LOGINA storm brought Lorraine Montecarlos to the door of the city’s most feared billionaire and into a dangerous arrangement she could no longer escape. To protect his reputation, the cold and arrogant Tyron Zaragoza offers her a deal which is to pretend to be his lover for three months in exchange for the life she desperately needs. One fake relationship. No feelings attached. But living with a possessive man who hides tenderness behind his icy walls slowly becomes Lorraine’s greatest weakness. Between those stolen moments, arguments, and a love that feels so real, she finds herself falling for the one man she should never trust. Until she discovers the truth that Tyron’s heart still belongs to the woman from his past, and she may have only been a temporary replacement all along. Worse, just when she decides to walk away, Lorraine finds out she is carrying his child. Now Lorraine must choose. Leave before Tyron destroys her completely or risk everything for a love that was never meant to be hers.
View MoreMalalakas na patak ng ulan ang halos bumubulag kay Lorraine habang naglalakad siya sa gilid ng madilim na kalsada. Sinamahan pa ng malamig na hangin kaya wala siyang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili at pasimpleng nagsisisi kung bakit pa niya tinuloy ngayon ang plano niya.
Mahigpit niyang hawak ang payong ngunit halos mawalan na iyon ng silbi dahil sa napakalakas na hangin. Kahit gaano pa kalakas ang kapit niya ay mas malakas pa ang bugso ng hangin. Basa na ang mahaba niyang buhok, maging ang simpleng red dress na suot niya ay dumikit na sa kaniyang balat dahil sa ulan.
Napabuntong-hininga siya habang pilit na pinoprotektahan ang folder na hawak niya.
“Grabe naman kasi ang ulan na ‘to, kahit kailan panira talaga, eh,” mahina niyang bulong sa sarili. “Sana pala hindi ko na lang tinuloy ngayon. Pwede naman kasing ipagpabukas na lang.”
Pero kanina rin naman kasi no’ng lumabas siya ng boarding house niya ay hindi pa ganito kalakas ang ulan. Sayang trip lang siguro siya ng ulan. Sinusubok talaga ang pagiging ulirang guro niya.
Ilang araw nang absent ang isa sa kaniyang estudyante. Hindi sumasagot sa tawag at hindi rin nagre-reply sa messages niya. At bilang adviser ay hindi siya mapakali. Kilala niya ang mga estudyante niya at ramdam niyang may problema ang bata.
Kaya heto siya ngayon, tinutupad ang saying na “My Teacher, My Hero”. Kahit sinusubok ng panahon ay pinilit pa rin niyang puntahan ang address na nasa student records.
Napatingin siya sa maliit na papel na halos mabasa na sa ulan. Sinisigurado niya lang na nasa tamang landas pa siya.
“Zaragoza Subdivision,” mahina niyang basa.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang naglalakad dahil wala nang masakyan sa lugar na iyon. Wala ring dumadaang sasakyan dahil sa malakas na ulan. Tanging malalakas na kulog at hampas ng hangin lamang ang kasama niya.
Ang ganda talaga ng timing! Kasing ganda ko, bulong niya sa sarili.
Maya-maya pa ay napahinto siya.
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa napakalaking gate sa harapan niya. Isang napakataas na itim na gate ang bumungad sa kaniya, napapalibutan ng matatayog na pader at mamahaling ilaw na bahagyang natatakpan ng ulan. Muli niyang binasa ang papel, tama naman ang address na pinuntahan niya.
“Ang yaman pala ng batang ‘yon,” aniya sa sarili habang nakatayo sa harap ng malaking bahay. “Eh, bakit nasa public school siya nag-aaral?” Pailing-iling pa siya habang hawak-hawak pa rin ang payong niya. “Hindi na yata ‘to bahay eh. Mansion na ‘to.”
Parang mansion ng mga nasa pelikula. Ay, hindi, mas maganda pa ‘to eh.
Napalunok siya nang mabasa ang nakaukit na pangalan sa bakal.
ZARAGOZA MANSION.
