Masuk“The woman who begged for your love is dead. You’re looking at someone who doesn’t care anymore.” Pitong taon isinuko ni Dra. Natasha Elizalde ang lahat para sa asawang si Luke Madrigal, pati ang kanyang career bilang isang magaling na cardiothoracic surgeon. Pero sa huli, pagtataksil lang ang isinukli ni Luke. Ipinasa nito sa kanya ang kasalanang siya mismo ang gumawa, sinira ang kanyang pangalan, at hinayaang makulong siya sa krimeng hindi niya ginawa. Nang masaksak siya sa gitna ng isang prison riot, ipinangako ni Natasha sa sarili: kung magkakaroon man siya ng pangalawang buhay, sarili naman niya ang pipiliin niya. Nagising siya sa katawan ni Celine Delgado, ang desperadang kontrabida sa nobelang nabasa niya habang nakakulong, na nakatakda ring mabulok sa kulungan dahil sa pagkahumaling sa malamig at walang-awang bilyonaryong si Matthew Castañeda. Sa mismong araw ng kanilang engagement photoshoot, ginupit ni Natasha ang sarili niyang gown at tinapos ang kasal sa harap ng lahat. Tapos na ang paghahabol. Tapos na ang pagiging martir. Nang subukang magpa-victim ng original female lead na si Zoe gamit ang sirang wedding dress, ginamit ni Natasha ang matalas niyang mata bilang surgeon para ibunyag ang totoong may pakana. Inaasahan niyang magdiriwang si Matthew sa kanyang pag-atras sa kasal. Pero sa halip na pakawalan siya, hinila siya ng bilyonaryo sa opisina nito at naglabas ng marriage contract, kasal sa ilalim ng iisang bubong. Para lang makaiwas sa masamang kapalarang naghihintay sa kanya, handang makipaglaro si Natasha sa kontrata ni Matthew. Ang hindi niya inaasahan, habang pilit siyang lumalayo, ang lalaking dating nandidiri sa kanya ay unti-unting nahuhumaling sa bago, matapang, at hindi na maabot si Celine Delgado. Pero paano kung sa pagkakataong ito, si Matthew naman ang maghabol sa babaeng minsan niyang itinulak palayo, huli na kaya ang lahat?
Lihat lebih banyakChapter 1: Reborn as the Villainess
Natasha Elizalde’s POV“Matapos mapatunayang nagkasala ang akusado, si Dra. Natasha Elizalde, sa kasong kapabayaang nagresulta sa pagkamatay ng isang pasyente, gayundin sa paglabag sa mga alituntunin at pamantayang medikal, hinahatulan siya ng hukuman ng labindalawang taong pagkakakulong, alinsunod sa mga probisyon ng batas.”
Labindalawang taon akong mabubulok sa kulungan dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Nanigas ang buong katawan ko at nanlamig ang mga kamay ko.
“Hindi pwede! Imposible!” Agad akong napalingon sa abogado kong si Atty. Caleb De Leon. Hindi ko mapigilang manginig habang pilit kong pinoproseso ang narinig kong hatol.
“Attorney! Akala ko ba mataas ang chance nating manalo? Inosente ako! Frame-up lang ang lahat ng ito!” Desperado kong sigaw. Pilit niya akong pinapakalma.
“Dra. Elizalde, please calm down,” mahinang sagot niya habang umiiwas ng tingin.
“Calm down? Paano ako kakalma? Alam mong wala akong kinalaman sa mga ilegal na clinical trials na iyon! You have all the evidence! Bakit hindi natin nagawang patunayan ang katotohanan?”
“I’m sorry, Dra. Elizalde. The court has already made its decision. Pero susubukan nating umapela. I’ll try to do my best. But for now, kailangan muna nating pakinggan ang hatol ng korte.”
“Hindi! Hindi ito maaari!” Bago pa ako makapagsalita ulit, lumapit na ang dalawang jail guard at hinawakan ang magkabilang braso ko.
“Bitawan ninyo ako! Wala akong kasalanan!” Nagpumiglas ako, ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nila. Sa gitna ng kaguluhan, napadako ang paningin ko sa lalaking tahimik na nakatayo sa kabilang bahagi ng courtroom. Si Luke Madrigal, ang asawa ko. Ang lalaking pitong taon kong minahal at pinag-alayan ng buong buhay ko.
