Share

hatid

Tatanggi sana si Lucy Pearl sa estranghero na sumama sa unit nito ngunit bigla nyang naisip na wala nga pala ang magulang nya at tatlong araw daw itong mawawala kasama ang kanyang ate Angelica. Muli tuloy sumama ang loob nya. Mga umalis kasi ito ng hindi nya nalalaman at kung hindi pa dahil dahil kay Manang Joy ay hindi niya malalaman.

"Okay lang! magsaya sila doon, magsasaya rin ako dito. Sigurado namang wala silang pakialam sa akin kaya bakit ko sila intindihin? Malaki na ako at alam ko ang ginagawa ko. Gagawin ko kung ano ang magpapasaya sa akin. Sa ngayon, masaya ako kasama ang lalaking ito." Sa isip-isip ni Lucy Pearl. Napasimangot tuloy sya. Hindi nakaligtas sa estranghero ang pagsimangot ni Lucy Pearl at inakala nito na ayaw sumama ni Lucy Pearl sa unit nya.

"Sorry! masyado na atang kalabisan ang isama pa kita sa unit ko. Ang gusto ko lang ay maging safe ka kaya gusto kitang ihatid pero kung ayaw mo---" Hindi na natapos ng estranghero ang pagpapaliwanag. Bigla kasing nagsalita ang dalaga.

"Im going with you! Tara sa unit mo."

"Sure ka? Hindi ka ba hahanapin ng magulang mo?" Talagang nagulat ang estranghero. ibig sabihin kasi, gusto talaga sya ng dalaga dahil pumayag itong iuwi nya ito sa condo at sabay silang matulog.

"Hindi. Walang maghahanap sa 'kin. Ano? paaandarin mo iyan o bababa na lang ako?"

"Eto na. Paaandarin ko na, boss!"

"Good."

Magkakrus ang kamay ng dalaga habang tinatahak ang daan patungo sa condo unit ng estranghero. Sa mga oras na yon ay nawala na sya sa mood dahil muling pumasok sa isipan nya ang kanyang mga magulang.

"Sogurado kong proud na proud sila kay Ate. Hindi na bago yon at wala na akong paki. Masaya naman ako ngayon kahit wala sila. Dito na muna ako habang nasa ibang bansa sila."

Doon nga sa condo unit ng estranghero nagpalipas ng gabi si Lucy Pearl. Its a part of hrr rebellion. Pinatay nya ang Phone nya at inenjoy ang company ng estranghero. Hindi nya ito kilala sa pangalan pero magkaakap pa silang matulog na akala mo'y may relasyon talaga.

____________________

THE STRANGERS POINT OF VIEW.

I was so surprised when she came with me at my unit. This Girl has a something that I can't rid off. I dont totally know who she are but as a man, she satisfy my well being.

Earlier in the morning, I choose not to go to work. Gumising ako ng maaga para maghanda ng makakain namin. Si Lucy Pearl, all of a sudden, she came into my life that I was not prepare for. Hindi ko alam kung hanggang kailan magpapatuloy ang gawain namin na ito pero isa lang ang masasabi ko, Gustong-gusto ko siya sa kama. She's innocent. She is very sensitive. She is Pure when I took her.

Pangit mang sabihin pero ang set up namin ngayon ay sex Buddy lang. Gusto nya at lalong mas gusto ko. I just go with the flow. Kung anong trip nya sasakyan ko. Ang nakakalito lang talaga, hindi ko maintindihan kung bakit sinisira nya ang buhay nya. Hindi naman sa pag aano pero parang may mali sa kanya. Hindi nya pa ako lubusan na kakilala para pumayag sya sa lahat ng sabihin ko.

"Good morning!"

kagaya ngayon, gising na pala siya. Nagulat ako dahil bigla nya akong niyakap mula sa likuran ko. Medyo nailang lang ako. Napangiti ng pilit sa kanya. Ang ganda ng gising nya as if wala syang pag-aalala na kung hinahanap na ba siya sa kanila o ano. Bilang ako ang kasama nya, nagui-guilty ako. Nasabi pang iniligtas ko sya mula sa kapahamakan pero ako itong nagpapahamak sa kanya. Hindi ako ganoong tao at hindi ako mapagsamantalang lalaki. It happens na naging mahina ako bilang lalaki.