Napakunot-noo siya. Mansion nga. Ang yaman naman pala ng estudyante niya, wala naman pala siyang dapat ipag-alala.
“Dito ba talaga siya nakatira?” hindi makapaniwalang bulong niya. “Pero hindi naman Zaragoza si Elaine, eh.”
Bago pa siya makapag-isip nang maayos ay biglang kumidlat. At sinundan pa ng malakas na kulog. Napasinghap siya sa gulat habang napaatras. Kasabay niyon ang mas malakas pang pagbuhos ng ulan.
“Jusko! ‘Wag mo naman akong pahirapan, Lord. Nagtatrabaho lang naman ako nang maayos, eh.”
Napatingin siya sa cellphone niya ngunit halos wala nang signal. Wala ring mabook na sasakyan kasi nga walang signal. Ang tanong ay paano siya uuwi nito? Maliban sa ang lakas ng ulan ay mukhang aabutan na talaga siya ng dilim. At isa lang ang ibig sabihin ng mga nangyayari sa kaniya ngayon.
Na-stranded na siya.
Kinakabahan siyang lumapit sa intercom ng gate bago marahang nagsalita.
“H-Hello po? Pasensya na po, magtatanong lang sana ako. Dito po ba nakatira si Elaine Madrigal?”
Ilang segundo ang lumipas. Pagkatapos ay unti-unting bumukas ang malaking gate. Mas lalo siyang napakurap.
Talaga naman oh! Ang yaman nga naman, di-remote ang gate! Hindi niya mapagilang bulong sa sarili.
Mula sa loob ay may ilang lalaking naka-itim na suit na mabilis lumapit sa kaniya.
“Good evening, ma’am,” magalang ngunit seryosong sabi ng isa. “Please come inside.”
“H-Ha? Hindi po, okay lang po ako rito—”
“Sir is already waiting.”
Tuluyan siyang natigilan.
Sir?
Kahit hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng lalaki ay pumasok na rin siya. Hindi na niya kaya ang lamig at ulan sa labas. Si Elaine lang naman ang pakay niya at baka ang Sir na tinutukoy nito ay ang Ama ni Elaine. Mas mabuti na rin iyon para makausap niya ang parents ng bata.
Sa hindi niya malamang dahilan ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya habang naglalakad sa napakahabang driveway. Sa magkabilang gilid ay may mamahaling sasakyan, fountains, at ilaw na tila pang-luxury hotel.
Hindi niya maiwasang mailang. Pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa lugar na iyon. Pagkapasok niya sa loob ng mansion ay lalo siyang natulala.
Napakalawak ng sala. May malaking crystal chandelier sa gitna ng kisame habang ang marble floor ay halos kumikinang sa linis. Amoy mamahaling pabango at kahoy ang buong paligid. At sobrang tahimik ng paligid na para bang bawal gumawa ng ingay sa loob.
“Sir is upstairs,” sabi ng isa sa mga kasambahay.
“S-Sandali lang po, dito po ba nakati—”
“This way, ma’am.”
Hindi na siya nakatanggi. Baka rin naman kasi alam na talaga ng pamilya ni Elaine na parating siya. Baka tinawagan na ng school ang pamilya ng bata na parating siya, pero…
Imposibble, aniya sa sarili. Wala naman kasi siyang sinabihan na magho-home visit siya.
Kahit ang daming tanong sa utak niya ay dahan-dahan siyang umakyat sa napakalaking hagdan habang mahigpit na hawak ang strap ng bag niya. Habang papalapit siya sa second floor ay mas lalo siyang kinakabahan. Hindi niya maintindihan kung bakit.
May kakaiba sa lugar. At mas kakaiba ang pakiramdam niya.
At bago pa siya makakuha ng lakas ng loob para magtanong ay huminto ang maid sa harap ng malaking pintuan.
“Sir is waiting inside.”
Bago pa makapagsalita si Lorraine ay bumukas na agad ang pinto. At doon siya tuluyang natigilan.