Nakatayo siya sa tabi ni Margarette Soriano, ang babaeng matagal na niyang kinakalantari at nagdadalang-tao na ngayon sa anak nila. Nakaalalay ang isang kamay niya sa baywang nito habang malungkot itong nakatingin sa ’kin na para bang hindi rin niya nagustuhan ang naging hatol ng korte. Napakagaling niyang umarte, mga hayop talaga.
“Luke!” Sa kabila ng pagpupumiglas ng mga guwardiya, pilit akong humakbang palapit sa kanya.
“Luke, please! Pitong taon tayong nagsama! Paano mo nagawang gawin ito sa akin?” Nanginginig ang boses ko habang nag-uunahan ang mga luha sa mga mata ko.
“Isinuko ko ang lahat para sa’yo! I gave up my career, Luke! Alam mong pinaghirapan kong maging isa sa pinakamagaling na cardiothoracic surgeon sa bansa, pero nang hilingin mong tulungan kitang i-manage ang ospital natin, hindi ako nagdalawang-isip na isantabi ang lahat!” Patuloy akong nakatingin sa kanya, umaasang kahit papaano ay makikita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha.
“Hindi ba sapat ang pitong taon na ibinigay ko sa ’yo? Ako ang tumulong sa ’yo na itayo ang Madrigal Medical Group! Nandiyan ako sa bawat pagsubok mo! Sa bawat problemang kinaharap mo, hindi kita iniwan! I stood by you when no one else did!” Napailing ako habang pilit na nilulunok ang sakit na bumabara sa lalamunan ko.
“At ito lang ang isusukli mo sa akin? Ipapaako mo sa akin ang mga kasalanang ikaw mismo ang gumawa? Sisirain mo ang pangalan ko, ang career ko, at ang buhay ko para lang makuha mo ang gusto mo?” Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko habang inilalabas ang galit.
“Luke, I’m your wife! Paano mo nagawang tratuhin ako na parang wala lang akong halaga sa ’yo?” Ngunit hindi siya sumagot. Sa halip, mas hinigpitan lamang niya ang pagkakayakap kay Margarette.
“Luke, please. Sabihin mo ang totoo!” muli kong tawag. Sa pagkakataong iyon, tuluyan na niyang inalis ang tingin sa akin.
“Dalhin na siya sa kulungan,” malamig niyang utos sa mga guwardiya. Parang may kung anong nabasag sa loob ng dibdib ko.
“Luke! Tumingin ka sa akin! At least have the courage to face me!” Ngunit wala na siyang pakialam. Iyon na ang huling pagkakataong nakita ko ang lalaking minsan kong itinuring na buong mundo ko.
—
Ilang buwan na ang lumipas mula nang makulong ako, at ang bawat araw sa loob ng masikip at malamig na seldang ito ay parang dahan-dahang pagkaubos ng lahat ng pinaghirapan ko. Nakahiga ako sa manipis at maalikabok na kutson nang biglang basagin ng malalakas na sigawan mula sa labas ang katahimikan ng gabi. Hindi iyon simpleng away lang—may halong panic at galit sa bawat boses na umalingawngaw sa pasilyo.
Napabangon ako agad. Naninigas ang katawan habang nakatitig sa rehas. Kasabay ng mabibigat at nagmamadaling yabag ang kalampag ng mga bagay na nababasag at sigawan ng mga preso.
“Anong nangyayari diyan?” bulong ko sa sarili, pilit pinakikiramdaman ang ingay habang bumibilis ang tibok ng puso ko.
Bago pa ako makalapit sa rehas, umalingawngaw na ang sigaw ng mga guwardiya mula sa kabilang dulo. “Anong kaguluhan ‘yan?Pumila kayo, para walang masaktan! Walang lalabas ng selda!” Pero imbes na humupa, lalong sumabog ang gulo. Nawalan na ng kontrol ang mga bantay habang nagsimulang magtakbuhan ang mga preso sa iba’t ibang direksiyon, kasabay ng mga sigaw ng mga tao.
“May riot! Takbo!” Napaatras ako nang biglang magdagsaan ang ilang preso papasok sa pasilyo namin, nagkakagulo at nagtutulakan. Sa gitna ng siksikan at malabong ilaw, may isang tao na biglang humiwalay at mabilis na lumapit sa akin.“Hoy! Ano—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang matalim at mainit na kirot na bumaon sa tagiliran ko. Napasinghap ako at nanlaki ang mga mata nang mapatingin sa patalim na nakatarak sa akin, saka dahan-dahang napahawak sa dugong mabilis na umagos sa mga daliri ko.
