Share

Disiplina

Kampanteng umuwi ng mansyon si Lucy Pearl sa pag-asa na walang magagalit sa umaga nyang pag-uwi. Dire-diretso syang naglakad papasok sa mansyon na para bang wala wala lang. Baon nya pa ang kilig mula sa ginawa nila kagabi ng estranghero. Unexpectedly, mukha na naman ng galit nyang ama ang sumalubong sa kanya. Mukha ng galit na ama na pinipilit magtimpi sa posibleng magawa sa kanyang anak na pasaway. Tiim bagang.

"D-dad? A-ano pong gi--nagawa nyo rito? akala ko po nasa SG kayo? kailan pa po kayo umuwi?" Parang binuhusan ng tubig na malamig si Lucy Pearl matapos makita ang ama nyang si Justine. Just Like yesterday, mukhang galit na naman ito at mas mabagsik ang ekspresyon nito ngayon. Natigil sa kinatatayuan si Lucy Pearl dahil ang ama na niya mismo ang lumapit sa kanya.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa 'yo ng ganyan? Huh?! ANO ANG PINAGGAGAWA MO AT BAKIT NGAYON KA LANG UMUWI?" Halos matabingi ang mukha ni Lucy Pearl dahil sa malakas na sampal na iginawad ng kanyang ama muli sa kanya. Sa sobrang lakas ay napahawak si Lucy Pearl sa pisngi nya.

Napatingin sya kay manang Joy. Ang sabi kasi nito ay wala ang daddy nya at nasa SG kasama ang ate at mommy nya kaya malakas ang loob nya na hindi umuwi.

"Sorry, Dad! Mga kaibigan ko po ang kasama ko kagabi. Hindi po ako nagpaalam sa mga tao dito dahil alam kong hindi po nila ako papayagan. Sorry, Dad!" Pagsisinungaling nya.

" SINUNGALING! You think maniniwala ako? Alam kong may boyfriend ka na at sya ang may gawa ng mga hickeys sa leeg mo. Lucy Pearl, papunta ka pa lang, pabalik na ako. Alam kong may kinikita kang lalaki at sya ang kasa-kasama mo tuwing gabi. I am Warning you, huwag na huwag ko lang malalaman kung sino ang lalaking yan. You know me, Lucy Pearl! Alam mo kung ano ang kaya kong gawin!" her fathers looks now is uneasy to please. Justine was very disappointed to her. Again. Muli ay kinumpara sya nito sa ate nya. "Walang wala ka talaga sa ate mo. Kung sino pa ang bunso, ikaw pa itong sakit ng ulo namin ng mommy mo. YOU'RE A DISGRACE TO THIS FAMILY! kung hindi mo kayang irespeto ang pamilyang ito, irespeto mo yang sarili mo." sinundan pa ulit ni Justine ng isa pang sampal ang anak. Hindi na sapat kasi ang pangangaral kaya kailangan na ng matinding disiplina.

Tagos lahat sa puso ni Lucy Pearl ang lahat ng sinabi ng Daddy niya. Pakiramdam nya ay para itong punyal na isinaksak sa kanyang dibdib. Nasaktan si Lucy Pearl pero sa pagkakataon na ito ay sumagot na sya sa kanyang ama. Nasa rebelion stage si Lucy Pearl kaya hindi niya tinignan na bilang Sermon ang mga sinabi ng kanyang ama, sa halip ay nakita nya ito bilang iyon ang totoong tingin sa kanya.

Sa gitna ng matinding galit ng kanyang ama ay nakuha nya pang ngumisi. "Huh? A disgrace to this family? Alam ko naman 'yon, Dad! never kong nararamdaman na naging proud kayo sa 'kin. I always didn't meet your expectation and what you want me to be kaya a disgrace to this family ang tingin nyo sa 'kin. Im sicked of you, Dad! I'M SICKED OF ALL THESE! HUWAG KANG MAG-ALALA ITONG DISGRACE TO THIS FAMILY NA SINASABI MO AY AALIS NA SA MANSYON NA ITO PARA HINDI NA SUMAKIT ANG ULO MO AT PARA PURO KAY ATE NA LANG ANG ATENSYON NYO. IM IN THE RIGHT AGE KAYA KAYA KO NA ANG SARILI KO!" Matapang na pagsagot ni Lucy Pearl sa kanyang ama. Sumabog na si Lucy pearl kaya ang tanging nasa isip nya ngayon ay lumayas na lang sa bahay nila. Nagtatakbo sya palabas ng pinto habang puno ng luha ang kanyang mga mata.