Isang matangkad na lalaki ang nakatayo malapit sa malaking glass window habang hawak ang baso ng alak. Nakatagilid ito ngunit agad siyang nilingon nang maramdaman ang presensya niya.
At sa isang iglap…
Parang nawala ang lahat ng ingay sa paligid.
Napasinghap na lang si Lorraine. Napakagwapo ba naman kasi ng kaharap niya. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, matigas ang pangal at idagdag pa ang mga matamang malamig ngunit sobrang tindi ng dating.
Nakasuot ito ng puting polo na bahagyang nakabukas sa itaas habang nakaluwag ang necktie nito. Mukhang kagagaling lang sa trabaho. Ngunit kahit halatang pagod, nananatiling napakalakas ng aura nito. Parang bawat kilos nito ay puno ng kapangyarihan.
“Finally.”
Mababa at malamig ang boses nito. Napakurap si Lorraine.
“P-Po?”
Dahan-dahang lumapit ang lalaki habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinakabahan nang ganoon.
“You’re late.”
Napakunot-noo siya. Anong sinasabi ng lalaking to?
“Wait lang po, baka may mali yata—”
Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong hinawakan ang pulsuhan niya. Napasinghap siya. Mainit ang kamay nito at sobrang lakas ng dating ng simpleng hawak na iyon. Sa isang iglap ay nahila siya papasok ng silid. Tuluyan nang sumara ang pinto sa likod nila.
“Sir—”
“Tyron.”
Mababa ang boses nito habang nakatitig sa kaniya. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ni Lorraine. Alam mo yong titig pa lang ay pwede na pang-ulam! Pero pilit niyang tinatanggal sa isip iyon.
Tyron Zaragoza.
Ang billionaire CEO na madalas niyang makita sa business magazines at online articles. Hindi siya makapaniwalang kaharap niya ito ngayon. At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit parang mali ang tingin nito sa kaniya.
Teka lang naman, aniya na naman sa sarili. Hindi naman siguro ito ang Daddy ni Elaine.
“Sir, magtatanong lang naman po sana—”
Naputol ang sasabihin niya nang marahang hinaplos ni Tyron ang basa niyang buhok.
Napapikit siya saglit. Naamoy niya agad ang mamahalin nitong perfume na may halong alak pero hindi masakit sa ilong.
“You’re freezing,” mahina nitong sabi.
Unti-unting bumaba ang tingin ni Tyron sa labi niya. At doon lalo siyang kinabahan.
“Sir Tyron…” mahina niyang tawag.
Hindi niya alam kung bakit nanghihina ang tuhod niya sa bawat titig nito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit hindi siya makagalaw nang maayos. Parang may kung anong humihila sa kaniya palapit dito.
“Relax,” bulong nito habang marahang hinahawakan ang baba niya. “You’re safe here.”
Napasinghap si Lorraine.
Dapat magsalita siya. Dapat ipaliwanag niyang may misunderstanding. Pero habang nakatitig siya sa gwapong mukha ni Tyron…
Habang naaamoy niya ang pabango nito…
Habang nararamdaman niya ang init ng katawan nitong sobrang lapit sa kaniya…
Unti-unting gumulo ang isip niya. Sa labas ay patuloy ang malakas na ulan. Ngunit mas malakas ang gulong nararamdaman niya sa loob ng kwartong iyon.
“You’re ready? I’m fuxking horny.”