“B-Bakit…?” Mahina at basag ang boses na nasambit ko. Bago pa ako makakilos, mabilis na umatras ang sumaksak sa akin at naglaho sa gitna ng kaguluhan.
Unti-unting nanghina ang mga tuhod ko hanggang sa tuluyang bumagsak ako sa malamig na semento. Habang patuloy ang sigawan at takbuhan sa paligid, unti-unting nanlabo ang paningin ko at bumigat ang talukap ng mga mata. Wala na akong pamilya at ng career. Wala na ring natitirang future para sa akin—at lahat ng iyon ay dahil nagtiwala ako sa maling tao.
Sa gitna ng unti-unting paglamon ng dilim at lamig sa katawan ko, isang matalim na pangako ang nabuo sa isip ko, kung magkakaroon man ako ng second chance, hinding-hindi na ako magpapagamit kahit kanino. Ayaw ko nang maging mabuting asawa ng maling lalaki. Ayaw ko nang magsakripisyo para sa mga taong walang pakialam. Sa pagkakataong iyon, sarili ko naman ang pipiliin ko.
—
“Miss Celine! Chin up a little. Tumingin ka sa camera!”
“Miss Celine, naririnig mo ba ako?” Bigla akong napasinghap at napadilat. Habang hinahabol ang hininga, agad akong napahawak sa dibdib ko. Ilang segundo akong hindi gumalaw habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.
Walang dugo, kahit sugat ay wala. At higit sa lahat, wala ako sa loob ng kulungan. Sa halip na amoy ng kalawang, pawis, at maruming kulungan ang sumabubong sa akin ay ang mamahaling French perfume, sariwang bulaklak, at hairspray ang sumalubong sa akin. Wait, nasaan ako naroroon?
Dahan-dahan kong inilibot ang paningin. Nasa loob ako ng isang napakalawak at marangyang ballroom. May malalaking ilaw sa paligid, mamahaling dekorasyon, at mga taong abalang-abala sa paghahanda ng isang photoshoot. Sa harap ko ay nakatutok ang isang propesyonal na kamera. Napakunot ang noo ng lalaking may hawak nito bago ibinaba ang kanyang kagamitan.
“Miss Celine Delgado, are you okay?” tanong niya. “Kanina ka pa tulala. Sayang naman ang oras ng glam team at ni Sir Matthew.”
Bakit nila ako tinatawag na Celine Delgado? Agad akong natigilan. Hindi ko maiintindihan ang mga nangyayari. Dahan-dahan akong napalingon sa malaking salamin sa gilid ng set. At doon ko nakita ang repleksiyon ng isang babaeng hindi ko kilala.
Sobrang ganda niya. Makinis ang balat, matangos ang ilong, at may mapupungay na matang may natural na awtoridad. Nakasuot siya ng isang napakagarang blush-pink engagement gown na may maseselang burda at mamahaling detalye. Ngunit hindi iyon ang pinakanakapagpagulat sa akin. Hindi ako ang babaeng nakikita ko sa salamin.
Ako si Dra. Natasha Elizalde.
Hindi puwedeng panaginip lang ang lahat. Iyon ang pagkakakilala ko sa sarili ko bago ako namatay. Biglang bumuhos sa isip ko ang mga sunod-sunod na alaala.
Celine Delgado.
Isang karakter mula sa bestselling novel na nabasa ko noong mga panahong nakakulong ako. Siya ang kontrabida sa kuwento, isang mayamang tagapagmana na baliw na baliw sa male lead na si Matthew Castañeda, isang makapangyarihang bilyonaryong hotel magnate na kilala sa pagiging malamig at walang-awa.
Sa orihinal na kuwento, matagal nang gusto ni Celine na mapangasawa si Matthew. Ngunit dahil mahal nito ang ibang babae, ginamit niya ang isang malaking iskandalo na kinasasangkutan ng nakababatang kapatid nitong si Sophia Castañeda para pilitin itong pumayag sa kanilang engagement.
At ngayon, nasa mismong katawan ako ng babaeng iyon. Hindi maaari ‘to. Nanginig ang mga daliri ko habang unti-unting bumabalik sa alaala ko ang mga detalye ng nobela.
Engagement photoshoot.Ito ang araw kung kailan sisimulan ni Celine ang sarili niyang kapahamakan. Dahil sa matinding selos sa original female lead na si Zoe Villavicencio, balak niyang sirain ang wedding dress nito. Mahuhuli siya ni Matthew, ipapahiya sa harap ng maraming tao, at kalaunan ay makukulong dahil sa kasong attempted murder.