"Goodmorning!" bati ko pabalik sa kanya at kinalas mula sa akin ang kamay nyang nakaakap. "Ammm.... nagluto ako ng breakfast. Kumain ka na at pagkatapos ay ihahatid na kita sa inyo." pagdidiretso ko sa kanya. Ipinaghain ko sya at inalalayang maupo sa upuan.

"Bakit? sagot nya.

"Anong bakit? hindi ka umuwi kagabi kaya sigurado ako na hinahanap ka na ng mga magulang mo."

"pinapauwi mo na ako? Akala ko ba, gusto mo 'ko?" ngumuso sya sa akin at umismid. Hindi nya ginalaw ang pagkain na inihanda ko sa kanya at sa halip ay nangalumbaba. "Akala ko ba gusto mong maulit yung nangyari sa atin? Bakit parang ang lumalabas ngayon, pinagtatabuyan mo na ako?"

My head! napahilot ako sa sintindo. Hindi ko sinabing ayaw ko sa kanya. Ang akin lang, "Wala akong sinasabi na ayaw ko. Ang akin lang, napaka bata mo pa at tiyak na may magulang na nag-aalala sa 'yo. im older than you at ayokong isipin ng iba na inaabuso kita." Kung hahayaan ko kasi si Lucy Pearl ay ganun nga ang kalalabasan. Maabuso ko lang ang katawan nya at kamuwangan. I dont like that.

"Hindi nga nila ako hinahanap. Gusto ko dito. Gusto kita. I find peace when im with you. Ang corny mo naman 20 year Old na 'ko! Anong bata doon?"

Like what the fuck! 10 years pala ang gap ng Age ko sa kanya. Im 30 already at hindi ko talaga alam kung magiging problema ito balang araw.

Marami pa akong plano sa buhay at mga misyon na kailangan ko ng gawin. Ang nangyayari kasi ngayon, masyadong naging mabilis ang lahat sa amin ng babaeng ito at ngayon ay parang ayaw na nyang umuwi.

Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko. "okay. Fine! you Eat first at sige, kung gusto mong dumito, okay lang. But, I need to know first where you live at. Ihahatid kita after this, magkita na lang ulit tayo mamayang gabi? okay ba yon?"

"Sige na nga." parang napipilitan pa syang sumagot.

Gaya nga ng sinabi ko, sumusunod naman sya sa sinasabi ko. Inubos nya ang pagkain na inihanda ko at niligpit ito pagkatapos. Pagkatapos no'n ay bumaba na kami at sumakay sa kotse ko. Sinabi nya sa akin ang exact address na tinitirhan nya at ang ikinagulat ko ay doon pala ang bahay nila 1 kilometro ang layo sa pinaghintuan ko sa kanya kagabi.

"A-Are you sure d-dito ka nakatira?" Hindi ako makapaniwala.

"Oo, bakit? May problema ba?"

"W-wala. Wala naman."

Sinabi ko lang na walang problema pero meron. Habang tinatahak namin ang lugar na sinabi nya ay hindi ko mapigilan ang mairita. Tinapik ko ang manibela. Hindi ko na sya kinausap buhat ng malaman ko ang address niya. Sana lang talaga ay mali ang iniisip ko.

"Were here. Bago ka bumaba, pwede ba akong magtanong?"

"Ano 'yon?"

"Yung bahay ba na yan sa inyo yan?"

"Oo. bakit?"

"Kaano-ano mo si Angelica?"

"Ate ko sya. Huwag mo sabihing fans ka rin nya?"

"A-ate mo? what a Small world. Nariyan ba sya?"

"Wala. Huwag nga natin syang pag-usapan. Ako yung kasama mo tapos kung sino-sino ang hinahanap mo. Diyan ka na nga!"

Isa lang kasi ang nasisiguro ko ngayon. Isang malaking pagkakamali ang nangyari sa amin ni Lucy Pearl at Sad to say, kailangan ko na syang layuan hanggang maaga pa para walang maging Problema.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status