The Miserable Wife's Revenge

The Miserable Wife's Revenge

last updateTerakhir Diperbarui : 2026-11-25
Oleh:  Alwida AlemBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
6Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Sampung taon niyang ginampanan ang papel ng isang mabuting asawa. Sampung taon niyang tiniis ang malamig na pakikitungo ng kanyang asawa, umaasang balang araw ay matututuhan din nitong mahalin siya. Ngunit paano kung ang sampung taon ng paghihintay ay mauwi lamang sa isang trahedyang hindi niya kailanman ginusto? Para kay Apollo, si Santana ang babaeng sumira sa buhay niya. Isang babaeng hindi niya kailanman mapapatawad. At nang mangyari ang isang aksidenteng tuluyang maghiwalay sa kanilang dalawa, inakala niyang sa wakas ay nakalaya na siya sa babaeng matagal na niyang kinamuhian. But some stories don't end with death. Because sometimes, the woman you thought you had lost is the very same woman who will make you regret everything.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Santana

"You're such a disgrace to me, Santana."

Akala ko, katulad ng mga nababasa kong libro ang magiging buhay ko kapag ikinasal ako.

Kasi iyon na ang ikinamulatan namin ng kapatid ko na si Selina. Na mamumuhay kami nang maligaya at puno ng pagmamahal katulad ng mga magulang namin dahil sa aming prince charming.

Pero hindi pala.

Kabaliktaran ang naging buhay ko nang ikasal ako kay Apollo.

"Kaya ayaw kong makita ka ng media." Tiningnan niya ang kanyang sarili sa malaking salamin ng aming kuwarto. "Huwag ka nang sumama sa akin sa event, ako na ang bahala na mag-explain sa mga magulang natin kung bakit wala ka." Malamig pa sa yelo ang sinabi niya.

Dapat ay sanay na ako sa ganoong trato niya sa akin. Malamig ang pakikitungo, at para akong hangin kung ituring niya.

Sampung taon.

Isipin mo 'yon, sampung taon na kami pero kahit kailan ay hindi ko maalala kung kailan niya ako huling tiningnan nang walang galit sa kanyang mga mata. Palagi niya rin akong iniiwasan na para bang may nakakahawa akong sakit.

At sa tuwing kakausapin niya ako, parang laging utos. Wala man lang lambing.

Inayos niya ang kanyang suot na army suit at ako naman ay nasa kama, nakahiga kung saan kami magkatabi, pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na may katabi ako. Dahil noon pa man, hindi pinaramdam ni Apollo sa akin na may asawa ako.

"Don't expect me to be here tonight," dagdag niya.

Mahigpit ang pagkakapit ko sa bedsheet habang pinagmamasdan siya.

Gusto kong magtanong, 'Bakit? Dahil kasama mo ang mga babae mo? Na mas kaya mo pang hawakan kaysa sa sarili mong asawa?'

Pero itinikom ko lang ang aking bibig, dahil alam ko naman kung ano lang ako sa buhay ni Apollo.

Isang babaeng pumatay sa minamahal niya.

"Sige," iyon lang ang sagot na lumabas sa bibig ko.

Wala na siyang sinabi. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin nang umalis na siya sa harapan ko. Diretso lang ang lakad niya paalis sa kwarto namin.

Sumisikip ang dibdib ko.

Palaging ganito ang sitwasyon na nakamulatan ko.

Aalis siya. Iiwan niya akong mag-isa habang nagpapakasaya siya sa piling ng iba upang makalimutan ang babaeng minahal niya at mahal pa rin niya.

Ang ate ko.

Hindi naman talaga ako ang nakatakdang ikasal sa kanya, dahil nakatakda na rin akong ikasal sa iba. Ngunit dahil sa isang aksidente, kaya kaming dalawa ikinasal. At mukhang hanggang ngayon ay ako pa rin ang sinisisi ni Apollo.

Huminga ako nang malalim at bumangon na sa kama.

Hindi ako puwedeng magmukmok na lang.

Sampung taon na rin naman akong nagtiis sa ganitong sitwasyon, kaya ipagpapatuloy ko na lang ito. Kahit na ano pa ang itawag nila sa akin ay wala akong pakialam.

Nagbabaka sakali ako na baka isang araw... matutunan din akong mahalin ni Apollo.

Naglakad ako sa may bakuran upang lumanghap ng sariwang hangin.

Pinagmasdan ko ang mga nagtataasang gusali. Hindi ako makaalis. Para akong bilanggo sa mamahaling lugar na ito at kahit anong gawin ko... hindi na ako makakawala pa dahil malaki ang utang ng pamilya ko sa pamilya ni Apollo.