Sa madaling salita, nakatakda na ang kapalaran niya. At kung susundin ko ang takbo ng orihinal na kuwento, ganoon din ang mangyayari sa akin.
Kulungan na naman? I won't ever let that happen again. Kakagaling ko lang sa impiyernong iyon. Hindi ko hahayaang maranasan ulit ang lahat ng pinagdaanan ko dahil lamang sa isang lalaking hindi naman ako kayang mahalin. Hindi ako si Celine na handang magpakababa para lang makuha ang atensyon ni Matthew. Hindi na ako ang dating Natasha na handang isakripisyo ang lahat para sa isang lalaki. Sa pagkakataong ito, sarili ko naman ang pipiliin ko.
Napadako ang tingin ko sa vanity table sa tabi ng salamin. May nakapatong doong isang pares ng silver tailoring scissors na ginamit ng stylist kanina. Wala nang pag-aalinlangan, naglakad ako patungo roon at dinampot ang gunting.
“Miss Celine, what are you—”
Bago pa matapos magsalita ang photographer, itinaas ko ang laylayan ng sarili kong engagement gown at malakas na ginupit ang mamahaling tela.
“Oh, my God!”
“Miss Celine! What are you doing?!” Nagkagulo ang lahat. Napatayo ang ilang staff habang halos hindi makapaniwala ang iba sa nasaksihan nila. Ngunit hindi ako nagpatinag. Muli kong ginupit ang damit hanggang sa tuluyan nang masira ang magandang disenyo nito.
Pagkatapos ay agad kong ibinaba ang gunting at humarap sa kanila.
“It’s a wrap! Tapos na ang photoshoot,” mariin kong sabi. “At hindi na rin matutuloy ang kasal. Tinatapos ko na ang engagement na ito.” Biglang nanahimik ang buong ballroom.Walang nakapagsalita. Sigurado akong iniisip nilang nababaliw na ako. Pero wala akong pakialam sa iisipin nila. Akmang tatalikod na ako at aalis nang biglang may humawak nang mahigpit sa aking pulso.
“Where do you think you’re going?” Napalingon ako. At doon ko nakita ang lalaking naging dahilan ng lahat ng kapahamakan ni Celine.
Si Matthew Castañeda. Matangkad ito at nakasuot ng mamahaling itim na suit na lalong nagbigay-diin sa matikas nitong pangangatawan. Madilim ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa nagkalat na piraso ng engagement gown sa sahig. Makalipas ang ilang sandali, inilipat niya ang tingin sa akin.
“Ano na namang palabas ito, Celine?” malamig niyang tanong. “Ginagawa mo ba ito para makuha ang atensyon ko?” Napailing ako sa sinabi niya. Talaga bang ganoon kababa ang tingin niya sa babaeng ito? Sa kabila ng pagkakagulo ng paligid, nagawa ko pang ngumiti nang mapait.
“Attention mo?” ulit ko. “Huwag kang masyadong bilib sa sarili mo, Matthew.” Sinubukan kong bawiin ang kamay ko, pero lalo lamang humigpit ang pagkakahawak niya.
“Kung may pagpipilian ako, mas gugustuhin ko pang pakasalan ang isang estranghero kaysa itali ang buong buhay ko sa lalaking hindi naman ako gusto.” Natigilan siya sa narinig niya. Bahagyang kumunot ang noo niya, tila hindi makapaniwala sa mga narinig. Sigurong ikinagulat niya iyon. Sanay siyang makita si Celine na sunod nang sunod sa kanya. Sanay siyang habulin siya nito, magmakaawa para sa kaunting atensyon, at gawin ang lahat para lang mapasaya siya. Pero hindi na ngayon. Wala na akong balak na habulin ang lalaking iyon.
Sa halip, humakbang siya palapit sa akin. Lalong lumiit ang espasyo sa pagitan naming dalawa habang nananatili ang kamay niya sa aking pulso.
“Isang estranghero?” mahinang ulit niya. Matalim ang mga matang nakatitig sa akin habang bahagyang yumuyuko ang mukha niya.
“Sabihin mo sa akin, Celine…” Bumaba ang tono ng kanyang boses. “May nahanap ka na bang ipapalit sa akin?”
