ng maliliit na bagay na iyon ay mas mapapalapit siya kay Sebastian.
Ngunit ngayon, parang nakalimutan na niya ang simpleng kaugaliang iyon. Hindi na nagawang maghintay ni Sebastian. Ibinaba niya ang mga braso na kanina pang nakataas at siya na mismo ang nagtanggal ng kanyang coat. Pagkatapos, iniabot niya iyon kay Aling Susana.
"I heard nakita na raw ang kapatid mo."
Habang sinasabi iyon, dumiretso si Sebastian sa sofa. Naupo siya at komportableng ipinatong ang isang braso sa sandalan nito bago malamig na tumingin kay Tiffany. Totoong nabasa ni Tiffany sa cellphone kanina ang message na ipinadala ng kanyang ina. Ibinalita ng kanyang ina na nakita na nga ang nakababata niyang kapatid, pero hindi pa rin nakakauwi sa kanila.
Kaya naman tumango siya. "Oo."
"Halika, maupo ka. May kailangan tayong pag-usapan." Walang anumang emosyon sa boses ni Sebastian habang sinasabi iyon. Hindi na nagtanong pa si Tiffany. Sa halip, agad siyang lumapit at umupo sa mismong tabi ng lalaki. Ngayong magkalapit na sila, mas lalo niyang napagtanto kung gaano kapambihira ang kagwapuhan nito.
Sayang naman kung basta ko na lang siya ipapaubaya sa ibang babae… Pero hindi! Mas importante pa rin na manatili akong buhay. Ano ba naman ang laban ng isang supporting character sa mismong female lead ng kuwento?
Bahagyang sumulyap si Sebastian sa pagitan nilang dalawa. Halos magkadikit na ang kanilang mga balikat. Dahil sa lapit nila, naaamoy niya ang banayad at kaaya-ayang halimuyak ng mga bulaklak na nagmumula sa buhok ni Tiffany. Dati, palaging pinipili ng babae ang pinakadulong bahagi ng sofa upang mapanatili ang sapat na distansya sa kanya. Para bang kahit ang simpleng pag-upo sa tabi niya ay isang bagay na hindi niya kayang gawin.
Pero ano naman kaya ang nangyari sa kanya ngayon? Nakahanda na sanang banggitin ni Sebastian ang tungkol sa annulment nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kanyang asawa. Bago pa siya makapagtanong, parang nawalan na ng lakas ang katawan ni Tiffany. Bigla na lang itong bumagsak sa kanyang dibdib at mga bisig.
Ibang klase, matipuno pala talaga ang katawan niya!
Iyon ang huling naisip ni Tiffany bago tuluyang mawalan ng malay.
“Saan ka pupunta?”Napatingin si Sebastian sa bag na hawak ni Tiffany. Ibang-iba ang estilo nito sa mga bag na dati niyang nakikitang ginagamit ng asawa. Mas moderno at uso ang disenyo. Maging ang damit na suot nito ay kapansin-pansin. Mas elegante ang pagkakagawa at bagay na bagay sa matangkad at balingkinitang pangangatawan nito.Hindi kailanman nagsuot ng ganoong mga damit si Tiffany noon. Pati ang mga laman ng walk-in closet nito ay hindi nagustuhan ng kanyang inang si Doña Sandra dahil sa sobrang makaluma at pangmatanda. May balak si Tiffany na maglibot sa labas ngayong araw. Ilang araw na lang at ipatawag na siya ng pamilyang Laxa para dumalo sa welcome party bilang pagdiriwang sa pagbabalik ng bunsong kapatid niyang si Twyla. Pagkatapos noon, tiyak na magbabago ang lahat. Mawawala ang puwesto niya sa pamilya at hindi na siya tatratuhin nang gaya ng dati. Samantala, unti-unti namang mahuhulog ang loob ni Sebastian sa alindog ni Twyla. Gaya nga ng kasabihan, hindi magtatagal a
Habang hinihintay ang kanyang order, hindi maiwasang malungkot si Tiffany. Sa dati niyang mundo, matagal nang wala ang kanyang mga magulang. Gayunpaman, napakalaki ng iniwan nilang mana sa kanya, sapat para mabuhay siya nang komportable at marangya kahit hindi na siya magtrabaho habambuhay.Kung hindi lang dahil gusto niyang patunayan kay Dylan na kaya niya, hindi naman sana niya kailangang pagdaanan ang lahat ng paghihirap sa pag-aaral sa Paris. Ang masaklap pa, hindi pa niya natatapos ang thesis niya roon. Kung sakaling makabalik siya sa totoong mundo, itutuloy pa kaya niya ang pag-aaral? At may isa pa siyang naalala. Noong huli niyang silipin ang Instagram account ni Dylan, may mga picture itong kasama ang ibang babae. Sa tingin niya, hindi lang basta pagkakaibigan ang namamagitan sa dalawa.Damn it! Habang lalo niya iyong iniisip, lalo rin siyang naiinis. Mabuti na lang at biglang nag-ring ang cellphone niya. Ang delivery rider na iyon na pala ang tumatawag.“Ma'am, nasa main gate
Kabanata 2: Secret RoomMatipuno pala talaga ang katawan niya!Napakunot-noo si Sebastian. Sandali siyang napaisip kung nagkamali lamang ba siya ng dinig. Kanina, malinaw na narinig niya ang boses ni Tiffany kahit hindi naman ito nagsasalita. Higit pa roon, hindi siya makapaniwalang manggagaling sa isang babaeng kilala sa pagiging mahinhin at konserbatibo ang ganoong klaseng pananalita.Baka imahinasyon ko lang iyon."Tawagin mo si Dr. Zamora," malamig niyang utos kay Aling Susana.Makalipas ang tatlumpung minuto, natukoy ng doktor na bumaba nang husto ang blood sugar level ni Tiffany. Mayroon itong hypoglycemia. Binigyan siya ng glucose upang maibalik ang normal na lakas ng kanyang katawan. Nang unti-unti nang bumuti ang kanyang pakiramdam, saka lamang siya nagkamalay. Pagmulat niya, nakita niyang nakaupo sa tabi ng kama si Aling Susana."Ma'am, nasa kuwarto po si Sir sa basement. Mahigpit po ang bilin niyang walang sinuman ang puwedeng mang-istorbo sa kanya hanggang alas-diyes ng ga
"Ma'am, dumating na po si Sir." Pagkarinig ni Tiffany ng mga salitang iyon, parang biglang siyang kinabahan at naguluhan. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin o kung paano siya dapat kumilos.Wala pang isang oras mula nang mapunta siya sa loob ng isang nobela. At hindi basta ordinaryong kuwento ang napasukan niya kundi isang R-18 na librong pinamagatang Forbidden Nights with My Brother-in-Law. Ang masaklap, hindi siya ang naging pangunahing female lead sa kuwento. Sa halip, napunta siya sa katawan ng unang asawa ng male lead na si Sebastian Villaraza. Ang pangalan ng babaeng iyon ay Tiffany Laxa. Eksaktong-eksakto sa totoo niyang pangalan.Tatlong taon siyang nanirahan sa Paris para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Dahil halos maubos ang lakas at oras niya sa dami ng mga schoolwork, pagbabasa ng mga nobelang may maiinit na tagpo ang naging paborito niyang libangan kapag may pagkakataon siyang magpahinga. Kabilang sa mga kuwentong nabasa niya ang nobela kung saan siya na












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.