Nilibot ko ang aking paningin sa malawak at malaking bahay na nakatayo sa harap ko.

Sumisigaw iyon ng karangyaan, pero sa loob ng bahay na iyan—isang babae na sampung taon nang nakakulong bilang asawa ni Apollo.

Ni wala akong pangalan para sa sarili ko; alam lang nila na asawa ako ni Apollo na ipinagkanulo ng mga magulang ko dahil sa malaking utang. At pinagbabayaran ko rin ang pagkamatay ng ate ko.

Ako ba ang pumatay sa ate ko para ako lang ang magdusa?

Hindi ba at nasaktan rin ako sa pagkawala niya?

Bakit kailangang ako lang ang nakakulong sa sitwasyong ito?

Kahit ano namang sabihin ko, balewala lang iyon sa kanila. Wala silang pake sa akin o sa kung anumang sasabihin ko.

"Madam," tawag sa akin ng aking nanny mula nang bata pa kami ni Ate.

"Manag Beth," iniabot niya sa akin ang tasa na may lamang kape. "Salamat po," nakangiti kong sinabi.

"Dapat ay umalis ka na noon pa, Santana." Ang kanyang mga mata ay puno ng simpatya para sa akin.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa tasa, pilit akong ngumiti. "Asawa ako ni Apollo, manang."

"Pero tingnan mo sarili mo, Santana?" Tanong niya sa akin, "hindi ka naman ganyan dati. Isa kang masiyahin na dalawa at puno ng pangarap sa buhay, pero ngayon..." hindi niya tinuloy ang kanyang sasabihin at napailing.

Tama si Manang Beth.

Puno ako ng pangarap sa buhay noon.

Nag-iba na nga siguro ang lahat.

Pilit akong ngumiti sa kanya. "May mga bagay na kailangan lang talagang unahin, manang."

"Pero hindi mo dapat pinagbabayaran ang mga utang na hindi naman ikaw ang nakikinabang." Marahan niyang sinabi, pilit akong kinukumbinsi. Inabit niya ang kamay kong hindi nakahawak sa tasa. "umalis ka na sa impyernong ito, Santana, bago pa mahuli ang lahat."

Noon pa man, iyan na ang palagi niyang sinasabi sa akin.

Ang umalis ako sa lugar na ito at hanapin ang kalayaan.

Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko magawang hanapin ang kalayaan kung iiwan ko lang din si Apollo.

Minahal ko na siya, at hindi ko kayang iwan si Apollo kahit pa saktan niya ako nang ilang beses. Paulit-ulit kong tatanggapin iyon, dahil alam ko na tama lang sa akin ang bagay na iyon.

Pero may mga bagay talaga na susubukin ka na lang ng tadhana. Na kahit iyong katiting na pinanghahawakan mo ay babaliin niya dahil hindi mo alam kung naaawa na siya sa'yo o dahil... gusto ka niyang magising sa katotohanan.

Kinabukasan, bandang alas otso ng umaga. Ang araw na nagbibigay liwanag sa matayog na gusali ng mansyon ni Apollo ay unti-unting dumilim.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagbukas ng pintuan sa bukana.

Dinig na dinig sa buong mansyon ang halakhak ni Apollo na kailanman ay hindi ko pa narinig sa tanang buhay ko.

Tumawa siya nang malakas, kasabay ng hagikhik ng isang babae.

Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan, gumawa ng ingay ang aking takong na tumatapak sa marmol na hagdan. Hanggang sa nasa pinakadalawang-huling baitang na ako.

Nakita ko si Apollo na nakalingkis ang kamay sa baywang ng isang babae na tumatawa kasabay niya.

Sobrang lapit nila sa isa't isa.

At hindi ko maipaliwanag kung bakit nakatuon ang tingin ko sa babae. Sobrang pamilyar ng ngiti niya. Ng kanyang mukha. Maging ang pagkiling niya habang nakikinig kay Apollo.

Parang may malamig na tubig ang bumuhos sa katawan ko.

Hindi.

Hindi maaari.

Halos paatras akong napahakbang.

"Selina..."

Halos pabulong kong sambit.

Dahilan upang lingunin ako ni Apollo na may galit ang kanyang mga mata.

"What did you just say?"

Hindi ako makasagot. Hindi maalis ang tingin ko sa babae na nasa tabi niya.

"A-Apollo," nanginginig ang aking mga labi. "B-bakit kamukha ni—"

Umigting ang kanyang panga, at agad na pinutol ang sasabihin ko. "Stop with your nonsense, Santana, and prepare our bath in the main room."

Napatingin ako sa kanya.

At doon ko naramdaman ang muling pagkirot ng sugat na sampung taon kong kinikimkim.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status