Eksaktong alas singko y medya ng hapon nang tuluyang makalabas si Lorraine ng eskwelahang pinapasukan niya. Lupaypay ang buong katawan niya at wala na nga siyang ganang maglakad pa pauwi. Hindi niya alam kung anong gagawin niya pero mas gusto niya sanang pawiin muna ang pagod niya bago siya mag-isip kung anong magandang gawin.Pero ang tanong, paano niya mapapawi ang pagod niya?Napahawak na lang siya sa leeg niya at napangiti nang makitang may nagtitinda ng kwek-kwek sa tapat ng paaralan.Oo, pagod na pagod siya pero kailangan niya munang kumain.Pagod siya hindi dahil sa pagtuturo kundi dahil sa dami ng iniisip niya buong araw. Pakiramdam niya ay wala siyang ginawang iba kundi mag-isip. Tungkol sa school, sa mga batang mawawalan ng school kung sakaling hindi man sila m
Mabigat ang pakiramdam ni Lorraine habang naglalakad palabas ng opisina ng principal. Hindi niya inakalang sabay-sabay na darating ang problema niya, di man lang na-traffic. Eksaktong-eksakto talaga ang pagdagsa na para bang pumayag siya.Bawat hakbang niya ay mabibigat, pakiramdam niya ay mas mabigat pa ang bawat hakbang niya ngayon kumpara noong papasok siya kanina sa paaralan.Hindi niya inaasahang ganoon kalaki ang problema ng school nila. Patawa-tawa pa nga lang lahat last week tapos malaki na pala ang problema nila.Tatlong buwan. Isipin mo tatlong buwan na lang.Tatlong buwan na lang ang itatagal ng paaralan kung walang magbabago. Dios ko naman.Tatlong buwan.Paulit-ulit na umuukit sa isip niya ang mga salitang iyon. Saan na lang siya pupulutin after ng three months? Hindi niya alam kasi wala naman siyang back-up plans. Oo, may mga oras na gusto niyang umalis sa trabaho niya pero hindi naman niya inakala na mismong ang trabaho niya ang magpapaalis sa kaniya.Napahigpit ang haw
Mahigpit ang hawak ni Lorraine sa strap ng bag niya habang nakatayo sa harap ng malaking gate.Kanina pa siya naroon at hanggang pagtitig na lang sa gate ang nagawa niya. Gate pa nga lang ang nakikita niya pero binabalot na siya ng kaba. Mas pinapangunahan na kasi siya ng kaba ngayon, paano na lang kaya kapag nakapasok na siya sa loob at malaman niyang alam na pala ng lahat ang issue niya.Napabuntong hininga na lang siya. Hindi niya alam kung ilang minuto na ang lumipas na nakayo lang siya. Limang minuto? Sampu? O baka nga mahigit pa eh, hindi lang siya sigurado. Ang alam lang niya ay parang nakatanim ang mga paa niya sa sementadong daan habang nakatitig sa pamilyar na gusali sa loob ng paaralan.Ito ang lugar na ilang taon na niyang tinuturing na pangalawang tahanan. Ang lugar kung saan niya natagpuan ang pangarap niya. Ang lugar kung saan araw-araw siyang nagigising nang may dahilan.Pero ngayon, pakiramdam niya ay isa itong courtroom na naghihintay lang na husgahan siya. Paano ba
Tahimik ang buong sala pagkatapos ng matigas na pagtanggi ni Lorraine. Ni sa panaginip niya ay hindi niya inaasahan na may makikipag-deal sa kaniya ng ganito. Alam naman niyang maganda talaga siya at hindi maikakaila iyon, pero ayaw naman niyang magkaroon ng first boyfriend sa ganitong paraan.Nakaupo pa rin si Tyron sa kabilang sofa habang nakakrus ang isang paa na para bang nakadagdag iyon sa kagwapohan nito. Nakapatong pa ang isang braso nito sa sandalan at hawak ang tablet na kanina pa pinagmumulan ng sakit ng ulo niya.At sa totoo lang ay naiinis na si Lorraine. Gusto niya itong sapukin sa panga pero hindi niya magawa. Hindi naman siya mapupunta sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa damuho na ‘to. Pero ang lalaking damuho na ‘to ay parang chill lang na nakaupo, nakadekwatro pa!Mas lalo tuloy umakyat sa ulo niya ang inis niya. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya nakikipag-usap sa isang lalaking sangkot sa iskandalo.Parang CEO pa ito na nasa boardroom lang nito at nagpe-presen












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews