FAZER LOGINNagtama ang paningin nila Iris at Victor Lim. Nanlamig ang palad niya.At doon niya nabasa ang galit.Hindi yung galit na sumisigaw. Yung galit na tahimik, pero kaya kang lunurin.“Sir Victor, buti po at nadalaw kayo para makapagpasalamat ako ng personal.”Napansin ni Iris ang nakasukbit sa beywang nito.Isang baril.Parang biglang nanikip ang dibdib niya. Hindi niya alam kung tama ang hinala niya o paranoid lang siya, paano kung si Victor Lim ang nasa likod ng death threat?“Kumusta na ang lagay mo?” tanong ni Victor kay Daryl.“Mas okay na po,” sagot nito. “Salamat po ulit sa donation. Kundi po dahil sa dugo ninyo, baka wala na ako ngayon. Baka hindi ko na kasama si Iris.”Sumilay ang ngiti sa labi ng matanda. “Mabuti at okay ka na.”Dumulas ang tingin ni Iris sa baril ulit. Parang gusto niyang tanungin, pero natuyo ang lalamunan niya.Kung si Victor… tatay ni Daryl… bakit parang hindi alam ni Daryl?Bakit Sir Victor pa rin ang tawag nito?Bakit ang tono nito parang mentor lang kaus
Biglang tumigil sa mundo.Nanlaki ang mata ni Daryl. Dahan-dahang umayos ang upo niya kahit halatang masakit. “Anong ibig mong sabihin?”Hindi makatingin si Iris.“Tapusin na natin…” nanginginig ang boses niya. “Yung fake marriage na ’to.”Nanlamig ang mukha ni Daryl. “Hon--”“Wala na naman si Harvey,” dagdag ni Iris, parang nagmamadali siyang sabihin bago siya umatras sa sariling tapang. “Wala nang dahilan. Wala nang--”Tumayo siya bigla, parang natatakot sa sariling salita. “I have to go.”Pero bago siya makaalis, hinawakan ni Daryl ang kamay niya, isang mabilis na kapit, kahit mahina pa ang katawan niya.Hindi niya hinigpitan, pero ramdam ni Iris ang pakiusap sa daliri.“Bakit?” paos na tanong ni Daryl. “Bakit mo biglang gustong tapusin?”Napapikit si Iris.Dahil nalagay ka sa panganib ka dahil sa’kin.Dahil sinabi ni Victor Lim.Dahil ayokong madamay ka.Pero wala siyang nasabi.Sa halip, tumulo ang luha niya, isa lang, mabilis niyang pinunasan, pero nakita pa rin ni Daryl.At doo
Huminga siya nang malalim at sinagot ang tawag.“Hello?”May mahinang static, tapos isang boses na pamilyar.“Iris? It’s me. Lucas.”Nakahinga siya ng maluwag. “Lucas? Bakit… unknown number?”Napabuntong-hininga si Lucas sa kabilang linya. “Nasa ibang bansa ako. Hindi gumagana yung sim ko dito, kaya hotel line ang gamit ko. Pasensya na.”Hindi agad nakasagot si Iris. Parang bumalik sa dibdib niya ang bigat ng lahat.“Kumusta kayo?” tanong ni Lucas, bumaba ang boses. “Kumusta si Daryl? Ikaw?”“Nabaril siya… dahil sa’kin,” aniyang naiiyak na naman.“Iris…” mahinahon pero firm ang boses niya, “huwag mong akuin lahat. Oo, ikaw ang target. Pero si Daryl… he chose to protect you. At kung uulit ang araw na ’yon, for sure pipiliin pa din niyang iligtas ka.”Napapikit siya. Pumapatak ang luha niya. Pinahid niya agad.“Nagi-guilty ako na nalagay siya sa bingit ng kamatayan dahil sa akin. Ako ang may kasalanan,” paos niyang sabi.“Shhh, huwag mong isipin ‘yan. Ginagawa namin ang lahat para mahul
Tumango si Iris ng marahan. “Oo naman, okay lang ako.”“Dalawin mo lang ako kapag may oras ka. Please hanggang maaari sa mansyon ka na lang magwork. O isama mo si Brent o Lucas kapag aalis ka.”“Oo, may security naman,” nauutal siya. “Busy kaya hindi ako madalas makapunta… marami kasing… inaasikaso.”Hindi niya kayang sabihin ang totoong dahilan.Tinitigan siya nito, tahimik. Hindi ito nagsalita agad, pero yung mata nito… parang may init at sakit na magkahalo. Tila may nararamdamang kakaiba si Daryl.Humigpit ang hawak nito sa kamay ni Iris.“Mag-iingat ka palagi. Hindi pa nahuhuli ang taong nasa likod ng death threat,” bulong ni Daryl, paos na paos.Kumislap ang luha niya. Kumurap siya nang ilang ulit para pigilan.Hinila ni Daryl ang kamay niya palapit sa labi nito, at kahit mahina, hinalikan nito ang mga daliri niya.Napapikit si Iris.Kailangan niyang lumayo… bago tuluyang mapahamak si Daryl.Nang magbukas ang pinto at sumilip ang nurse, mabilis niyang binawi ang kamay niya at tum
Nanlaki ang mata ni Iris. Bumuka ang bibig niya, pero walang lumabas na boses.“Nasisira din ang negosyong kakasimula pa lang dahil inuuna ka niya. Napabayaan niya dahil sa’yo. You’re ruining my son.”Tumunog ang intercom.“Prepare the ICU. We’re moving him.”Sa pagitan ng ginhawang buhay si Daryl at ng malamig na utos ni Victor, biglang naisip ni Iris ang isang desisyon.Kung siya ang dahilan…kailangan ba niyang bitawan si Daryl?Nangatog ang tuhod ni Iris, at dahan-dahan siyang napatingin sa pinto kung saan ilalabas si Daryl.Muling nagsalita si Victor, parang lason na paulit-ulit sa tenga niya--“Leave him alone.”“Matalino ka, you know what to do,” anitong tumalikod at umalis.Naiwan siyang nanginginig ang katawan.Dahan-dahang bumukas ang pinto ng operating room.Hindi man sinabi ng nurse nang direkta, pero sa paraan ng tingin nito kay Iris, alam na agad niya, tapos na ang operasyon.“Ma’am,” mahinang sabi ng nurse, “successful po ang surgery. Pero critical pa rin. Ililipat na po
“Ano pang hinihintay? Nanganganib ang buhay ng pasyente,” ani Victor Lim. Agad kumilos ang mga nurse at duktor.Wala itong emosyon sa mukha, maliban sa isang maliit na kislap sa mata na hindi mabasa.“Dito po, Sir,” sabi ng nurse. “Blood donation form. Paki-fill up.”Kinuha ni Victor ang clipboard, walang tanong, walang reklamo.Nakatayo si Brent sa tabi ni Iris, nakasuksok ang kamay sa bulsa, pero kumikilos ang panga na parang gustong durugin ang mundo. Nakatitig siya kay Victor na para bang hinihintay niyang magsalita ito. Bakit nito tutulungan si Daryl? At same rare blood type pa sila.Tapos na itong pumirma.Si Iris, hindi makatingin kay Victor. Nakatingin siya sa sahig, hawak-hawak ang bracelet sa pulso niya, yung four-leaf clover na dapat lucky pero ngayon parang mabigat na bakal.Nagdasal siya. Hindi na niya alam kung anong dasal ang tama, basta lumalabas na lang sa bibig niya.“Lord… please… huwag po ninyong papabayaan si Daryl. Huwag po siya. Ako na lang po ang kunin ninyo. B