"Saan ka pupunta? LUCY PEARL! IM NOT YET DONE TALKING TO YOU! LUCY PEARL!!!!" Sigaw ni Justine. Hinabol nya ang anak na patungo na ngayon sa hardin malapit sa gate. "Huwag nyong palalabasin 'yan! PIGILAN NYO SYA!!!"

Dahil masyadong malawak ang mansyon, hindi pa nagagawang makarating ni Lucy Pearl sa may gate ay napigilan na nya ng mga tauhan sa masyon. 3 sa mga tauhan ang nagtulong tulong upang pigilan si Lucy Pearl at ibalik muli sa loob. Panay ang pagpupumiglas ni Lucy Pearl kahit na nasa harapan na sya ng kanyang ama. "Ano 'to, Dad? please, let me go na lang kesa araw-araw akong nasusuka sa paghihigpit nyo sa 'kin. Kaya ko na ang sarili ko!"

"NO YOU CAN'T! You will stay here as long as i said! Guard ipasok nyo sya sa kwarto nya. And Lock it!"

"Dad, no! AYOKO! AYOKO NA DITO! LET ME GO!" Mayroong 3 guard ang nagtulong tulong para buhatin si Lucy Pearl at pwersahan itong ipinasok sa kanyang kwarto. Gaya ng utos ng kanyang ama, ikinandado pa ito. "DAD!! DAD, DON'T DO THIS TO ME! DAD, PALABASIN MO 'KO DITO!" panay ang kalampag ni Lucy Pearl sa pintuan ng kanyang kwarto. Umiiyak sya at the same time ay sumisigaw. Sigaw sya nang Sigaw ngunit matigas ang loob ni Justine na bigyan sya ng Leksyon. Sigaw nang Sigaw si Lucy Pearl hanggang sya ay mamaos at mapagod.

Ang nasa isip ni Lucy Pearl ay kumawala at lumayas. Sobrang stress na nya sa kanyang pamilya. Habang lumalaon ay palalim na nang palalim ang tampo nya sa mga ito. Hindi na nya maramdaman na mahalaga pa sya sa pamilyang iyon.

Sa gitna ng pagmumukmok nya, habang nakasalampak sa sahig, maga ang mata at paos na boses, isang mukha ang pilit na pumapasok at naglalaro sa kanyang isipan. Ang mukha ng nasabing estranghero. Doon lang napangiti si Lucy Pearl. Ang estranghero kasi na 'yon ang tanging tao na nagbibigay sa kanya ng kasiyahan. Kakaibang klase ng kasiyahan na hindi nya makalimutan. ngunit mukhang mapuputol pa dahil sa kanyang ama ni Justine.

"Humanda sa 'kin ang lalaking 'yan! Sa dinami dami ng babae, anak ko pa talaga? Hindi ko pinalaki yan para mapariwara lang." tiim bagang na saad ni Justine sa hangin.

Ngayong nasa kwarto at nakakulong su Lucy Pearl ay kinansela nya ang dapat sanang importante nyang lalakarin. Hindi sumama si Justine sa SG dahil sa importanteng lakad na 'yon, yun nga lang, mas inuna nyang paglaanan ng oras na puntahan ang kung sinomang lalaki na kinababaliwan ng anak na syang tinuturo nya kung bakit ito nagrerebelde. Hindi imposible para sa katulad na Justine na hindi ito matunton kaagad. With his connection kaya nya itong tuntunin at takutin.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
nalagot na.. madadamay pa si yvanne sa galit ng ama ni lucy pearl
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status