Dear readers, ongoing po ang kwento pero araw-araw po ay may 3-5 chapters na update. Kada matapos ko po ay publish ko agad mula umaga hanggang gabi. Ang isang kabanata po ay inaabot ng 2 to 3 hours bago matapos. Super thankful po ako sa suporta ninyo. Mas lalo ko pa pong pagbubutihan.
Naramdaman ni Mira nanginginig ang kanyang tuhod. Kung tatanggi siya, masisira si Sebastian sa harap ng lahat at baka maging mitsa pa ng mas matinding galit nito laban kay Kyle. Ngunit kung tatanggapin niya kahit kunwari, masasaktan si Kyle nang labis at pati si Sebastian na din kung papaasahin niya.Lumuhod sa harap niya si Sebastian, inilahad ang singsing.“Please, Mira… bigyan mo ako ng pagkakataon. Sa harap ng lahat ng taong naririto, sa harap ng mundo… ikaw ang gusto kong makasama habang buhay.”Nagsimula nang sumigaw ang mga tao.“Say yes. Yes! Yes!”Napapikit siya, at ang bigat ng sitwasyon ay halos lamunin siya.Sa isipan niya, ang larawan ni Kyle, ang ngiti nito, ang mga mata nitong puno ng pag-asa ay lumitaw. Kasabay noon, naramdaman niya ang malamig na semento sa ilalim ng mga paa niya, ang pressure ng mga matang nakatingin.At bago pa siya makasagot, inilapit na ni Sebastian ang singsing sa kanyang daliri.Huminga siya nang malalim, pilit pinipigilan ang panginginig ng kan
“Welcome, Kyle. Puro ka pasalamat. Huwag kang mag-alala at nakasuporta ako sa’yo. Kahit ano ang mangyari. Kakampi mo ako.”Hinalikan nito ang kanyang kamay.“Ang mabuti pa ay matulog na tayo, alam kong pagod ka,” aniyang hinila na ang binata papasok sa loob.Tahimik ang paligid, tanging kuliglig at huni ng mga palaka ang maririnig. Sa loob ng kubo, iisang lamparang de-gas ang nagsisilbing ilaw. Sa gitna ay may isang kwarto na may malapad na papag na gawa sa kawayan, may banig na nakalatag at dalawang unan at kumot.Nanatiling nakatayo si Kyle, halatang naiilang. Sanay ito sa malambot na kutson at malamig na aircon, pero ngayon, ibang mundo ang kinasadlakan nito.Napakamot sa batok at tila nagtataka si Kyle, “Dito… tayo matutulog?”Nakangiti siya habang inaayos ang banig. “Oo naman. Bakit, first time mo rin ba matulog sa papag?”Napabuntong-hininga at napangiti rin. “Mira, lahat ata ng bagay dito… first time ko.”Natawa siya, saka siya lumapit sa tabi nito at umakbay.“Minsan ka lang n
Nagkakagulo na sa labas ng gusali ng Megawide Corporation. Ang sigawan ng mga empleyado ay halos natatabunan ang boses ng mga reporter at mikropono. Si Kyle, nasa gitna ng kaguluhan ng mga reporter at galit na empleyado.“Mr. Alvarado! Sagutin niyo ang isyu ng korapsyon!”“Hindi mo kami maloloko! Bumaba ka na!”Nanginginig ang panga ni Kyle, pero hindi nagpahayag ng kahit anong salita. Ang mata nito ay puno ng bigat at pagkalito.Nagmamadaling bumaba si Mira mula sa taxi. Naka-disguise uli siya para hindi makilala. Kanina lang siya tinawagan ni Jenny tungkol sa welga at hindi siya nagdalawang-isip na puntahan si Kyle.“Mira, huwag ka nang lumapit, delikado!” boses ni Jenny mula sa kabilang linya ng cellphone.“Hindi puwede, Jen. Hindi ko siya hahayaang mag-isa.”Habang mas lalo pang dumidikit ang media kay Kyle, biglang may tumigil na taxi sa harap. Mabilis na ibinaba niya ang salamin.Nang makita siya ni Kyle, nagulat ito.Binuksan niya ang pinto at hinila si Kyle papasok sa taxi. Si