Celine Delgado’s POV“Sir Matthew, pasok ko na po si Atty. Reyes,” sabi ng secretary, mabilis pero maingat ang boses. “At may urgent call po ulit para sa inyo—tungkol po kay Miss Sophia.”Hindi pa man tuluyang bumubukas ang pinto, pumasok na agad ang isang lalaking naka-three-piece suit at may bitbit na makapal na folder. Sa likod niya, bahagyang nakasilip ang secretary ni Matthew na may hawak na cellphone.Agad na kumunot ang noo ni Matthew. “Give me the phone.”Inabot ng secretary ang device at mabilis na umatras palabas bago isinara ang pinto sa likod niya. Samantala, humakbang palapit ang lawter niya, inaayos ang salamin sa mata habang tinitingnan ako nang may pag-aalinlangan. Halatang nagulat siya nang makita niya akong nakaupo sa sofa at kalmado, nakahalukipkip, at malayo sa babaeng alam niyang laging nagwawala o nagmamakaawa para kay Matthew.“Matthew, I prepared the standard marriage agreement template as requested,” bungad niya habang binubuksan ang folder. “Wala pa rito ang
Celine Delgado’s POVHindi ako nagpadala sa biglaang pagbaba ng boses ni Matthew. Kahit pa ramdam ko ang init ng palad niya sa balikat ko at ang kakaibang bigat sa mga mata niya, nanatili akong tuwid. Sanay na ako sa mga taong sinusubukang takutin ako gamit ang tingin o posisyon. Sa loob ng selda at sa gitna ng riot, walang title o apelyido ang may silbi kung hindi ka marunong mag-isip nang mabilis.“Hindi mo ako madadala sa ganyan, Matthew,” sabi ko, kalmado pero may diin. “Kahit gaano ka pa kayaman o ka-powerful, hindi mo mapipilit ang taong ayaw na.”Bahagyang kumunot ang noo niya. “You really think I’m bluffing?”“I don’t care if you’re bluffing or not.” Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya sa balikat ko. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa ekspresyon niya. “Kung gusto mo talaga ng marriage contract, fine. Let’s talk terms.”Napahinto siya. Unti-unting nawala ’yung intense na aura sa mukha niya at napalitan ng pagtataka. “Terms?”“Oo.” Lumapit ako sa sofa sa gilid ng opisina
Celine Delgado’s POV“Pwede ba, Matthew? Tigilan mo na ’ko. Tapos na tayo. Ayoko na at wala na akong planong ituloy pa ang kung anong meron tayo. Mahirap bang intindihin ‘yon?” Sinubukan kong bawiin ang kamay ko, pero lalo lang hinigpitan ni Matthew ang hawak sa pulso ko. “Bitawan mo nga ako,” sabi ko, pilit na pinapanatiling kalmado ang boses kahit medyo umiinit na ang ulo ko.Hindi siya kumilos. Tinitigan niya lang ako na parang sinusubukan niyang basahin kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Sa malapitan, mas halata ang matatalim niyang mata at ang bahagyang kunot ng noo niya. Sanay siguro siyang lagi lang akong sumusunod at pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya. Hindi niya inasahang kaya kong tumanggi sa kanya.Bago pa ako makapagsalita ulit, may narinig kaming papalapit na yabag ng takong. “Matthew? What’s going on?” tanong ng boses na halatang nagpapa-sweet.Napalingon agad kami kung saan galing ang boses. Dumating si Zoe Villavicencio, bitbit ang puting wedding dress na dapat
Chapter 1: Reborn as the VillainessNatasha Elizalde’s POV“Matapos mapatunayang nagkasala ang akusado, si Dra. Natasha Elizalde, sa kasong kapabayaang nagresulta sa pagkamatay ng isang pasyente, gayundin sa paglabag sa mga alituntunin at pamantayang medikal, hinahatulan siya ng hukuman ng labindalawang taong pagkakakulong, alinsunod sa mga probisyon ng batas.”Labindalawang taon akong mabubulok sa kulungan dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Nanigas ang buong katawan ko at nanlamig ang mga kamay ko.“Hindi pwede! Imposible!” Agad akong napalingon sa abogado kong si Atty. Caleb De Leon. Hindi ko mapigilang manginig habang pilit kong pinoproseso ang narinig kong hatol.“Attorney! Akala ko ba mataas ang chance nating manalo? Inosente ako! Frame-up lang ang lahat ng ito!” Desperado kong sigaw. Pilit niya akong pinapakalma.“Dra. Elizalde, please calm down,” mahinang sagot niya habang umiiwas ng tingin.“Calm down? Paano ako kakalma? Alam mong wala akong kinalaman sa mga ilegal na












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.