Kumuyom ang kamao ni Kyle, nangingitim ang kanyang mga ugat sa galit. Hindi maproseso ng utak niya ang rebelasyon ng ina.“Bakit mo nagawa sa amin ito, Ma? Nanay ka, dapat pinaprotektahan mo kami,” aniyang nanghihina ang tuhod.“Hindi kita pinabayaan, Kyle. Pinapaalis lang kita sa posisyong masyado mong kinakapitan. At isa pa hindi ka marunong lumaban. Sa mundong ito, ang tunay na nagtatagumpay ay ang marunong gumamit ng tao… at iyon ang natutunan ko. Kapag ako na ang CEO, mas aangat ang Megawide.”Sa sandaling iyon, ramdam niyang gumuho ang lahat ng pinaniniwalaan niya tungkol sa kanyang ina.“Simula bukas, bumababa ka na bilang CEO ng Megawide,” mariing sabi ni Donya Aurora, malamig ang tinig habang inaayos ang mga dokumento sa mesa na para bang tapos na ang lahat ng laban.Nakatitig lang siya, naninigas ang panga, ngunit hindi siya nagsalita. Walang halaga ang bawat katagang lumalabas sa bibig ng kanyang ina, hindi na niya kayang makipagtalo. Ang lahat ng sakit at galit ay gustong
Napasinghap si Mira, agad na nagkatinginan sila ni Kyle. May kinalaman din ang mga ito sa bayarang news channel na nagpapakalat ng fake news. Kaya pala napakabilis ng mga ito kapag may hindi magandang nangyayari sa Megawide.Nagpatuloy si Tamara, mas mahinang tono pero sapat pa rin para marinig nina Mira. “Dagdagan ninyo ang angle sa corruption, kahit wala namang basehan. Pera ang usapan dito. Dadagdagan ang bayad, basta siguraduhin ninyong headline bukas.”Mariing kinuyom ni Kyle ang kamao sa ilalim ng mesa, bakas ang galit. Hinawakan niya ang kamay nito sa ilalim ng mesa, pinakalma. Umiling siya. Nakaunawa naman ito na hindi dapat pairalin ang init ng ulo.Ipinakita niya ang voice recording device na umaandar na upang irecord usapan ni Tamara.Saglit na katahimikan at narinig nilang muli ang boses ni Tamara. May tinatawagan na naman ito.“Ma’am, ayos na po,” ani Tamara, mababa ang tono ngunit malinaw pa rin. “Nakausap ko na ang media. Bukas siguradong headline na naman ang mga negat
Biglang bumukas ang pinto. Tumambad si Tamara.“Kyle…sino yan?” saglit itong natigilan, tila sinusuri ang eksenang nadatnan. Ang mga mata nito ay mabilis na dumausdos kay Mira na nakatayo sa gilid.Ramdam niya ang kabog sa dibdib, pero mabilis siyang nag-isip ng paraan.“Ah… opo,” sagot niya, pilit pinapababa ang boses para magmukhang lalaki. “Pasensya na, si Sir Kyle kasi mismo ang nag-request na ihatid ko dito,” aniyang tila boses ng yumaong si FPJ ang boses.Napakunot ang noo ni Tamara. “Kyle, hindi ka dapat nagpapapasok ng kung sino lalo sa opisina mo.”“Hindi mo naitatanong, childhood friend ko itong si – si – si Mi--.”“Miguel, ako si Miguel, Ms. Beautiful. Iba talaga ang taste mo Kyle,” aniyang inabot ang kamay kay Tamara.Bahagyang lumaki ang mata ni Tamara at hindi tinanggap ang kamay niya.“Tamara, may importanteng meeting ako with my best friend kaya paki-cancel ang meeting ko today tapos bawal pumasok dito. I suggest, dahil napagod tayo kagabi, mag-day off ka muna. Go shop